wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Preliminaryong Pagsusulit sa Filipino 7 2025-2026

Total questions: 50

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Ang alamat ay mula sa salitang Latin na "legendus" na ang ibig sabihin ay...

a)

upang isulat

b)

upang mabasa

c)

upang ikuwento

d)

upang tandaan

2.

Anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng tawag sa isang bagay?

a)

alamat

b)

dula

c)

kuwentong posong

d)

pabula

3.

Anong akdang pampanitikan ang binubuo ng mga yugto at itinatanghal sa tanghalan?

a)

alamat

b)

dula

c)

kuwentong posong

d)

pabula

4.

Ito ay akdang pampanitikan na ang mga tauhan ay hayop na nagsisiksikilos at nagsasalita na parang mga tao.

a)

alamat

b)

dula

c)

kuwentong posong

d)

pabula

5.

Ang ganitong estilo ng kwento ay nagbibigay ng aliw at nagpapakita ng pagiging masayahin at mapagpatawa ng mga Pilipino.

a)

alamat

b)

dula

c)

kuwentong posong

d)

pabula

6.

Sino ang tinaguriang “Ama ng Pabula?”

a)

Aesop

b)

Aristotle

c)

Arrogante

d)

Salazar

7.

Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?

a)

Si Juan Osong

b)

Prinsipe Bantugan

c)

Si Pilandok at ang Batingaw

d)

Ang Alamat ng Talon ng Pagsanjan

8.

Lahat ay katangian ng pabula maliban sa isa. Alin ito?

a)

kapupulutan ng aral

b)

tang tauhan ay mga hayop

c)

tungkol sa pinagmulan ng mga bagay

d)

mga pangyayaring hindi makatotohanan

9.

Ang sumusunod ay gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang hindi dapat gawin?

a)

paggamit ng mayamang imahinasyon

b)

limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang

c)

pagtalakay sa pinagmulan ng paksang isusulat

d)

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

10.

Tumutukoy ito sa paglalahad ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Tunggalian

11.

Anong bahagi ng banghay ng kwento ang pinakamasidhi ang galaw, nagkakaroon ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Tunggalian

12.

Ito ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento na nahahati sa limang bahagi.

a)

Banghay

b)

Elemento

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

13.

Sa bahaging ito ng banghay, inihahanda ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagaubok na darating sa buhay ng mga tauhan.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Wakas

14.

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Wakas

15.

Ang mga Austronesyano ay pinaniniwalaang dumating sa panahon ng...

a)

mesolitiko

b)

metal

c)

neolitiko

d)

paleolitiko

16.

Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga Austronesian na madalas ding lumilitaw sa mga kuwentong-bayan?

a)

Paglalakbay

b)

Pakikipagkalakalan

c)

Pagpapanday

d)

Pangingisda

17.

Ito ay pagbibigkis na sumasalamin sa anyo o uri ng pamumuhay batay sa nakagisnang kapaligiran na humuhubog sa pag-iisip at pananaw.

a)

Karanasan

b)

Kaugalian at Tradisyon

c)

Pananampalataya at Paniniwala

d)

Suliraning Panlipunan

18.

Ito ang pangunahing gabay para sa moralistikong pagkilos o pag-iisip. Itinatakda nito ang tamang pananaw sa buhay.

a)

Karanasan

b)

Kaugalian at Tradisyon

c)

Pananampalataya at Paniniwala

d)

Suliraning Panlipunan

19.

Direkta o hindi man direkta, itinatampok sa mga kuwentong-bayan ang iba't ibang isyu na tumatalakay sa mga suliraning kadikit ng mga usapin sa kapaligiran, pamahalaan, kapayapaan, kalusugan, edukasyon, pagkakapantay-pantay, makatarungang lipunan, at marami pang iba.

a)

Karanasan

b)

Kaugalian at Tradisyon

c)

Pananampalataya at Paniniwala

d)

Suliraning Panlipunan

20.

Anong bahagi ng alamat ang nagpapakita ng tunggalian ng tao laban sa sarili?

a)

nang dumating ang matinding tagtuyot at namatay si Magdapio sa matinding uhaw

b)

nang nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang nagkapatid sa paghahati ng tubig

c)

nang nagpasya si Magdapio na maglakbay kahit pagod at gutom

d)

nang sumibol ang bukal mula sa ibinalik na bato tungkol ni Magdapio

21.

“Nakaligtas sa mga magnanakaw ang magkapatid na sina Juan Osong at Pedro. Dinala nila ang sako ng mga gamit at pagkain na naiwan ng mga magnanakaw.” Mula sa nabanggit na pangyayari sa kuwentong “Si Juan Osong”, anong bahagi ng banghay ito?

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Suliranin

d)

Wakas

22.

