wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALWANG MARKAHANG PAGSUSULIT VALUES EDUCATION 7

Total questions: 58

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

1. Sila ang sumasalamin sa kanilang pamilyang kinabibilangan at inaasahang maturuan ng mga pagpapahalaga.

a)

Tito

b)

Anak

c)

Tatay

d)

Lolo

2.

Ito ay uri ng pamilya kung saan mas napapalakas ang pagtuturo ng mga pagpapahalaga dahil sa pagsasama-sama ng mga magkakapatid sa iisang bubong.

a)

Nukleyar na Pamilya

b)

Blended na Pamilya

c)

Joint na Pamilya

d)

Extended na Pamilya

3.

Sa kontekstong ito ng pamilya, ang mga magulang ang nagsisilbing modelo ng pagpapahalaga sa mga bata.

a)

Solong magulang

b)

Extended na pamilya

c)

Nuklear na Pamilya

d)

Blended na pamilya

4.

Ito ang uri ng pamilya na binubo ng tatlo o higit pang henerasyon.

a)

Extended na pamilya

b)

Blended na Pamilya

c)

Joint na Pamilya

d)

Nukleyar na Pamilya

5.

Sa ganitong uri na pamilya, mas humaharap sa matinding hamon ang magulang dahil sa nahahati ang kanyang oras sa pagpapalaki at pagtataguyod ng pamilya.

a)

Joint na Pamilya

b)

Extended na Pamilya

c)

Nuklear na Pamilya

d)

Solong Pamilya

6.

Ito ang tinuturing na pinakasentro ng institusyon.

a)

Simbahan

b)

Paaralan

c)

Pamahalaan

d)

Pamilya

7.

Alin sa mga sumusunod ang paraan upang magkaroon ng isang matatag na samahan ang isang pamilya?

a)

Turuan ang sariling magkaroon ng matiyagang pagtupad sa tungkulin

b)

Ipasaa ang gawaing nakatanggap sa iyo sa nakababatang kapatid

c)

Gumawa lamang sa loob ng bahay kapag inuutosang ng magulang

d)

magtulog tulungan upang di makagawa ng gawang bahay

8.

Ano ang maaaring maging epekto sa iyong sarili ng pagiging responsableng anak sa pagtupad ng mga tungkulin?

a)

Nas nagiging paboritong anak

b)

Nalilinang ang magagandang gawi at disiplina sa sarili

c)

Magkakaroon na pagkakataon ibigay ang gawain sa mas nakababatang kapatid

d)

Maaring tumaas ang iyong baon sa paaralan

9.

Bukod sa ating pamilya, ang pagtupad sa tungkulin ay may malaking epekto rin sa paglagong ng ating _______.

a)

sarili

b)

bayan

c)

kaibigan

d)

paaralan

10.

Sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng pagbabago ng tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagbabagong ito?

a)

Si Aling Maria ang naiwan sa bahay at nagluluto ng kanilang ulam

b)

Si Bunso ang nagbibiligay saya sa loob ng tahanan

c)

Ang mag-asawang Mario at Colet ay nagkasundo na pareho silang maghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.

d)

Si Ate ang katuwang ni nanay sa kanilang tahanan

11.

Sila ang unang may malaking gampanin sa paghubog ng pagkatao, mabubuting gawi at pakikipagkapwa.

a)

Magulang

b)

Guro

c)

Pari

d)

Presidente

12.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos ng paghubog ng magulang sa kanilang mga anak?

a)

Kumuha ng kasambahay ang mag-asawang Issa at Kael upang may magbantay sa kanilang mga anak habang sila ay madalas overtime sa trabaho

b)

Binibilhan ng iba’t ibang gadget ni Obet ang kanyang anak kapag mataas ang marka nito

c)

Tinuturuan ng mag-asawang Vin at Jean ang kanilang mga anak na linangin ang kanilang talento at matutong bumangon mula sa mga pagkakamali

d)

Si Fely at ang kanyang asawa ang nagdidisisyon sa kanilang mga anak upang hindi ito mapahamak.

