WorksheetsRUQA Grade 6 Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Noong Agosto 23, 1901, dumating ang mga naunang grupong gurong Amerikano sakay ang barkong Thomas, tinatawag silang _________.
Missionaries
Seminarian
Thomasites
Thomas Teacher
Paano ka makatutulong na pagpapanatili ang kalinisan sa mga sakayan o terminal?
Pagalitan ang lahat na nagtatapon ng basura kung saan-saan.
Isisiksik ko ang balat ng kendi sa gilid ng upuan para hindi kumalat.
Itatapon ko ang balat ng kendi sa gilid dahil wala kaming basurahan.
Ilalagay ko sa bulsa ang balat ng kendi na kinain ko at saka itatapon kung may makikitang basura
Ang uri ng pamahalaang ito ang sinasabing pinakamahalagang pamana ng mga Amerikano dahil nabigyang pagkakataong marinig ang boses ng bawat Pilipino.
Aristokrasya
Demokrasya
Monarkiya
Batas Militar
Ito ang naging bunga ng pinairal ang paghihiwalay ng simbahan at estado at maging ang pagkakaroon ng kalayaan sa pagpili ng sariling relihiyon.
Lumaganap ang pag-aalsang panrelihiyon
Ipinagbabawal ang pagsambang pagano ng mga katutubo
Walang samahang panrelihiyon ang naitatag sa ating bansa
Maraming samahang panrelihiyon ang naitatag sa ating bansa
Ang mga nasa ibaba ay mga kwalipikasyon sa pagboto sa panahon ng mga Amerikano. Alin ang hindi kabilang dito?
May edad 18 pataas
Nagbabayad ng taunang buwis na P30
Makahawak na ng lokal na posisyon sa bayan
Nakababasa, nakasusulat at nakapagsasalita ng Ingles
Alin sa ibaba ang katangian ng Batas Brigansiya?
Paglilipat ang mga residente ng mamamayan
Pagbabawal sa pagwagayway ng bandila
Pagpalaganap ng katawagang bandido sa mga Pilipino rebolusyonaryo
Pagkabilanggo sa mga taong nagpapahayag ng paglaban sa mga Amerikano
Ano ang tungkulin ng Bureau of Agriculture na itinatag noong 1902
Ang Titik c at d ay parehong mali.
Ang Titik c at d ay parehong tama.
Paghikayat sa mga tao na gumamit ng mas mabuting paraan sa pagtatanim
Pagsasaliksik ng makabagong paraan ng pagtatanim at paglaban sa mga peste ng pananim
Sa Philippine Currency Act, nagbago ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas at nagbago batay sa Philippine Currency Act. Saan nakabatay ang ipinalabas na bagong barya?
Pilak
Ginto
Dyamante
Tanso
Ang mga sumusunod ay layunin ng Pamahalaang Komonwelt, MALIBAN sa isa.
Upang matatag ang sistemang pampulitika
Sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala
Disiplinahin ang may matitigas na ulo na mga Pilipino
Mapaunlad ang kabuhayan ng bansa sa loob ng sampong taon
Paano pinaunlad ang pagsasaka sa ating bansa noon sa panahon ng mga Amerikano?
Sa pamamagitan ng paggamit ng balsa
Sa pamamagitan ng paggaawa ng kalabaw
Sa pamamagitan ng pagtutulong ng kapwa magsasaka
Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong tekniko sa pagsasaka tulad ng paggamit ng patubig at pataba
Bakit nagkaroon ng pambansang halalan noong Setyembre 17, 1935?
Upang piliin ang pambansang wika
Upang piliin ang mamumuno sa sandatahang lakas ng bansa
Upang piliin ang mga Amerikanong mamamahala sa ating bansa
Upang piliin ang mamamahala sa Pamahalaang Komonwelt sa bansa
Bakit naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong dayuhan?
Dahil ang mga Pilipino ay mahilig magpasikat
Dahil ang mga Pilipino ay mahilig sa mamahaling bagay
Dahil inisip ng mga Pilipino na mainam gamitin ang galing sa ibang bansa
Dahil inisip ng mga Pilipino na mas maganda at mas matibay ang mga bagay na yari sa Amerika
Bakit lalong yumaman ang mga Pilipino na nasa pang-gitnang antas ng lipunan?
Dahil sila ay pinautang ng mga Amerikano.
Dahil sila ay tinulungang umangat sa buhay.
Dahil sila ay binigyan ng puhunan ng mga Amerikano.
