Font size
WorksheetsRUQA Grade 5 EPP - Animal Production
Total questions: 36
Worksheet time: 26mins
Ano ang ibig sabihin ng animal production?
Pagluluto ng mga pagkain mula sa hayop
Pagpapatayo ng mga gusali para sa mga hayop
Pagpaparami ng mga halaman para ipakain sa mga hayop
Pag-aalaga at pagpapalaki ng hayop para sa pagkain at kabuhayan
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangay ng animal production?
Poultry raising
Swine raising
Fish culture
Gardening
Ang fish culture ay isang sangay ng animal production. Ano ang pangunahing layunin nito?
Gumawa ng masasarap na pagkain
Magtanim ng palay sa paligid ng palaisdaan
Paggamit ng dumi ng manok sa paggawa ng lumot
Magparami ng mga isda para sa pagkain at hanapbuhay
Kung nais mong magsimula ng maliit na poultry project sa inyong bakuran, ano ang unang hakbang na dapat isaalang-alang?
Bumili agad ng sisiw para sa proyekto
Humanap ng ligtas na lugar para sa manok
Magtayo ng maliit na tindahan sa bakuran
Mag-alaga ng baboy na katabi ng manukan
Isang bata ang nagsabi na ang gardening ay bahagi ng animal production. Paano mo ito ipaliliwanag?
Tama siya dahil pareho silang gawaing makikita sa bukid
Tama siya dahil ang gardening ay tungkol lamang sa mga halaman
Mali siya dahil ang gardening ay para sa halaman at hindi para sa hayop
Tama siya dahil parehong nakapagbibigay ng pagkain ang halaman at hayop
Kung pipili ka ng sangay ng animal production na madaling simulan ng isang pamilya, alin ang pinakamanian at bakit?
Poultry raising dahil maliit lang ang puhunan at madaling alagaan
Fish culture dahil hindi naman daw kailangan ng maraming tubig
Swine raising dahil mabilis ang kita kahit maliit lamang ang espasyo
Cattle raising dahil nangangailangan ng mas malawak na lupang pastulan
COMPREHENSION: Basahin ang talata. Si Carlo ay nag-aalaga ng mga manok sa kanilang bakuran gamit ang natural na pamamaraan. Hindi siya gumagamit ng komersyal na gamot at pinapakain niya ang manok ng mga halamang madaling makita sa paligid. Dahil dito, lumaki ang mga manok nang malusog at ligtas kainin. Ikinuwento niya ito sa kanyang mga kaklase bilang magandang halimbawa ng pangangalaga sa alaga.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng poultry animal?
Baboy
Baka
Kambing
Manok
Bakit mahalaga ang natural na pamamaraan ng pag-aalaga ng manok?
Mas ligtas ang produkto para kainin ng tao
Mas kaunti ang pangangalaga na kailangan
Mas mura ang kemikal kaysa sa natural na pagkain
Mas mabilis lumaki ang mga manok gamit ang kemikal
Kung gusto mong mag-alaga ng manok sa natural na paraan, alin ang dapat mong gawin?
Pakainin ng instant noodles ang mga manok
Magbigay ng antibiotics kahit hindi kailangan
Gumamit ng kemikal na pampabilis ng paglaki
Gumamit ng natural na pagkain gaya ng darak at gulay
Ang dalawang pamilya ay parehong nag-aalaga ng manok. Ang isa ay gumagamit ng natural na paraan, ang isa naman ay puro kemikal. Ano ang mas mainam na produkto para sa kalusugan?
Produkto ng gumagamit ng natural na paraan
Pareho lang ang epekto sa kalusugan
Hindi ligtas ang alinman sa dalawa
Produkto ng gumagamit ng maraming kemikal
May kaklase ka na gustong bumili ng murang itlog mula sa manok na pinalaki gamit ang kemikal. Ano ang pinakamabuting payo mo?
Huwag bumili ng itlog
Bumili na lang ng kendi
Bilhin agad dahil mas mura ito
Piliin ang natural na itlog kahit mas mahal
Kung may pagkakataon kang pumili, alin ang mas makabubuti para sa komunidad?
Natural na pag-aalaga ng poultry animals gamit ang tradisyonal na paraan
Pag-import ng itlog mula sa ibang bansa para sa lokal na merkado
Komersyal na pag-aalaga ng poultry animals na gumagamit ng antibiotics
Pag-aalaga ng mga hayop gamit ang puro kemikal at artipisyal na pamamaraan
Ano ang pangunahing serbisyo na ibinibigay ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry sa mga poultry raisers?
Libreng pataba at damo
Libreng bakuna at seminar
Libreng pagkain para sa pamilya
Libreng pabahay para sa manok
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng benepisyo na natamo ng mga magsasaka?
