wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer

Total questions: 40

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging epekto ng pagbagsak ng Constantinople noong 1453 sa mga bansang Europeo?

a)

Naging dahilan upang ihinto ang kalakalan sa Asya

b)

Nagtapos ang sistemang piyudalismo sa Europa

c)

Naging dahilan ng pag-alis ng mga Europeo sa kanilang mga bansa

d)

Naging daan upang humanap ng bagong rutang pangkalakalan patungong Silangan

2.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Europeo sa paghahanap ng bagong ruta patungong Asya bago ang Panahon ng Paggalugad?

a)

Magpalaganap ng Kristiyanismo

b)

Magtatag ng mga unibersidad sa Silangan

c)

Makakuha ng pampalasa at yamang kalakalan

d)

Makatuklas ng mga bagong lupain para sakupin

3.

Ang Panahon ng Renaissance sa Europa ay tinawag na "muling pagsilang". Ano ang kahulugan nito?

a)

Bumagsak ang Simbahang Katolika

b)

Muling lumaganap ang sistemang piyudalismo

c)

Bumalik ang mga tao sa pamumuhay ng mga barbaro

d)

Bagong interes sa sining, agham, at karunungang klasiko

4.

Bakit mahalaga ang imbento ni Johannes Gutenberg na printing press noong ika-15 siglo?

a)

Pagtaas ng halaga ng mga aklat

b)

Pinadali nito ang paggawa ng mga gusali

c)

Pagbilis na pagkalat ng kaalaman at ideya

d)

Pinahina nito ang ugnayan ng mga bansa sa Europa

5.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangunahing layunin ni Martin Luther sa paglalathala ng Ninety-Five Theses?

a)

Tuluyang itakwil ang Kristiyanismo

b)

Upang magtatag ng sariling relihiyon

c)

Upang humingi ng suporta mula sa hari ng Alemanya

d)

Ayusin at baguhin ang mga maling gawi sa Simbahan

6.

Pagnanais ng mga Europeo na makasakop ng mga bagong lupain. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na kahalagahan nito?

a)

Isa ito sa mga dahilan ng paglalayag ni Columbus

b)

Nagdulot ito ng pagkakaisa ng mga katutubo at mga Europeo

c)

Ito ang utos ng katas-taasang pinuno ng mga simbahan sa Europa

d)

Sumasalamin ito sa pangrelihiyon, pang-ekonomiya, at pampolitikang layunin ng mga Europeo

7.

Paano natin masasabi na ang layunin ng Spain at Portugal sa panahon ng paggalugad ay magkatulad?

a)

Pareho silang naghangad ng kalayaan mula sa simbahan

b)

Pareho silang nakipag-alyansa sa mga katutubong Amerikano

c)

Pareho silang umiwas sa pakikipagkalakalan sa Silangan

d)

Pareho silang naghangad ng kapangyarihan, yaman, at pagpapalaganap ng Kristiyanismo

8.

Paano nakatulong ang Kasunduan ng Tordesillas (1494) sa paglutas ng tunggalian sa pagitan ng Spain at Portugal?

a)

Hinati ang bagong tuklas na mga lupain sa pagitan ng dalawang bansa

b)

Ipinagbawal nito ang paglalakbay ng parehong bansa sa karagatan

c)

Pinayagan nitong sakupin ng Portugal ang lahat ng lupain sa Silangan

d)

Pinagsama nito ang dalawang bansa sa iisang emperyo

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mas malalim na epekto ng tunggalian ng Spain at Portugal sa mga katutubong mamamayan ng America?

a)

Pagkakaroon ng masiglang ugnayang pangkalakalan sa pagitan ng mga katutubo at mga Europeo

b)

Pagbabago ng kanilang kultura, relihiyon, at sistema ng pamumuhay bunga ng kolonyalismo

c)

Pagkakaroon ng pantay na karapatan sa kalakalan

10.

