NEW
Font size
WorksheetsGMRC REVIEW TEST-IKALAWANG MARKAHAN-GRADE 3-SSC ARCHIMEDES
Total questions: 32
Worksheet time: 16mins
Ano ang dapat gawin upang makatulong sa gawain sa bahay?
Matulog habang sila ay naglilinis.
Maglaro ng cellphone buong araw.
Tumulong magligpit ng mga laruan.
Magtago kapag may gawaing bahay.
Ano ang mangyayari kung lahat ay tutulong sa gawain ng pamilya?
Magkakaroon ng pagkakaisa
Magkakagalit ang lahat
Maiiwan ang gawain
Mawawala ang pagmamahalan
Paano mo maipapakita ang pakikiisa sa tahanan?
Pag-aaway sa kapatid
Pagtulong sa pagliligpit ng lamesa
Pagtanggi sa gawaing bahay
Panonood ng TV habang may gawain
Ano ang ibig sabihin ng pakikiisa?
Pagtutulungan
Palaging nakikipagtalo
Palaging nag-iisa
Palaging nagagalit
Kapag may problema sa pamilya, ano ang dapat gawin?
Sumigaw at magalit
Magtulungan at mag-usap
Magtago sa kwarto
Maglaro at hindi pansinin
Ano ang ibig sabihin ng pagiging totoo?
Laging nagsasabi ng tama Laging nagsasabi ng tama
Palaging nagsisinungaling
Nagtatago ng lihim sa magulang
Nambobola ng kaibigan
Ano ang mangyayari kung lagi kang nagsasabi ng totoo?
Mawawala ang tiwala
Magagalit ang lahat
Magiging masaya at mapagkakatiwalaan
Maiiwas sa pagkakaibigan
Alin sa mga ito ang halimbawa ng pagsasabi ng totoo?
Inamin na nabasag ang baso
Itinago ang kasalanan
Sinisi ang kapatid
Hindi umamin kahit nakita
Ano ang dapat gawin kung nagkamali ka?
Magalit sa kapatid
Magturo ng ibang may sala
Magtapat at humingi ng tawad
Magtago para hindi mapagalitan
Ano ang tawag sa ugali ng hindi pagsisinungaling?
Pagdadahilan
Kasinungalingan
Pag-iwas
Katapatan
Ano ang ibig sabihin ng pagkukusa?
Pagtulong kahit walang nagsasabi
Pag-utos sa iba
Pagtatago kapag may utos
Paghihintay ng utos bago gumalaw
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkukusa?
Nag-aral bago pa utusan ng magulang
Natulog agad kahit may gawain
Hindi sumunod sa guro
Nakipag-away sa kaklase
Ano ang mangyayari kung may pagkukusa ang bata?
Magiging tamad siya
Mas lalong huhusay ang kanyang ugali
Lagi siyang pagalitan
Lagi siyang magtatago
Ano ang dapat gawin kapag natapos mo na ang iyong takdang-aralin?
Manood ng TV nang walang paalam
Maglinis ng gamit kahit walang nagsabi
Mag-away ng kapatid
Umiwas sa gawaing bahay
Alin sa mga ito ang hindi halimbawa ng pagkukusa?
Pagsasampay ng damit kahit walang utos
Pagpupulot ng kalat sa silid-aralan
Paglalaro habang may gawain
Pagtulong magligpit ng gamit
Paano maipapakita ang pakikiisa sa gawaing panrelihiyon ng pamilya?
Pagdarasal kasama sila
Panonood ng TV habang sila’y nagdadasal
Pag-iwas sa misa o dasal
Pag-alis sa bahay tuwing may dasal
Ano ang kahalagahan ng pagsama sa gawaing panrelihiyon ng pamilya?
Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos
Nagpapakita ng katigasan ng ulo
Nagdudulot ng galit
Nagpapakita ng pag-aaway
Ano ang mangyayari kung hindi sasama sa gawaing panrelihiyon?
Magiging mas malapit sa Diyos
Maaaring mawalan ng pagkakaisa sa pamilya
Mas magiging mabait ang lahat
Magiging masaya ang pamilya
Alin sa mga ito ang halimbawa ng pagiging aktibo sa gawaing panrelihiyon?
Pag-awit sa misa
Pag-alis habang may misa
Paglalaro habang nagdadasal
Pagtulog habang may rosaryo
Ano ang natututuhan ng bata sa pakikiisa sa gawaing panrelihiyon?
Pagkakaroon ng bisyo
Pagmamahal sa Diyos at sa pamilya
Pagiging tamad
Pagiging palaaway
Ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagmalasakit sa kalikasan?
Pagtatapon ng basura kahit saan
Pagsira sa mga puno
Pagtulong sa pangangalaga nito
Pagwawalang-bahala sa kapaligiran
Alin sa mga ito ang ginagawa ng pamilyang nagmamalasakit sa kalikasan?
Pagsira ng halaman
Pagsusunog ng plastik sa daan
Pagputol ng punong walang pahintulot
Pagtatapon ng basura sa tamang lugar
Ano ang dapat gawin upang makatulong sa kalikasan?
Magtanim ng puno
Sirain ang halaman
Magkalat ng basura
Sunugin ang mga dahon
Bakit mahalagang magpakita ng malasakit sa kalikasan?
Para magkalat nang magkalat
Para sa kalinisan at kaligtasan ng lahat
Para masira ang kalikasan
Para mawalan ng tirahan
Ano ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng basura sa silid-aralan?
Itago sa bag
Iwanan lang ito
Ipasa sa kaklase
Pulutin at itapon sa basurahan
Ano ang ibig sabihin ng pagiging masunurin?
Pagtalima sa mga magulang at guro
Pagtanggi sa utos
Pag-iwas sa gawain
Pagtatago kapag may iniuutos
Alin sa mga ito ang mabuting kaugalian ng Pilipino?
Pag-aaway ng kapatid
Pagmumura sa kaibigan
Pagmamano sa matatanda
Panlilinlang sa guro
Ano ang mangyayari kung masunurin ang bata?
Magiging masaya ang pamilya at guro
Lagi siyang pagalitan
Magagalit ang lahat
Magiging palaaway siya
Ano ang halimbawa ng pagsunod sa kaugalian ng Pilipino?
Pag-iwas sa pagtutulungan
Pagtatapon ng basura sa kalsada
Paninigaw sa matatanda
Pagtutulungan sa kapitbahay
Bakit kailangan panatilihin ang mabuting kaugalian ng Pilipino?
Dahil ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan at pagkakaisa
Dahil gusto lang ng guro
Dahil walang silbi ang ugali
Dahil uso lamang
Ano ang tawag sa paggalang sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagmamano?
Pakikisama
Pagmamano
Pagbibigay-galang
Pag-uusap
Ano ang tamang gawin kapag may bisita sa bahay bilang bahagi ng mabuting kaugalian?
Ipagwalang-bahala ang bisita
Magpakita ng magalang at maayos na pagtrato
Magtago sa kwarto
Huwag magsalita sa kanila