Ano ang simbolo ng batingaw sa pabulang "Si Pilandok at ang Batingaw"?

a)

Tunog ng Kabutihan

b)

Tukso at Panlilinlang

c)

Pagiging Mapagmataas

d)

Lakas at Kapangyarihan

23.

Bakit nagpasya si Somusun na patunungin ang inakalang batingaw?

a)

dahil siya ay gutom

b)

dahil inutos ng Sultan

c)

dahil gusto niyang malaman ang tunog nito

d)

dahil gusto niyang ipagmalaki ang kanyang pagiging maharlika

24.

Bakit hindi nag-alis ng sombrero si Juan Osong nang dumaan siya sa kuwartel ng militar?

a)

Nais niyang itago ang kanyang ulo sa init.

b)

Ayaw niyang sumunod sa utos.

c)

Wala siyang sombrero.

d)

Nakalimutan niya.

25.

Paano dumaan si Juan Osong sa munisipyo nang hindi nilalabag ang utos ng sundalo?

a)

Gumapang siya.

b)

Sumakay siya ng kabayo.

c)

Dumaan siya sa ibang daan.

d)

Nakaapak siya sa sarili niyang lupa na inilagay sa kariton.

26.

May kung anong kapangyarihan ang pabula upang gisingin ang imahinasyon ng mambabasa.

a)

Simbolismo sa Pabula

b)

Pabula bilang Isang Karunungan

c)

Pabula bilang Isang Kuwento

d)

Pabula bilang Isang Sining

27.

Katulad ng ibang genre ng panitikan, ito ay kinapapalooban ng mga bagay na nagsasaad ng kahulugan.

a)

Simbolismo sa Pabula

b)

Pabula bilang Isang Karunungan

c)

Pabula bilang Isang Kuwento

d)

Pabula bilang Isang Sining

28.

Isa sa mga kinagigiliwang kuwento ang pabula dahil sa pagkakaroon nito ng tauhang hayop na gumaganap at nagsasalita na parang tao.

a)

Kultura sa Pabula

b)

Pabula bilang Isang Karunungan

c)

Pabula bilang Isang Kuwento

d)

Pabula bilang Isang Sining

29.

Ayon kay Aesop, ang sinaunang pabula na tinatawag ay kinapalooban ng mga kaisipan na nais itatak sa mga mambabasa.

a)

Simbolismo sa Pabula

b)

Pabula bilang Isang Karunungan

c)

Pabula bilang Isang Kuwento

d)

Pabula bilang Isang Sining

30.

Ang iba't ibang pagpapakilala sa uri ng tauhan katulad ng pag-uugali, antas ng pamumuhay, o kilos ay sumasalamin sa kultura o pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na rehiyon.

a)

Kultura sa Pabula

b)

Simbolismo sa Pabula

c)

Pabula bilang Isang Karunungan

d)

Pabula bilang Isang Kuwento

31.

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kilala bilang isang akdang pampanitikan may layuning maggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinapalabas sa...

a)

lansangan

b)

paaralan

c)

tabing-ilog

d)

tanghalan

32.

Ang sumusunod ay layunin ng dula MALIBAN sa isa.

a)

Magbigay-libangan sa mga manonood.

b)

Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento.

c)

Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.

d)

Maipakita sa mundo na ang mga Pilipino ay magaling sa larangan ng pagtatanghal.

33.

Ito ay isang elemento ng dula na naging pasulat na bersyon ng dulang pagtatanghal.

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tauhan

d)

Teknikal

34.

Sa dula, ang elementong ito ang sentro ng kuwento sapagkat sila ang nagbibigay-buhay nito.

a)

direktor

b)

iskrip

c)

tauhan

d)

teknikal

35.

Ito ay elemento ng dula na nangangasiwa sa kabuoang pagtatanghal at nagpapakahulugan sa iskrip.

a)

Aktor

b)

Direktor

c)

Tanghalan

d)

Teknikal

36.

Elemento ito ng dula na naglalagay ng tamang liwanag at tunog sa bawat tagpo ng dula na angkop sa emosyon ng pagtatanghal.

a)

A. Aktor

b)

B. Direktor

c)

C. Tanghalan

d)

D. Teknikal

37.

Ito ay mga dulang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng mensahe at pagtatanghal sa taong-bayan.

a)

Dulang Pampaaralan

b)

Dulang Pang-entablado

c)

Dulang Panlansangan

d)

Dulang Pantahanan

38.

Ayon sa kanya, ang dula ay kinikilala bilang isang akdang pampanitikang may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay na ipinalalabas o ipinamamalas sa tanghalan.

a)

Alejandro G. Abadilla

b)

Arthur P. Casanova

c)

Mercy B. Abuloc

d)

Jose A. Arrogante

39.

