Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Total questions: 46

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang pinakatamang sagot. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand? Ang demand ay tumutukoy sa…

a)

mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng mga consumer.

b)

dami ng produkto na handa (willing) at kaya (able) bilihin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo

c)

kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makabibili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

d)

dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang malinaw na nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer na naaayon sa batas ng demand?

a)

kaunti ang mabibili ng konsyumer kapag mataas ang presyo

b)

maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo

c)

habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng konsyumer

d)

habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer

3.

Sa sitwasyon na ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ano ang ipinapahiwatig nito?

a)

positibong ugnayan ng presyo sa demand

b)

walang kaugnayan ang demand sa presyo

c)

hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand

d)

negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4.

Ano ang basehan na nakaaapekto sa dami ng demand batay sa konsepto ng ceteris paribus?

a)

Presyo

b)

Personal na interes

c)

Kita

d)

Okasyon

5.

Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang rosas tuwing sasapit ang araw ng mga puso?

a)

Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito

b)

Dahil tuwing sasapit ang araw ng mga puso, nagkakasundo na ang konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.

c)

Dahil tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang araw ng mga puso sapagkat hindi matatawaranang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.

d)

Dahil tuwing sasapit ang araw ng mga puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.

6.

Ito ay ang grafikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.

a)

Demand function

b)

Demand curve

c)

Demand schedule

d)

Elastisidad ng demand

7.

Sa November ay matatanggap ng mga manggagawa ang kanilang 13th month pay. Dahil dito, ano ang mangyayari sa lagay ng pamilihan na naaayon sa batas ng demand?

a)

bababa ang demand

b)

tataas ang demand

c)

walang pagbabago

d)

maaaring tumaas o bumaba ang demand

8.

Para sa bilang 8-10, Buoin ang talahanayan. Demand Function: Qd=300-20P. Tukuyin ang nawawalang halaga.

a)

320

b)

280

c)

250

d)

210

9.

Para sa bilang 8-10, Buoin ang talahanayan. Demand Function: Qd=300-20P. Tukuyin ang nawawalang halaga.

a)

5

b)

4

c)

3

d)

2

10.

Para sa bilang 8-10, Buoin ang talahanayan. Demand Function: Qd=300-20P. Tukuyin ang nawawalang halaga.

a)

230

b)

200

c)

180

d)

150

11.

Tumaas ang presyo ng sardinas, sabay tumaas din ang kita ng mga mamimili. Pagkatapos ng pagbabagong ito, napansin na bumaba ang kabuoang demand para sa sardinas. Alin sa mga salik ang pinakamalaking dahilan ng pagbaba ng demand?

a)

Pagtaas ng kita ng mamimili

b)

Pagtaas ng presyo ng sardinas

c)

pagtaas ng populasyon sa lugar

d)

Mas higit na gusto ang instant noodles

12.

Naglunsad ang isang kompanya ng malawakang advertising at promosyon para sa kanilang RTW na damit. Walang pagbabago sa presyo, kita o presyo ng mga pamalit o kaugnay na produkto. Pagkalipas ng kampanya, tumaas ng malaki ang demand sa RTW na damit. Alin sa mga salik ang pinaka-makatwirang paliwanag ang pagtaas ng demand?

a)

Pagbaba sa presyo ng substitute

b)

Pagtaas ng gastos sa produksyon

c)

Pag-asa na tataas ang presyo sa hinaharap

d)

Pagbabago sa panlasa o preference bunga ng advertising o promosyon

13.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mainam na paliwanag sa Suplay? Ang suplay ay tumutukoy sa…

a)

dami ng produkto at serbisyong nais ipagbili sa bawat presyo.

b)

dami ng produkto at serbisyong inilaan na ipagbili sa hinaharap.

c)

dami ng produkto at serbisyong nais bilhin sa alternatibong presyo.

d)

dami ng produkto at serbisyong nais at handang ipagbili sa anumang presyo.

14.

Kapag ang gastos sa produksyon ng isang produkto ay malaki, ano ang mangyayari sa suplay, ayon sa batas ng suplay?

a)

magsasara ang pagawaan

b)

darami ang magagawang produkto

c)

hindi matatantiya ang yaring produkto

d)

liliit ang bilang ng manggagawa ng produkto

15.

Sa sitwasyon na ang kurba ng suplay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng alin?

a)

positibong ugnayan ng presyo sa suplay

b)

walang kaugnayan ang suplay sa presyo

c)

hindi nagbabago ang presyo ayon sa suplay

d)

negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng suplay

16.

Ito ay ang talahanayang representasyon ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.

a)

Supply function

b)

Supply curve

c)

Supply schedule

d)

Elastisidad ng Supply

17.

Ayon sa mga pagbabago ng teknolohiya na salik na naka-aapekto sa suplay, sa paggawa ng sapatos, makina ang ginagamit. Ano ang maaaring mangyayari sa suplay?

a)

bumaba

b)

tumaas

c)

hindi masukat

d)

walang pagbabago

18.

