NEW
Font size
WorksheetsSecond Quarter Examination - Araling Panlipunan 6
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Sino ang naging unang Gobernador-militar na namuno sa bansa?
Henry C. Ide
Wesley Merritt
Elwell Otis
Artemio Ricarte
Ito ang unang batas na pinagtibay ng mga Amerikano ukol sa malayang kalakalan.
Batas Payne-Aldrich
Homestead Law
Colonial Mentality
Susog Spooner
Ang sumusunod ay binigyang-pansin sa pagtuturo, maliban sa___.
demokratikong pamumuhay
kulturang Amerikano
relihiyon
kalusugan
Ano ang tawag sa batas na ipinalabas ng mga Amerikano at nakilala na paraang “zona”?
Brigandage Act
Reconcentration Act 10
Sedition Law
Flag Law
Ito ang nalinang na pag-uugali ng mga Pilipino na tangkilikin ang mga produktong gawa sa Estados Unidos.
colonial mentality
malayang kalakalan
pagunlad ng ekonomiya
pagtangkilik sa sariling atin
Ang sumusunod ay nabago sa patakarang kooptasyon, maliban sa isa:
pagbabago ng relihiyon
sistema ng edukasyon
sistema ng pangkalusugan
pagpapahirap sa mga nagnanais lumaya
Marami ang nabuksang kolehiyo at unibersidad sa bansa. Alin dito ang nauna?
Far Eastern University
University of the Philippines
Philippine Normal School
Philippine Women’s College
Ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon ay isa sa mga kontribusyon ng mga Amerikano. Alin sa sumusunod ang hindi nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino?
naging maunlad ang kabuhayan
napabilis ang paglalakbay
maraming nakapagtapos ng pag-aaral
naipakilala ang makabagong kagamitan sa komunikasyon
Sa iyong palagay, ano ang naging pinakamahalagang epekto ng pananakop ng mga Amerikano?
Umunlad ang ating bansa.
Naging sunod-sunuran ang mga Pilipino.
Napukaw nito ang damdaming makabansa.
Naging moderno ang ating pamumuhay.
Alin sa sumusunod ang binigyang-diin ng mga Amerikano at sinasabing pinakamalaking pamana nila sa ating mga Pilipino?
edukasyon at demokrasya
sining at kultura
relihiyon at ekonomiya
transportasyon at komunikasyon
Ang pakakaroon colonial mentality ba ay nakapagdulot ng kabutihan sa kabuhayan ng mga Pilipino?
Hindi, dahil mas masarap ang pagkaing Pinoy.
Hindi, dahil mawawala na ang kaugalianng Pilipino.
Oo, dahil hindi na mahuhuli sa uso ang mga Pilipino.
Oo, dahil mas tanggap ang pagiging makabago sa pamumuhay.
Maraming pagbabago ang naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino sa iba't-ibang larangan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiyang Amerikano?
paniniwala sa maraming pamahiin
ang mga babae ay nasa bahay lamang
sapilitang paggawa sa lahat ng kalalakihan
pagkakaroon ng libreng pampublikong edukasyon
Anong dahilan at itinuturing na pinakamasalimuot na pangyayari sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ang Death March?
Pinalakad ang mga prisoners of war bilang parusa.
Pinakanta ang mga napasukong Pilipino.
Pinatakbo ang mga Pilipino at Amerikano.
Pinasayaw ang mga sumukong Pilipino at Amerikano.
Bakit maituturing na Puppet Republic ang Ikalawang Republika?
Ang mga Hapones ang nasusunod.
Mahilig ang mga Hapones sa puppet.
Boses ng mga Pilipino ang nasusunod.
Isang puppet ang nagpapatakbo sa bansa.
Sila ang mga magsasakang nagsama-sama upang labanan ang mga sundalong Hapon at handang mangalaga sa katahimikan ng bayan.
Gerilya
Makapili
Kempeitai
HukBaLaHap
Sila ang mga sundalong Pilipino na nakaligtas sa labanan na namundok at patuloy na nakipaglaban na ng patago sa hukbo ng mga kaaway.
HukBaLaHap
Kempeitai
Makapili
Gerilya
Paano ang tamang pagpapakita ng pagtutulungan sa panahon ng digmaan?
Huwag pansinin ang panawagan sa pagbibigay ng tulong
Pagtawanan lamang ang mga taong naging biktima ng digmaan.
Maglaan ng oras upang makilahok sa pamimigay ng mga relief goods.
Tumulong lamang sa kanila kapag sila ay nakapagbigay din ng tulong.
Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng mga Patakarang Pasipikasyon sa Pilipinas?