13.

Bata pa lamang si Mikaela, natuto na siyang magdasal ng rosaryo at magsimba tuwing araw ng Linggo. Itinuro sa kanya na ang panalangin ay pakikipagusap sa Diyos. Ito ang nakasanayan niyang gawain na natutunan niya sa kanyang mga magulang. Anong pagpapahalaga ang itinuro sa kanya ng kanyang ama at ina?

a)

Pagpapanatili ng mabuting komunikasyon sa Diyos

b)

Magdasal kung may nais hilingin sa Diyos

c)

Magkaroon ng takot sa Diyos

d)

Magalit ang kanyang magulang kapag hindi siya nagsimba

14.

Ito ang nagpapabago sa buhay ng pamilya, pangyayari, nagbibigay ng kapayapaan at tiyaga sa gitna ng mga pagsubok.

a)

Pagkain ng sabay sabay

b)

Pagpunta sa ibang bansa

c)

Pagtama ng Lotto

d)

Panalangin ng sama sama

15.

Sa paanong paraan maituturo ng epektibo ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pagkakaroon ng pananampalataya?

a)

Ipakita sa mga anak na isinasabuhay nila ang pananampalataya

b)

Takutin ang mga anak na mapapahamak sila kapag hindi nagdarasal

c)

Sabihin sa mga anak na kakain sila sa Jollibee pagkatapos magsimba

d)

Sabihin na mahalaga ang pagdarasal lalo na kapag may problema

16.

Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot ng sama samang pagdarasal ng pamilya?

a)

Magkakaroon sila ng maraming pambili ng pagkain at gadget

b)

Magsisilbi itong daan upang makapasok sa presensiya at kalooban ng Diyos

c)

Tutuparin nito ang lahat ng hiling ng pamilya

d)

Hindi na sila magkakaroon ng maraming problema

17.

Ano ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha niya sa tao.

4 lines
18.

Ayon sa kanya isinulat na aklat, ang paglikha sa tao ay resulta ng kagustuhan ng Diyos na magkaroon ng pamilya.

a)

Dr. Myles Munroe (2002)

b)

Dr. Myles Mendez (2002)

c)

Dr. Miles Ocampo (2002)

19.

Ang pamilyang nagdarasal ay nagsasabuhay ng paniniwala at pagmamahal sa Diyos. Ang pangungusap ay nagpapakita ng _________

a)

Pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya

b)

Pagkain ng sabay-sabay araw-araw

c)

Paglalaro ng mga laro tuwing gabi

d)

Paglalakbay tuwing bakasyon

20.

Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pakikibahagi sa sama-samang panalangin ng pamilya sa anumang sitwasyon?

a)

Pumunta sa isang silid at mag-isang manalangin

b)

Umalis sa bahay kapag may problema

c)

Paghikayat sa pamilya na makinig sa mga awiting pangsimbahan

d)

magpasama sa kapitbahay na magdasal

21.

Ito ay isa sa mahalagang epekto ng pagdarasal ng pamilya ng magkakasama.

a)

Mapasok ang presensya ng Diyos

b)

mabawasan ang bigat ng problema

c)

Maging matatag

d)

Maging mabuting anak

22.

Paano mo sa paraan, habang ikaw ay naglalakad nakakita ka ng isang wallet na may lamang pera. Nang araw na iyon kailangan mo ng pera dahil may bibilhin kang gamit sa iyong proyekto. Ngunit pinili mo paring ibigay ito sa iyong guro upang maisauli sa may ari. Anong pagpapahalaga ang nanigbabawa sa iyong sarili?

a)

Pagtitimpi

b)

Konsensya

c)

Pagunawa

d)

Kilos-loob

23.