Dahil sila ay hinimok na mamuhunan sa mga industriyang itinatag ng mga Amerikano.
Paano pinaunlad ang pagsasaka sa ating bansa sa panahong Amerikano?
Sa pamamagitan ng paggamit ng balsa
Sa pamamagitan ng paggamit ng kalabaw
Sa pamamagitan ng pagtulong ng kapwa magsasaka
Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong tekniko sa pagsasaka tulad ng paggamit ng patubig at pataba
Paano naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang Bansang Kulturang Pilipino?
Nabawasan ang kanilang pananampalataya sa Katolisismo
Nabawasan ng karapatan ang mga kababaihan
Naging mahigpit ang mga Pilipino sa sariling produkto
Yumaman ang kanilang wika sa salitang halaw mula sa Ingles
Bakit nagpadala ng misyong pangkalayaan ang mga Pilipino sa Estados Unidos noon?
Upang makapunta sila ng Estados Unidos
Upang magtatag ng Malasariling Pamahalaan
Upang mabigyan ng pagkakataon na pamunuan ang Amerika.
Upang hilingin ipagkaloob ang kasarinlan ng bansa.
Ang nasa ibaba ay napaloob sa Batas Tydings-McDuffie MALIBAN sa isa. Ano ito?
Ang paghalal ng mga Amerikanong opisyal sa Pilipinas.
Ang pagkakaroon ng kumbensyong maghahanda sa Saligang Batas.
Ang pagtatag ng Malasariling Pamahalaan sa Pilipinas na tatagal ng taon.
Ang pagtatakda ng araw ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas.
Alin sa sumusunod ang HINDI nakatadhana sa Saligang Batas ng 1935?
Paghahalal ng mga opisyal sa bayan.
Pagkakaroon ng talaan ng mga karapatan.
Pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan.
Paghahalal sa pangulo at pangalawang pangulo.
Maraming patakaran at batas ang Amerika para sa pagsasarili ng Pilipinas, subalit tanging ang Batas Tydings-McDuffie ang nagbigay ng probisyon tungkol sa:
Wastong pamamaraan ng paggamit ng salapi ng bayan
Takdang kalayaan ng Pilipinas sa loob ng sampung taon
Paghirang ng kinatawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos
Paglaganap ng kulturang Amerikano sa kabuhayan ng mga Pilipino
Saan huling nagtago at lumaban ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo nang patuloy silang lusubin ng mga Hapon?
Bataan at Corregidor
Cavite at Pampanga
Manila at Bulacan
Visayas at Mindanao
Kailan nakapasok sa Manila ang mga Hapon?
Abril 9, 1942
Enero 2, 1942
Enero 23, 1942
Mayo 6, 1942
Anu-ano ang motibo ng mga Hapon sa pananakop ng mga bansa?
Gusto ng mga Hapon na mapalaya ang Asya sa mga Amerikano.
Gusto ng mga Hapon na mapalawak pa ang kanilang teritoryong nasasakopan.
Gusto ng mga Hapon na maitatag ang Greater East Asia Co-Prosperity at Spheremapagkaisa ang mga Asyano laban sa impluwensiyang kanluranin.
Lahat ng nabanggit
Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay adhikain ng mga _____.
Amerikano
Indiano
Espanyol
Hopones
Sa ibaba ay ang mga ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni Pangulo Jose P. Laurel maliban sa isa. Alin dito ang hindi kamasa?
Kawanihan ng Konstabaloryo at Sangguniang ng mga Siyentista
Kawanihan ng mga Beterano at Lupon ng Kabuhayang Pagbababala
Pangasiwaan ng Bigas at Mais
Kawanihan ng Ipinagbabawal na Gamot
Alin sa sumusunod ang malinaw na pahayag tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon? I. Naging masaya ang mga Pilipino dahil sa “Mickey Mouse Money” na ipinalabas ng mga Hapon. II. Ang mga patakarang ipinatupad ng mga Hapon ay nagdulot ng paghihirap sa Pilipino. III. Hindi epektibo ang programa ng mga Hapon, bagkus ay naging kulang pa ang pagkain para sa mga Pilipino. IV. Lahat ay tama maliban sa bilang I.
I, II, III
II, III, IV
I, IV
IV
Paano ba sinolusyonan ng mga Pilipino ang kahirapang dinaranas nila?
Maraming Pilipino ang pumasok sa negosyong “buyand-sell”
Nagtanim sila ng mga gulay sa mga lupang maaaring pagtamnan.
