wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Values Education 7 2nd Summative Test

Total questions: 48

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa iyong pamilya?

a)

Ang pagsunod sa mga panuntunan sa paaralan.

b)

Ang paggalang sa mga magulang at nakatatanda.

c)

Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan sa klase.

d)

Ang pagiging laging handa para sa mga pagsubok.

2.

Niyaya ka ng iyong kaibigan na huwag pumasok at maglaro na lamang sa Internet café. Upang maging maingat sa paghuhusga, ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Mag-isip nang matagal kung maganda ba ang alok.

b)

Sumangguni agad sa magulang o tagapangalaga bago magdesisyon.

c)

Tingnan kung marami ba kayong pagsusulit kinabukasan.

d)

Magpasya batay sa kung ano ang mas makasasaya sa iyo.

3.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng maingat na paghuhusga (prudence)?

a)

Pagpili ng pinakamamahal na aklat dahil ito ang maganda.

b)

Paghiningi ng payo sa guro o magulang bago gumawa ng desisyon.

c)

Pagtatag ng problema upang hindi mag-alala ang pamilya.

d)

Pagmamadali sa pagtatapos ng proyekto kahit hindi tama ang detalye.

4.

Ang pamilya ay tinatawag na sandigan ng mga pagpapahalaga dahil:

a)

Dito lamang matatagpuan ang mga aral sa buhay.

b)

Dito unang itinuturo ang tama at mali, at hinuhubog ang pagkatao.

c)

Sila ang nagbibigay sa atin ng mga pangangailangan.

d)

Sila ang laging kasama natin sa lahat ng ating pinupuntahan.

5.

Alin ang pinakmabuting bunga ng patuloy at matiyagang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya, tulad ng paglilinis ng bahay?

a)

Maiiwasan ang anumang parusa mula sa mga magulang.

b)

Magiging madali ang buhay dahil walang gagawa kundi ikaw.

c)

Malilinang ang mabubuting gawi at titibay ang ugnayan ng pamilya.

d)

Magkakaroon ka ng magandang reputasyon sa buong komunidad.

6.

Ipinangako mo sa iyong nanay na ikaw na ang magdidilig ng mga halaman, ngunit nakalimutan mo ito dahil abala ka sa pag-aaral. Ano ang tamang pagpapakita ng pagiging matiyaga?

a)

Hintaying ipaalala muna ng nanay bago didiligan.

b)

Humingi ng paumanhin at agad na tuparin ang tungkulin nang walang reklamo.

c)

Ipagpaliban na lang ito at gawin bukas kasabay ng ibang gawain.

d)

Hayaan na lang ang nanay ang gumawa dahil abala ka sa mas mahalaga.

7.

Tungkulin ng mga anak ang tumulong sa gawaing bahay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?

a)

Ginawa mo ang gawaing bahay sa loob lamang ng isang araw.

b)

Paulit-ulit mong ginagawa ang tungkulin kahit minsan ay nakababagot.

c)

Tinitingnan mo muna ang ibang miyembro kung tumulong din sila.

d)

Ginagawa mo lang ito kapag may bisita kayong darating.

8.

Ang pagtupad sa tungkulin sa pamilya ay nakapagbibigay ng:

a)

Pagiging mas mayaman kaysa sa ibang pamilya.

b)

Pagiging sikat sa social media dahil sa sipag.

c)

Positibong pagtingin sa sarili at pagiging responsable.

d)

Kakayahang gawin ang lahat ng gawain nang mag-isa.

9.

Ano ang pinakatumpak na pagpapaliwanag sa pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan?

a)

Ito ay isang lugar kung saan nagtitipon ang mga magkakamag-anak.

b)

Ito ang pundasyon ng lipunan na humuhubog sa pagkatao at mabubuting gawi.

c)

Ito ay binubuo ng mga miyembro na laging nagbibigayan ng regalo.

d)

Ito ay isang samahan na may iisang apelyido at tirahan.

10.

Nakita mong malungkot ang iyong kapatid dahil sa mababang marka sa pagsusulit. Bilang isang mapagmahal na kasapi ng pamilya, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Hayaan siyang mag-isa dahil kailangan niya ng espasyo.

b)

Kausapin siya, makiramay, at mag-alok ng tulong sa pag-aaral.

c)

Ipaalala sa kanya na kailangan niyang magsikap pa nang husto.

d)

Magsumbong sa magulang tungkol sa mababang marka niya.

11.