Paano nakaapekto ang pagdating ng mga Europeo sa kalakalan at ugnayang panlipunan ng mga katutubong kaharian?

a)

Nagpatatag ito ng pantay na kalakalan sa pagitan ng mga Asyano at Europeo.

b)

Naging ganap na malaya ang mga kaharian mula sa dayuhan.

c)

Dahilan ito ng monopolyo ng kalakalan at pagkasira ng lokal na ekonomiya.

d)

Wala itong epekto sa mga pamayanang Asyano.

11.

Ano ang nakaapekto sa patakarang panrelihiyon ng Mughal Empire sa pagtugon nila sa kolonyalismo?

a)

Ang relihiyosong pagkakaisa ay nagbunsod ng madaliang pagsuko sa mga Kanluranin

b)

Ang mahigpit na patakaran laban sa ibang relihiyon ay nagpalakas sa depensa

c)

Ang relihiyosong hidwaan ay nagpatatag sa kanilang pamahalaan

12.

Paano maihahambing ang layunin ni Ibn Battuta sa layunin ng ibang mga Kanluraning manlalayag?

a)

Naglakbay dahil sa pananampalataya at kaalaman, samantalang ang mga Europeo ay para sa kalakalan at pananakop.

b)

Parehong naghahangad ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo

c)

Parehong naghangad ng pag-angkin ng teritoryo

d)

Si Ibn Battuta ay mananakop din tulad ng mga Europeo

13.

Ano ang pangunahing kaibahan ng mga paglalakbay ni Zheng He sa mga paglalayag ng mga Europeo?

a)

Si Zheng He ay naghangad ng pananakop ng teritoryo

b)

Parehong nakatuon sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo

c)

Naglayag si Zheng He upang ipakita ang kapangyarihan, hindi upang manakop

d)

Ang mga Europeo ay nagpakita ng kapangyarihang pandagat para sa diplomatikong layunin

14.

Ano ang ipinakikita ng mga paglalakbay ni Ibn Battuta sa ugnayan ng mga Asyano sa ibang kultura?

a)

Sarado sa ideya ng pakikipagkalakalan

b)

Nagpapakita ng pagiging hiwalay ng mga Asyano sa mundo

c)

Nagpapakita ng aktibong ugnayan at palitan ng kaalaman at relihiyon

d)

Nagpatunay ng paghina ng impluwensiyang Islamiko

15.

Bakit itinuturing na simbolo ng kapangyarihan ng Ming China ang mga paglalakbay ni Zheng He?

a)

Dahil nagdulot ito ng digmaan sa pagitan ng Asya at Europa

b)

Dahil nagpatunay ito ng kakayahan ng China sa teknolohiya at diplomasya

c)

Dahil ito ang nagpatatag ng kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya

d)

Dahil nagresulta ito sa pagbagsak ng Ming Dynasty

16.

Alin sa mga sumusunod na layunin ang nagpapatupad ng Edict of Sakoku sa Japan noong panahon ng Tokugawa?

a)

Pigilan ang paglaganap ng impluwensiyang Kristiyano at protektahan ang kultura ng Japan

b)

Hikayatin ang pakikipagkalakalan sa mga Europeo

c)

Palawakin ang kapangyarihang militar ng Japan

d)

Pahintulutan ang kolonisasyon ng mga bansa sa Asya

17.

Paano mo maipapaliwanag ang pangunahing layunin ng mga Kanluraning bansa sa pananakop ng America, India, at East Indies?

a)

Mapalawak ang kapangyarihang pampulitika at mapalago ang ekonomiya

b)

Tulungan ang mga katutubong mamamayan na magkaroon ng maunlad na pamahalaan

c)

Ipakita ang teknolohikal na kahusayan ng mga Europeo sa ibang panig ng mundo

d)

Maipalaganap ang Kristiyanismo at mabawasan ang impluwensiya

18.