Nagmakaawa sila sa mga Hapon upang bigyan ng ayuda.
Lahat ay tama maliban sa titik c
Ang susunod ay gawain ng mga Kempeitai, maliban sa isa. Alin ito?
Sumisimpatya sila sa adhikain ng mga Pilipino.
Pinaparusahan nila ang mga gerilyang nadadakip.
Inaabuso nila ang mga kabataan at kababaihan sa bayan.
Ang mga nadadakip na gerilya ay dinadala sa Fort Santiago upang ikulong at patayin
Ang mga nababanggit sa ibaba ay ang mga Pilipinong Gerelyang nakikipaglaban sa mga Hapon sa Hilagang Luzon maliban sa isa_____. Tukuyin kung sino siya.
Guillermo Nakar
Parker Nalcert
Miguel Malvar
Walter M. Cushing
Ang sumusunod ay lahi ng mga mananakop sa Pilipinas. Alin dito ang hindi kasali?
Arab
Hapones
Espanyol
Amerikano
Nabihag ng hukbong Hapones ang may 70,000 kawal na Amerikano at Pilipino. Pinuwersa ng mga Hapones na pagmartshahin ang kanilang bihag mula Bataan hanggang San Fernando Tarlac. Ito ay tinawag na __.
Death March
Martshang Pangkapayapaan
Pagbagsak ng Bataan
Pagbagsak ng Corregidor
Alin sa mga dahilan ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga kawal na Amerikano at Pilipino habang nagmamartsa patungong San Fernando, Tarlac?
Sobrang tulog
Nasobrahan ng kain
Gutom, pagod at sakit
Palagiang pahinga sa bawat bayan
Sa pagbagsak ng Bataan, ang Corregidor na lamang ang natitirang kuta ng USAFFE, ngunit sa lakas ng pwersa ng mga Hapon nasapakamayrin nila ang Corregidor noong _____________.
Mayo 4, 1942
Mayo 5, 1942
Mayo 6, 1942
Mayo 7, 1942
Ang pamahalaang militar ng Hapon ay itinatag noong Enero 3, 1942 na pinamunuan ng isang director heneral na si __________.
Heneral Takaej Wachi
Heneral Maaharu Homma
Heneral Misami Maeda
Heneral Tomoyoki Yamashita
Gumawa ng salaping papel ang mga Hapon na ikinalat sa Pilipinas at halos walang katumbas na halaga. Ito ay tinawag na __.
Mickey Mouse Yen
Mickey Mouse Dollars
Mickey Mouse Money
Mickey Mouse Coin
Noong Oktubre 14, 1943, nahalal na Pangulo na Pilipinas si Jose P. Laurel. Ngunit ang kanyang pamahala ay tinatawag na ____ sa kadahilanang ito ay sunod sunoran lamang sa pamahala ng hapones, sunuran lamang sakapangyarihan ng mga Hapon.
Pamahalaang Doll
Pamahalaang Puppet
Pamahalaang Corrupt
Pamahalang Tagapagligtas
Ano sa tingin mo ang pangunahing epekto ng mga dayuhang mananakop sa kultura ng mga Pilipino?
Pag-unlad ng sining
Pagbabago sa wika
Pagsasalin ng mga tradisyon
Pagkawala ng sariling kultura
Paano nakaapekto ang pananakop sa ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng pananakop?
Pagsasara ng mga pabrika
Paglago ng local ng industriya
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin
Pagkakaroon ng monopolyo sa kalakalan
Ano sa tingin mo ang epekto ng pamamahala ng mga dayuhan ang nakatulong sa pagkakaisa ng mga Pilipino?
Pagsasanib ng iba’t ibang relihiyon
Pagkakaroon ng mas mataas na buwis
Paglikha ng mga makabagong kilusan
Pagkaalam sa mga makabagong teknolohiya
Ano ang naging epekto ng mga Amerikano sa mga tradisyon ng mga Pilipino?
Walang epekto
Nawala ang lahat ng tradisyon
Naging mas mahigpit ang mga tradisyon
Nagkaroon ng pagbabago at pagsasama ng mga bagong tradisyon
Ano ang pangunahing layunin ng mga Amerikano sa kanilang pananakop sa Pilipinas?
Pagsasaka
Pagsasagawa ng digmaan
Pagsusulong ng edukasyon at demokrasya
Pagpapalaganap ng mga relihiyon sa Pilipinas