Alin sa mga sumusunod ang isang wastong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya?

a)

Pagsunod sa lahat ng gusto ng magulang para walang gulo.

b)

Palagiang paglingap at pag-alam sa kalagayan ng bawat isa.

c)

Pagpapakita ng pagmamahal tuwing may espesyal na okasyon lamang.

d)

Pagtatago ng mga sariling problema upang hindi na sila mag-alala.

12.

Ang pamilya ay nagbibigay ng pagmamahal na walang pasubali. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang pagmamahal ay ibinibigay nang walang anumang hinihintay na kapalit.

b)

Ang pagmamahal ay ibinibigay lamang sa mga taong karapat-dapat.

c)

Ang pagmamahal ay mayroong mga kondisyon at patakaran.

d)

Ang pagmamahal ay laging naghihintay ng tamang pagkakataon.

13.

Sa gitna ng pagsubok, alin ang pinakamahalagang dulot ng sama-samang pananalangin ng pamilya?

a)

Naiiwasan ang pagkaubos ng pera dahil sa paggasta.

b)

Napagtitibay ang pananampalataya at ugnayan ng bawat kasapi.

c)

Nagiging mas maingay at masaya ang inyong tahanan.

d)

Mas madaling matutupad ang mga hiling at kahilingan.

14.

Bilang Grade 7, ano ang pinakamahusay mong paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng inyong pamilya?

a)

Siguraduhin na ikaw ang laging nangunguna sa pagdarasal.

b)

Hayaan ang magulang na lang ang magdasal para sa lahat.

c)

Kusang magbahagi ng pasasalamat o hiling tuwing magdarasal.

d)

Maghintay muna ng isang malaking problema bago magdasal.

15.

Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pananalangin sa pagltuas ng mga alitan o hindi pagkakaunawaan sa pamilya?

a)

Nagiging tila hukom ang Diyos sa lahat ng alitan.

b)

Nagkakaroon ng pagkakataong magsisihan ang lahat ng miyembro.

c)

Nagbibigay ito ng kapayapaan sa puso at tamang pag-iisip para magpatawad.

d)

Sa pananalangin, mas mabilis na nalilimutan ang pinagmulan ng problema.

16.

Ang pamilya nina Maria ay laging nagdarasal bago kumain. Ano ang ipinahihiwatig nito sa kanilang mga anak?

a)

Ang pagkain ay pinakamahalagang bahagi ng buhay.

b)

Ang pagdarasal ay nakaugalian na lamang at hindi na mahalaga.

c)

Ang pananampalataya ay mahalagang bahagi ng kanilang buhay-pamilya.

d)

Ang pagdarasal ay ginagawa lamang tuwing may malaking okasyon.

17.

Ano ang pangunahing layunin ng paghubog ng konsensiya na ginagabayan ng pananampalataya ng pamilya?

a)

Para malaman mo kung paano ka magiging mayaman.

b)

Upang matiyak ang palagiang pagkiling sa kabutihan at pag-iwas sa kasamaan.

c)

Upang ikaw ang maging pinakamagaling sa pagpapayo sa iba.

d)

Para maging mas masunurin ka sa mga batas ng gobyerno.

18.

May nakita kang sapatos ng iyong kaklase na nahulog habang naglalakad siya. Ang iyong konsensiya ang nagtutulak sa iyong gawin ang tama. Ano ang tamang kilos?

a)

Ibigay sa guro at hayaan ang guro ang magbalik nito.

b)

Kunin at isauli sa kanya nang personal at walang nakakakita.

c)

Hayaan na lang at isipin na baka babalikan naman niya.

d)

Magtanong muna sa mga kaibigan kung ano ang magandang gawin.

19.

Alin sa mga sumusunod ang isang mabisang paraan ng paghubog ng konsensiya?

a)

Pag-aaral ng iba’t ibang relihiyon at paniniwala.

b)

Pagninilay-nilay at palagiang pagsangguni sa mga taong may alam sa moral na pamumuhay.

c)

Pagbabasa ng maraming aklat tungkol sa kasaysayan ng moralidad.

d)

Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa mga taong gumagawa ng masama.

20.

Ang Likas na Batas Moral ay nakatutulong sa konsensiya upang:

a)

maging emosyonal sa paggawa ng desisyon.

b)

makilala ang kabutihan o kasamaan ng kilos.

c)

laging umayon sa kagustuhan ng ibang tao.

d)

maging mas mabilis sa pagdedesisyon.

