NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit #5 (Posisyong Papel)
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Sa pagsisimula ng posisyong papel, napansin mong masyadong mahaba ang iyong introduksyon at nawawala ang pokus ng isyu. Ano ang dapat mong gawin upang mapabuti ito?
Dagdagan ng mga panipi mula sa mga eksperto
Limitahan sa paglalahad ng isyu at paninindigan lamang
Isama ang kabuuang solusyon sa introduksyon
Gamitin ang lahat ng background information na nahanap
Nais mong tiyakin na balanseng mailalahad ang iyong argumento. Ano ang pinakaepektibong paraan?
Ituon lamang sa mga argumentong sumusuporta sa iyong paninindigan
Isama ang magkabilang panig bago ipaliwanag ang sariling paninindigan
Iwasang banggitin ang mga salungat na pananaw upang hindi maguluhan ang mambabasa
Gumamit ng emosyonal na apela sa halip na datos
Kung ang layunin ng iyong posisyong papel ay hikayatin ang mga mambabasa na paboran ang 'No to Plastic Campaign,' alin sa mga ito ang pinakaangkop na istratehiya?
Ilarawan ang pinsalang dulot ng plastik gamit ang datos at testimonya
Gamitin ang karanasan ng isang indibidwal bilang tanging batayan
Iwasan ang paggamit ng ebidensya upang hindi maging teknikal
Ituon sa damdamin ng mambabasa kaysa sa katotohanan
Paano mo malalaman kung sapat na ang iyong mga argumento bago isumite ang posisyong papel?
Kapag pare-pareho ang ideya ng lahat ng argumento
Kapag may sapat na datos at pagsusuri upang patunayan ang paninindigan
Kapag mas marami kang argumento kaysa sa kalaban
Kapag mahaba na ang papel
Kung nagkaroon ng maling interpretasyon sa iyong isyu, anong bahagi ng posisyong papel ang dapat mong rebisahin?
Konklusyon
Layunin
Introduksyon
Katawan ng argumento
Ano ang pangunahing layunin ng isang posisyong papel?
Manghikayat batay sa opinyon lamang
Maglahad ng panig na may ebidensiya
Magpahayag ng damdamin tungkol sa isyu
Mang-aliw sa mga mambabasa
Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng posisyong papel?
Nakatutok sa isang isyu
Naglalaman ng mga patunay
Walang malinaw na paninindigan
Gumagamit ng akademikong wika
Sa anong bahagi ng posisyong papel makikita ang tesis o pangunahing argumento?
Introduksyon
Katawan
Konklusyon
Repleksyon
Ano ang tawag sa mga datos na ginagamit upang patunayan ang argumento?
Ebidensiya
Palaisipan
Sanhi
Pangangatwiran
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kredibleng sanggunian?
Blog na walang may-akda
Post sa social media
Isinangguni sa aklat o journal
Personal na kuro-kuro
Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?
Pagpaplano ng istruktura
Pagpili ng paksa
Paglalagay ng sanggunian
Pagbuo ng konklusyon
Bakit mahalagang tukuyin ang mga panig bago sumulat ng posisyong papel?
Upang mapahaba ang papel
Upang malaman ang pinakapopular na opinyon
Upang makapaglahad ng balanseng argumento
Upang makaiwas sa paggamit ng ebidensiya
Alin sa mga sumusunod ang hindi akmang paksa para sa posisyong papel?
Pagbabago ng klima
Pagpapahalaga sa pamilya
Legalization ng divorce
Aborsyon
Ano ang papel ng konklusyon sa posisyong papel?
Magbigay ng bagong argumento
Maglatag ng panibagong isyu
Magtibay sa paninindigan at magbigay ng panawagan
Magpakilala sa paksa
Sa pagsusulat ng posisyong papel, kailan dapat gamitin ang paraphrase?
Kapag inuulit ang kabuuan ng akda
Kapag isinasalin nang buo ang teksto
Kapag gustong ipahayag sa sariling pananalita ang ideya ng iba
Kapag walang oras magbasa ng sanggunian
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paraan upang simulan ang isang posisyong papel?
