wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4 Reviewer- Ikalawang Markahan

Total questions: 70

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pangkat o hilera ng mga bundok?

a)

Bulubundukin

b)

Kapatagan

c)

Burol

d)

Bulkan

2.

Ano ang mahaba at paliko-likong anyong tubig na umaagos mula sa mga batis, sapa o bukal sa itaas ng bundok o burol patungo sa dagat at sa karagatan na hindi maalat ang tubig dito?

a)

Dagat

b)

Karagatan

c)

Kipot

d)

Ilog

3.

Ano ang tawag sa malawak na lupain na patag at mahaba at angkop ito sa pagtatanim ng gulay, mais, at palay, madyoong higit na maraming tao ang naninirahan at maraming mga tirahan?

a)

Burol

b)

Bundok

c)

Kapatagan

d)

Lambak

4.

Ano ang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok?

a)

Talampas

b)

Lambak

c)

Bundok

d)

Kapatagan

5.

Ano ang tawag sa anyong lupa na may mataas na bahagyang lupa ngunit patag ang ibabaw?

a)

Talampas

b)

Lambak

c)

Bundok

d)

Kapatagan

6.

Alin sa mga sumusunod ang anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa?

a)

Karagatan

b)

Kipot

c)

Lawa

d)

Bukal

7.

Ano ang pinakamataas na anyong lupa sa Pilipinas?

a)

A. Burol

b)

B. Bundok

c)

C. Kapatagan

d)

D. Lambak

8.

Anong uri ng anyong lupa na isang bundok na hugis kono o bolisongsong na may bukana na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa ilalim ng balat ng lupa?

a)

A. Bulubundukin

b)

B. Kapatagan

c)

C. Burol

d)

D. Bulkan

9.

Anong anyong tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok?

a)

Talon

b)

Bukal

c)

Karagatan

d)

Dagat

10.

Ano ang pinakamalaking anyong tubig?

a)

A. Talon

b)

B. Bukal

c)

C. Karagatan

d)

D. Dagat

11.

Ano ang malaking katawan ng tubig ngunit mas maliit sa karagatan na naghihiwalay sa mga pulo sa ating bansa?

a)

Dagat

b)

Karagatan

c)

Kipot

d)

Ilog

12.

Ang pagpili ni Liz na itapon ang basura sa ilog dahil mas madali ito kaysa maghanap ng basurahan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang pagtitipid ni Cae sa paggamit ng tubig sa bahay dahil alam niyang ito ay mahalagang yaman ng bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang paglaan ng oras ni Ani at ang kanyang pamilya upang magtanim ng puno sa kanilang komunidad.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Ang paggamit ng dinamita ni Pas para mas madaling makahuli ng maraming isda.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang paglilinis ng mga tao sa pamayanan tuwing may pista upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kanilang lugar.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Ang pagtulong ni Sin sa mga kabataan sa kanilang komunidad na maiintindihan ang iba’t ibang kultura ng mga rehiyon ng Pilipinas.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Ang pambubully sa kaklase dahil sa kakaiba ng kanyang kulay at itsura ng mukha.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang-lupa?

a)

Tuna

b)

Palay

c)

Ginto

d)

Isda

20.

Ano ang tawag sa yamang nauubos at hindi na napapalitan kapag naubos?

a)

Yamang tubig

b)

Yamang tao

c)

Yamang mineral

d)

Yamang gubat

21.

Alin sa mga sumusunod ang yamang napapalitan?

a)

Ginto

b)

Kabibe

c)

Pilak

d)

Bakal

22.

Alin ang pangunahing yamang nagmumula sa dagat sa Pilipinas?

a)

Palay

b)

Tuna

c)

Mangga

d)

Tubo

23.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang-tao na gumagamit ng lakas-isip?

a)

Magsasaka

b)

Guro

c)

Mangingisda

d)

Kargador

24.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa yamang-gubat?

a)

Ginto

b)

Pino

c)

Patatas

d)

Bangus

25.

Ano ang maaaring mangyari sa ekosistema kung patuloy ang labis na pagputol ng mga yamang-gubat tulad ng mga puno?

a)

Mas maraming puno ang tutubo.

b)

Magkakaroon ng pagkawala ng tirahan ng mga hayop.

c)

Mas mapapabilis ang pagtubo ng mga halaman.

d)

Mas magiging malamig ang klima sa lugar.