21.

Bakit mahalaga na magkaisa ang pamilya sa pagtugon sa climate change?

a)

Upang makatanggap ng gantimpala mula sa lokal na pamahalaan.

b)

Dahil ito ay pagtupad sa tungkulin nating protektahan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.

c)

Upang maging sikat ang inyong pamilya sa buong mundo.

d)

Dahil ito ay ipinag-uutos lamang ng mga banyagang bansa.

22.

Bilang isang Grade 7 na nagpapakita ng pagiging mapagmalasakit, alin ang pinakamainam mong naitutulong sa pagtugon sa pagbabago ng klima?

a)

Pagbabayad sa mga taong maglilinis ng inyong kapaligiran.

b)

Pag-uulat sa mga taong nagtatapon ng basura sa maling lugar.

c)

Pag-recycle, pagtitipid ng kuryente, at pagpapalaganap ng “reduce, reuse, recycle.”

d)

Paghihintay sa batas ng gobyerno bago gumawa ng anumang aksyon.

23.

Nagkaroon ng malakas na pagbaha sa inyong lugar. Bilang bahagi ng pagiging mapagmalasakit, ano ang dapat isakilos ng inyong pamilya?

a)

Manatili sa bahay at manalangin na sana ay hindi umabot sa inyo ang baha.

b)

Magbigay ng luma at hindi na ginagamit na damit sa mga nasalanta.

c)

Kusang tumulong sa paglilinis o pagbabahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga biktima.

d)

Mag-post sa social media tungkol sa pagbaha upang makakuha ng atensyon.

24.

Ang pagiging mapagmalasakit sa kalikasan ay nangangahulugan:

a)

Pag-iwas na lamang sa mga lugar na may polusyon.

b)

Pagkilos na makiisa sa pandaigdigang gawain upang mapamahalaan ang epekto ng klima.

c)

Pagbili ng mga produktong gawa lamang sa ibang bansa.

d)

Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga organisasyon.

25.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na pagpapakita ng nasyonalismo ng isang pamilya?

a)

Ang laging panonood ng mga balita mula sa ibang bansa.

b)

Ang pagtangkilik at paggamit ng mga produktong gawa sa Pilipinas.

c)

Ang pagtuturo ng mga banyagang wika sa mga anak.

d)

Ang paglalakbay sa iba’t ibang bansa upang makita ang kultura.

26.

Bakit mahalagang ituro ng pamilya ang paggalang sa watawat at mga pambansang simbolo?

a)

Upang maging sikat sa mga dayuhan.

b)

Upang maging masunurin sa mga tradisyonal na gawain.

c)

Upang maipaliwanag na ang mga ito ay kumakatawan sa kasarinlan at pagkakakilanlan ng bayan.

d)

Upang masiguro na hindi mapapalo ang mga anak sa eskuwelahan.

27.

Ang pagdalo sa mga pambansang pagdiriwang tulad ng Araw ng Kalayaan ay nagpapakita ng:

a)

Pagsunod lamang sa utos ng pamahalaan.

b)

Pag-alala sa mga kontribusyon ng mga bayani at pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan.

c)

Pagkakataon lamang upang magkaroon ng mahabang bakasyon.

d)

Pagpapakita na ang pamilya ay laging mayaman sa mga okasyon.

28.

Bilang miyembro ng isang pamilyang Pilipino, paano ka magbibigay ng kontribusyon sa katiwasayan at kaunlaran ng pamayanan?

a)

Maghintay muna na maging mayaman bago tumulong.

b)

Pagbebenta ng mga produkto na gawa sa ibang bansa.

c)

Pagsunod sa mga batas, pagiging responsableng mamamayan, at pagtulong sa kapwa.

d)

Pag-iwas sa pakikihalubilo sa mga kapitbahay.

29.

Anong pagpapahalaga ang dapat mong isakilos?

a)

Pagtitipid ng tubig at pagkain.

b)

Pagiging matiiyaga sa pagtulong sa paglilinis nang walang reklamo.

c)

Maingat na paghuhusga sa mga desisyon.

d)

Pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pag-alis sa bahay para makahinga.

30.

Nalaman mong walang makain ang inyong kapitbahay dahil nawasak ang kanilang bahay sa lindol. Ano ang pinakamahusay na pagpapakita ng pagiging mapagmalasakit ng inyong pamilya?

a)

Ibalita sa social media ang kanilang kalagayan.

b)

Magbigay ng sobrang pagkain na hindi ninyo na kailangan.

c)

Hayaan na lang ang gobyerno ang magbigay ng tulong.

d)

Agad na magbahagi ng inyong sapat na pagkain at makiramay.

