NEW
Font size
Worksheets(P)Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Anong karapatan ang ipinakita ng tauhan? Kasama sa naalis sa trabaho si Lea simula ng magbawas ng tauhan ang karinderya kaniyang pinagtratrabahuhan dahil sa inflation rate. Ayaw niyang magutom ang kaniyang pamilya kung kaya't naisipan niyang magtinda online.
Karapatang mabuhay
Karapatang maghanapbuhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa salitang Karapatan?
Ang karapatan ay hindi maaaring tanggalin sa tao
Ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang.
Ang karapatan ay nakabatay sa Likas na batas Moral
Kaakibat ng karapatan ang obligasyon na igalang at irespeto ang kapwa.
Ano ang kaakibat na Karapatan na naibibigay sa tao?
tungkulin
karapatan
pananagutan
serbisyo
Dahil sa kawalan ng maayos na hanap-buhay ng pasya si Mang Karding na huwag ng pag-aralin ang kanyang mga anak. Anong karapatan ang hindi nakamit ng mga anak ni Mang Karding?
karapatan sa buhay
karapatang manirahan
karapatang maging malaya sa relihiyon
karapatang maka pag-aral
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang ibig sabihin nito?
Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
Ang moral ang nagpapanatili ng pamayanan
Nakabatay ang tungkulin sa likas batas moral.
May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng Karapatan sa Buhay, maliban sa isa.
Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng bagyo at pagbaha.
Pakiki-isa sa programa ng pamahalaan laban sa pagsugpo sa illegal na gawain.
Pakikilahok sa illegal na gawain, tulad ng pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Pag-iwas sa pagkaing nakakasira sa kalusugan tulad ng sobrang matatamis at maa alat etc.
Si Vanessa ay mula sa prominenting pamilya at nag-iisang anak ng mag-asawang Norada. Sa kabila ng kaniyang karangyaan si Vanessa ay hindi maaaring makipagrelasyon sa kahit kanino man sapagkat siya ay naipagkasundo na ng kaniyang ama at ina sa kasosyo nila sa kanilang negosyo. Anong karapatan ang nalabag kay Vanessa?
karapatan sa buhay
karapatan sa malayang pagbigay ng opinyon
karapatan sa pagpili ng mapapangasawa
karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon
Ano ang kahulugan ng pahayag ni Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng pagliling ng pagpapakatao.
Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan
Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad sa tungkulin.
Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
Ang iyong matalik na kaibigan na si Marie ay nagtatapat sa iyo na makikipitan siya sa kanyang nobyo sapagkat ayaw sa kanyang nobyo ng kanyang mga magulang. Dahil sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta. Ano ang iyong gagawin?
Ililihim ko na lamang sapagkat ayaw kong masira ang tiwala niya sa akin
Susuprotahan ko si Daniella sa kanyang desisyon, dahil buhay na naman iyon.
Sasabihin ko sa kanyang magulang, dahil iyon ang tama kahit magalit pa siya sa akin.
Hahayaan ko na lamang na lumayo siya at sumama sa kanyang nobyo dahil mahal naman niya ito.
Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa mga sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Hindi nito maaapektuhan ang buhay sa lipunan o bansa.
Kaakibat sa karapatan ng tao ang obligasyon na igalang ang kapwa.
Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay ang mga kailangan niya sa buhay.
Tao lamang ang maaaring makinabang dito dahil tao lang ang maaaring makagawa ng moral na kilos.
Nabasa mo sa Social Media ang mga masasamang komento sa iyo ng iyong dating kamag-aral, mga salitang wala namang bahid ng katotohanan. Paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili?
Hayaan na mo lamang sila.
Magpapadala ka din ng mensahe laban sa kanila.
Isusumbong mo sa iyong magulang upang sugurin sila.
Ipaaalam mo ito sa iyong magulang upang bigyan ka ng magandang payo kung ano ang dapat gawin.
Anong ibig sabihin ng pangungusap? Ang pananagutan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng Karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura ay labag sa katotohanan at panloloko lamang kung Karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing Karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatan personal, ay hindi maipapagtanggol ng may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)
Pananggalang karapatan ang karapatan sa buhay.
Kailangang ipagtanggol ang pananaw na ang mga karapatan pantao.
Iisang paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsang-ayon sa plano ng pamahalaan.
Kailangang gamitin ang lahat ng karapatan upang ipagtanggol ang mga batas na nagtataguyod ng paglabag sa mga karapatan sa buhay.