Anong aspeto ng wika ng pag-ibig (love language) ang ipinapakita ng isang tao kapag sila ay nasisiyahan sa mabubuting salita, papuri, at mga mensahe ng pag-ibig?

a)

Kalidad na Oras (Quality Time)

b)

Pisikal na Pagpaparamdam (Physical Touch)

c)

Mga Salita ng Pagpapatibay (Words of Affirmation)

d)

Mga Gawa ng Serbisyo (Acts of Service)

24.

Bakit mahalaga ang "Pisikal na Pagpaparamdam (Physical Touch)" bilang isang wika ng pag-ibig sa pamilya?

a)

Dahil ito ay isang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng mga aksiyon

b)

Dahil ito ay nagbibigay ng emosyonal na koneksyon sa pamamagitan ng physical contact tulad ng pagyakap at paghawak ng kamay

c)

Dahil ito ay nagpapakita ng malasakit at pagsisilbi

d)

Dahil ito ay nakabatay lamang sa mga salita at hindi sa mga aksiyon

25.

Ano ang maaaring gawin upang matulungan si Mireya na mas maintindihan ang nararamdaman ni Miguel?

a)

Makinig at magpakita ng pag-unawa kay Miguel

b)

Iwasan si Miguel kapag malungkot siya

c)

Huwag pansinin ang nararamdaman ni Miguel

d)

Sabihin kay Miguel na huwag magpakita ng emosyon

26.

Si Emily ay abala sa kanyang trabaho, kaya si Tony, ang kanyang asawa, ay nag-aalok ng tulong sa paggawa ng mga gawaing bahay, tulad ng paghuhugas ng mga pinggan at paglilinis. Ngunit si Emily ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawaing ito. Ano ang maaaring dahilan at paano ito maaayos ni Tony?

a)

Dapat na magtulungan sila sa mga gawaing bahay at magtakda ng oras upang magplano ng mga gawain nang magkasama.

b)

Sabihin kay Emily na hindi niya kailangang pang magtrabaho, dahil kayang-kaya ni Tony na gawin ang lahat.

c)

Kilalanin ni Tony ang kanyang sariling ginagawa at ipaliwanag na mahalaga sa kanya ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng serbisyo.

d)

Dapat maghanap si Tony ng ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal kaysa sa paggawa ng mga gawaing bahay.

27.

Ano ang epekto ng sama-samang pananalangin sa pagmamahal ng pamilya sa Diyos?

a)

Pinipilit ng pamilya na magdasal para lamang makamit ang kanilang mga layunin.

b)

Pinapalakas nito ang relasyon ng pamilya sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at paniniwala.

c)

Binibigyan nito ng pagkakataon ang pamilya na magsanib-puwersa upang manghingi ng mga materyal na bagay mula sa Diyos.

d)

Nagiging sanhi ito ng pagka-busy ng pamilya at hindi sila nagkakaroon ng oras para magdasal.

28.

Paano pinapalakas ng pananalangin ang integridad ng pamilya?

a)

Binibigyan nito ang bawat kasapi ng pagkakataon na magtulungan sa paggawa ng mabuti.

b)

Pinapalakas nito ang pagkakaisa sa pamilya at pinapataas ang moral na pamantayan ng bawat isa.

c)

Nagiging sanhi ito ng pagpapatawad sa mga pagkakamali at nagpaunlad sa komunikasyon sa loob ng pamilya.

d)

Pinapalakas nito ang pananampalataya sa Diyos at tumutulong upang tuparin ang mga pangako ng Diyos.

29.

Ano ang pangunahing layunin ng konsensiya sa loob ng pamilya batay sa kahulugan nito?

a)

Magdesisyon kung anong pagkain ang ihahain sa hapunan.

b)

Magtakda ng mga patakaran sa pamilya hinggil sa oras ng pag-aalaga sa mga bata.

c)

Magpasya kung anong panuntunan ang susundin sa mga moral na isyu at sitwasyon.

d)

Magplano kung paano magiging masaya ang bawat kasapi ng pamilya sa darating na taon.

