wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAHABANG PAGSUSULIT BILANG 2

Total questions: 30

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga salik na nakakaapekto sa demand ang angkop sa kalagayang ito?

a)

panlasa

b)

dami ng mamimili

c)

presyo ng magkaugnay na produkto

d)

Inaaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap

2.

Ano ang salik na nagpapabago ng kanyang demand?

a)

kita

b)

panlasa

c)

pag-aanunsyo

d)

dami ng mamimili

3.

Paano mo maisasabuhay ang konseptong ito?

a)

Bumili ng produkto kung mababa ang presyo at pansamantalang iwasan ang pagbili kung mahal pa ang presyo nito.

b)

Gumaya sa iba na bumili ng maramihan sa kabila ng napakataas na presyo nito.

c)

Kakaunti lang ang bibilhin dahil sa mababa lamang ang presyo ng produkto.

d)

Taasan ang pagkosumo kahit mataas ang presyo.

4.

Ano ang matalinong desisyon na pwedeng gawin ng isang mamimili?

a)

Bumili pa rin ng N-95 surgical face mask upang ipakita sa iba ang iyong kakayahan na bumili sa kabila ng mahal na presyo.

b)

Bumili ng ordinary face mask bilang pamalit sa N-95 surgical face mask.

c)

Hintayin na may magbigay sa iyo ng N-95 surgical face mask.

d)

Umutang sa mga kaibigan upang may pandagdag sa pambili.

5.

Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produkto?

a)

Huwag nang bumili upang maiwasan ang pagtaas ng demand.

b)

Bumili lamang ng sapat at kailangang produkto.

c)

Bilhin ang gustong produkto.

d)

Wala sa mga nabanggit.

6.

Alin sa sumusunod na gawi ng isang konsyumer ang naglalarawan sa Batas ng Demand?

a)

Marami ang binili kahit na mataas ang presyo.

b)

Mamili ng produkto dahil sa marami ang bumibili nito.

c)

Tipid ka sa pamimili ng mga produkto kahit mababa ang presyo.

d)

Kakaunti lang ang biniling produkto dahil sa mataas ang presyo. Ngunit nang bumaba ang presyo, marami na ang binili nito.

7.

Anong salik ang nakaaapekto ng kanyang demand?

a)

Panlasa

b)

Dami ng mamimili

c)

Presyo ng magkaugnay na produkto

d)

Inaaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap

8.

Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng tunay na konsepto ng demand?

a)

Ang mga konsyumer ay naghahanap ng pamalit o kahilili ng produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng nakasanayan nilang produkto.

b)

Tinatangkilik ng mga konsyumer ang mga produkto na mula sa ibang bansa dahil sa kalidad nito.

c)

Bumibili ang mga mamimili ng mga produkto ayon sa mga patalastas na napapanood sa telebisyon.

d)

Likas sa mga maimili na bumili ng mga produkto na rekomendado ng kanilang mga kaibigan.

9.

Ano dapat na maging gawi ng isang konsyumer upang maiwasan ito?

a)

Unahing ikonsumo ang mga bagay na nagbibigay nang lubos na kasiyahan.

b)

Tangkilikin ang mga produktong ini-endorso ng iniidolo artista.

c)

Bumili lang ng mga produktong kailangan.

d)

Sumunod sa uso.

10.

Ang bandwagon effect ay isa sa mga nakaaapekto sa demand. Alin sa sumusunod ang HINDI tugma sa kalagayang ito?

a)

Bumili ng bisekleta para makatipid sa pamasahe tuwing papasok sa eskwela.

b)

Bumibili ng produkto dahil sa inindorso ng sikat na artista

c)

Nagpakabit ng internet dahil gustong makasabay sa uso.

d)

Makiuso sa pagbili ng mga produkto sa online store.

11.

Mahalagang maunawaan ang konsepto ng supply na tumutukoy sa _____

a)

pangangailangan at kagustuhan ng sambahayan.

b)

mga produkto at serbisyo na handang bilhin ng mga mamimili.

c)

mga produkto na ginagawa ng mga supplier sa isang takdang panahon.

d)

dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

12.

Bilang prodyuser, ano ang pinakabatayan sa paglikha ng produkto at serbisyo para sa pamilihan?

a)

Mataas na presyo ng produkto.

b)

Pabago-bago na presyo sa pamilihan.

c)

Mababa na demand ng mga mamimili.

d)

Mataas na presyo ng mga hilaw na materyales.

13.

Ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksyon ay nagreresulta ng mataas na presyo ng produkto at pagbaba ng demand nito. Bilang supplier, paano ito nakaaapekto sa iyong posibleng kita?

a)

Tataas ang kita dahil mataas ang presyo ng produkto.

b)

Bababa ang kita dahil sa krisis na nararanasan.

c)

Bababa ang kita dahil sa pagbaba ng demand.

d)

Wala sa mga nabanggit.

14.

Sa pahanon ng pandemya at kalamidad, maaaring magkaroon ng pagbaba ng supply at pagtaas ng demand dahilan upang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Bilang supplier, ano ang pinakamaganda mong gawin?

a)

Pansamantalang itago ang produkto at ibenta sa panahon na mataas na ang presyo.

b)

Magbenta ng produkto sa tamang presyo at iwasan ang pananamantala.

c)

Magbenta ng produkto sa mas mataas na presyo upang kumita ng malaki.

d)

Sisihin ang pamahalaan dahil sa kakulangan ng supply ng produkto.

15.