May mga taong nakakahadlang sa pagtatamasa ng karapatan o nagiging sanhi ng paglabag sa karapatang pantao. Sino-sino sa mga sumusunod ang masusulat dahilan ng paglabag sa karapatang pantao?
Mga kriminal
Mga kawani, opisyal o pinuno
Mga mamamayan at nakatataas
Lahat ng nabanggit
Bakit mahalaga ang bukas na kamalayan sa mga paglabag sa karapatang pantao?
Ang bukas na kamalayan ay nangangahulugan ng tamang pag-iwas sa mga paglabag sa karapatan.
Upang maipagtanggol ang sarili at ang kapwa sa mga taong mapang-abuso
Nang magkaroon ng ligtas at payapang lipunan o bansa.
Lahat ng nabanggit
Saan nakabatay ang Likas na Batas Moral?
Mula sa pagkaanawa ng isip ng tao
Mula sa Diyos
Mula sa aklat ni Tomas de Aquino
Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
Alin sa sumusunod ang hindi naaayon sa Likas na Batas Moral?
Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo
Pagkalatas ng buwis sa mga manggagawa na walang konsultasyon
Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
Sa paanoong paraan natutunan ang Likas na Batas Moral?
Ibinubulong ng anghel
Naiisip na lamang
Mula sa Diyos
Mula sa konsensiya
Ito ay isang uri ng batas na naglalayong mapabuti ang bawat indibidwal sa kanyang pakikipagkapwa.
Batas Trapiko
Pambansang Batas
Likas na Batas Moral
Curfew
Pagpapatawad sa taong nagkasala sa iyo
Pambansang batas
Ordinansa
Batas moral
Karapatan
Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees.
Pambansang batas
Ordinansa
Batas moral
Karapatan
Pagpapatupad ng pang umaga at pang hapong biyahe ng mga magtriricycle sa Lungsod ng Lucena.
Pambansang batas
Ordinansa
Batas moral
Karapatan
Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay inaasahang:
Mapatunayan na karapat-dapat mabuhay
Ang magdadala ng isang masaganang pamumuhay
Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
Magagawa at maisasakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan
Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain sa hapag kainan. Ano ang iyong gagawin?
Kukunin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan
Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at iupload ko sa Youtube
Aawatin ko ang aking kapitbahay bago pa niya masaktan ang pusa
Pababayaan ko na lang na masaktan ang pusa dahil may kasalanan siya
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi angkop sa sampung prinsipyo na kinakailangan para sa ikabubuti ng buhay ayon na rin kay Thomas Aquinas?
Maging makatarungan.
Magsabi ng pawang kasinungalingan.
Huwag papatay ng inosenteng tao.
Ibigay ang nararapat na pasasalamat sa paglilingkod.
Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
Pigilan ang masasamang tao
Itaguyod ang karapatang pantao
Ingatan ang interes ng nakararami
Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
Ang Mabuti ay:
Laging tama
Iba-iba sa tao
Minsan tama
Pare-pareho sa tao
Ang Pagiging Makatao ay:
Ang pagsaklolo sa iba
Pagiging matulungin sa kapwa
Pagpansin sa tao
Pagsunod sa utos ng Diyos
Ano ang epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa at pag unlad ng agham at teknolohiya?
Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa
Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto
Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao
Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkamalikhaing
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa
Walang obligasyon ang tao sa kanyang kapwa na tulungan siya sa paggawa
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong sa sarili
Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kagalingan sa paggawa maliban sa:
Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapon pagtadtapos ng kaniyang obra.
Si Renato ay isang batang nagpuputsa sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibinibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambon gastos ng makatapos ng pag-aaral
Mula pagkabata si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwanan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon silang naiwang utang at hindi nabayaran bilang kapalit si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
Si mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitek kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mapapabuti at mapaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat
Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang anyo
Iba-iba sa mga iba't ibang kultura ang likas na batas moral
Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa, Alin ang HINDI?
Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
Tungkol sa paglilingkod ng tao na may tamang makatugon sa pangangailangan ng kapwa
Isang Gawain na ito na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
Gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa
Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
Sa katotohanan na ang gumagawa o lumilikha ng produkto ay tao
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kailangan sa kanyang kailagan upang matugunan ang kanyang pananaguntng pangangailangan. Ang pangungusap ay:
Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera
Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangangailangan bago ang kapwa bagoang sarili
Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bagoang sarili
Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas ng kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
Si Romeo na nag export ng mga produktong gawa sa bansa mga kalapit na bansa
Si Antonio na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at inilalapatan ng modernong disenyo
Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na karaniwang ginagamit at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga
Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga patimpalak sa buong mundo
Ito ang obheto ng paggawa.
Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng produkto
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
Kalipunan ng mga Gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao sa paggawa. Ang pangungusap ay nangangahulugan:
Hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangani na ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kagapaan.
Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi na itasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapwa
Ang tao ang gagamot ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung tungo na ibubuhos ng tao ang kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng mas ma kahuluhang produkto
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan sa pagpapayaman ang antas ng paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman ang kaolaanan sa pagpapayaman ng paggawa
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
Ang paggawa ay paggawa ng bagay para sa iba
Ang paggawa ay ginagawa para sa kapwa at kasama ang kapwa
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapaalitan, ugnayan at pakikisanikot
Aling sitwasyon ang higit na nagpapakita ng kilos ng tao na may paggawa bilang paglilingkod sa kapuwa?
Pakikilahok sa clean and green drive.
Pagbibigay donasyon sa mga nasalanta at nangangailangan.
Pagsasaayos ng bahay pagkatapos masira ng dumating bagyo.
Pagbuo at pagsasagawa ng programang pagtuturo sa pagbabasa at pagsulat ng libre sa mga street children.
Bakit mahalaga ang paggawa o pagkilos sa paglilingkod bilang pag angat sa dignidad ng tao?
Sa kilos at gawain nasusukat ang pagkatao ng isang tao.
Dahil sa paggawa o kilos nakikita ang katapatan sa paglilingkod.
Sa kilos o gawa nakikita ang tunay na halaga ng kahulugan ng buhay.
Dahil sa kilos ng tao nakikita ang patutunguhan kung ito ay makabubuti sa nakararami.
Trending sa social media, telebisyon at radyo ang iba't ibang uri o paraan sa paglilingkod sa kapuwa upang mabisan ang kahirapang kinaharap na epekto ng pandemya. Alin sa mga sitwasyon ang nagpatunay na kaya natin makipagisa sa kapuwa?
Paglaluto ng pagkain at pagbibigay nito sa mga nangangailangan.
Pagbuo ng programa upang makalikom ng donasyon o fund rasing.
Paalagiang pagdarasal para sa kaaysuan ng bawat pamilyang Pilipino.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Pakikilahok at bolunterismo?
Pagdalo sa mga training at seminar
Pagsali at paglahok sa mga paligsahan
Pag-aambag ng kung ano ang hinihingi
Kusang loob na pagdodonate ng dugo sa isang may sakit
Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng epektibong paggawa bilang paglilingkod sa kapuwa?
May tunguhin, prayoridad, at kaalaman sa pangangailangan ng iba.
May tunguhin, prayoridad, kaalaman sa pangangailangan ng kapuwa at sapat na kakayahan.
May malinaw na hangarin sa pagtulong, prayoridad, at pangako na handang maglingkod ano man ang kaharapin.
May malinaw, malalim at positibong hangarin sa pagtulong, prayoridad, handa sa ano mang kakaharapin, at walang pinipiling paglilingkuran.
Ito ay nangangahulugang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
Bolunterismo
Dignidad
Pakikilahok
Pananagutan
Ayon sa kanya, mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan nuya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan.
Dr. Clark dela Cruz
Dr. Manuel Dy
Dr. Jose Rizal
Dr. Luis Perez
Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat gaya ng isang walis tingting na larawan ng pagkakaisa.
Impormasyon
Pagkakaisa
Pagkilos
Sama-samang pagkilos
Kayong magkakaklase ay nasa paborito ninyong kainan, May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad, Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na, Ano ang gagawin mo?
Hahayaan ko na lang siya at patuloy akong makikipagtawanan sa aking mga kaklase
Kakausapin mo ang may kapansanan upang malibang habang wala pa siyang upuan
Tatawagin mo siya para umupo ng sandal sa aming lamesa habang naghihintay na magkaroon ng bakante
Tatawagin ko ang pansin ng service crew o management para maglaan ng lugar para sa mga may kapansanan
Sa isang taong nakikilahok, mahalaga na matuto siyang magbahagi ng kanyang nalalaman. Ayon kay Sherry Arnstein, ito ay ang:
Bolunterismo
Impormasyon
Pakikilahok
Konsultasyon
Hindi nakalahok si Rico sa oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit, Sa kabila nito, siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting, at sako na paglalagyan ng basura. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
Impormasyon
Konsultasyon
Kasamang Pagkilos
Pagsuporta
Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan, Ang pahayag na ito ay:
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaari makaapekto sa iyo
Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin, Ito dapat ay manggaling sa puso
Tama, sapagkat marami kang magagawa sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling iyon