31.

Sa gitna ng takot at pag-aalala, ano ang pinakamahusay na paraan upang patatagin ang inyong pamilya?

a)

Pag-iwas sa pag-uusap tungkol sa nangyari.

b)

Sama-samang pananalangin at pagpapahayag ng pananampalataya.

c)

Pagpaplano agad ng paglipat sa ibang bansa.

d)

Paghahanap ng mga taong mapagsisihan sa kalamidad.

32.

Nakakita ka ng isang sirang kagamitan ng paaralan na nasa kalsada dahil sa lindol. Ginagabayan ng iyong konsensiya, ano ang dapat mong gawin?

a)

Dalhin sa inyo at ayusin para magamit.

b)

Hayaan na lang dahil hindi naman sa inyo.

c)

Iulat agad sa guro o opisyal ng barangay para maibalik o maayos.

d)

Kunan ng litrato at i-post sa social media.

33.

Bilang isang Pilipino, sa sitwasyon ng lindol, anong pagpapahalaga ang pinakamainam na maipakita sa mga taga-Cebu na naapektuhan?

a)

Pagkainteres sa kanilang kultura.

b)

Pagtangkilik sa mga lokal na produkto ng Cebu.

c)

Pagsasakilos ng Bayanihan at pagkakaisa para magbigay ng tulong.

d)

Pag-aaral ng wikang Cebuano.

34.

May nag-aalok sa iyo ng isang gamit na mukhang ninakaw sa mga naglipana sa lugar na sinalanta ng lindol. Alin ang pinakamainam na gagamitin mo sa paghusga?

a)

Puso (Emosyon)

b)

Kagustuhan (Pagnanasa)

c)

Konsensiya at Maingat na Paghuhusga (Prudence)

d)

Payo ng kaibigan

35.

Matapos ang lindol, inaalagaan mo ang isang halaman sa inyong bakuran na muntik nang mamatay. Anong aral ito ng pamilya tungkol sa pagiging mapagmalasakit?

a)

Ang halaga ng pagtitipid.

b)

Ang halaga ng pag-aalaga sa likas na yaman at kapaligiran.

c)

Ang halaga ng pagiging mapamaraaan.

d)

Ang halaga ng pagiging masinop sa buhay.

36.

Anong klase ng pagmamahal ang dapat manatili sa pamilya upang makayanan ang anumang trahedya o kalamidad?

a)

Pagmamahal na may kundisyon.

b)

Pagmamahal na ibinibigay lamang sa mga sikat.

c)

Pagmamahal na walang pasubali (unconditional love).

d)

Pagmamahal na nakabatay lamang sa kayamanan.

37.

Bilang isang kabataan, alin ang pinakamainam mong maibabahagi sa iyong pamilya upang maiwasan ang malawakang epekto ng climate change?

a)

Magtapon ng basura sa ilog.

b)

Gumamit ng maraming plastic bags.

c)

Magpalaganap ng wastong pag-segregate ng basura at pag-recycle.

d)

Magpalabas ng maraming usok mula sa sasakyan.

38.

Nakita mo ang iyong nanay na gumagamit ng mga produktong gawa sa Pilipinas, kahit may mas murang imported. Ano ang ipinapakita niya?

a)

Pagiging matipid.

b)

Nasyonalismo at pagtangkilik sa sariling atin.

c)

Pagiging mayaman.

d)

Pag-iwas sa kalidad.

39.

Ang pagiging mapagmahal sa pamilya ay lalong napapatunayan sa panahon ng:

a)

Pasko at kaarawan lamang.

b)

Kapag mayroong malaking salu-salo.

c)

Pagsubok, kalamidad, at kahirapan.

d)

Panahon ng tag-araw at bakasyon.

40.

Sinasabing ang paghubog ng konsensiya ay tumatagal hanggang sa pagtanda. Bakit kailangan itong gabayan ng pananampalataya ng pamilya?

a)

Upang manalo sa mga debate sa simbahan.

b)

Upang ang mga moral na desisyon ay laging nakabatay sa pagkilala sa Diyos at sa kabutihan.

c)

Upang makita ng mga kaibigan na ikaw ay relihiyoso.

d)

Upang maging sikat sa mga social media platforms.

41.