Sa pamamagitan ng tanong na mapupukaw ang isip
Sa pagsipi ng walang kaugnayan na pahayag
Sa paglalahad ng sariling karanasan
Sa paggamit ng mga jargon na mahirap unawain
Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ng posisyong papel?
Isang paksang may kasalukuyang isyu at may dalawang panig
Isang paksang walang kontrobersiya
Isang paksang personal lamang
Isang paksang di-kinauukulan ng lipunan
Paano nagagamit ang ebidensiya sa posisyong papel?
Bilang palamuti sa teksto
Upang patunayan ang paninindigan
Upang magbigay-aliw sa mambabasa
Upang dagdagan ang haba ng papel
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan ng pag-oorganisa ng argumento?
Mula sa pinakamahina patungo sa pinakamalakas na argumento
Mula sa hindi nauugnay patungo sa nauugnay
Mula sa konklusyon patungo sa introduksyon
Walang partikular na ayos
Ano ang pangunahing layunin ng konklusyon sa posisyong papel?
Magtapos ng papel nang walang patunay
Ibuod at patatagin ang paninindigan
Magbigay ng bagong ideya
Magbago ng panig sa dulo
Ano ang tamang paraan ng pagsangguni sa mga ginamit na sanggunian?
Sa pamamagitan ng bibliyograpiya o citation
Sa pamamagitan ng footnote lamang
Sa pamamagitan ng paggamit ng panipi
Sa pamamagitan ng numerong pagkakasunod-sunod
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, bakit kailangang iwasan ang bias?
Upang maging makatotohanan at mapanghikayat ang argumento
Upang maging mas maikli ang papel
Upang mapabilis ang pagsulat
Upang makaiwas sa pagbanggit ng ebidensiya
Ano ang pinakamainam na paraan upang patunayan ang isang pahayag sa posisyong papel?
Paggamit ng datos mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian
Pag-asa sa sariling opinyon lamang
Pagbanggit ng mga haka-haka
Paggamit ng mga panaginip bilang batayan
Sa anong bahagi ng posisyong papel dapat ilahad ang kabuuang lagom ng paninindigan?
Introduksyon
Katawan
Konklusyon
Talaan ng Sanggunian
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong paggamit ng impormasyon?
Pagpili ng datos na tumutugon sa layunin ng papel
Paglalagay ng lahat ng nahanap na datos
Pag-asa sa iisang sanggunian lamang
Pagbabalewala sa impormasyon ng kabilang panig
Ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng paninindigan?
Ito ay dapat may malinaw na batayan
Ito ay dapat salungat sa lahat
Ito ay dapat nagbabago-bago
Ito ay dapat batay sa emosyon
Paano masusukat ang bisa ng isang posisyong papel?
Sa dami ng pahina
Sa lawak ng sanggunian
Sa kakayahang makahikayat sa mga mambabasa
Sa pagiging komplikado ng wika
Ano ang layunin ng paggamit ng counterargument sa posisyong papel?
Upang ipakita ang kabuuang pag-unawa sa isyu
Upang palitan ang sariling paninindigan
Upang pabigatin ang argumento
Upang pahabain ang papel
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin sa pagsulat ng posisyong papel?
Pagbibigay ng ebidensiya sa bawat argumento
Pagbanggit ng walang batayang pahayag
Paggamit ng lohikal na pagkakasunod-sunod
Pag-iwas sa personal na bias
Bakit kailangang gumamit ng akademikong wika sa posisyong papel?
Upang ipakita ang pormalidad at kredibilidad ng papel
Upang mas maging emosyonal ang teksto
Upang makapagsalita nang malaya
Upang gawing mas mahirap basahin
Ano ang pinakamahusay na paglalarawan sa posisyong papel?
Isang akdang nagpapahayag ng saloobin batay sa patunay
Isang ulat na naglalaman ng datos lamang
Isang akdang pampanitikan na nagkukuwento
Isang liham na may layuning personal
Paano masusuri kung epektibo ang paggamit ng mga sanggunian?
