wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

RHS AP8 SY2025-2026 2nd Quarter Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Paano nakaapekto sa mga Europeo ang pagbagsak ng Constantinople?

a)

Naging ganap na sentro ng Kristiyanismo ang Constantinople na nagbigay inspirasyon sa Kanluranin

b)

Naipit ang mga Europeo sa mataas na buwis at paghadlang ng Ottoman kaya naghanap sila ng bagong ruta dagat patungong Asya

c)

Lalong lumakas ang kapangyarihan ng mga lungsod-estado ng Italya dahil sila lamang ang nakapagpatuloy ng kalakalan

2.

Kung hindi nasakop ng mga Ottoman ang Constantinople, alin sa mga sumusunod ang HINDI gaanong nakaapekto sa kasaysayan ng Europa?

a)

Ang patuloy na pagbebenta ng indulhensiya sa Simbahang Katolika

b)

Ang pagsisimula ng Panahon ng Paggalugad at paglalayag nina Columbus at da Gama

3.

 Ano ang pinakamainam na paliwanag sa tunay na diwa ng Renaissance?

a)

Pagbagsak ng lahat ng pamana ng Gitnang Panahon at pagtatatag ng bagong lipunan

b)

Muling pag-usbong ng interes sa klasikal na sining, agham, at kaisipang makatao

c)

Isang panahong nakatuon lamang sa pagsamba sa Diyos at Simbahan

4.

Kung ikaw ay pintor noong Renaissance na tagasunod ng Humanismo, anong uri ng sining ang pinakamagpapakita ng mga prinsipyong ito?

a)

Mga gawaing nagpapakita ng kapangyarihan ng hari at reyna

b)

Mga kuha ng abstraktong hugis na walang malinaw na anyo ng tao

c)

Obra na naglalarawan ng pang-araw-araw na buhay ng tao at kanilang emosyon

5.

Sino ang mongheng Aleman na nagprotesta laban sa pagbebenta ng indulhensiya sa pamamagitan ng kanyang 95 Theses?

a)

Henry VIII

b)

Martin Luther

c)

John Wycliffe

d)

St. Francis Xavier

6.

Kung ikaw ay mamamayan sa Europa noong Repormasyon, paano makatutulong sa iyo ang pagtigil ng Simbahan sa pagbebenta ng indulhensiya?

a)

Hindi ka na mapipilitang gumastos para sa kapatawaran ng kasalanan.

b)

Mas lalaki ang tsansa mong makakuha ng posisyon sa Simbahan.

c)

Hindi ka na sasailalim sa anumang ritwal ng pananampalataya.

7.

Kung ikaw ay miyembro sa Konseho ng Trent, ano ang irerekomenda mo para mapanatili ang tiwala ng mga mananampalataya?

a)

Palawakin ang mga koleksyon ng buwis para sa simbahan

b)

Ipagbawal ang pagbebenta ng indulhensya

c)

Tanggalin ng lahat ng sakramento at ritwal

d)

Alisan ng kapangyarihan ang Santo Papa sa Roma

8.

Anong hakbang ng Kontra-Repormasyon ang may pinakamalaking epekto sa Simbahang Katolika?

a)

Ang pagpapatuloy ng pagbebenta ng indulhensiya upang mapanatili ang yaman ng Simbahan

b)

Ang pagbuo ng Jesuits (Society of Jesus) na nanguna sa edukasyon at misyonero

c)

Ang hindi pag-aksyon laban sa mga Protestanteng simbahan

9.

Bakit nagsikap ang mga bansang Europeo na maghanap ng bagong rutang pandagat noong ika-15 siglo?

a)

Mas mapalawak ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Hilagang Europa

b)

Makaiwas sa mataas na buwis at kontrol ng mga Ottoman sa rutang panlupa

c)

Magkaroon ng pagkakataon na kumuha ng mas maraming alipin mula sa Aprika

10.