Ang mga tauhan ay naniniwala kay Allah, ang diyos ng lahat. Ano ang mahihinuha sa kanilang paniniwala?

a)

Ang mga tauhan ay Muslim.

b)

Ang mga tauhan ay madasalin.

c)

Ang mga tauhan ay takot kay Allah.

d)

Ang mga tauhan ay naniniwala sa iba’t ibang diyos.

40.

Ang albularyo ang siyang nilalapitan kapag may nagkakasakit. Ano ang mahihinuha sa kalagayan ng kanilang pamumuhay?

a)

Malapit sila sa kabihasnan.

b)

Simple lang ang kanilang pamumuhay.

c)

Naniniwala sila sa agham ng panggagamot.

d)

Naniniwala sila sa tradisyonal na panggagamot.

41.

Isaayos ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa akdang “Ang Mahiwagang Tandang”.

1.     Humingi ng tulong si Lokus a Babae kay sultan Abdullah.

2.     Namatay ang ama ni Bagoamama na si Lokus a Mama dahil sa sakit.

3.     Nalaman ng sultan ang tungkol sa mahiwagang tandang na nasa pag-aalaga ni Bagoamama at gusto niya itong kunin kapalit ng lahat ng kaniyang kayamanan.

4.     Nakahuli si Bagoamama ng isang mahiwagang tandang na tumulong sa kaniya na siyang dahilan ng kanilang pag-ahon sa kahirapan.

5.     Nagtungo si Bagaomama at inayos ang mga patibong na kaniyang gagamitin sa paghuhuli ng mga manok mula sa abakang bigay ng sultan.

6.     Ipinagpalit ni Bagoamama ang tandang sa sultan dahil na rin sa suhestiyon ng mahiwagang tandang para mas maging permamente ang kaginhawaan ng buhay ng mag-ina.

a)

2-1-5-4-3-6

b)

1-2-5-4-3-6

c)

1-5-2-4-3-6

d)

2-5-4-1-3-6

42.

Ang alamat ay may malaking bahagi sa buhay at pamumuhay ng mga Pilipino. Inilalahad dito ang mabubuting katangian, uri ng pamumuhay at paniniwala ng bawat pamayanan. Mula sa pahayag ano ang kaisipang masasalamin sa alamat?

a)

damdamin

b)

kultura

c)

pamumuhay

d)

prinsipyo

43.

Taglay ng alamat ang magagandang katangian tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan. Mula sa pahayag ano ang iyong matututuhan na magagamit sa pang-araw-araw na buhay mula sa mga alamat?

a)

aral

b)

kultura

c)

pag-uugali

d)

pananampalataya

44.

Kung ikaw ay susulat ng sariling alamat tungkol sa isang produkto na ang pamagat ay “Ang Alamat ng Mangga”, alin ang panimulang maaaring gamitin?

a)

Ang mangga sa Visayas ay tinatawag na pahutan.

b)

May isang magsasaka na ang pangalan ay Mang Isko.

c)

Ang pagtatanim ay sa isang malawak na bukirin.

d)

Sa isang malayong lugar sa Visayas sa Negros Occidental...

45.

Sa panahon ng pandemya, kailangan ang malakas na pangangatawan at ibayong pag-ingat katulad ng paghuhugas ng kamay. Ang sanhi ng madalas na paghuhugas ng kamay ay dahil sa...

a)

mainit na panahon

b)

madalas siyang kinontrang dumi

c)

paglalaro niya ng tubig

d)

kumakalat na pandemya

46.

Mabigat ang daloy ng trapiko ______ nahuli ako sa klase.

a)

kapag

b)

kasi

c)

kaya

d)

sapagkat

47.

Namigay ng pagkain si Aling Norma sa mga kapitbahay sapagkat gusto niyang makatulong sa kapwa.” Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay nagsasaad ng…

a)

bunga

b)

sanhi

c)

pang-ugnay

d)

pangyayari

48.

"Naiwan ni Rady na bukas ang kulungan ng alagang manok kaya nakawala ang kanyang mga ito." Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay nagsasaad ng...

a)

bunga

b)

sanhi

c)

pang-ugnay

d)

pangyayari

49.

"Napakalamig ng panahon kaya uminom siya ng mainit na sabaw." Alin sa sumusunod ang bunga ng pangungusap?

a)

kaya

b)

Napakalamig

c)

Napakalamig ng panahon

d)

uminom siya ng mainit na sabaw

50.

Pagkasunod-sunorin ang mga pangyayari sa pabula.

1      Nilusob siya ng mga pukyutan.

2      Nakita ni Somusun si Pilandok.

3      Ibinigay ni Somusun ang kanyang yaman.

4      Nagpanggap si Pilandok na bantay ng batingaw.

a)

2-1-4-3

b)

2-4-3-1

c)

4-1-2-3

d)

4-3-2-1