Bakuna lamang → Mas ligtas na alaga → Kaunting namatay
Seminar at pagbabakuna → Mas mataas na kita → Mas ligtas na alaga
Bakuna at seminar → Kaunting namatay → Mas mataas na kita
Pagbibigay ng seminar → Bakuna sa lahat → Kaunting namatay
Anong ebidensya sa sitwasyon ang nagpapakita ng bisa ng tulong ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry?
Dumami ang kalat at basura sa paligid ng manukan
Mas kaunti ang namamatay na alaga at mas mataas ang kita
Maraming reklamo mula sa kapitbahay tungkol sa manukan
Mas maraming namamatay na manok sa bukid at mas mababa ang kita
Si Mang Jose ay nakatanggap ng tulong mula sa isang NGO na nagpo-promote ng organic poultry raising. Binigyan siya ng mga materyales at kaalaman tungkol sa paggamit ng natural na pagkain para sa mga manok. Nag-eksperimento siya at pinakain ng darak at gulay ang kanyang mga alaga. Pagkatapos ng tatlong buwan, mas gumanda ang kalidad ng itlog at tumaas ang demand sa palengke.
Batay sa pasaheng ibinigay, ano ang unang dapat gawin ni Mang Jose para masigurong tama ang kaalaman na ibinigay ng NGO?
Basahin ang iba’t ibang babasahin tungkol dito
Bumili ng ilang sisiw at alagaan nang maayos
Gumamit ng bakuna at tamang pangangalaga sa manok
Magbenta ng itlog matapos ang wastong pag-aaral at paghahanda
Ano ang maaaring mangyari kung hindi gumamit ng natural na pagkain si Mang Jose?
Mas gaganda ang kalidad ng itlog
Hindi tataas ang demand sa palengke
Mas lalaki ang kita nang mabilis
Lalong dadami ang bumibili
Aling impormasyon ang pinakamahalagang batayan upang masabing naging matagumpay ang proyekto ni Mang Jose?
Mas madalas siyang pumunta sa palengke
Mas gumanda ang bakod ng kulungan
Mas dumami ang basura sa paligid ng bahay
Mas gumanda ang kalidad ng itlog at tumaas ang demand
May isang barangay na nakatanggap ng pondo mula sa lokal na pamahalaan para sa poultry program. May mga nagsasabing malaking tulong ito dahil libre ang simula ng negosyo. Ngunit may ilan ding nagdududa kung sapat ba ang pondo at kung lahat ng benepisyaryo ay natulungan. Ang barangay ay nagdaos ng pulong upang malaman ang mga puna at suhestiyon ng mamamayan.
Ano ang pinakmabuting gawin ng barangay upang mapatunayan na maayos ang paggamit ng pondo?
Itago ang ulat para walang magreklamo
Magpahinto ng poultry program
Magbigay ng libreng pagkain sa lahat ng mamamayan
Magpakita ng malinaw na ulat at ebidensya ng mga natulungan
Ano ang maaaring ipalagay ng mga mamamayan kung makikita nilang malinaw ang ulat at maayos ang pagpapatupad ng programa?
Iiwasan na nila ang poultry raising
Lalo silang magdududa sa proyekto
Hindi na nila susuportahan ang programa
Mas lalo silang magtitiwala sa lokal na pamahalaan
Si Aling Ana ay nagpasya ring magtayo ng poultry farm. Pinag-aralan niya ang tamang nutrisyon ng manok at paano itala ang kanyang benta at gastos. Nakikipag-usap din siya sa mga kapwa poultry farmer upang matuto sa kanilang karanasan. Sa pamamagitan ng kanyang masigasig na pangangalaga at tamang pamamaraan, lumago ang kanyang farm at nakatulong siya sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang itlog.
Paano mo magagamit ang ginawa ni Aling Ana sa sarili mong poultry farm?
Matutunan ang tamang nutrisyon at pamamahala ng kita
Sundin ang wastong paraan ng pag-aalaga at pagpapakain ng manok
Ipatupad ang tamang kalinisan at pangangalaga sa manukan ng maayos
Magplano at ayusin ang tamang pagbebenta at kita ng alagang manok
Kung gusto mong maging matagumpay tulad ng mga kilalang poultry farmer, alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
Umassa sa swerte at magplano ng maayos sa bawat hakbang
Matutunan ang tamang pagpapakain at pangangalaga ng poultry animals
Ibigay ang lahat ng trabaho sa iba nang hindi sumusubaybay
Palaging bumili ng mahal na kagamitan at gamitin nang maayos
Pinag-aaralan ni Aling Maria ang gawi ng kanyang mga manok upang malaman kung tama ang kanyang pamamaraan. Anong katangian ito ng matagumpay na poultry farmer?