Kung ikaw ay hari ng Espanya o Portugal noong ika-15 siglo, ano ang pinakamalaking pakinabang sa pagsuporta sa mga manlalayag tulad nina Columbus at da Gama?

a)

Magkakaroon ng higit na proteksyon laban sa Ottoman Empire sa pamamagitan ng pagpapatatag ng hukbong panlupa

b)

Maiiwasan ang mga hidwaan sa pagitan ng mga Katoliko at Protestante sa Europa sa pamamagitan ng pagbaling sa panlabas na ekspedisyon

c)

Magkakaroon ang iyong kaharian ng eksklusibong karapatan sa mga bagong tuklas na lupain at mga likas na yaman nito, na magpapalakas sa iyong ekonomiya at prestihiyo

11.

Alin sa tatlong motibo ng “God, Gold, and Glory” ang nagbigay ng pinakamatibay na dahilan para sa patuloy na paggalugad ng mga Europeo?

a)

Ang paghahangad ng kayamanan, dahil ito ang direktang nakapagbigay ng tubo at nagpanatili ng interes ng mga monarko at mangangalakal.

b)

Ang pagpapanatili ng prestihiyo ng bansa, dahil ang bawat tagumpay sa paggalugad ay nagbubunsod ng higit na katanyagan at respeto mula sa ibang kaharian.

c)

Ang hangaring palaganapin ang Kristiyanismo, sapagkat ito ang nagbigay ng moral at relihiyosong katuwiran sa kanilang pananakop.

12.

Ano ang ipinapakita ng Kasunduan ng Tordesillas tungkol sa ugnayan ng Spain at Portugal?

a)

Handa silang sumuko sa kapangyarihan ng Ottoman upang mapanatili ang kanilang ekonomiya.

b)

Handa silang magbahagi ng kapangyarihan at teritoryo upang mapanatili ang kapayapaan at impluwensya ng Simbahang Katolika.

c)

Tinatanggap nila ang kalayaan ng ibang bansang Europeo na makibahagi sa kalakalan at eksplorasyon.

13.

Kung ikaw ang Papa noong ika-15 siglo, anong ibang hakbang ang maaari mong gawin para maiwasan ang monopolyo at mapanatili ang kapayapaan?

a)

Bumuo ng pandaigdigang kasunduan na magbibigay ng pantay na karapatan sa lahat ng kahariang Europeo na maggalugad at makipagkalakalan

b)

Magpataw ng buwis sa bawat bagong lupain na matutuklasan, at pantay na ipamamahagi ang kita sa lahat ng bansang Europeo.

c)

Magpapalitan ng mga manlalayag at teknolohiya sa pagitan ng mga kaharian upang magkaroon ng balanseng oportunidad

14.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit HINDI nagtagumpay ang Kasunduan sa Tordesillas bilang pangmatagalang kasunduan?

a)

Hindi kinilala ng ibang bansang Europeo tulad ng England at Netherlands ang kasunduan, at sila’y nagsimula ring maggalugad at manakop

b)

Hindi tinanggap ng Spain ang pagkakahati ng mundo at nilabag ang kasunduan sa kanilang ekspedisyon

c)

Pinili ng Portugal na ituon ang kanilang lakas sa kalakalan sa loob ng Europa kaysa sa mga bagong lupain

15.

Kung ikaw ay kabilang sa lipunang Aztec o Inca, paano ka maaapektuhan ng encomienda system?

a)

Magkakaroon ka ng kalayaan mula sa pamahalaang imperyal at mabibigyan ng sariling karapatan bilang mamamayan

b)

Mapipilit kang magtrabaho nang walang sapat na kabayaran para sa mga Espanyol kapalit ng proteksyon at pagtuturo ng Kristiyanismo

16.

Paano nakatulong sa pagbabago ng Espanya ang pananakop sa mga imperyong Aztec at Inca?

a)

Nawala ang interes ng Espanyol sa iba pang bahagi ng Asya at Aprika

b)

Lumakas ang ekonomiya at naging sentro ng kalakalan dahil sa pagpasok ng ginto at pilak

c)

Naging hiwalay ang simbahan at estado upang mapanatili ang balanse ng kapangyarihan

17.