30.

Anong aspeto ng pamilya ang pinahuhusay ng sama-samang pananalangin?

a)

Katatagan ng pag-ibig at komunikasyon sa pamilya.

b)

Kakayahan ng bawat kasapi ng pamilya na mag-aral at magtrabaho.

c)

Pagpapasya sa mga gamit at materyal na bagay na bibilhin ng pamilya.

31.

Ano ang maaaring epekto ng sama-samang pananalangin ng pamilya sa mga pusong nahahapo at nasasaktan?

a)

Nagdudulot ito ng pagkasira ng relasyon sa pamilya.

b)

Wala itong epekto sa emosyonal na kalagayan ng pamilya.

c)

Pinapalakas nito ang mga argumento at hindi pagkakaunawaan sa pamilya.

d)

Nagbibigay ito ng hilom at nagpapalakas ng pagmamahal sa isa't isa.

32.

Anong uri ng konsensiya ang itinuturing na tama?

a)

Kung ang konsensiya ay nag-huhusga ng tama bilang tama at mali bilang mali.

b)

Kung ang konsensiya ay nag-huhusga ng tama bilang mali at mali bilang tama.

c)

Kung ang konsensiya ay hindi isinasaaisip ang mga layunin ng moralidad.

d)

Kung ang konsensiya ay nag-huhusga ng isang bagay bilang hindi nararapat kahit na wala itong batayan.

33.

Bakit mahalaga ang sama-samang pananalangin sa pagtataguyod ng integridad ng pamilya?

a)

Itinuturo nito sa bawat kasapi ng pamilya kung paano maging maligaya sa buhay.

b)

Pinapakita nito ang pagkakaroon ng mga materyal na bagay sa buhay ng pamilya.

c)

Pinapalakas nito ang tiwala ng pamilya sa Diyos, sa bawat isa, at tinutulungan silang mamuhay nang may integridad.

d)

Binibigyan nito ng pagkakataon ang pamilya na magplano ng mga bakasyon at mga kaganapan.

34.

Ano ang isang halimbawa ng "mali" na konsensiya?

a)

Ang konsensiya ay nakabatay sa tamang prinsipyo at inilapat ito ng maayos.

b)

Ang konsensiya ay nagsasabing ang isang maling gawain ay tama at hindi ipinagbabawal.

c)

Ang konsensiya ay gumagawa ng moral na desisyon batay sa Likas na Batas Moral.

d)

Ang konsensiya ay nagiging gabay sa pagpapasya kung ano ang mabuti at tama.

35.

Ano ang pangunahing layunin ng konsensiya bago isagawa ang isang kilos (Antecedent)?

a)

Upang magbigay ng kaalaman sa epekto ng kilos na gagawin.

b)

Upang magsabi ng mga patakaran at batas na kailangang sundin.

c)

Upang tulungan ang tao na suriin ang isang pasya o kilos bago ito isagawa.

d)

Upang magbigay ng pagkakataon para magpakita ng malasakit sa kapwa.

36.

Ano ang ibig sabihin ng "concomitant" sa konteksto ng konsensiya?

a)

Ang konsensiya ay kumikilos pagkatapos ng kilos na isinasagawa.

b)

Ang konsensiya ay kumikilos upang magbigay ng paalala bago gumawa ng isang kilos.

c)

Ang konsensiya ay tumutulong sa pagninilay ng tao pagkatapos ng isang kilos.

d)

Tumutukoy ito sa kamalayan ng tao sa pagiging mabuti o masama ng isang kilos habang isinasagawa ito.

37.

Ano ang ibig sabihin ng "consequent" na konsensiya?

4 lines
38.

Ano ang layunin ng konsensiya sa yugto ng "antecedent"?

a)

Upang suriin kung tama ang mga natutunan mula sa nakaraang kilos.

b)

Upang magtakda ng mga aksyon na itutuloy sa hinaharap.

c)

Upang magbigay ng gabay sa pagpapasya bago isagawa ang isang kilos.

d)

Upang tulungan ang tao na magdesisyon kung anong pagkain ang kakainin sa araw na iyon.