Bakit maituturing na magkaugnay ang pagnanais sa kayamanan at relihiyon bilang dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa America at Asya?

a)

Ginamit ng mga misyonero ang relihiyon upang makuha ang tiwala ng mga katutubo at mapalawak ang kontrol sa kalakalan

b)

Ang mga bansang Kanluranin ay may kakulangan sa anakop upang magbagong-buhay

c)

Pinilit ng Simbahang Katolika ang mga hari na mandirigma upang hanapin ang mga bansang paganong tutulong sa kanila

d)

Walang kinalaman ang relihiyon sa kalakalan

19.

Sa ilalim ng imperyalismo, ano ang motibo ng mga Kanluraning bansa sa pagpapadala ng mga misyonero sa mga bansang Asyano?

a)

Ipagtanggol ang mga Asyano laban sa mga Muslim

b)

Palaganapin ang pananampalatayang Kristiyanismo

c)

Itigil ang mga paniniwalang panrelihiyon ng mga Europeo

d)

Hikayatin ang mga Asyano na bumalik sa tradisyunal na paniniwala

20.

Sa mga bansang kanilang sinasakop, paano nakaapekto sa kultura ng bansang sinakop ang ideolohiyang ito?

a)

Walang naging epekto sa kanilang pananaw

b)

Ipinamalas nito ang pagpapahalaga sa sariling kultura

c)

Pagbibigay-halaga sa tradisyunal na paniniwala ng mga katutubo

d)

Ipinahayag nito na ang kulturang Kanluranin ay higit na mataas kaysa sa lokal na kultura

21.

Paano nagkakaiba ang pangunahing layunin ng kolonyalismo at imperyalismo?

a)

Walang pagkakaiba dahil pareho sila ng layuning pananakop.

b)

Ang kolonyalismo ay nakatuon sa pamumuhunan, habang ang imperyalismo ay nakatuon sa pananakop ng kalayaan.

c)

Ang kolonyalismo ay nakatuon sa direktang pagkontrol sa lupain, samantalang ang imperyalismo ay nakatuon sa pagpapalawak ng impluwensiya sa ekonomiya at politika.

d)

Ang kolonyalismo ay umiwas sa paggamit ng lakas militar, samantalang ang imperyalismo ay mapayapang pamamaraan.

22.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng ugnayan ng Rebolusyong Industriyal sa mga motibong pang-ekonomiya ng imperyalismo?

a)

Lumago ang mga pabrika at nagkaroon ng pangangailangan sa murang hilaw na materyales

b)

Bumagal ang paglawak ng mga imperyo dahil sa mabilis na industriyalisasyon.

c)

Natutunan ng mga bansa ang magbigay ng tulong sa mga mahihirap.

d)

Dahilan upang tumigil ang kalakalan ng Europa sa Asya.

23.

Ikaw ay isang katulad niya, anong ideya tungkol sa natural rights ang nais mong pairalin?

a)

Ipagbabawal ang malayang pagpapahayag ng opinyon

b)

Ipagbabawal ang mga reporma sa gobyerno

c)

Pairalin ang paglakas ng kapangyarihan ng hari sa lahat ng desisyon

d)

Pairalin ang karapatan sa buhay, kalayaan, at ari-arian ng bawat mamamayan

24.

Ilan sa mga ideya ni Jean-Jacques Rousseau ay tungkol sa kalayaan at pagkakapantay-pantay. Kung ikaw ay isang mamamayan noong panahon ng mga monarkiya, paano mo magagamit ang kaisipang ito tungkol sa social contract?

a)

Makikilahok sa paggawa ng batas para sa kapakanan ng lahat

b)

Tatalikuran ang responsibilidad bilang mamamayan

c)

Ipaglalaban ang karapatan ng hari bilang tanging pinuno

d)

Mananahimik na lamang at susunod sa hari

25.