Si Ibn Battuta, isang iskolar na Muslim, ay nakapaglakbay sa halos buong mundo ng Islam noong ika-14 na siglo. Ano ang pangunahing layunin ng kanyang mga paglalakbay na nakatulong sa kasaysayan?

a)

Magsulat ng detalyadong tala tungkol sa mga kultura at lipunang kanyang nadaanan

b)

Palawakin ang mga ruta ng kalakalan ng mga Europeo bago ang Panahon ng Paggalugad

c)

 Ipakilala ng Kristiyanismo sa Aprika at Asya

18.

Sa paanong paraan nagkaiba ang ekspedisyon ni Zheng He ng China at ng mga manlalayag na Europeo noong Panahon ng Paggalugad?

a)

Ang layunin ng China ay pagpapakita ng kapangyarihan at prestihiyo, habang ang mga Europeo ay nakatuon sa kalakalan at pananakop.

b)

Ang ekspedisyon ni Zheng He ay nakatuon sa pagpapalawak ng imperyo sa pamamagitan ng kolonisasyon.

c)

Ang mga Europeo ay tumangging makipagkalakalan, samantalang si Zheng He ay nagdala ng relihiyon.

19.

Kung ikaw ay iskolar noong Gitnang Panahon, anong malikhaing pamagat o konsepto ng aklat ang magpapakita ng epekto ng Islam at Confucianismo sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Dagat at Disyerto: Ang Islamikong Paglalakbay at Confucianong Pamumuno sa Kalakalan” – naglalarawan kung paano nagamit ang relihiyon sa pagpapalaganap ng kultura at kalakalan sa karagatan at kalupaan.

b)

Mga Alon ng Pananampalataya: Paglaganap ng Islam at Budismo sa Gitnang Asya” – nakatuon sa pagkakatulad ng Islam at Budismo sa pagpapalakas ng espirituwalidad.

c)

“Mga Dakilang Manlalakbay: Paglawak ng Kristiyanismo sa Silangan” – nakatuon sa pagsuporta ng Europa sa Asya gamit ang Kristiyanismo.

20.

Anong patakaran ni Akbar the Great ang nagpapakita ng relihiyosong toleransiya?

a)

Binuwag ang buwis para sa mga Hindu at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon.

b)

Ipinatupad nang sapilitan ang Islam sa lahat ng nasasakupan

c)

Ipinagbawal sa lahat ang ritwal ng Hinduismo at Buddhismo

21.

Sa iyong pagsusuri, alin sa mga ambag ng Mughal Empire ang may pinakamatagal na epekto sa India hanggang sa kasalukuyan?

a)

Pagpapalawak ng kalakalan sa mga Europeo

b)

Pagtatayo ng arkitekturang gaya ng Taj Mahal

c)

Pagpapakilala ng sistemang caste

22.

Paano nakaapekto ang mga patakaran sa relihiyon nina Akbar at Aurangzeb sa katatagan at pagbagsak ng Mughal Empire?

a)

Ang mga patakaran ni Akbar sa relihiyosong toleransiya ay hindi nagbigay ng pangmatagalang kapayapaan, sapagkat agad itong winakasan ni Aurangzeb na nagpatupad ng mas mahigpit na Islamisasyon.

b)

Ang magkaibang pananaw nina Akbar (toleransiya) at Aurangzeb (mahigpit na Islamisasyon) ay nagpakita na ang relihiyon ay maaaring parehong maging kasangkapan ng kapayapaan at mitsa ng hidwaan, kaya’t malaki ang naging ambag nito sa pagbagsak ng Mughal Empire.

23.

