wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

: "Sa gitna ng maingay na palengke, nakita ni Aling Marta ang isang batang nagtitinda ng mga bulaklak. Ang batang babae ay payat at marumi ang damit, ngunit ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pag-asa. Habang pinagmamasdan ni Aling Marta ang batang nagtitinda, naalala niya ang kanyang sariling pagkabata, kung kailan siya rin ay nagtitinda ng mga prutas sa palengke upang matulungan ang kanyang pamilya. Naawa siya sa batang babae at binili ang lahat ng kanyang bulaklak. Nang umalis si Aling Marta, naramdaman niyang may kakaiba sa kanyang puso. Parang may isang bahagi sa kanya ang nagsabi na hindi dapat siya tumigil sa pagtulong sa mga nangangailangan."

a)

Paggunita ni Aling Marta sa kanyang kabataan.

b)

Pag-asa ng batang nagtitinda ng bulaklak.

c)

Pagtulong ni Aling Marta nang walang pag-aalinlangan.

d)

Pagtitinda ng batang babae sa palengke.

2.

Batay sa sipi, anong mensahe ang nais iparating ng may-akda?

a)

Kabutihan sa kapwa ang tunay na sukatan ng pagkatao.

b)

Paggunita sa nakaraan ay nagdudulot ng karunungan.

c)

Magmamalasakit tayo upang matawa ng mabuti.

d)

Ang pagtulong sa nangangailangan ay nagdudulot ng kasiyahan.

3.

Paano inilarawan ang damdamin ni Aling Marta sa akda?

a)

Nainis siya sa kalagayan ng bata.

b)

Nagpakita ng panghihinayang

c)

Naantig at handang tumulong.

d)

Naging mapagmataas sa sarili.

4.

Sa pananaw ng may-akda, bakit mahalagang tumulong sa kapwa?

a)

Dahil ito ay nagbibigay ng gantimpala.

b)

Dahil ito ay nagpapagaan ng kalooban.

c)

Dahil ito ay nagdudulot ng kasikatan.

d)

Dahil ito ay tungkuling panlipunan.

5.

Paano ipinakita sa pahayag ang paggalang sa mga matatanda?

a)

Sa pagtulong niyang walang pag-aalinlangan kay Mang Turoy

b)

Sa pagpayag na lamang ni Alona dahil nga’y matanda na ito

c)

Sa pagtawag ni Alona kay Mang Turoy na 'Mang'

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Kung ilalarawan mo ang panahong pinangyarihan ng kuwento, saang yugto ng kasaysayan kaya ito naganap?

a)

Panahon ng mga Amerikano.

b)

Panahon ng mga Espanyol.

c)

Panahon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

d)

Panahon bago dumating ang mga Espanyol.

7.

Paano nakatutulong ang kultural na elemento sa pag-unawa ng teksto?

a)

Nagbibigay lamang ito ng kaunting detalye tungkol sa tauhan.

b)

Nagpapakita ito ng paniniwala at kaugalian sa panahon ng may-akda.

c)

Naglalarawan ito ng mga likas na yaman ng isang lugar.

d)

Nagpapahayag ito ng damdaming pansarili ng may-akda.

8.

Ang mga Babaylan sa Pilipinas ay kinikilalang nagtataglay ng mga kakaibang kakayahan kagaya na lamang ng panggagamot. Kung sakaling may mga taong hindi naniniwala sa mga ito, ano ang pinakamainam na paraan upang igalang pa rin ang kanilang paniniwala?

a)

Kausapin at hikayatin silang maniwala.

b)

Magbigay ng ebidensya sa bisa ng Babaylan.

c)

Igalang na lamang ang kanilang kultura at paniniwala.

d)

Patunayan na totoo ang kanilang kapangyarihan.

9.

Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, paano mo mapananatili ang kultura at tradisyon ng mga katutubo sa kasalukuyang panahon?

a)

Magbasa lamang ng mga akdang panitikan ng katutubo upang makilala sila.

b)

Tangkilikn at ibahagi sa iba ang ating kultura ayon sa iyong makakaya.

c)

Mag-post sa batirang pangmadla (social media) sa mga iniidolo mong banyagang kilala ngayon.

d)

Makilahok sa mga programang pangkultura sa paaralan dahil lamang sa may puntos.

10.

Sa kasalukuyan ang Edukasyon sa Pilipinas ay humaharap sa matinding hamon tungkol sa mababang kasanayan sa pag-unawa ng isang teksto at sa pagsusuri ng isang sitwasyon o phenomenon. Paano mo malilinang ang iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa?

a)

Susubukang itigil ang paglalaro ng online games.

b)

Ugaliin at sanayin ang sarili sa pagbabasa ng iba’t ibang babasahin.

c)

Siguraduhing walang liban ang pagpasok sa klase.

d)

Makikinig sa payo ng guro at huwag sanaying mag-isa.

11.

Paano nagiging hamon ang kalagayan ito sa ating bansa?

a)

Dumedepende ito sa pondo ng gobyerno.

b)

Marami ang paraan at solusyon subalit walang kilos ang mga tao.

12.

Sa ano-anong mga aspeto makikita ang halaga ng kasaysayan sa konteksto ng alamat?

a)

Sa pag-unawa sa pinagmulan at pagpapanatili ng kultura at tradisyon.

b)

Sa pagtuon sa estruktura at anyo ng pagkakasulat ng alamat.

c)

Sa pagbanggit ng mga malikhaing daloy ng pangyayari.

d)

Sa pagsasalaysay ng malikhaing imahinasyon ng may-akda.

13.

Ang ating pambansang bayani ay si Dr. Jose P. Rizal. Siya ang nanghikayat sa mga kabataan na maging pag-asa ng bayan. Anong uring pahayag ito?

a)

nominal

b)

verbal

c)

anapora

d)

katapora

14.

Paano masasasalamin ang kultura sa pabula?

a)

Ito ay kinapalooban ng aral na may kahulugan.

b)

Sa pamamagitan ng kapangyarihan na gisingin ang imahinasyon ng mambabasa.

c)

Pagpapakilala sa antas ng pamumuhay, kaugalian, kilos at gawi ng mga tauhan.

d)

Pagkakaroon ng kuwentong ang mga tauhan ay hayop ang nagsasalita.

15.

Bakit mahalagang basahin ang mga sinaunang akdang panitikan tulad ng mga alamat?

a)

Dahil ang alamat ay isa sa mga kwento na nagtatampok ng mangyayari sa darating na panahon.

b)

Dahil ang alamat ay isa sa mga kwento na kung saan nababakas ang ating kasaysayan.

c)

Dahil ang alamat ay ang kaisa-isang panitikan mayroon tayo sa Pilipinas.

d)

Dahil ang alamat ay mga kwento na hango sa ibang bansa.

16.

Ito ay bahagi ng kuwento kung saan ipakikilala ang tauhan at binabanggit ang tagpuan.

a)

banghay

b)

simula

c)

kasukdulan

d)

kakalasan

17.

Ang kadalasang inilalarawan sa isang kuwentong-bayan sa isang partikular na pook o lugar?

a)

kaugalian at tradisyon

b)

wika at kultura

c)

pagkain at sayaw

d)

relihiyon at paniniwala

18.

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kinilala bilang isang akdang pampanitikang may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinapalabas o ipinamamalas sa ________.

a)

lansangan

b)

tanghalan

c)

tabing-ilog

d)

bayan

19.

Saang pulo nagmula ang dulang "Ang Mahiwagang Tandang"?

a)

Luzon

b)

Maguindanao

c)

Mindanao

d)

Visayas

20.

Ang tawag sa mga sinaunang manggagamot, tagapamagitan sa espiritwalidad at punong-guro ng kasarian.

a)

albularyo

b)

babaylan

c)

hilot

d)

manghuhula

21.