Ang Rebolusyong Amerikano ay nagpatunay na ang mamamayan ay may karapatang lumaban sa pang-aapi. Paano mo ito magagamit sa kasalukuyang lipunan?

a)

Sa pagsunod na lamang sa maling patakaran

b)

Sa tahimik na pagtanggap ng katiwalian sa pamahalaan

c)

Sa paggamit ng dahas para pabagsakin ang gobyerno

d)

Sa pagsuporta sa mapayapang paraan ng pagpapahayag ng saloobin laban sa katiwalian

26.

Paano nakatutulong ang ideya ng kalayaan at pagkakapantay-pantay na dulot ng Rebolusyong Amerikano sa kasalukuyang lipunan?

a)

Pinahihintulutan ang diskriminasyon sa lipunan

b)

Hinahadlangan ang karapatan ng kababaihan at kabataan

c)

Pagpapalaganap ng pantay na oportunidad at karapatang pantao

d)

Pagkakaroon ng limitasyon sa kalayaan sa pagpapahayag

27.

Paano mo maipapakita ang epekto ng Rebolusyong Pangkaisipan sa iyong pang-araw-araw na buhay bilang mananampalataya?

a)

Sa paghusga sa mga hindi kapareho ng iyong relihiyon

b)

Sa pagtanggi sa anumang pagbabago sa relihiyon

c)

Sa paggamit ng katuwiran at paggalang sa paniniwala ng iba

d)

Sa pagsunod sa mga tradisyon nang hindi iniisip ang kahulugan nito

28.

Kung ikaw ay isang mamamayan sa kasalukuyan, paano mo maisasabuhay ang aral ng Enlightenment sa larangan ng relihiyon?

a)

Sa paggalang sa paniniwala ng iba at pumili ng pananampalataya nang may kalayaan

b)

Sa pagpilit sa iba na sumunod sa iyong pananampalataya

c)

Sa pagwawalang-bahala sa usaping panrelihiyon

d)

Sa pagtutol sa lahat ng relihiyong umiiral

29.

Paano masusuri ang papel ng uring bourgeoisie sa pag-usbong ng mga nation-states sa Europa noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo?

a)

Naging tagapagtanggol sa kapangyarihan ng Simbahan upang mapanatili ang pagkakaisa ng estado.

b)

Tinuligsa nila ang nasyonalismo sapagkat pinahina nito ang kalakalan at pandaigdigang merkado

c)

Pinangunahan ang mga kilusang rebolusyonaryo na naglayong wasakin ang sistemang piyudal at itaguyod ang pambansang soberanya.

d)

Naging tapat silang kakampi ng mga monarko upang mapanatili ang absolutismong pamahalaan.

30.

Sa pagsusuri ng estruktura ng Monarchy at Nation-State, alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na nagpapakita ng pangunahing pagkakaiba sa kanilang konsepto ng kapangyarihan at pamumuno?

a)

Ang Monarchy ay nakabatay sa kapangyarihan ng iisang pinuno, samantalang ang Nation-State ay nakabatay sa kolektibong kapangyarihan at pagkakakilanlan ng mamamayan.

b)

Ang Monarchy ay binubuo ng maraming etnikong grupo, samantalang ang Nation-State ay binubuo lamang ng isang lahi.

c)

Ang Monarchy ay gumagamit ng demokratikong halalan sa pagpili ng pinuno, samantalang ang Nation-State ay namamana ang kapangyarihan.

d)

Parehong nakabatay sa kapangyarihan ng simbahan ang Monarchy at Nation-pagkakaiba sa pamamahala.

31.

Alin sa sumusunod ang itinuturing na simbolo ng pagsiklab ng Rebolusyong Pranses dahil sa paglusob sa Bastille noong Hulyo 14, 1789?

a)

Pagwawakas ng kapangyarihan ng hari at simula ng paglaya ng mamamayan

b)

Pook na pinagtitipunan ng mga maharlika

c)

Seremonyal na gawain ng hari

d)

Dito nilagdaan ang Konstitusyon ng France

32.