Ipagpalagay na ikaw ay isang mangangalakal na Europeo noong ika-17 siglo. Paano makaaapekto sa iyong kalakalan ang pagpapatupad ng Edict of Sakoku ng Tokugawa shogunate?

a)

Lubos kang mahihirapan dahil lilimitahan ng Japan ang pakikipagkalakalan sa iilang banyaga lamang tulad ng Dutch at Chinese.

b)

Mawawala ang banta ng mga pirata sa Asya dahil kontrolado ng Tokugawa ang mga dagat.

c)

Mas mapapadali ang iyong negosyo dahil naging bukas ang Japan sa mga bagong teknolohiya.

24.

Kung ikaw ay tagapayo ng Tokugawa shogunate, anong polisiya ang ipapanukala mo para maprotektahan ang Japan nang hindi tuluyang isinasara ang bansa?

a)

Magpatupad ng kontroladong kalakalan sa piling daungan na may mahigpit na regulasyon.

b)

Pahintulutan ang malayang kalakalan ngunit ipagbawal ng lahat ng banyagang teknolohiya.

c)

Hikayatin ang mga misyonerong Kristiyano na magturo sa mga paaralan ng Japan.

25.

Paano pinagsama ng mga Kanluraning bansa ang ekonomiko at relihiyosong motibo sa kanilang imperyalismo noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?

a)

Nagpatayo ng mga paaralan at simbahan kasabay ng monopolyo sa kalakalan.

b)

Pinairal ang demokrasya sa lahat ng kanilang nasakop na teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Aprika.

c)

Inalis ang relihiyon bilang bahagi ng pananakop at tumutok lamang sa ekonomiya

26.

Isipin na ikaw ay lider ng India noong ika-18 siglo na hinaharap ang pananakop ng British East India Company gamit ang lakas-militar at impluwensiyang pang-ekonomiya. Anong estratehiya ang pinakaangkop upang mapanatili ang iyong kalayaan?

a)

Makipagtulungan sa mga lokal na pinuno upang bumuo ng isang sentralisadong hukbo laban sa mga British.

b)

Pabayaan ang mga pananakop at makipagkasundo upang maiwasan ang labanan.

c)

Isara ang lahat ng ruta ng kalakalan upang hindi makapasok ang mga Europeo

27.

Ano ang pangkaraniwang epekto ng imperyalismo sa Amerika, India, at East Indies?

a)

Lumawak ng kalayaan at soberanya ng mga lokal na pamahalaan.

b)

Umunlad ng mga katutubong industriya at pag-angat ng kabuhayan.

c)

Nawalan ng kontrol ng mga katutubo sa kanilang sariling yaman at kalakalan.

28.

Alin sa mga sitwasyon ang pinakamalinaw na nagpapakita ng pagsasama ng layuning panrelihiyon, pampulitika, at pang-ekonomiya sa agresibong pananakop ng mga Kanluraning bansa?

a)

Ang Portugal ay nagtatag ng mga misyon sa Asya, na tanging layunin lamang ay pagpapalaganap ng Kristiyanismo, kahit hindi ito nakaugnay sa kalakalan.

b)

Ang Spain ay nagpadala ng mga misyonero sa Amerika, habang sabay na kumukuha ng ginto at pilak, at pinatutunayan ang kanilang kapangyarihan laban sa ibang kaharian ng Europa.

29.

Kung ikaw ay historyador, paano mo susuriin ang kabuuang epekto ng imperyalismo sa mga bansang nasakop?

a)

Mas nakasama ito dahil nagbunga ng kawalan ng kalayaan at matinding pagsasamantala.

b)

Pantay lamang ang naging epekto dahil parehong naramdaman ang benepisyo at pinsala.

c)

Mas nakabuti ito dahil nagdala ng modernisasyon at imprastrukturang walang katulad.

30.

Kung ikaw ay guro ng kasaysayan, paano mo gagamitin ang mga halimbawa ng pagtutol sa East Indies, India, at Amerika upang ipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kasalukuyan?

a)

Sabihin na walang epekto ang anumang uri ng paglaban laban sa imperyalismo.

b)

Ipakita na ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ay maaaring magbigay ng lakas upang harapin ang mas makapangyarihang puwersa.

c)

Ipaliwanag na tanging karahasan lamang ang paraan ng paglaban sa pang-aapi.

