WorksheetsReview Quiz Ikalawang Markahan sa Filipino 8
Total questions: 57
Worksheet time: 29mins
Ito ang mga bagay na ginagamit sa dula upang mas mapalapit sa reyalidad ang mga eksena.
props
ilaw
direktor
manunulat
Mahalaga ito upang mabigyang-diin ang iba’t ibang bahagi ng tanghalan at magbigay ng tamang atmospera sa dula.
ilaw
kanta
kasuotan
pagkain
Ito ang mga kasuotan at pampaganda na ginagamit upang maging mas maging makatotohanan ang pagganap ng mga aktor bilang kanilang mga tauhan.
costume at make-up
ilaw at tunog
direksyon at script
entablado at props
Ang mga tunog at awitin na ginagamit sa dula upang magbigay-diin sa mga emosyon at eksena.
musika
ilaw at anino
kasuotan at props
galaw at sayaw
Ito ang mga linyang binibigkas ng mga tauhan.
dayalogo
banghay
tagpuan
tema
Ito ang pinapaksang o mensaheng nais iparating ng dula.
tema
tauhan
tagpuan
banghay
Siya ang namamahala sa takbo ng dula.
direktor
aktor
manonood
tagasulat
Ito ang lugar kung saan ginaganap ang dula. Maaaring isang entablado o anumang lugar na maaaring gamitin para sa pagtatanghal.
tanghalan
manonood
ilaw
direktor
Sila ang nagsasabuhay ng mga tauhan sa dula. Dito rin kabilang ang kilos, galaw, at emosyon na ipinakikita ng mga actor.
aktor
manunulat
tagadirehe
tagapanood
Ito ang nagsisilbing kaluluwa ng dula. Nakasulat dito ang mga diyalogo, kilos, at eksena na susundin ng mga aktor.
iskrip
direktor
tagpuan
ilaw
Ito ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
tutuldok-tuldok
tuldok
kuwit
panaklong
Ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-uring o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita
kudlit
tuldok
kuwit
tandang pananong
Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
tuldok
kuwit
gitling
panaklong
Ginagamit sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
gitling
tuldok
kuwit
tandang pananong
Ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa pormal na liham.
tutuldok
kudlit
tuldok
kuwit
Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.
panipi
tuldok
kuwit
gitling
Ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin.
tandang padamdam
tuldok
kuwit
tandang pananong
Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na patanong.
tandang pananong
tuldok
kudlit
kuwit
Ginagamit sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas sa isang liham-pangkaibigan.
kama
tuldok
kuwit
tandang pananong
Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
tuldok
kudlit
kuwit
tandang pananong
Si Alejandro G. Abadilla ang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog”.
Tama
Mali
Tinulutan ni Rizal ang paratang na tamad ang mga Pilipino at ito ay kaniyang pinatunayan.
Tama
Mali
Si Dr. Jose Rizal ang sumulat ng “Ako ang Daigdig”.
Tama
Mali
Malaya nang naipahayag ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan sa panahon ng mga Espanyol.
Tama
Mali
Si Jose Corazon de Jesus ay mas kilala sa tawag na Huseng Batute.
Tama
Mali
Si Amado V. Hernandez ang sumulat ng “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan.”
Tama
Mali
Ang tula ay hindi maaaring walang taglay na tugma at sukat.
Tama
False
Ang kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog” ay si Jose Corazon de Jesus.
Tama
False
Ang “Katamaran ng mga Pilipino” ay sanaysay na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Tama
False
Kadalasang pinapaksâ sa panahon ng Espanyol ay patungkol sa relihiyon at paghihimagsik.
Tama
False
Ano ang kilusang nabuo at nabuo ng pangkat ng mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa upang manguna sa paghahangad ng pagbabago gamit ang kanilang panulat?
Kilusang Katipunan
Kilusang Propaganda
Kilusang Kalayaan
Kilusang Manunulat
Alin sa sumusunod ang hindi dahilan kung bakit simboli ang damdaming makabayan noong panahon ng propaganda?
A. ang pananatili ng panlobo na esensiya ng katutubong kultura
B. pagsulong ng edukasyon noong kalagitnaan ng 1800
C. pagbitay sa tatlong paring martir
D. pagkakaroon ng pagtuturo ng wikang Ingles
Ano ang anyo ng sanaysay kung ito ay tumatalakay sa personal o kaswal na paksa na maaaring nakabatay lamang sa sariling damdamin o kaisipan ng may-akda?
Pormal
Impormal
Estilo
Himig
Sa akdang “Katamaran ng mga Pilipino”, alin sa mga sumusunod ang hindi naging dahilan kung bakit nasabing tamad ang mga Pilipino?