Ayon sa batas ng suplay, ano ang mangyayari sa quantity supplied kung tumaas ang presyo ng produkto?

a)

bababa

b)

tataas

c)

hindi maestima

d)

walang pagbabago

19.

Sa anong direksyon mapupunta ang kurba ng suplay sa sitwasyon na magkakaroon ng karagdagang subsidiya mula sa pamahalaan para sa mga magsasaka?

a)

Kaliwa

b)

Walang pagbabago

c)

Kanan

d)

Hindi alam

20-22.

Para sa aytem 20-22, Buoin ang talahanayan. Supply Function: Qs = 0 + 5P. Punan ang nawawalang halaga sa talahanayan.

20.

Gamit ang Supply Function: Qs = 0 + 5P, ano ang nawawalang halaga sa Suplay kapag Presyo = 2?

a)

5

b)

10

c)

15

d)

20

21.

Gamit ang Supply Function: Qs = 0 + 5P, ano ang nawawalang Presyo kapag Suplay = 20?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

22.

Gamit ang Supply Function: Qs = 0 + 5P, ano ang nawawalang Presyo kapag Suplay = 30?

a)

5

b)

6

c)

7

d)

8

23.

Dahil sa pagtaas ng presyo gasoline, tumaas ang gastos sa transportasyon ng mga magsasaka. Dahil dito, mas kaunti ang naihatid nilang produkto sa pamilihan. Alin sa mga salik ang pinaka-nakaaapekto sa pagbabago ng supply?

a)

Teknolohiya

b)

Panahon o klima

c)

Presyo ng kalakal

d)

Gastos sa produksyon

24.

Isang kompanya ng damit ang gumamit ng bagong makinarya na nagpapabilis sa paggawa ng produkto. Dahil dito, mas marami silang nalilikhang damit sa mas maikling oras. Alin sa mga salik ng supply ang nagpapaliwanag ng sitwasyong ito?

a)

Teknolohiya

b)

Presyo ng produkto

c)

Bilang ng mga nagtitinda

d)

Inaasahang presyo sa hinaharap

25.

Ano ang tawag sa talahanayang representasyon na nagpapakita ng ugnayan ng Qd at Qs na nakaugnay sa Presyo?

a)

Market Value

b)

Market Schedule

c)

Market Graph

d)

Market Curve

26.

Ano ang ipinahihiwatig kung ang sitwasyon sa pamilihan ay Qd = Qs?

a)

may kalabisan

b)

may kakulangan

c)

may ekwilibriyo

d)

may disekwilibriyo

27.

Ano ang tawag sa lagay ng pamilihan na nagpapakita ng ugnayan ng demand at suplay kung saan mas Marami ang dami ng demand kaysa sa dami ng suplay?

a)

may kalabisan

b)

may kakulangan

c)

may ekwilibriyo

d)

may disekwilibriyo

28-30.

Para sa aytem 28-30, Buoin ang talahanayan. Qs = -60 + 2P; Presyo = 40; Qd = 250 - P; Lagay ng Pamilihan = _______. Piliin ang wastong halaga para sa (#28), (#29), at (#30).

28.

Batay sa talahanayan, ano ang Qs?

a)

20

b)

25

c)

30

d)

35

29.

Batay sa talahanayan, ano ang Qd?

a)

190

b)

200

c)

210

d)

220

30.

Batay sa talahanayan, ano ang Lagay ng Pamilihan?

a)

shortage

b)

surplus

c)

equilibrium

d)

elastic

31.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na solusyon upang mapanatili ang balanseng presyo sa pamilihan kapag may kakulangan ng supply?

a)

Magpatupad ng price ceiling

b)

I-export ang natitirang supply

c)

Taasan ang demand sa produkto

d)

Itaas ang buwis sa mga produkto

32.

Ang pang-ekonomiyang termino na tumutukoy sa lugar kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga prodyuser at konsyumer?

a)

Pamahalaan

b)

Pamilihan

c)

Pampubliko

d)

Paaralan

33.

Sa paanong paraan masasabi na may ganap na kompetisyon ang isang pamilihan?

a)

Madali ang pagpasok ng prodyuser.

b)

Ang indibidwal na kalakalan ay may kontrol sa presyo ng kalakal.

c)

Ang presyo ng produkto sa industriya ay idinidikta ng interaksyon sa pagitan ng demand at suplay.

d)

Ang mga produkto ay walang kapalit o kahawig na karaniwan napapabilang sa pampublikong serbisyo.

34.

Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

a)

Nakakakuha ng malaking tubo ng mga konsyumer

b)

Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto

c)

Hindi nakakahiyâ sa mga prodyuser na magpasok ng produkto

d)

Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser

35.