Ano ang mangyayari sa dami ng supply (QS) kung ang mga manggagawa sa pabrika ni Mary Joy ay dumaan sa masusing pagsasanay?

a)

dadami

b)

bababa

c)

mawawala

d)

hindi magbabago

16.

Nasalanta ng Bagyong Ambo ang malawak na taniman ng palay ni Edgar sa Compostela Valley. Ang kurba ng supply ay lilipat __________.

a)

pakanan

b)

pakaliwa

c)

pababa

d)

paitaas

17.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng supply?

a)

hoarding

b)

dami ng natitinda

c)

subsidiya ng pamahalaan

d)

mababang presyo ng mga salik ng produksyon

18.

May kakapusan sa supply ng bigas sa Banay-banay, Davao Oriental dahil sinalakay ng mga daga ang mga pananim. Ano ang salik na nakaaapekto sa supply nito?

a)

Pagbabago ng klima at kalamidad

b)

Ekspektasyon ng mga negosyante

c)

Pagtaas sa gastos ng produksyon

d)

Presyo ng kaugnay na produkto

19.

Alin sa sumusunod ang magbubunga ng pagtaas ng supply?

a)

Pagtanggal sa mga manggagawa.

b)

Pagmahal ng singil sa koryente.

c)

Pagbili ng bagong makina.

d)

Pagbaba ng presyo.

20.

Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng face shield sa pamilihan, kaya si Andrei ay nahikayat na magtinda sa nasabing produkto. Alin sa sumusunod na mga salik ang nakaaapekto sa suplay?

a)

presyo ng kaugnay na produkto

b)

presyo ng ibang produkto

c)

dami ng nagtitinda

d)

panahon

21.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang makapagpababa sa supply ng bigas?

a)

Pagdagdag ng mga manggagawa.

b)

Pagbaba ng gastos sa produksyon.

c)

Tumataas na presyo n

22.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang makapagpababa sa supply ng bigas?

a)

Pagdagdag ng mga manggagawa.

b)

Pagbaba ng gastos sa produksyon.

c)

Tumataas na presyo ng langis sa merkado.

d)

Makabago at sistematikong paraan ng pagtatanim.

23.

Alin sa sumusunod ang may pinakaangkop na paglalapat sa konsepto ng suplay?

a)

Ang pagbagsak ng presyo ng isda sa pamilihan ay nagdudulot ng pagtaas sa dami ng mamimili.

b)

Dahil sa mataas ang presyo ng Durian, na-eeganyo si Valesno na magprodyus ng marami nito.

c)

Madaling naubos ang mga paninda nina Ana at Justine dahil mura lang ang presyo nito.

d)

Ang NCCC department store ay nagsagawa ng malawakang sales discount.

24.

May ilang negosyante na kapag inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong kanilang ikinakalakal ay gumagawa ng mga gawain tulad ng hoarding. Kung ikaw ang tatanungin, makatarungan ba ito na gawain?

a)

Oo, dahil isa itong estratehiya upang mapalaki ang kita.

b)

Oo, dahil may karapatan ang bawat negosyante na magdesisyon kung paano palalaguin ang kanilang negosyo.

c)

Hindi, dahil ang pagsasagawa ng hoarding ay hindi naaayon sa batas.

d)

Hindi, dahil ang paraang ito ay maaaring magdudulot ng pagkalugi sa negosyo.

25.

Ang okasyon ay nagdudulot ng pagnanais sa mga prodyuser upang paramihin ang suplay ng mga produkto sa pamilihan. Ano ang magiging epekto nito sa paggalaw ng presyo sa pamilihan kapag labis ang suplay ng produkto?

a)

Bababa ang suplay, tataas ang presyo.

b)

Dadami ang suplay, bababa ang presyo.

c)

Tataas ang demand, bababa ang presyo.

d)

Walang pagbabago sa presyo at ang suplay nito.

26.

Alin sa sumusunod ang tungkulin ng prodyuser sa pamilihan?

a)

Nagpapautang ng puhunan sa mga nagbabalak na magtayo ng negosyo.

b)

Tagalikha ng mga produkto at serbisyong kailangan ng mga konsyumer.

c)

Nagtatakda ng presyo sa mga pangunahing produkto at serbisyo.

d)

Nagpapanatili ng balanse sa ekonomiya.

27.

Bilang mamimili, alin ang tamang paraan sa pagtugon ng kakulangan o shortage sa pamilihan?

a)

Magpanic buying.

b)

Iwasang bumili ng wholesale.

c)

Magtipid at matutong magbadyet.

d)

Bawasan ang dami ng ikokonsumong produkto.

28.

Sa anong sitwasyon nagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

a)

kapag pantay ang presyo

b)

kapag mas mababa ang presyo kaysa quantity supplied

c)

kapag mas mataas ang quantity demanded kaysa quantity supplied

d)

kapag sa iisang presyo pantay ang quantity demanded sa quantity supplied

29.

Ang ekwilibriyong presyo ay mahalaga dahil ______

a)

Matatag ang presyo sa puntong ito.

b)

Ang pamahalaan ang nagtakda nito.

c)

Nakinabang ang mga prodyuser sa nakatandang presyo

d)

Ito ang presyo na nagkasundo ang mamimili at nagbibili

30.

Paano naaapektuhan ang presyo ng isda sa pamilihan tuwing may bagyo?

a)

Tataas

b)

Bababa

c)

Walang pagbabago

d)

Naganap ang ekwilibriyo