Walang pakialam
Tamad at pabaya
Swerte lamang
Mapagmasid at mapanuri
Si Mang Arnold ay isang poultry farmer na gumagamit ng modernong pamamaraan sa pag-aalaga ng manok. Inaalagaan niya ang kalusugan ng kanyang manok gamit ang tamang bakuna at nutrisyon. Binabantayan niya rin ang kanyang kita at ginagabayan ang kanyang staff sa mas mahusay na pangangalaga. Plano niyang palawakin pa ang kanyang negosyo at magtayo ng maliit na training center para sa kapwa mga baguhang poultry farmer.
Alin sa mga katangian ni Mang Arnold ang mas nakakatulong sa pangmatagalang tagumpay ng kanyang poultry farm?
Paggamit ng tamang pamamaraan at pangangalaga
Pag-asa sa swerte at hindi wastong pangangalaga ng hayop
Hindi pagsubaybay sa kita at tamang paraan ng pangangalaga
Paggamit ng mamahaling kagamitan nang hindi alam paano gamitin
Bakit makakatulong sa komunidad ang plano ni Mang Arnold na magtayo ng training center?
Dahil masisiyahan ang kanyang pamilya at magiging maayos ang alaga
Dahil matututo ang mga baguhang poultry farmers at mapapalago ang industriya
Dahil magkakaroon siya ng maraming bisita at maayos na pamamahala sa farm
Dahil mawawala ang problema sa farm at mas magiging maayos ang produksyon
Paano mo gagawin ang plano ng sarili mong poultry farm upang magtagumpay at makatulong sa komunidad?
Umasa sa swerte at walang tamang plano sa nutrisyon at pangangalaga ng hayop
Palaging bumili ng mamahaling kagamitan nang hindi iniisip ang tamang pangangalaga
Hindi planuhin ang farm at pabayaan ang nutrisyon, kalusugan, at pamamahala ng alaga
Gumawa ng detalyadong plano ng nutrisyon, kalusugan, pamamahala, at produksyon
Si Mang Kanor ay nag-aalaga ng manok sa kanyang bakuran. Gusto niyang malaman kung aling lahi ang mabilis lumaki at marami ang itlog. Sinusuri niya ang bawat manok at pugo upang mas maayos ang pag-aalaga at nutrisyon.
Paano matutukoy ni Mang Kanor ang pinakaangkop na lahi para sa kanyang farm?
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at prutas sa paligid ng bakuran
Sa pamamagitan ng pagmamasid sa isda sa ilog malapit sa farm
Sa pamamagitan ng pagmamasid at pagsusuri sa laki, kulay, at nutrisyon ng hayop
Sa pamamagitan ng pagbili ng bagong hayop nang hindi sinusuri ang kondisyon
Alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa pagpili ng lahi ng poultry animals?
Laki ng bahay ng tao sa barangay
Uri ng gulay na itinatanim sa bakuran
Kalusugan, produksyon, at tibay ng hayop bago piliin
Bilang ng puno sa paligid ng farm na nakakaapekto sa lilim
Bakit mahalagang suriin ang produksyon ng bawat lahi bago piliin?
Para malaman ang dami at kalidad ng bulaklak sa bakuran
Para masiguro ang kalusugan at kasiyahan ng hayop sa farm
Para masiguro ang dami ng itlog at karne sa hinaharap ng farm
Para pumili ng pinakamabilis lumaki at pinakamatatag na halaman sa paligid
Paano malalaman kung ang isang lahi ay matibay at madaling alagaan?
Sa pamamagitan ng pagtatanim at pagmamasid sa kalusugan ng gulay sa bakuran
Sa pamamagitan ng pagmamasid sa kulay at paglaki ng halaman sa paligid ng farm
Sa pamamagitan ng pagmamasid sa kalusugan at aktibidad ng hayop araw-araw
Sa pamamagitan ng pagsukat at pagmamasid sa dami ng tubig sa ilog malapit sa farm
Ano ang dapat gawin bago piliin ang lahi ng manok at pugo sa farm?
Magtanim ng puno para sa lilim
Maglagay ng palamuti sa bakuran
Pumili ng hayop ayon sa hitsura lang
I-evaluate ang kalusugan, produksyon, at pangangailangan ng farm
Si Mang Carlo ay may poultry farm sa kanilang barangay. Napapansin niya na minsan may mga manok na may lagnat at bumababa ang gana sa pagkain. Natutunan niya ang ilang karaniwang sakit sa manok tulad ng Newcastle disease at Avian influenza. Alam niya rin ang mga palatandaan, sanhi, at simpleng pamamaraan sa pag-iwas sa mga ito.
Ano ang isa sa karaniwang sakit ng manok na alam ni Mang Carlo?