Anong uri ng pamilihan ang mangyayari kung iisa lamang ang mamimili ng produkto?

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo

c)

Oligopolyo

d)

Oligopsonyo

36.

Ang MRT at LRT ay anong uri ng istruktura ng isang pamilihan?

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo

c)

Oligopolyo

d)

Oligopsonyo

37.

Alin sa mga sumusunod na larawan ang industriyang HINDI kabilang sa estrukturang oligopolyo?

a)

Caltex

b)

Shell

c)

Globe/Smart

d)

Tide

38.

Sa paanong paraan nagagawang pataasan ang presyo ng produkto sa Sistemang Oligopolyo?

a)

Competition

b)

Franchising

c)

Hoarding

d)

Price Control

39.

Para sa aytem 39-40, Tukuyin mula sa pagpipilian kung anong estruktura ng pamilihanan ang tinutukoy batay sa mga sumusunod na paglalarawan. A. Ganap na kompetisyon B. Kompetisyong Monopolistiko C. Oligopolyo D. Monopolyo. Paglalarawan: Mahirap makapasok at makaalis sa industriya ng kalakalan.

a)

Ganap na kompetisyon

b)

Kompetisyong Monopolistiko

c)

Oligopolyo

d)

Monopolyo

40.

Para sa aytem 39-40, Tukuyin mula sa pagpipilian kung anong estruktura ng pamilihanan ang tinutukoy batay sa mga sumusunod na paglalarawan. A. Ganap na kompetisyon B. Kompetisyong Monopolistiko C. Oligopolyo D. Monopolyo. Paglalarawan: Pawang magkakaiba ang uri ng kalakal at paglilingkod.

a)

Ganap na kompetisyon

b)

Kompetisyong Monopolistiko

c)

Oligopolyo

d)

Monopolyo

41.

Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?

a)

Price ceiling

b)

Floor prices

c)

Price support

d)

Market clearing price

42.

Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

a)

panguhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid

b)

pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng pamilihan

c)

pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer

d)

patuloy na paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang Negosyo

43.

Para sa aytem 43-45, Suriin ang tsart sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Diagram: Department of Trade and Industry → Pamilihan → (Price Control → Konsyumer) at (Price Support → Maliit na Prodyuser at Magsasaka). Ano ang ipinapahiwatig ng tsart sa konsyumer at prodyuser? Ang pamahalaan ay nagtatakda ng price control at price support upang…

a)

matamo ang layunin ng ekwilibriyo

b)

maipakita ang kanilang pagtupad sa tungkulin.

c)

kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan

d)

tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser

44.

Alin sa mga sumusunod ang may tungkuling mag-obserba sa presyo ng mga bilihin?

a)

Pamilihan

b)

Konsyumer

c)

Maliit na prodyuser at magsasaka

d)

DTI

45.

Bakit mahalagang ginagampanan ng pamahalaan ang tungkulin sa regulasyon ng gawaing pangkabuhayan?

a)

Upang mapigilan ang pag-unlad ng mga negosyo.

b)

Upang kontrolin ang mga mamamayan sa kanilang paggasta.

c)

Upang magkaroon ng monopoly ang mga malalaking kompanya.

d)

Upang manatiling balanse at maprotektahan ang kapakanan ng mamimili at prodyuser.

46.

Ang pagkakaroon ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin ay halimbawa ng…

a)

Deregulasyon

b)

Pribatisasyon

c)

Regulasyon ng pamahalaan

d)

Liberalismo sa kalakalan

47.

Anong gampanin ng pamahalaan ang ipinapakita kapag tinitiyak nito na ligtas at de-kalidad ang mga produktong ibinebenta sa merkado?

a)

Mamimili

b)

Regulator

c)

Tagagawa

d)

Tagapag-angkat

48.

Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng regulasyon ang pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan?

a)

Upang maisulong ang monopoly.

b)

Upang tumaas ang buwis ng mga mamamayan.

c)

Upang mapigilan ang kalakalan ng mga pribadong negosyo.

d)

Upang mapanatiling patas ang merkado at maiwasan ang pang-aabuso sa mamimili.

49.

Kapag ang pamahalaan ay nagbibigay ng lisensiya bago makapagbukas ng negosyo ang isang negosyante, anong hakbangin ang isinasagawa nito?

a)

Iwasan ang kalakalan.

b)

Limitahan ang kompetisyon.

c)

Makalikom lamang ng buwis.

d)

Masiguro na ligtas at legal ang operasyon ng negosyo.

50.

Kung ang pamahalaan ay hindi kikilos laban sa mga negosyanteng nandaraya sa timbang at presyo, ano ang maaaring maging epekto nito sa ekonomiya?

a)

Lalaki ang kita ng pamahalaan.

b)

Tataas ang kalidad ng mga produkto.

c)

Mananatiling matatag ang tiwala ng mamimili.

d)

Mawawala ang tiwala ng mga mamamayan sa merkado.