wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Pagsusulit sa Filipino 8

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing ipinapakita sa katauhan ni Binibining Phathupats?

a)

Pagmamalaki sa sariling wika at lahi

b)

Pagpapahalaga sa tradisyon ng mga Pilipino

c)

Pagpapanggap at labis na paghanga sa banyaga

d)

Pagiging masipag at tapat sa tungkulin

2.

Ano ang layunin ni Juan Crisostomo Soto sa pagsulat ng akdang ito?

a)

Magpatawa lamang sa mambabasa

b)

Punahin ang mga Pilipinong nagpapanggap na banyaga

c)

Ilarawan ang kagandahan ng wikang Ingles

d)

Hikayatin ang paggamit ng mga banyagang produkto

3.

Ano ang ipinahihiwatig ng labis na paggamit ni Binibining Phathupats ng wikang banyaga?

a)

Katapatan sa bansa

b)

Pagiging marunong at edukado

c)

Pagkawala ng pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan

d)

Pagiging makabayan at magalang

4.

Paano ginamit ng may-akda ang katatawanan upang ipahayag ang mensahe ng akda?

a)

Sa pamamagitan ng mga katawa-tawang sitwasyon upang takpan ang seryosong tema

b)

Ginamit upang mas madaling maipaunawa ang kamalian sa lipunan

c)

Ginamit ito upang pasiglahin ang mga tauhan

d)

Wala namang kinalaman ang katatawanan sa mensahe

5.

Ano ang aral na mapupulot sa akdang Binibining Phathupats?

a)

Mas mainam ang paggamit ng wikang banyaga sa lahat ng oras

b)

Dapat nating mahalin at ipagmalaki ang sariling wika at kultura

c)

Ang pagiging sosyal ay sukatan ng tagumpay

d)

Ang pagkukunwari ay nakatutulong upang umangat sa lipunan

6.

Noong una ay ang maglako ng ginataan at bitso ang gawain ni Yeyeng.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Binigyan ng pangalang Binibining Phathupats si Yeyeng dahil sa husay niyang magsalita ng Ingles.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Lumitaw ang tunay na kulay ni Binibining Phathupats nang punasan niya ang mukha dahil sa pag-iyak.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Pinagtulungan na ng mga taong inisin si Yeyeng dahil sa kanyang naging pangit na asal bilang isang Kapampangan.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang matinding pagkahiya ni Yeyeng ay nangyari sa paglabas ng pahayagang Kapampangan sa Bacolor na Ing Emangabiran.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ano ang pangunahing layunin ng pagsulat ng isang lathalain?

a)

Mag-ulat lamang ng mga katotohanang pangyayari

b)

Magpahayag ng damdamin at magbigay-kaalaman sa isang paksa

c)

Magbigay ng opinyon sa isang isyung politikal

d)

Manghikayat ng mambabasa na bumili ng produkto

12.

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “balitang may puso”?

a)

Ang lathalain ay kathang-isip lamang

b)

Binibigyan ng damdamin at buhay ang mga impormasyong inilahad

c)

Ang lathalain ay puno ng opinyon at haka-haka

d)

Isa lamang itong aliwan para sa mambabasa

13.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng lathalain?

a)

Lathalaing may makataong damdamin

b)

Lathalaing pabalita o paglalahad

c)

Lathalaing pasalaysay

d)

Lathalaing pampanitikan

14.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng lathalain sa karaniwang balita?

a)

Ang lathalain ay mas mahaba kaysa sa balita

b)

Ang lathalain ay gumagamit ng mas maraming datos

c)

Ang lathalain ay may kasamang damdamin at pananaw ng manunulat

d)

Ang lathalain ay laging tungkol sa politika

15.

Anong katangian ng isang mabuting lathalain ang nag-iiwan ng impresyon o aral sa mambabasa?

a)

Magandang pamagat

b)

Panimulang nakahihikayat

c)

Katawang naglalarawan ng damdamin

d)

Kongklusyon