Tigdas
Sipon ng tao
Ubo ng aso
Newcastle desease
Ano ang palatandaan ng sakit sa manok?
Lagnat at pagbaba ng gana sa pagkain
Masiglang paglipad at tamang pagkain araw-araw
Pag-awit at wastong aktibidad ng manok sa farm
Pagkaing masarap at sapat para sa kalusugan ng manok
Ano ang pangunahing sanhi ng sakit ng manok?
Bakterya, virus, at hindi malinis na kapaligiran
Masarap at sapat na pagkain para sa tamang nutrisyon ng hayop
Paglalaro at wastong aktibidad ng hayop sa labas araw-araw
Pag-aalaga at pagmamasid sa kalusugan ng hayop sa farm
Si Mang Leo ay gustong gumawa ng guidebook para sa mga baguhang poultry farmers. Plano niyang isama ang impormasyon tungkol sa karaniwang sakit, sanhi, palatandaan, at pamamaraan ng pag-iwas at lunas. Nilalagyan niya rin ng mga tips kung paano mapangangalagaan ang manok sa natural na paraan. Layunin niyang maging gabay sa komunidad upang mapanatiling malusog ang poultry animals.
Paano mo gagawin ang guidebook upang maging kapaki-pakinabang sa mga baguhang farmers?
Ilagay ang kwento ng farm at iba pang detalye sa talaan
Isulat ang presyo ng manok at iba pang mahahalagang impormasyon
Gumawa ng listahan ng kulay, laki, at kalusugan ng manok
Isama ang sakit, sanhi, palatandaan, lunas, at preventive tips
Si Mang Pedro ay may maliit na poultry farm sa kanilang barangay. Pinapalaki niya ang manok at pugo sa natural na paraan. Tinitiyak niyang malinis ang kulungan, may sapat na liwanag at hangin, at natural ang kanilang pagkain. Nakikilala niya rin ang mga karaniwang kagamitan sa pangangalaga ng manok at pugo.
Ano ang pangunahing ginagawa ni Mang Pedro sa pag-aalaga ng poultry animals?
Paglalagay ng palamuti sa kulungan at pagbili ng mamahaling dekorasyon
Pagpapanatiling malinis ang kulungan, sapat ang liwanag at hangin, at natural ang pagkain
Pagpapaganda ng bakuran sa pamamagitan ng pagtatanim ng bulaklak
Pagbili ng bagong lahi nang hindi sinusuri ang kalusugan
Alin ang pinakaangkop na paraan ng pangangalaga ng hayop?
Pag-aalaga sa natural na paraan
Pagbibigay ng processed feed lamang
Paglalagay sa madilim na kulungan
Pagbili ng maraming hayop nang sabay-sabay
Bakit mas malusog ang mga manok kapag may malinis na kulungan at tamang pagkain?
Dahil mas mabilis tumakbo ang manok
Dahil mas maraming itlog ang napapakita
Dahil mas maganda ang kulay ng balahibo
Dahil nababawasan ang sakit at mas malakas ang immune system
Si Mang Juan ay nag-aalaga ng manok sa natural na pamamaraan. Pinagkumpara niya ang epekto ng iba’t ibang nutrisyon, kalinisan, at paraan ng pangangalaga sa produksyon at kalusugan ng hayop. Nais niyang malaman kung alin ang pinakaepektibo sa pagpapanatili ng malusog at produktibong poultry farm.
Batay sa sitwasyon ni Mang Juan, ano ang pangunahing layunin ng kanyang paghahambing?
Upang pumili ng pinakakulay na balahibo ng manok
Upang malaman ang pinakaepektibong paraan para sa kalusugan at produksyon
Upang dagdagan ang bilang ng kulungan sa farm
Upang mabawasan ang gastos sa pambili ng feed
Bakit mahalaga ang regular na obserbasyon sa kalusugan ng hayop?
Para palamuti lamang sa farm
Para maganda lang ang kulay ng manok
Para mas mabilis tumakbo ang mga hayop
Para agad matukoy ang sakit at maiwasan ang pagkalat
Paano malalaman kung epektibo ang paraan ng pangangalaga?
Kung mas malaki lamang ang kulungan ng mga hayop
Kung mas marami lamang ang bilang ng alagang hayop
Kung mas makulay lamang ang balahibo ng mga alaga
Kung mataas ang produksyon at mababa ang sakit sa hayop
Ano ang dapat gawin kung may hayop na may sakit sa farm?
Isolate, gamutin, at panatilihing malinis ang kapaligiran
Huwag pansinin at pabayaan lang ang kondisyon ng hayop
Palitan lahat ng hayop at bumili agad ng bagong alaga
Huwag pakainin ang hayop at huwag bigyan ng anumang gamot
