wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST SA MABISANG KOMUNIKASYON

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang ibig sabihin ng "malikhainang pagpapahayag"?

a)

Paggamit ng teknikal na wika sa pagsulat

b)

Paggamit ng imahinasyon, sining, at wika upang ipahayag ang ideya

c)

Pagbabasa ng mga balita

d)

Paglalahad ng diksyunaryo

2.

Ano ang "kamalayang kultural"?

a)

Pagbabago ng wika sa kultura

b)

Paggamit ng banyagang panitikan

c)

Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon

d)

Paglimot sa sariling kaugalian

3.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng malikhaing pagpapahayag ng kamalayang kultural?

a)

Pagsasayaw ng hiphop

b)

Pag-awit ng kundiman na nagpapakita ng damdaming Pilipino

c)

Panonood ng Hollywood films

d)

Paggamit ng social media filters

4.

Bakit mahalaga ang malikhaing pagpapahayag sa komunikasyon?

a)

Para mas maging moderno ang wika

b)

Para makabenta ng produkto

c)

Para mas epektibong maiparating ang damdamin at karanasan

d)

Para mapatawa ang madla

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng sining biswal?

a)

Eskultura

b)

Pintura

c)

Sayaw

d)

Disenyo

6.

Aling uri ng sining ang gumagamit ng salita upang ilarawan ang kaugalian ng mga Pilipino?

a)

Musika

b)

Panitikan

c)

Eskultura

d)

Sayaw

7.

Ano ang layunin ng malikhaing paggamit ng sariling wika sa pagpapahayag?

a)

Maging magaling sa spelling

b)

Para mas maunawaan at maramdaman ang damdamin ng kapwa Pilipino

c)

Para makasama sa pagsusulit

d)

Para hindi maintindihan ng iba

8.

Ano ang epekto ng malikhaing pagpapahayag sa pagkakaisa ng sambayanan?

a)

Nagpapalayo sa tao

b)

Nagpapakita ng kultural na halaga na nagbubuklod sa lipunan

c)

Nagpapalaganap ng dayuhang kultura

d)

Nagpapalakas ng personal na interes

9.

Ano ang halimbawa ng komunikasyong pampubliko?

a)

Talumpati ng isang guro

b)

Sayaw ng Ifugao

c)

Pagsindi ng kandila sa simbahan

d)

Pagtatanim sa hardin

10.

Alin sa mga sumusunod ang komunikasyong sibiko?

a)

Pagsasayaw sa festival

b)

Pagtulong sa community pantry

c)

Pag-awit ng opera

d)

Pagkukuwento sa klase

11.

Aling halimbawa ang tumutukoy sa komunikasyong kultural?

a)

Voter's education campaign

b)

SONA ng Pangulo

c)

Dula tungkol sa buhay ng magsasaka

d)

Talumpati sa graduation

12.

Ano ang pangunahing layunin ng komunikasyong sibiko?

a)

Mapanalo ang isang isyu

b)

Makapaglingkod sa pamayanan

c)

Magtanghal sa entablado

d)

Magsaya kasama ang kaibigan

13.

Ano ang layunin ng komunikasyong pampubliko?

a)

Magbahagi ng impormasyon sa maraming tao

b)

Magturo ng bagong sining

c)

Magluto ng masarap na pagkain

d)

Magplano ng bakasyon

14.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng malikhaing pagpapahayag ng kamalayang kultural?

a)

Spoken word poetry tungkol sa nasyonalismo

b)

Panonood ng Korean drama

c)

Talumpati gamit ang salawikain

d)

Pista ng Panagbenga na may temang etniko

15.

Ano ang pangunahing layunin ng komunikasyong kultural?

a)

Paglilingkod sa komunidad

b)

Pagpapahayag ng identidad at tradisyon ng isang grupo

c)

Pagpapahayag ng opinyon sa social media

d)

Pagbebenta ng produkto

16.

Paano nakatutulong ang malikhaing pagpapahayag sa pagpapalalim ng damdamin sa komunikasyon?

a)

Mas madalas itong ginagamit ang slang

b)

Nagiging dramatiko ang usapan

c)

Mas tumatagos ang mensahe dahil konektado ito sa kultura at karanasan

d)

Nagpapakita ito ng kasaysayan ng wika

17.

Ano ang ibig sabihin ng "pagpapalakas ng identidad" sa konteksto ng malikhaing pagpapahayag?

a)

Pagpapakilala ng sarili sa social media

b)

Pagpapakita ng ating pagka-Pilipino sa sining at wika

c)

Pagpapahayag ng pagkabigo

d)

Pagpapakita ng bagong istilo ng pananamit

18.

Ano ang papel ng tula, sayaw, at dula sa malikhaing pagpapahayag?

a)

Para lang sa aliwan

b)

Naglarawan ng karanasan ng lipunan at nagpapahayag ng kultura

c)

Mga tradisyong hindi na ginagamit

d)

Gawa lamang ng mga propesyonal

19.

Aling halimbawa ang nagpapakita ng komunikasyong sibiko?

a)

Panonood ng opera

b)

Youth organization na nagbabahay-bahay para sa voter's education

c)

Pagsali sa online raffle

d)

Pagkanta sa karaoke

20.

Ano ang layunin ng lahat ng anyo ng komunikasyong pampubliko, sibiko, at kultural?

a)

Magsaya lamang

b)

Mapalawak ang kamalayan, mapalakas ang ugnayan, at mapanatili ang kultura

c)

Magbenta ng produkto

d)

Makipagtalo sa iba

21.

Ano ang ibig sabihin ng kamalayang kultural?

a)

Pagmimot sa kultura

b)

Paggamit ng banyagang salita

c)

Pagpapahalaga at pag-unawa sa sariling tradisyon

d)

Pagbabago ng wika

22.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kamalayang kultural?

a)

Pagsasalin ng pelikulang banyaga

b)

Panonood ng Hollywood movies

c)

Pagsuot ng barong sa Araw ng Kalayaan

d)

Pagkain ng fast food araw-araw

23.

Bakit mahalaga ang komunikasyong kultural?

a)

Para makipagsabayan sa modernong panahon

b)

Para maipakita ang pagiging iba ng bawat rehiyon

c)

Para mapanatili ang pagkakakilanlan ng isang bansa

d)

Para magamit ang social media

24.

Ano ang layunin ng komunikasyong sibiko?

a)

Tumulong sa pamayanan sa pamamagitan ng sama-samang aksyon

b)

Magpasikat sa social media

c)

Mag-organisa ng online raffle

d)

Humusay sa pagkanta

25.

Anong uri ng komunikasyon ang ginagamit sa mga talumpati, kampanya, at panayam?

a)

Pampubliko

b)

Sibiko

c)

Pansarili

d)

Kultural