Ano ang dahilan bakit nagdulot ng krisis ang marangyang pamumuhay ng hari at reyna sa France bago ang rebolusyon?

4 lines
33.

Ano ang dahilan bakit nagdulot ng krisis ang marangyang pamumuhay ng hari at reyna sa France bago ang rebolusyon?

a)

Tumaas ang produksyon ng mga kalakal sa bansa

b)

Nabawasan ang kapangyarihan ng simbahan

c)

Nagdulot ito ng kasaganaan sa mga magsasaka

d)

Nalugmok ang ekonomiya

34.

Ano ang naging epekto ng pagkakabuo ng mga nation-state sa Europa sa ugnayan ng mga bansa?

a)

Nagtulak ito ng mas mahigpit na ugnayan at kapayapaan sa lahat ng bansa

b)

Pinatibay nito ang mga alyansa sa pagitan ng simbahan at estado

c)

Naging daan sa kompetisyon at kolonyalismo upang mapalawak ang kapangyarihan

d)

Pinahina nito ang ambisyon ng mga bansa na palawakin ang kanilang teritoryo

35.

Paano nakaambag ang Panahon ng Kaliwanagan sa mga ideya ng Rebolusyong Pranses?

a)

Nagturo ito ng masusing pagsunod sa simbahan

b)

Nagtutulak ito ng tradisyonal na kapangyarihan ng hari

c)

Nagbigay ito ng mga dahilan upang tanggapin muli ang absolutismo

d)

Nagturo ng mga prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at karapatang pantao

36.

Bakit nagkaroon ng pagkakatulad ang layunin ng mga kilusang nasyonalista sa Asya at Amerika?

a)

Pareho silang naghangad ng kalayaan, pantay na karapatan, at sariling pamahalaan

b)

Pareho silang lumaban upang mapanatiling kolonya ng mga Kanluranin

c)

Pareho silang humiling ng tulong sa mga dayuhang mananakop

d)

Pareho silang tumutol sa pagkakaroon ng sariling wika at kultura

37.

Paano nakaapekto ang pananakop ng mga Kanluranin sa paglaganap ng nasyonalismo sa Asya at Amerika?

a)

Naging masaya ang mga mamamayan sa pamumuno ng mga mananakop

b)

Naging inspirasyon ito upang ipaglaban ang kanilang kalayaan bilang mga kolonya

c)

Pinatibay nito ang kapangyarihan ng mga imperyo sa mga nasakop na bansa

d)

Nagdulot ito ng pagkakaisa ng mga kolonyal na pinuno sa Kanluran

38.

Alin sa mga sumusunod ang nakaapekto sa pagbubukas ng Japan sa kalakalan ng Kanluran sa panahon ng Meiji Restoration?

a)

Napaunlad ang industriya at ekonomiya

b)

Naging sanhi ito ng pagkasira ng ekonomiya ng Japan

c)

Nagdulot ito ng pag-urong ng kaalaman at sining

d)

Pinutol nito ang ugnayan ng Japan sa ibang bansa

39.

Ano ang ipinapakita ng ambisyon ni Napoleon ibang kontinente, kabilang ang South America?

a)

Hangarin niyang itaguyod ang demokrasya sa buong mundo

b)

Pagnanais na maging kaalyado ang mga kolonya ng Spain

c)

Pagsuporta sa kalayaan ng mga bansa sa Latin America

d)

Maipalaganap ang ideyal ng nasyonalismo at kapangyarihan ng France sa buong mundo

40.

Alin ang nagpapahayag paano binago ng Meiji Era ang estruktura ng pamahalaan ng Japan?

a)

Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan at pagbabalik ng kapangyarihan sa emperador

b)

Nanatiling malakas ang mga daimyo at maharlika

c)

Ipinatapon ang emperador at ipinalit ang shogun

d)

Ipinagbawal ang mga repormang pampulitika