31.

Ano ang ipinapakita ng iba’t ibang paraan ng pagtugon ng mga bansang nasakop sa pananakop ng mga Kanluranin?

a)

Ang mga bansang nasakop ay may iba’t ibang antas ng lakas, kultura, at estratehiya upang protektahan ang kanilang kapayapaan at kalayaan.

b)

Ang mga bansang nasakop ay walang kakayahang magplano ng epektibong estratehiya.

c)

Ang lahat ng bansang nasakop ay nagsanib upang bumuo ng iisang imperyo laban sa Kanluran.

32.

Kung ikaw ay lider ng isang bansang Asyano noong ika-19 na siglo na nasakop, alin sa mga plano ang pinakaangkop na paraan upang makibagay sa pag-usbong ng mga imperyalistang bansa tulad ng Great Britain at France?

a)

Tumutok lamang sa pagprotekta ng kultura at relihiyon, kahit na isuko ang ekonomiya at pakikipag-ugnayan sa Kanluranin.

b)

Magtago sa likod ng ibang kolonya at asahang tutulungan ng ibang bansang Asyano ang sariling bayan laban sa mga Kanluranin.

c)

Magsagawa ng malawakang reporma sa militar at edukasyon upang makipagsabayan at hindi lubusang masakop.

33.

Alin sa mga sumusunod na pilosopo ng Enlightenment ang nagbigay-diin sa ideya ng natural rights tulad ng buhay, kalayaan, at ari-arian, na kalaunan ay naging batayan ng mga demokratikong rebolusyon?

a)

Baron de Montesquieu

b)

John Locke

c)

Thomas Hobbes

34.

Paano mo magagamit ang mga kaisipan ng Enlightenment upang gawing mas makatao at makatarungan ang pamahalaan noong ika-18 siglong Europa?

a)

Ipagpatuloy ang absolutong kapangyarihan ng hari upang mapanatili ang kaayusan.

b)

Pairalin ang mga batas na may katarungan at proteksiyon sa karapatan ng mamamayan.

c)

Iwasan ang anumang pagbabago at panatilihin ang tradisyon ng Simbahan.

35.

Kung susuriin, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pahayag upang ipaliwanag kung bakit ang Age of Enlightenment ay itinuturing na pundasyon ng modernong lipunan?

a)

Nagbigay-diin sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga monarkiya

b)

Nagpatibay ng kapangyarihan ng Simbahan at ng mga pari

c)

Nagpalaganap ng ideya ng siyensya at rasyonal na pag-iisip na humamon sa tradisyonal na awtoridad

36.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang pariralang “No taxation without representation” ay naging makapangyarihang sigaw ng mga kolonistang Amerikano laban sa pamahalaang Britanya?

a)

Paniniwala na dapat magkaroon ng boses sa paggawa ng batas kung sila ay pinapatawan ng buwis

b)

Kagustuhan na maging ganap na monarkiya tulad ng Britanya

c)

Pagtutol sa mataas na presyo ng mga produkto mula Europa

37.

Paano naging mitsa ng Rebolusyong Amerikano ang mga kaisipan nina Locke, Montesquieu, at Rousseau?

a)

Ang kanilang mga kaisipan ay nagtulak sa Simbahang Katoliko na pamunuan ang rebolusyon.

b)

Ang kanilang mga ideya ay nagbigay-katwiran sa mga kolonista na ipaglaban ang kalayaan at magtatag ng sariling pamahalaan.

c)

Ang kanilang mga akda ay nag-udyok sa mga kolonista na tanggapin ang pamumuno ng hari.

38.