A. ang mainit na singaw ng panahon
B. kawalang kakayahan na magtanggol laban sa mga mandarambo
C. pagbibigay ng sapat na suporta para sa mga magsasaka
D. sinabi ng kura na hindi makapapasok sa langit ang taong mayaman
Anong uri ng kohesyong gramatikal ang tumutukoy sa paggamit ng mga panghalip na tumutukoy sa mga nauna at nahuling pangngalan o salitang tumutukoy sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap?
Reperensiya
Pagpapalit o Substitusyon
Pag-uugnay
Elipsis
Anong uri ng kohesyong gramatikal ang tumutukoy sa mga salitang ipinapalit sa paksa o iba pang bahagi ng pangungusap na naunang nabanggit?
Pagpapantukoy
Pagpapalit o Substitusyon
Pag-uugnay
Elipsis
Anong uri ng kohesyong gramatikal ang binabawasan ang bahagi ng pangungusap ngunit nauunawaan pa rin ng mga mambabasa dahil sa unang pahayag?
Pagpapantukoy
Pagpapalit o Substitusyon
Pag-uugnay
Elipsis
Anong uri ng kohesyong gramatikal ang tumutukoy sa paggamit ng mga pang-ugnay upang higit na manunawaan ng mga mambabasa ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay?
Pagpapantukoy
Pagpapalit o Substitusyon
Pag-uugnay
Elipsis
Gumamit ng sagisag-panulat si Andres Bonifacio tulad ng Agapito Bagumbayan at May Pag-asa. Ginamit niya ang mga ito sa pagsulat. Anong uri ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Pagpapantukoy
Pagpapalit o Substitusyon
Pag-uugnay
Elipsis
Ano ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata?
Katapora
Pagpapalit o Substitusyon
Anapora
Elipsis
Ano ang tawag sa mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang pananda sa pangngalang nasa hulihan?
Katapora
Pagpapalit o Substitusyon
Anapora
Elipsis
Anong akdang pampanitikan ang nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng saknong at taludtod na karaniwang may sukat, tugma, karikatan at talinhaga?
Alamat
Sanaysay
Pabula
Tula
Anong anyo ng tula ang may sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan?
Blanko-berso
Tradisyonal
Malayang taludturan
Tugmaan
Anong uri ng taludturan ang walang sukat at walang tugma?
Blanko-berso
Tradisyonal
Malayang taludturan
Tugmaan
Anong uri ng taludturan ang may sukat bagama't walang tugma?
A. Blanko-berso
B. Tradisyonal
C. Malayang taludturan
D. Tugmaan
Anong elemento ng sanaysay ang tumutukoy sa nais iparating ng manunulat sa mambabasa?
Damdamin
Kaisipan
Himig
Paksa
Anong elemento ng sanaysay ang tumutukoy sa naipapahayag na emosyon ng may-akda?
Damdamin
Kaisipan
Estilo
Paksa
Anong akda ni Rizal ang sumagot sa mga pang-insultong paulit-ulit na ipinupukol sa mga Pilipino tungkol sa pagiging tamad?
La Solidaridad
La Indolencia de los Filipinos
La Liga Filipina
La Pis at Papel
Sino ang sumulat ng akdang “Ang Ningning at ang Liwanag”?
Dr. Jose Rizal
Alejandro G. Abadilla
Emilio Jacinto
Amado Hernandez
Sa tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”, kanino inihalintulad ng makata ang Pilipinas bilang pambayad ng utang?
Sisa
Huli
Basilio
Crispin
Sa tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”, ano ang paglalarawan kay Sisa?
inagawan ng laya
alipin pambayad sa utang
binaliw ng kahirapan
palalong nagdiriwang
Ano ang tawag sa katipunan ng nakaayos na mga linya o berso ng tula?
Taludturan
Talinghaga
Tugmaan
Panulaan
Mayroon bang mga tula na walang tugma?
Opo.
Wala po.
Siguro po.
Hindi ko po alam.
Sa panahon ng Amerikano, sino ang nagpasimula ng bagong anyo ng tulang Pilipino sa pamamagitan ng akda niyang tula na may iba’t ibang sukat, tulang blanko berso, at ang malayang taludturan?
Jose dela Cruz
Jose Rizal
Jose Corazon de Jesus
Jose Mari Chan
Anong akdang pampanitikan ang nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging sa tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, o guniguni ng sumulat?
Alamat
Sanaysay
Pabula
Tula
Sino ang nagsabi na ang sanaysay ay hango sa dalawang salita: sanay at salaysay?
Alejandro G. Abadilla
Amado V. Hernandez
Genoveva Matute
Emilio Jacinto
Magkano ang halaga ng karapatan sa Pilipinas batay sa kasunduan ng España at Estados Unidos?
20 milyong dolyares
20 milyong piso
20 libong dolyares
2 milyong dolyares