26.

Ano ang epekto ng hindi wastong pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig?

a)

Mas dadami ang isda sa karagatan.

b)

Mawawala ang mga isda dahil sa polusyon.

c)

Mas magiging malinis ang tubig dahil sa basura.

d)

Mas magiging mabango ang paligid.

27.

Kung ikaw ay isang pinuno ng komunidad at napansin mong maraming kabataan ang umaalis upang magtrabaho sa lungsod, paano mo sila mahihikayat na manatili?

a)

Magbigay ng mga programang pangkabuhayan gamit ang yamang likas sa lugar.

b)

Pigilan silang umalis sa pamamagitan ng pagbabawal dito.

c)

Bigyan sila ng libreng tiket pauwi sa kanilang bayan.

d)

Hikayatin silang magtrabaho sa mga pabrika sa halip na gamitin ang mga likas na yaman.

28.

Ang isang komunidad ay nakadepende sa pagtatanim ng niyog. Paano nila maiiwasan ang pagkaubos ng sustansya ng lupa sa kanilang lugar?

a)

Huwag nang gamitin ang lupa para sa pagtatanim.

b)

Magtanim ng iba pang pananim bukod sa niyog upang maiwasan ang pagkaubos ng sustansya ng lupa.

c)

I-export agad ang lahat ng produkto upang mas kumita.

d)

Gumamit ng mga pestisidyo upang mapabilis ang ani.

29.

Ang mga yamang hindi napapalitan ay mananatiling magagamit ng tao magpakailanman.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ang mga yamang-mineral tulad ng ginto at bakal ay madaling maubos kapag labis na ginagamit.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Ang yamang-tao ay tumutukoy lamang sa mga propesyonal tulad ng doktor at guro.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang mga yamang-tubig tulad ng isda at halamang-dagat ay maaaring mapalitan kung ito ay aalagaan nang maayos.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang wastong paggamit ng mga yamang-gubat ay makatutulong upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Mga yamang-lupa na tumutukoy sa pagsasaka tulad ng palay, mais, at niyog.

a)

Yamang-gubat

b)

Yamang-mineral

c)

Yamang-tubig

d)

Yamang-lupa

35.

Mga yamang-tubig na kinabibilangan ng mga isda tulad ng tuna at galunggong.

a)

Yamang-tubig

b)

Yamang-mineral

c)

Yamang-gubat

d)

Yamang-lupa

36.

Ang mga tulad ng ginto, pilak, at bakal ay tinatawag na yamang-mineral na nauubos dahil hindi ito napapalitan.

a)

Yamang-mineral

b)

Yamang-tubig

c)

Yamang-gubat

d)

Yamang-agrikultura

37.

Tumutukoy sa mga propesyonal, skilled, less-skilled, at unskilled workers — ito ay ang yamang-tao.

a)

Yamang-tao

b)

Yamang-likas

c)

Yamang-kapital

d)

Pagnenegosyo

38.

Nagbibigay ng kahoy mula sa mga puno tulad ng dipterocarp, molave, at bakawan.

a)

Yamang-gubat

b)

Yamang-mineral

c)

Yamang-tubig

d)

Yamang-sakahan

39.

Ang pagtatapon ng mga nakalalasong kemikal sa mga anyong tubig.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

40.

Ang pagtatanim ng mga bagong puno matapos magputol sa kagubatan.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

41.

Ang pag-iwas sa paggamit ng plastik na basura upang hindi makapinsala sa yamang-tubig.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

42.

Ang paggamit ng organikong pataba sa pagsasaka upang mapanatili ang sustansya ng lupa.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

43.

Ang pag-aaral at pagsasanay ng mga manggagawa upang mapanulad ang kanilang kakayahan bilang yamang-tao.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

44.

Ang pagmimina nang walang sapat na regulasyon, na nagdudulot ng erosion at pagkasira ng kalikasan.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

45.

Ang ilegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan para sa komersyal na layunin.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

46.

Ang hindi pagpapahalaga sa edukasyon, na nagdudulot ng kawalan ng kakayahan para sa pag-unlad.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

47.

Ang pagsali sa mga clean-up drive upang mapanatiling malinis ang mga dagat at ilog.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

48.

Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.

a)

Wasto

b)

Hindi Wasto

49.

Paggamit ng mga pampublikong transportasyon upang mabawasan ang transportasyon sa hangin.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Pag-recycle ng mga kagamitan na hindi pa nasira at pwedeng gamitin.

a)

Tama

b)

Mali

51.

pangkat na kilala sa pagiging romantiko, madasalin, malalambing, at malumanay o mahinahon magsalita.

a)

Bikolano

b)

Cebuano

c)

Ilonggo

d)

Kapampangan

e)

Muslim

52.

kilala sa mas mataas na pagpapahalaga sa sarili at pamilya na nagmula sa Cavite, Laguna, Batangas, NCR, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Palawan, Rizal, Quezon, at Marinduque.

a)

Tagalog

b)

Muslim

c)

Ilonggo

d)

Cebuano

e)

Waray

53.

ang pangkat na galing sa Samar at Leyte na mahilig sa pag-inom ng tuba at pag-awit. Sila ay di-maluho sa buhay, matiisin, matatapang, at magigiliw.

a)

Tagalog

b)

Muslim

c)

Ilonggo

d)

Cebuano

e)

Waray

54.

pangkat na may pagpapahalaga sa paniniwala at kasulatan, matapat sa binitawang salita, at matatapang kaya hindi sila nasakop ng mga dayuhan.

a)

Tagalog

b)

Muslim

c)

Ilonggo

d)

Cebuano

e)

Waray

55.

pangkat na matatagpuan sa mga lalawigan ng Cebu, Siquijor, Camiguin, Bohol, Davao, Surigao, Agusan, at Misamis.

a)

Tagalog

b)

Muslim

c)

Ilonggo

d)

Cebuano

e)

Waray

56.

pangkat na madasalin, matitipid, at mahilig sa gulay at bagoong na nagmula sa Ilocos Sur at Norte, La Union, Abra, Cagayan, Nueva Viscaya, Tarlac, at Isabela.

a)

Tagalog

b)

Bikolano

c)

Ilokano

d)

Pangasinense

e)

Kapampangan

57.

ang pangkat na kilala sa pagluluto ng masasarap na pagkain at magagandang bagay na karamihan ay matatagpuan sa Pampanga at Tarlac.

a)

Tagalog

b)

Bikolano

c)

Ilokano

d)

Pangasinense

e)

Kapampangan

58.

pangkat na mahilig sa pagkaing maanghang at may gata. Relihiyoso, magagalang, at mahuhusay sumayaw ang karamihan sa kanila.

a)

Tagalog

b)

Bikolano

c)

Ilokano

d)

Pangasinense

e)

Kapampangan

59.

pangkat na kilala sa pagiging matipid, magalang, madasalin, umaasa sa sariling kakayahan, masinop, masipag, at matiyaga na nagmula sa Pangasinan.

a)

Tagalog

b)

Bikolano

c)

Ilokano

d)

Pangasinense

e)

Kapampangan

60.

  Ang Pilipinas ay mainam sa daungan na nagiging lugar ng kalakalan.

a)

Positibo

b)

Negatibo

61.

pagkakaroon ng mabagal na komunikasyon at transportasyon.

a)

Positibo

b)

Negatibo

62.

maraming magagandang pangisdaan

a)

Positibo

b)

Negatibo

63.

daanan ng mga pangunahing ruta.

a)

Positibo

b)

Negatibo

64.

mga mamamayan sa Pilipinas ay may pananampalataya sa Diyos

a)

Positibo

b)

Negatibo

65.

ang mga liblib na lugar ay hindi agad naabot ng pamahalaan

a)

Positibo

b)

Negatibo

66.

sentro ng distribusyon ng mga produkto sa Timog-Silangang Asya

a)

Positibo

b)

Negatibo

67.

ang rehiyonalismo na sobrang pagpapahalaga at mataas na pagtingin sa sariling rehiyon

a)

Positibo

b)

Negatibo

68.

maraming aktibong bulkan

a)

Positibo

b)

Negatibo

69.

pagkakaroon ng pambansang wika sa kabila ng pagkakaiba ng pangkat-etniko

a)

Positibo

b)

Negatibo

70.

nakakaranas ng maraming bagyo at pagbaha

a)

Positibo

b)

Negatibo