Kung ikaw ay delegado sa Continental Congress noong 1776, anong ideya mula sa Enlightenment ang ilalagay mo sa Declaration of Independence?

a)

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay dapat manatiling nasa kamay ng mga Maharlika.

b)

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa hari na may ganap na awtoridad.

c)

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa mamamayan at dapat itong gamitin para sa kanilang kapakanan.

39.

Ano ang pangunahing dahilan ng paghina ng kapangyarihan ng mga piyudal na panginoon at paglalakas ng pamahalaan ng mga hari sa Europa noong ika-16 hanggang ika-18 siglo?

a)

Dumami ang mangangalakal at bagong uring gitnang-uri o bourgeoisie na sumuporta sa hari sa halip na sa mga panginoong piyudal.

b)

Dumating mga misyonerong Europeo na nagpalakas ng kapangyarihan ng simbahan laban sa mga hari.

c)

Mabilis na umusbong ang mga pamayanang agrikultural na nagbigay ng higit na yaman sa mga magsasaka kaysa sa mga maharlika

40.

Kung ikaw ay isang tagapayo ng isang hari sa Europa noong panahon ng pag-usbong ng mga bansang-estado, anong estratehiya ang iyong imumungkahi upang higit pang mapatatag ang kapangyarihan ng hari laban sa mga kalaban nitong panginoong piyudal?

a)

Magpalakas ng hukbo gamit ang pondo mula sa buwis ng mga mangangalakal at pagpapalawak ng teritoryo.

b)

Ibalik ang sistemang barter at limitahan ang impluwensiya sa mga lungsod upang hindi lumakas ang gitnang uri.

c)

Panatilihing maliliit ang kaharian upang hindi maging banta ang sentralisadong pamahalaan.

41.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan sa Ancien Régime o lumang kaayusan sa France bago ang Rebolusyong Pranses?

a)

Isang lipunang nahahati sa tatlong antas o estate kung saan ang una at ikalawang estado ay nakikinabang, samantalang ang ikatlong estado ay pinapasan ang bigat ng pagbubuwis.

b)

Isang sistemang pulitikal na nakabatay sa monarkiyang konstitusyonal kung saan pantay ang lahat ng mamamayan sa pagbabayad ng buwis.

c)

Isang gobyerno na pinamumunuan ng mga Jacobin at Girondin na naglalayong isulong ang reporma at kalayaan

42.

Kung ikaw ay isang magsasaka na kabilang sa Ikatlong Estado noong simula ng Rebolusyong Pranses, paano mo maisasabuhay ang iyong pagtutol laban sa mga pribilehiyo ng Unang at Ikalawang Estado?

a)

Bumuo ng National Assembly at makilahok sa paggawa ng Konstitusyon

b)

Tumulong sa mga maharlika na magtayo ng mas maraming kastilyo at lupaing sakahan.

c)

Manatili sa sa tradisyunal na sistemang piyudal upang mapanatili ang kaayusan.

43.

Ano ang pinakamahalagang naging bunga ng pagpugot kay Haring Louis XVI sa usaping pampolitika at panlipunan?

a)

Naging hudyat ito ng mas radikal na yugto ng Rebolusyon at nagpahiwatig na ang soberanya ay nasa mamamayan, hindi sa hari.

b)

Nagbigay daan ito sa pagbabalik ng piyudalismo at mas matinding kapangyarihan ng maharlika.

c)

Nagpatibay ito sa kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at nagpahina sa mga Jacobins.

44.

Sa iyong palagay, makatarungan ba ang paggamit ni Robespierre ng Reign of Terror upang ipagtanggol ang Rebolusyong Pranses?

a)

Oo, dahil ang matinding parusa ay nagbigay ng hustisya at nagpatibay ng pagkakapantay-pantay sa Lipunan.

b)

Hindi, sapagkat nilabag nito ang prinsipyo ng kalayaan at karapatang pantao na siyang adhikain ng Rebolusyon.

c)

Hindi, sapagkat pinahina nito ang Simbahang Katoliko at nagpatibay ng sekularismo sa pamahalaan.

d)

Oo, sapagkat ito lamang ang paraan upang pigilan ang pagbabalik ng kapangyarihan ng maharlika at simbahan.