39.

Ano ang pinakapayak na layunin ng konsensiya sa pagninilay pagkatapos ng kilos (consequent)?

a)

Tanggapin ang mga bagay na nagawa na at magkaroon ng pag-unawa sa mga kalakasan at kahinaan.

b)

Matutunan ang mga bagong moral na prinsipyo.

c)

Magtakda ng bagong mga alituntunin para sa pamilya.

d)

Iwasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa hinaharap.

40.

Ano ang ibig sabihin ng "kamalayan ng tao" sa konteksto ng konsensiya?

a)

Pagkakaroon ng pang-unawa sa mga moral na konsekwensya ng bawat kilos.

b)

Pagkilala sa mga materyal na bagay na magiging bahagi ng isang kilos.

c)

Pagpapasya na gawin o hindi gawin ang isang kilos batay sa mga simpleng prinsipyo.

d)

Pagkilala sa mga kinakailangang batas sa lipunan.

41.

Ang pamilya ni Juan ay sabayang nagdarasal sa kanilang bahay tuwing orasyon. Isang gabi, nagdesisyon si Juan na hindi sumama sa kanilang panalangin dahil natapos lang siya sa isang matinding pagsusulit at pagod na siya. Anong epekto sa kanyang pamilya at sa relasyon niya sa Diyos ang maaaring idulot ng hindi niya pagsama sa pananalangin?

a)

Hindi makakaapekto, dahil pwede siyang magdasal nang mag-isa sa ibang oras.

b)

Maaaring mawalan ng koneksyon si Juan sa presensiya ng Diyos at hindi mapapahalagahan ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin sa pamilya.

c)

Hindi ito makakaapekto, dahil ang panalangin ay isang personal na bagay at hindi kailangan ng iba.

d)

Mas magiging masaya ang pamilya ni Juan dahil magkakaroon siya ng pahinga at pagkakataon na mag-isa.

42.

Ang pamilya ni Maria ay laging abala sa kanilang trabaho at mga gawain sa bahay. Nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan at madalas ay napapabayaan ang kanilang oras para sa pananalangin bilang isang pamilya. Anong epekto ng regular na pagsama-sama sa pananalangin sa kanilang pamilya, batay sa pagmamahal nila sa Diyos?

a)

Walang epekto, dahil hindi naman kailangang magdasal ng sabay-sabay.

b)

Hindi nila mararamdaman ang kahalagahan ng pananalangin, kaya magpapatuloy ang kanilang mga problema sa pamilya.

c)

Magiging masaya sila, ngunit hindi naman makakaapekto sa kanilang pagmamahal sa Diyos.

d)

Ang pananalangin ng pamilya ay makakatulong na mapatatag ang kanilang relasyon sa Diyos at magpapalalim sa kanilang pagmamahal sa isa't isa.

43.

Ano ang maaaring epekto ng pananalangin sa kanilang relasyon bilang mag-ina?

a)

Makakatulong ito sa pagpapatawad at pagpapalakas ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

b)

Hindi ito makakatulong, dahil hindi nila kayang baguhin ang isa't isa.

c)

Ang pananalangin ay hindi makakatulong sa kanila, kaya magpapatuloy ang hindi pagkakasunduan.

d)

Magiging mahirap ang pagbabago, ngunit ang pananalangin ay hindi makakatulong.

44.

