wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Makabansa 3

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Anong teorya ang nagsasabing naglakbay sa tulay na lupa ang mga unang tao sa Pilipinas?

a)

Teorya ng Pandarayuhan

b)

Teorya ng mga Taong Tabon sa Palawan

c)

Teorya ng Tulay na Lupa

d)

Teorya ng Pananakop

2.

Anong grupo ng mga dayuhan ang nagbigay ng malaking impluwensya sa pagkain at pamahiin?

a)

Tsino

b)

Amerikano

c)

Malay

d)

Koreano

3.

Bakit itinuturing na malaki ang naging papel ng mga Espanyol sa pagbabago ng paniniwala at tradisyon sa Pilipinas?

a)

Dahil sila ang nagpakilala ng Islam

b)

Dahil sila ang nagpalaganap ng Kristiyanismo at kapistahan

c)

Dahil nagtayo sila ng mga paaralan at ospital

d)

Dahil sila ang nagturo ng sistemang demokrasya

4.

Kung ikaw ay nabuhay noong sinaunang panahon sa Pilipinas at sumasamba ka sa mga anito at espiritu, ano ang maaaring itawag sa iyo batay sa paniniwala noon?

a)

Pagano

b)

Kristiyano

c)

Budista

d)

Tsino

5.

Paghambingin ang mga sumusunod na kaugalian: Bayanihan, Hiya, Delicadeza, at Utang na Loob. Alin sa mga ito ang malinaw na nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad?

a)

Bayanihan

b)

Hiya

c)

Delicadeza

d)

Utang na Loob

6.

Bakit mahalaga ang 'Palabra de Honor' sa paghubog ng tiwala sa pagitan ng mga Pilipino?

a)

Dahil ito ay nagpapakita ng determinasyon

b)

Dahil ito ay nagpapakita ng kahandaang magsakripisyo

c)

Dahil ito ay sumisimbolo ng pagtupad sa pangako

d)

Dahil ito ay nagpapakita ng pagiging magalang

7.

Anong kaugaliang Pilipino ang karaniwang sinasabi kapag may mahirap na gawain?

a)

Hiya

b)

Palabra de Honor

c)

Utang na Loob

d)

Bahala Na

8.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing klima sa Pilipinas?

a)

Tag-init at Taglamig

b)

Taglamig at Tag-ulan

c)

Tagtuyot at Tag-ulan

d)

Taglamig at Tag-snow

9.

Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay kilala sa mga mataas na _____.

a)

Lambak

b)

Bundok

c)

Kapatagan

d)

Baybayin

10.

Aling rehiyon ang binubuo ng Bohol at Cebu at may maburol at mabulkang anyong lupa?

a)

Rehiyon VII - Gitnang Visayas

b)

Rehiyon VIII - Silangang Visayas

c)

Rehiyon IX - Tangway ng Zamboanga

d)

Rehiyon X - Hilagang Mindanao

11.

Ano ang dahilan kung bakit madalas tamaan ng bagyo ang Rehiyon VIII - Silangang Visayas?

a)

Dahil ito ay isang lambak

b)

Dahil ito ay nasa typhoon belt

c)

Dahil ito ay isang tangway

d)

Dahil ito ay napapaligiran ng dagat

12.

Ano ang bansag sa Camiguin sa Rehiyon X - Hilagang Mindanao?

a)

Rice Bowl of the Philippines

b)

Garden of Eden ng Pilipinas

c)

Pearl of the Orient

d)

Summer Capital of the Philippines

13.

Ano ang pangunahing anyong tubig na kilala sa Iligan City, Lanao del Norte?

a)

Tinago Falls

b)

Maria Cristina Falls

c)

Katibawasan Falls

d)

Napalit Lake

14.

Bakit mahalaga ang pangangalaga sa likas na yaman ng bawat rehiyon?

a)

Para magamit lamang ng mayayaman

b)

Para mapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon

c)

Para maging tanyag ang bawat rehiyon

d)

Para hindi ito mapuntahan ng mga turista

15.

Sino ang bayani ng Bohol na nanguna sa pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Kastila?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Francisco Dagohoy

d)

Lapu-Lapu

16.

Sino ang bayani ng Cebu na lumaban sa mga Kastila sa Labanan sa Mactan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Francisco Dagohoy

d)

Lapu-Lapu

17.

Bayan sa Cebu na kilala sa Sugat-Kabanhawan Festival.

a)

Minglanilla

b)

Talisay

c)

Naga

d)

Carcar

18.

"Sugbo, harang kapupud-an sa habagatan, Kinapusurang __________ sa kabisay-an." Ano ang nawawalang salita sa linyang ito mula sa "Sugbo Hymn"?

a)

isla

b)

lalawigan

c)

dapit

d)

kapuluan

19.

Kung ikaw ay gagawa ng bagong emblema para sa iyong komunidad, ano ang iyong isasama upang ipakita ang paniniwala at kasaysayan ng iyong mga kababayan?

a)

Mga larawan ng paboritong artista

b)

Mga palatandaang sumisimbolo sa kultura at pagkakaisa

c)

Mga kulay na walang kaugnayan sa komunidad

d)

Mga bagay na nakikita lamang sa ibang bansa

20.

Kailan nagsimula ang tinatawag na "Golden Era" ng pelikulang Pilipino, na kilala sa pagyabong ng industriya ng pelikula at paglabas ng de-kalidad na mga pelikula?

a)

Dekada '30

b)

Dekada '50

c)

Dekada '60

d)

Dekada '70

21.

Karaniwang pangunahing pagkain ng mga Pilipino sa bawat kainan.

a)

Tinapay

b)

Kanin

c)

Mais

d)

Pansit

22.

Saang lungsod ginaganap ang Masskara Festival?

a)

Bacolod

b)

San Fernando

c)

Kalibo

d)

Cebu

23.

Ang Calle Crisologo sa Vigan ay kilala sa arkitekturang ________, na nagpapakita ng impluwensiya ng mga mananakop.

a)

Amerikano

b)

Espanyol

c)

Koreano

d)

Tsino

24.

Paano ipinapakita ng arkitektura ng isang bansa ang pagkakakilanlan at kultura ng mga mamamayan nito?

a)

Sa pamamagitan ng mga disenyong nagmula sa kanilang kasaysayan at pamumuhay.

b)

Sa pagdami ng mga gusaling walang kaugnayan sa kultura.

c)

Sa paggamit ng banyagang istilo lamang.

d)

Wala sa nabanggit.

25.

Bakit karaniwang may matataas na poste ang bahay-kubo sa mga probinsya ng Pilipinas?

a)

Dahil ito ay tradisyon lamang ng mga Pilipino.

b)

Dahil nakatutulong itong makaiwas sa baha.

c)

Dahil ito ay mas maganda tingnan.

d)

Dahil ito ay mas matibay.