Naging sunod-sunuran ang mga Pilipino
Natuwa ang mga Pilipino sa mga patakaran
Napukaw ang kanilang damdaming makabansa
Niyakap ng mga Pilipino ang mga patakaran
Ipinatupad ng mga Amerikano ang Flag Law ng 1907. Ano ang nais supilin sa atin ng mga Amerikano?
Bawal ang pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas.
Pagmamahal ng mga Pilipino sa Pilipinas.
Pagiging mayabang at mapagmalaki.
Pagmamahal sa bansang Amerika.
Sa iyong palagay, bakit hindi napagod ang mga Pilipino para isulong ang mga Misyong Pangkakayaan?
Nais nilang lumaya ang ating bansa.
Gusto nilang makilala sa buong mundo.
Upang hangaan sila ng mga kababayan.
Sapagkat gusto nilang makarating sa Amerika.
Ang pinakaunang batas na pinagtibay ng Pambansang Asemblea sa ilalim ng Pamahalaang Komonwealth ay ang Batas ng Tanggulang Pambansa. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
Makilala tayo bilang isang makapangyarihang bansa.
Protektahan ang estado mula sa panganib.
Para matalo natin ang mga Amerikano.
Upang katakutan tayo ng mga bansa.
Bakit sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas?
Ayaw na ng Amerika sa Pilipinas.
Dahil kaalyansa ng Pilipinas ang mga Italyano.
Mahina na ang pwersa ng Amerika sa Pilipinas.
Ipalaganap ang prinsipyo na ang Asya ay para sa Asya.
Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa bayan?
Iwasan natin ang digmaan.
Mahalaggang gumanti tayo sa pagkatalo.
Pahahalagahan natin ang buhay ng mga tao.
Magtutulungan upang umunlad ang ating bayan.
Sa iyong palagay, paano nakaapekto ang sobra-sobrang perang papel na Mickey Mouse Money sa merkado?
Nawalan ito ng halaga dahil sa sobrang dami.
Pahahalagahan natin ang buhay ng mga tao.
Nabibili ng mga Pilipino ang mga nais nila.
Ikinatuwa ito ng ating mga kababayan.
Anong mahalagang aral ang ating natutunan sa pananakop ng mga Hapon sa ating bansa?
Makibaka at mag-alsa laban sa kapwa Pilipino.
Tayong mga Pilipino ay dapat watak-watak.
Maging sunod-sunuran sa mga dayuhan.
Magtulungan at magkaisa para sa bayan.
Bilang isang mag-aaral, payag ka bang sakupin pa tayo muli ng ibang dayuhan? Bakit?
Opo, upang makakilala ako ng iba’t ibang lahi.
Opo, para makapunta ako sa kanilang bansa.
Hindi, dahil ayaw ko na ng gulo sa aking bayan.
Hindi, dahil gusto kong maging malaya ang Pilipinas.
Sa palagay mo, makatarungan ba na maging sunod-sunuran tayo sa mga Hapones?
Hindi, sapagkat tayo dapat ang mamahala sa sariling bansa.
Hindi, dahil mas malakas at matalino tayo kaysa kanila.
Opo, para hindi tayo masaktan ng mga Hapones.
Opo, para hindi sila umalis sa ating bansa.
Tuwing Abril 9, tayong mga Pilipino ay sabay-sabay na nagbibigay pugay sa mga bayaning Pilipino at Amerikano sa Bataan at Corregidor. Sa palagay mo, anong katangian ang ipinapakita natin dito?
Pangloloko sa mga kapwa Pilipino.
Pagkakaroon ng colonial mentality.
Pagkakaroon ng pagmamahal sa bayan.
Pagiging mayabang sa nagawa ng ating mga kababayan.
Naging marahas ang pakikitungo ng mga Hapon sa mga Pilipino noong panahon ng digmaan at hindi ito sinukuan ng ating mga ninuno. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang kanilang ginawa?
Ikahiya ang kanilang ginawang paglaban sa mga Hapon.
Tuluyang kalimutan ang kanilang nagawa para sa bayan.
Isa-isip at isa-puso ang kabayanihang kanilang ginawa.
Pagtawanan na sila ay naging sunod-sunuran.
Naging marahas ang pakikitungo ng mga Hapon sa mga Pilipino noong panahon ng digmaan at hindi ito sinukuan ng ating mga ninuno. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang kanilang ginawa?
Ikahiya ang kanilang ginawang paglaban sa mga Hapon.
Tuluyang kalimutan ang kanilang nagawa para sa bayan.
Isa-is at isa- puso ang kabayanihang kanilang ginawa.
Pagtawanan na sila ay naging sunod-sunuran.