Si Marco ay may kaunting kita mula sa kanyang part-time job at gustong mag-ipon para sa kanyang mga pangarap na bumili ng laptop para sa pag-aaral. Sa kasalukuyan, mayroon siyang pera para sa isang bagay na nais niyang bilhin, ngunit hindi ito ang pinaka-prioridad. Ano ang pinakamahusay na hakbang na dapat gawin ni Marco batay sa mga aral na natutunan mula sa kanyang pamilya?

a)

Gumastos na lang sa lahat ng kailangan at hindi na mag-ipon dahil ito ay para sa kasalukuyan niyang pangangailangan.

b)

Maglaan ng bahagi ng kanyang kita para sa laptop at mag-impok pa ng karagdagang pera para sa mga pangangailangan sa hinaharap.

c)

Bilhin agad ang laptop at huwag mag-alala tungkol sa panghinaharap na gastusin.

d)

Maghintay na lang at ipagpaliban ang lahat ng gastusin upang maiwasan ang anumang investment.

45.

Si Rosa ay isang kabataang miyembro ng komunidad na nakapansin ng hindi pagkakapantay-pantay sa oportunidad sa kanyang paaralan, lalo na sa mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya. Gusto niyang makipagtulungan sa mga guro at mga magulang upang tugunan ang isyung ito. Ano ang pinakamainam na hakbang na maaari niyang gawin upang magsimula ng pagbabago batay sa mga aral na natutunan mula sa kanyang pamilya?

a)

Magsagawa ng isang rally laban sa hindi pagkakapantay-pantay at hindi makipagtulungan sa mga guro.

b)

Makipag-ugnayan sa mga guro at magulang, mag-organisa ng mga forum o talakayan upang mas mapalawak ang kamalayan sa isyu at maghanap ng mga solusyon.

c)

Huwag pansinin ang isyu dahil hindi naman siya maaapektuhan nito.

d)

Hayaan na lang ang iba na magsimula ng hakbang at maghintay na lang ng pagbabago.

46.

Ikaw ay may proyekto sa paaralan na naglalayong magtanim ng mga puno upang tumulong sa preserbasyon ng kalikasan. Bukod sa pagtatanim, ano ang isang hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang natural na yaman ng iyong komunidad?

a)

Kagutapon ng basura sa mga kagubatan upang hindi na maipon sa mga landfill.

b)

Mag-imbita ng mga kaibigan upang magsagawa ng recycling drive sa inyong lugar.

c)

Iwasan ang mga produkto na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mga puno.

d)

Magsunog ng mga basura upang maiwasan ang pagdami nito.

47.

Ikaw ay isang mamimili sa isang tindahan na nagbebenta ng mga produkto na gawa mula sa recycled materials. Ano ang magiging epekto ng iyong desisyon na bumili ng mga produktong ito sa kalikasan at ekonomiya?

a)

Tinutulungan mong mapanatili ang mga likas na yaman at nagbibigay ng suporta sa mga negosyo na nagpapalaganap ng mga produktong mas matibay at kapaki-pakinabang.

b)

Wala itong epekto dahil hindi mo naman kayang mag-recycle ng mga produkto na binibili mo.

c)

Magiging mas mura ang mga produktong ito, kaya hindi na kailangan ang mga tao ang recycling.

d)

Maaaring yumaman ang may-ari ng tindahan dahil sa iyong pagbili.

48.

Isang araw, may isang proyekto sa iyong paaralan na nagtuturo sa mga kabataan kung paano maging responsable sa pamamahala ng basura. Paano makakatulong ang proyekto sa kanilang kinabukasan?

a)

Matututo silang mag-recycle at mamuhay nang mas malinis at magalang sa kalikasan, kaya makikinabang sila sa mas maganda at malinis na kapaligiran sa hinaharap.

b)

Walang epekto sa hinaharap dahil ang mga kabataan ay hindi nagkakaroon ng malaking papel sa paglutas ng mga isyu sa basura.

c)

Magiging mas mahirap ang kanilang buhay dahil sa patuloy na pagbabago ng klima.

d)

Magiging kilala sila sa kanilang bayan.

49.