Alin ang PINAKAMAINAM mong desisyon batay sa pagpapahalaga sa pagmamahal at pagiging matiyaga?

1. Ipagpaliban ang pagtatanim ng puno at manatili sa bahay upang alagaan ang kapatid.

2. Hayaan ang ibang miyembro ng pamilya ang magtanim ng puno at mag-alaga sa kapatid.

3. Magtanim muna ng puno nang mabilisan at pagkatapos ay umuwi agad para alagaan ang kapatid.

4. Mag-alaga sa kapatid nang may pasensiya at tiyaga, habang nag-aalok na tumulong na lang sa ibang paraan sa proyekto.

a)

1, 2

b)

1, 4

c)

2, 3

d)

3, 4

42.

Alin ang kombinasyon ng mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga (prudence) sa sitwasyong ito?

1. Magtanong sa magulang kung alin ang mas mahalaga: ang proyekto o ang kapatid.

2. Gumawa ng desisyon batay sa kung saan mas kaunti ang iyong gagawin.

3. Unahin ang pag-aalaga sa kapatid dahil ang pamilya ang likas na institusyon ng pagmamahalan.

4. Mag-alok na magbigay ng kontribusyon sa pagtatanim pagkatapos ng krisis sa pamilya.

a)

1, 2, 3

b)

1, 3, 4

c)

2, 4

d)

3, 4

43.

Alin ang pinakamahusay na pagkilos batay sa konsensiya at pananampalataya?

1. Itago na lang ang pera at ipagdarasal na sana ay hindi na ito hanapin.

2. Gumamit ng bahagi ng pera para sa proyekto at ibalik na lang ang matitira.

3. Isangguni muna sa magulang ang tungkol sa pera at sabihin ang natuklasan.

4. Magdasal at humingi ng gabay sa Diyos kung ano ang gagawin.

a)

1, 2

b)

2, 4

c)

1, 3

d)

3, 4

44.

Alin ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga at pagtupad sa tungkulin (Prudence & Perseverance)?

1. Ituloy ang paghahanap kung sino ang may-ari ng pera.

2. Itabi ang pera sa ligtas na lugar hanggang sa matukoy ang may-ari.

3. Manghiram na lang ng pera para sa proyekto kaysa gamitin ang natagpuan.

4. Gumawa ng paraan para kitain ang sariling pera para sa proyekto.

a)

1, 2, 3

b)

1, 2, 3, 4

c)

1, 3

d)

2, 4

45.

Sa paghubog ng konsensiya, ang pananampalataya ay nagsisilbing gabay dahil:

1. Ito ay nagtuturo ng mga prinsipyo ng pag-ibig sa Diyos at kapwa.

2. Nagpaparamdam ito sa tao na laging mayroong nagmamatyag.

3. Nagbibigay ito ng lakas upang laging piliin ang kabutihan.

4. Ito ang nagsasabi kung kailan ka makakabili ng bagong damit.

a)

1, 2, 3

b)

1, 3

c)

2, 4

d)

1, 2, 3, 4

46.

Alin ang HINDI wastong pagtugon ng pamilya sa climate change?

1. Pagtatapon ng mga plastic sa ilog.

2. Pag-aaral ng mga epekto ng climate change at pagbahagi nito.

3. Paggamit ng kotse sa malapit na distansya.

4. Pag-recycle ng mga ginamit na papel at bote.

a)

1, 3

b)

2, 4

c)

3, 4

d)

1, 2, 3, 4

47.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng nasyonalismo ng pamilya?

1. Pagsunod sa tamang paraan ng paglalagay ng watawat ng Pilipinas.

2. Pagpapalaganap ng kahalagahan ng mga pambansang pagdiriwang.

3. Laging pagbili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.

4. Pagpuri sa kultura at produkto ng ibang bansa.

a)

1, 4

b)

1, 2, 3

c)

2, 3

d)

1, 2, 3, 4

48.

Alin ang pinakamahalagang aral na dapat matutunan ng isang Grade 7 sa Values Education, Quarter 2?

1. Ang pamilya ang unang humuhubog sa pagkatao.

2. Ang mga pagpapahalaga ay dapat isabuhay at hindi lamang tandaan.

3. Ang pagtupad sa tungkulin ay nagdudulot ng mabuting gawi.

4. Ang pagmamahal sa pamilya ay dapat na walang pasubali.

a)

1, 2

b)

2, 3

c)

3, 4

d)

1, 2, 3, 4