Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 6 -REVIEW

Total questions: 40

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang napansin ni Marvin na walang suot na face mask si Jhimar. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Pinagsabihan ni Marvin si Jhinmar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.

b)

Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.

c)

Inaya na lang ni Marvin na pumunta sa simbahan.

d)

Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin.

2.

Tumutukoy ito sa mga pangyayari na maaaring naranasan o narinig ng isang tao na kapupulutan ng aral.

a)

banghay

b)

kuwento

c)

karanasan

d)

wala sa nabanggit

3.

Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya ang mamahaling plorera ng kaniyang lola. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Nagbihis at namasyal si Marta kasama ang kaniyang lola.

b)

Tumakbo papuntang palikuran si Marta.

c)

Nagluto ng pagkain si Marta.

d)

Nahulog ito at nabasag.

4.

Napasigaw nang malakas si Andrea nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang aso. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.

b)

Naipakita ang pagbaba ng kawilihan.

c)

Hinihimatay siya sa sobrang pagkagutom.

d)

Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.

5.

Umuwi ang ina ni Michael mula sa Taiwan. Gustong-gusto niyang lapitan at yakapin ang ina ngunit sinabihan siya na hindi pa maaring gawin iyon. Kailangang maghintay muna sila ng dalawang linggo. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Tumakbo papasok ng kuwarto si Michael at natulog dahil inaantok.

b)

Naglupasay sa pag-iyak si Rhegan sa sobrang sakit ng ngipin.

c)

Nagpumilit si Michael na maglaro sa kabilang bahay.

d)

Walang magawa si Michael kung hindi sundin ang sinabi sa kaniya.

6.

Maraming bunga ang magga ni Aling Solidad kaya palaging namamasyal doon ang magkakapatid na sina Marco, Jasmin at Ruffa. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Umiigib ng tubig ang magkakapatid sa balon ni Aling Solidad

b)

Humingi ng bunga ng mangga ang magkakapatid at dinala sa kanilang ina.

c)

Nagselfie sila sa ilalim ng punong santol.

d)

Tumulong silang maglinis ng bakuran.

7.

Habang namamalengke ang mag-amang sina Mang Teodoro at Rapael, napansin nilang walang suot na face mask ang ilang mamimili doon. Biglang dumating ang mga pulis. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Nagsipag-uwian ang mga mamimili at nagluto ng tanghalian.

b)

Namili ng mga gulay ang pulis.

c)

Pinagsabihan ng mga pulis ang mga mamimili na kailangan nilang magsuot ng face mask.

d)

Naglaro ang mga pulis ng habol-habulan.

8.

Nakikinig sa radyo si Mang Ambo habang humihigop ng isang tasang mainit na kape nang marinig niya na mayroong nagpositibo sa Covid-19 sa kanilang lugar. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Pinatulog agad niya ang kaniyang asawa at mga anak.

b)

Sinabayan ni Mang Tani ang kumakanta sa radyo.

c)

Tinawag ni Mang Tani ang asawa at mga anak para paalalahanan na manatili sa bahay at maging maingat para hindi mahawaan.

d)

Pagkaubos niya ng kape, hinugasan niya ang pinagkainan ng kaniyang mag-iina.

9.

Masayang nagkukuwentuhan ang magkumare na sina Aling Marta at Aling Pacita. Nagkumustahan ang mga ito sa kanilang karanasan bilang mga nanay sa panahon ng home quarantine nang may naamoy silang sunog na sinaing. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Tinawag ni Aling Marta ang anak at pinatingnan ang kaniyang sinaing.

b)

Niyaya niya ang kaniyang mga kaibigan para magsimba.

c)

Dali-daling pumasok ng bahay si Aling Meriam at natulog sa kuwarto.

d)

Tumakbo silang dalawa papasok sa kani-kanilang bahay para kumain.

10.

Inutusan ni Marlon ang kaniyang nakababatang kapatid na bumili ng asin sa tindahan ni Aling Nena ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay, ngunit mag-iisang oras na ay hindi pa rin ito nakakauwi. Ano ang maaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan o kaalaman?

a)

Sinundo niya ito sa tindahan at nadatnan niyang nawili sa paglalaro ang kapatid.

b)

Nag-ensayo ng sayaw si Marlon.

c)

Lumabas siya ng bahay para maglaro.

d)

Nakatulog si Marlon habang nanonood ng telebisyon.

11.

Basahin ang talaarawan:

Mahal kong Talaarawan,
25 Hulyo 2020
Sabado

Medyo tinanghali ako nang gumising ngayong araw dahil napagod ako sa pagtulong sa aking inay sa pagtatanim at pagdidilig ng mga halaman kahapon. Ngayong pandemya mabenta ang aming panindang iba’t ibang halaman lalo na ang mga caladiums, calatheas, aglaonemas, ferns, roses at philodendrons. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa amin lalo na ngayong pandemya. Presko at nakagaganda ng paligid, stress-free at air purifier pa. Nakalilibang na kumikitang kabuhayan pa.