45.

Paano nakatulong ang Meiji Restoration sa mabilis na modernisasyon ng Japan noong ika-19 na siglo?

a)

 Nagsara ang Japan sa lahat ng ugnayang panlabas upang mapanatili ang tradisyonal na kultura.

b)

Nabuwag ang sistemang pyudal, niyakap ang teknolohiyang Kanluranin, at tumibay ang pambansang hukbo at edukasyon.

c)

Bumalik ang pyudalismo at mas naging mahigpit ang shogun sa ekonomiya.

46.

Kung ikaw ay lider tulad ni Simón Bolívar, anong estratehiya ang pinakaangkop upang mapagkaisa ang mga kolonya sa South Amerika na may iba’t ibang wika, relihiyon, at uri ng lipunan?

a)

Gumamit ng mga prinsipyong nasyonalismo at pagkakaisa upang maipakita na ang lahat ng kolonya ay iisa laban sa mananakop.

b)

Mangampanya na panatilihin ang kontrol ng Espanya kapalit ng kalayaan sa pangangalakal.

c)

Magbigay ng mas maraming pribilehiyo sa iilang elitista kaysa sa mga ordinaryong mamamayan.

47.

Ano ang pangunahing implikasyon ng Back to Africa Movement ni Marcus Garvey sa kamalayang panlipunan at pampulitika ng mga Aprikanong nakaranas ng kolonyalismo at diskriminasyon?

a)

Nagpatibay ito ng ideya na ang tanging paraan ng paglaya ay ang pagbabalik sa Europa.

b)

Naging inspirasyon ito ng mga kilusan sa Aprika para sa kalayaan at pagkilala sa sariling kultura at identidad.

c)

Nagbigay ito ng mas malaking suporta sa imperyalismong Europeo sa Aprika.

48.

Alin sa tatlong prinsipyo ni Sun Yat-sen — nasyonalismo, demokrasya, o kabuhayan — ang pinakamalaking dahilan ng pagbagsak ng imperyo sa Tsina, at bakit?

a)

Kabuhayan, dahil agad nitong naresolba ang lahat ng suliraning pang-ekonomiya ng mga Tsino.

b)

Nasyonalismo, dahil ito ang nagbuklod sa mga Tsino laban sa dayuhan at dinastiyang Manchu.

c)

Demokrasya, dahil mabilis nitong naitaguyod ang ganap na kalayaan ng Tsina mula sa kolonyalismo.

49.

Nais mong lumaya ang iyong bansa mula sa kolonyalismong Kanluranin. Paano mo ilalapat ang prinsipyong Satyagraha ni Mahatma Gandhi bilang lider ng bansa?

a)

Gumamit ng dahas na may kasabay na diplomasya upang mas mapadali ang paglaya.

b)

Magsagawa ng mapayapang protesta, civil disobedience, at pagtutol na walang karahasan upang ipakita ang moral na kahinaan ng kolonyalismo.

c)

Makipag-alyansa sa mga kolonyalista upang unti-unting makuha ang kalayaan.

50.

Sa iyong palagay, sapat ba ang passive resistance ni Gandhi upang makamit ang kalayaan ng India kumpara sa mga bansang gumamit ng marahas na rebolusyon?

a)

Oo, dahil nagbunga ito ng malawak na pagkakaisa ng lahat ng uri ng mamamayang Indiano at pagkilala ng Britanya sa kanilang hangarin.

b)

Hindi, sapagkat hindi nito naabot ang tunay na kalayaan at nanatili pa rin ang India sa ilalim ng impluwensya ng Britanya.

c)

Oo, sapagkat ipinakita nitong mas matibay at epektibo ang kapangyarihan ng moralidad kaysa armas.

d)

Hindi, dahil labis na tumagal ang laban ng India at mas mabilis sana kung gumamit ng dahas.