Si Luis ay nag-iisip kung dapat ba niyang mag-invest ng bahagi ng kanyang kita sa isang maliit na negosyo o mag-save na lamang para sa kanyang mga pangarap. Ano ang pinakamahusay na hakbang na dapat gawin ni Luis batay sa mga prinsipyo ng panaagutang pang-ekonomiya na natutunan mula sa kanyang pamilya?

a)

Mag-invest agad sa negosyo nang hindi pinag-iisipan ng mabuti ang mga posibleng risks.

b)

Mag-ipon muna at siguruhing may sapat na emergency fund bago mag-invest sa negosyo.

c)

Magtaya sa lahat ng kita sa negosyo nang hindi nag-iimpok.

d)

Iwasan ang anumang uri ng negosyo at manatili na lamang sa pag-iimpok.

50.

Si Juan ay nakatanggap ng isang mensahe mula sa isang kaibigan na naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa isang bagong batas na ipapasa sa bansa. May mga kasamahan siya sa klase na may iba’t ibang pananaw tungkol dito. Ano ang dapat gawin ni Juan batay sa mga aral na natutunan niya mula sa pamilya tungkol sa aktibong pakikilahok sa politika at pagiging responsable sa impormasyon?

a)

Ikalat agad ang mensahe nang hindi na inaalam kung ito ay totoo.

b)

Maghanap ng mapagkukunan ng tamang impormasyon bago magbigay ng opinyon o magbahagi ng anumang impormasyon.

c)

Huwag na lang pansinin ang isyu dahil wala itong epekto sa kanya.

d)

Sabihin na lang na may kasinungalingan ang mensahe at hindi na kailangang pang alamin kung totoo.

51.

Ang pamilya ay _______ ng mga pagpapahalaga.

a)

sandigan

b)

kaaway

c)

tagapagsira

d)

kalaban

e)

hadlang

52.

Naipapaliwanag na ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya ay nakapaglilinang ng mga _______ gawi, positibong pagtingin sa sarili, at nakapagpapatibay ng _______ sa pamilya.

a)

mabuting; ugnayan

b)

masamang; away

c)

tamad; galit

d)

walang; problema

53.

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong paraan ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya bilang tanda ng pagiging _______.

a)

mapagmahal

b)

masungit

c)

tamad

d)

palautos

54.

Ang mag-aaral ay dapat magpakita ng sariling paraan ng __________ upang malinang ang pagiging madasalin.

a)

pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya

b)

paglalaro ng video games tuwing gabi

c)

pagpapabaya sa mga gawaing bahay

d)

pag-iwas sa mga gawain ng simbahan

55.

Naisasagawa ng mag-aaral ang __________ upang malinang ang maingat na paghuhusga.

a)

paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya

b)

pagpapaliban ng desisyon hanggang sa huli

c)

pagsunod lamang sa utos ng iba

d)

pagwawalang-bahala sa sariling damdamin

56.

Paano naipapaliwanag ng mag-aaral ang mga tungkulin ng pamilya sa bayan bilang paraan upang magbigay ng kontribusyon sa kabutihan, katiwasayan, kapayapaan, at kaunlaran ng pamayanan na magiging matibay na pundasyon ng lipunang Pilipino?

a)

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at paggalang sa bawat isa sa pamilya.

b)

Sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa mga tungkulin ng pamilya.

c)

Sa pamamagitan ng paglabag sa mga batas ng pamayanan.

d)

Sa pamamagitan ng hindi pakikilahok sa mga gawain ng komunidad.

57.

Ang wastong pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima ay tanda ng ____________.

a)

pagiging mapagmalasakit

b)

pagiging tamad

c)

pagiging pabaya

d)

pagiging makasarili

e)

pagiging walang pakialam

58.

Ang isang paraan ng pagpapakita ng pagiging mapagmalasakit ng pamilya sa harap ng pagbabago ng klima ay:

a)

Pagtitipid ng kuryente at tubig sa bahay

b)

Pagwawalang-bahala sa mga isyu ng klima

c)

Pagtatapon ng basura kahit saan

d)

Pagpapabaya sa kalikasan