26 Hulyo 2020
Linggo

Gumising ako bandang 6:30 ng umaga ngayong Linggo dahil magsisimba kaming mag-anak sa virtual mass. Naghanda at nagbihis na kami dahil mag-uumpisa ito sa ganap ng ika-8 ng umaga. Nang i-on ni itay ang aming malaking telebisyon, umupo na kami sa sofa, nanood, at nakinig sa misa. Sana matapos na itong pandemya at maging ligtas ang lahat.

Nagmamahal,
Dale

Ano-ano ang mabentang halaman nina Dale?

a)

rosal, caladiums, ferns, roses

b)

roses, ferns, baby’s wreath

c)

orchids, sampaguita, rosal daisies

d)

caladiums, calatheas, aglao, roses

12.

Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?

a)

mga kaibigan at tiyuhin

b)

kaniyang pamilya

c)

mga tiyuhin, lolo at lola

d)

ninang, kapatid, kamag-aral

13.

Ano ang katangian ni Dale bilang isang anak?

a)

masipag, matulungin, at maka-Diyos

b)

maagap, matalino, at malambing

c)

magalang at mapagbigay

d)

masayahin palakaibigan

14.

Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda ng paligid, ano pa ang magandang dulot ng pag-aalaga ng halaman?

a)

air purifier, libangan, at maaaring pagkakitaan

b)

pandagdag na dekorasyon

c)

pampalakas ng katawan

d)

pandagdag na gawain

15.

Sa papaanong paraan nakatutulong si Dale sa kaniyang ina?

a)

paglilinis ng bahay

b)

pagtatanim at pagdidilig ng halaman

c)

paglilinis ng bakuran

d)

pagluluto at paghahanda ng pagkain

16.

Basahin at unawain ang anekdota.

Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya raw ay malakas na binangga ng bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa ito nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2, 2019,” sagot ng babae. “Bakit ngayon lang kayo nag-report? Dapat sana’y noon pa!” tanong ng pulis. “Nagdadalawang-isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya hindi ko po nireport,” sagot ng babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nagreport na ho kayo?” sabi ng pulis. “Andito pa kase yung bisekleta ng bumangga sa akin, ayun po sa gilid,” paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito ng isang lalaki. Pambili raw niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa. Naawa ang aming hepe kaya binili niya.” tugon ng pulis.

Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?

a)

isang binata

b)

isang babae

c)

matandang lalaki

d)

isang bata

17.

Ano ang dahilan kung bakit hindi siya agad nag-report sa pulis?

a)

Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya namukhaan ang lalaki.

b)

Nakalimutan niya.

c)

Natatakot siyang magsumbong.

d)

Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.

18.

Bakit nasa estasyon ng pulis ang bisekleta ng nakabangga sa kaniya?

a)

Binenta ng lalaki ang banka.

b)

Binenta ng lalaki ang bisekleta at binili ng hepe ng pulis.

c)

Nahuli na ang bumangga sa kaniya.

d)

Napulot ng mga pulis ang bisekleta

19.

Ano ang nag-udyok sa kanya an na magreport sa pulis?

a)

Nabangga muli siya ng bisekleta.

b)

Nakita niya ang bisekleta nang nakabangga sa estasyon ng pulis.

c)

Nkita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.

d)

Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.

20.

Isang maikling salaysay ng natatangi at nakawiwili o nakalilibang na pangyayari, karaniwan sa buhay ng kilalang tao at maaaring tunay na nangyari o hindi.

a)

sanaysay

b)

talaarawan

c)

anekdota

d)

maikling kuwento

21.

Bahagi ng pananalita na tumutukoy sa mga salitang naglalarawan.

a)

pangngalan

b)

panghalip

c)

pang-abay

d)

pang-uri

22.

Ano ang kailanan ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitant? Magkamukha ang dalawang pusa ni Helen.

a)

isahan

b)

maramihan

c)

dalawahan

d)

wala sa nabanggit

23.

Ano ang kailanan ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Ang mga malalagong halaman sa hardin ay inaalagaan ni Lara.

a)

wala sa nabanggit

b)

isahan

c)

dalawahan

d)

maramihan

24.

Ano ang kailanan ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Ang mga tanawin sa Pilipinas ay magaganda.

a)

maramihan

b)

isahan

c)

dalawahan

d)

wala sa nabanggit

25.

Ano ang kailanan ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Suot ni Pamela ang isang magarang blusa.

a)

isahan

b)

dalawahan

c)

maramihan

d)

wala sa nabanggit

26.

Ano ang kayarian ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Bago ang mga kagamitan nila sa bahay.

a)

inuulit

b)

tambalan

c)

maylapi

d)

payak

27.