Kung ito ay napapanahon, may-akda, at kaugnay sa isyu
Kung ito ay galing sa social media
Kung ito ay isinulat ng kakilala
Kung ito ay walang petsa at awtor
Ano ang dapat gawin kung may salungat na impormasyon?
Iwasan ito sa papel
Isama at ipaliwanag kung bakit mas matibay ang sariling panig
Burahin ito upang maiwasan ang kalituhan
Gamitin bilang pangunahing argumento
Ano ang pinakapuso ng posisyong papel?
Ang tesis o paninindigan
Ang introduksyon
Ang lagom
Ang bibliyograpiya
Ano ang pinakamahalagang dapat tandaan sa pagsusulat ng posisyong papel?
Ang paninindigan ay dapat may lohika, ebidensiya, at kredibilidad
Ang papel ay dapat mahaba
Ang wika ay dapat magpatawa
Ang paksa ay dapat bago kahit walang kabuluhan
Ako ay inatasang magsulat ng posisyong papel tungkol sa epekto ng teknolohiya sa edukasyon. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang dapat kong gawin upang matiyak na ito ay magbibigay ng lohikal at balanseng pagsusuri?
Pagtatalakay ng mga kwento ng tagumpay sa mga paaralan na gumagamit ng teknolohiya
Pagbibigay ng personal na opinyon tungkol sa teknolohiya at edukasyon upang magsimula ng debate.
Pagtutukoy sa mga pangunahing argumento at pagbuo ng isang matibay na konklusyon batay sa mga totoong datos.
Pagsusuri ng mga teknikal na aspeto ng mga teknolohiyang ginagamit sa mga paaralan, nang hindi isinasaalang-alang ang mga epekto nito sa mga estudyante at guro.
Basahin ang dalawang argumento para sa isang posisyong papel tungkol sa "Dapat bang gawing libre ang antas tersyarya/kolehiyo sa Pilipinas?":
Argumento A: "Ang libreng antas tersyarya/kolehiyo ay magpapataas ng educational access para sa mahihirap na komunidad, tulad ng ipinakita ng datos mula sa mga bansa tulad ng Germany at Norway na may libreng matrikula."
Argumento B: "Ang libreng antas tersyarya/kolehiyo ay dapat na suportahan dahil ito ay makabago at progresibo, at lahat ng mga advanced na bansa ay gumagawa nito."
Aling argumento ang mas malakas at mas nakabatay sa ebidensya?
Argumento A, dahil gumagamit ng ispesipikong datos at paghahambing.
Argumento B, dahil mas emotionally compelling at mas makabago ang dating.
Pareho ang lakas dahil pareho silang nagsasabing suportahan ang libreng edukasyon.
Pareho ang lakas dahil pareho silang nagsasabing suportahan ang libreng edukasyon.
Lumikha ako ng posisyong papel laban sa pagbuo ng shopping mall sa isang maliliit na komunidad. Ang aking argumento ay batay sa kuwento ng isang kaibigan na nagsabi na "ang kabilang mall ay nakakasama sa komunidad." Paano dapat bantayan ang ganitong argumento?
Ito ay malakas at dapat suportahan ang argumento.
Ito ay perpekto dahil may emosyonal na kuwento pa.
Walang pangangailangan na suriin ang ganitong puna.
Dapat suriin kung ito ay batay sa datos o simpleng karanasan.
Kung susuriin ang isang posisyong papel batay sa estilo at teknikal na pangangailangan, alin ang dapat makita para maging propesyonal?
Malinaw na argumento, ebidensya at tugon sa counter-argumento.
Walang tiyak na estruktura para sa buong argumento ng posisyong papel.
Ang paggamit ng emosyonal na salita at mataas na imahe sa bawat argumento.
Ang paggamit ng informal na wika at anekdota nang walang patunay ngunit makatotohanan.
Paano makakatulong ang mga halimbawa sa iyong posisyong papel?
Upang gawing mas mahirap unawain ang argumento
Upang magbigay ng konkretong ebidensya sa mga pahayag
Upang mapahaba ang papel
Upang makaiwas sa mga teknikal na detalye