Ano ang kayarian ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Ang watawat ng Pilipinas ay kitang-kita mula sa kinatatayuan ko.

a)

inuulit

b)

payak

c)

tambalan

d)

maylapi

28.

Ano ang kayarian ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Wala kang mauutang sa akin dahil walang-wala rin ako.

a)

inuulit

b)

payak

c)

maylapi

d)

tambalan

29.

Ano ang kayarian ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Taos-puso ang kanyang paghingi ng paumanhin sa iyo.

a)

tambalan

b)

payak

c)

maylapi

d)

inuulit

30.

Ano ang kayarian ng pang-uri ang tinutukoy sa salitang nasalungguhitan? Hindi niya makakasundo ang lalaking palabiro.

a)

maylapi

b)

payak

c)

tambalan

d)

inuulit

31.

Ano ang talaarawan?

a)

Ito ay akdang nagsasalaysay ng isang hindi pangkaraniwang karanasan ng isang tao na nakapang-aaliw at maaaring kapulutan ng aral ng mga mambabasa.

b)

Ito ay pasulat na pakikipag debate sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon, at pananaw

c)

Ito ay pasalitang na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon, at pananaw.

d)

Ito ay pasulat na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon, at pananaw.

32.

Ano ang anekdota?

a)

Ito ay pasulat na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon, at pananaw.

b)

Ito ay pasalaysay na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon, at pananaw.

c)

Ito ay akdang nagsasalaysay ng isang pangkaraniwang karanasan ng isang tao na nakapang-aaliw at maaaring mangaral sa mga mambabasa.

d)

Ito ay akdang nagsasalaysay ng isang hindi pangkaraniwang karanasan ng isang tao na nakapang-aaliw at maaaring kapulutan ng aral ng mga mambabasa.

33.

Saan nakabatay ang mga pangyayari sa anekdota at talaarawan?

a)

Sa karanasan na nagpapakita ng imahinasyon.

b)

Sa ikhang-isip na nagpapakita ng totoong pangyayari sa buhay.

c)

Sa karanasan na nagpapakita ng totoong pangyayari sa buhay.

d)

Sa likhang-isip na nagpapakita ng imahinasyon.

34.

Anong salik sa pagsulat ang dapat isaalang-alang upang matiyak ang magiging tuon o sentro ng mga detalye sa isusulat na anekdota?

a)

pagpili ng karanasan

b)

pagtukoy sa layunin

c)

pagbabahagi ng totoong karanasan

d)

pagbibigay-pansin sa aral o mensahe

35.

Anong salik sa pagsulat ang dapat isaalang-alang upang matiyak ang nais niyang mangyari sa mambabasa sa isusulat niyang anekdota?

a)

pagtukoy sa layunin

b)

pagpili ng karanasan

c)

pagbabahagi ng totoong karanasan

d)

pagbibigay-pansin sa aral o mensahe

36.

Anong salik sa pagsulat ang dapat isaalang-alang upang matiyak ang pagkamakatotohan ng mga pangyayaring isusulat sa talaarawan?

a)

pagbabahagi ng totoong karanasan

b)

pagpili ng karanasan

c)

pagtukoy sa layunin

d)

pagbibigay-pansin sa aral o mensahe

37.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa isinasalaysay ng talaarawan?

a)

imahinasyon

b)

saloobin

c)

obserbasyon

d)

karanasan

38.

Alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa pagpapabuti ng pagsulat ng anekdota at talaarawan?

a)

pagsasaalang-alang sa mga kondisyon sa pagsulat

b)

paghingi ng tulong sa guro

c)

paghingi ng tulong sa mga kamag-aral

d)

pagsasaalang-alang sa mga salik sa pagsulat

39.

Alin sa dalawang pahayag ang wasto tungkol sa pagsulat ng anekdota at talaarawan?

A. Ipinakikita ng anekdota at talaarawan ang mga imahinasyon sa buhay ng nagsalaysay.
B. Ipinakikita ng anekdota at talaarawan ang mga totoong pangyayari sa buhay ng nagsalaysay.

a)

Tama ang B; mali ang A.

b)

Tama ang A; mali ang B.

c)

Parehong tama ang A at B.

d)

Parehong mali ang A at B.

40.

Alin sa dalawang pahayag ang wasto tungkol sa pagsulat ng anekdota at talaarawan?

A. Maaaring hindi maging pare-pareho ang paraan o estilo ng pagsusulat ng isang tao sa anomang akda.
B. Maaaring laging pare-pareho ang paraan o estilo ng pagsusulat ng isang tao sa anomang akda.

a)

Parehong mali ang A at B.

b)

Parehong tama ang A at B

c)

Tama ang B; mali ang A.

d)

Tama ang A; mali ang B.