These are plays performed on the streets that aim to provide good entertainment to the public.

a)

Stage play

b)

Theater play

c)

School play

d)

Street play

22.

Type of text that provides information and clarifies questions about a topic. This is usually found in newspaper articles, educational books, instruction manuals, and others.

a)

Narrative text

b)

Persuasive text

c)

Expository text

d)

Argumentative text

23.

The advancement of women's rights today is due to the role of Babaylan in achieving equality. The underlined statement in the passage refers to what type of structure?

a)

purpose

b)

style

c)

cause

d)

effect

24.

In technical writing, ______ are usually looking for information or instructions, and the writing should be according to their needs.

a)

viewers or listeners

b)

viewers or readers

c)

listeners or readers

d)

listeners or viewers

25.

______ in literature usually aim to present their works to readers seeking experiences in reading.

a)

poet

b)

reader

c)

writer

d)

critic

26.

The term for organized and skillful connection of sentences in a paragraph.

a)

grammatical cohesion

b)

conjunction

c)

cataphora

d)

anaphora

27.

Through her successful self-sacrifice, Ilocana Gabriela Silang remains an inspiration and role model for those fighting for rights and freedom. What type of statement is this?

a)

pronoun

b)

anaphora

c)

conjunction

d)

cataphora

28.

"I am one of those who survived the eruption of Taal Volcano in 2020. The fear and anxiety of people as we escaped will never be forgotten." What is the term for this type of narrative that presents personal experience in a significant event?

a)

medical text

b)

menu

c)

brochure

d)

memoir

29.

The city of Vigan is known for the historic Calle Crisologo where old houses with Spanish designs can be found. St. Paul’s Cathedral and Bantay Bell Tower are favorite tourist spots. What type of text usually contains this kind of information?

a)

journal

b)

geography

c)

history

d)

recipe

30.

What type of text is this?

a)

journal

b)

geography

c)

history

d)

recipe

31.

Ano ang tawag sa ganitong teksto na naglalaman ng pamamaraan kung paano lulutuin ang isang uri ng ulam o putahe?

a)

kasaysayan

b)

dyornal

c)

resipe

d)

heograpiya

32.

Anong uri ng impormasyonal na babasahin ang naglalaman ng ganitong uri ng patalastas o pagpapakilala?

a)

brochure

b)

menu

c)

memoir

d)

medikal na teksto

33.

Tawag ito sa siyentipikong publikasyon na naglalaman ng mga pananaliksik at artikulong likha ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan.

a)

heograpiya

b)

kasaysayan

c)

dyornal

d)

resipe

34.

Ano ang tawag sa lagom ng pananaliksik?

a)

menu

b)

abstrak

c)

dyornal

d)

memoir

35.

Anyo ng sining at pampanitikan na naglalaman ng kuwento na isinasayos sa pamamagitan ng paggamit ng imahe, teksto, at iba’t ibang elemento ng disenyo.

a)

magasin

b)

aklat

c)

komiks

d)

pahayagan

36.

Uri ito ng impormasyonal na materyal na gumagamit ng elementong pangkomiks. Maaari itong gamitin sa iba’t ibang layunin tulad ng promosyon, edukasyon, at pagpapalaganap ng kamalayan.

a)

comic brochure

b)

tekstong biswal

c)

broadcast media

d)

internet

37.

Ito ang aktuwal na nakikitang representasyon ng mga teksto o impormasyon sa pamamagitan ng mga larawan, grapiko, disenyo, at iba pang biswal na elemento.

a)

comic brochure

b)

tekstong biswal

c)

broadcast media

d)

internet

38.

Maraming panitikan ang patuloy nating tinatangkilik na naipasa pa rin sa kasalukuyang panahon na mula sa ating mga ninuno. Alin sa mga ito ang nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?

a)

pabula

b)

alamat

c)

kuwentong-bayan

d)

dula

39.

Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na ang mga tauhan ay kumakatawan sa mga uri ng mamamayan katulad ng matandang hari, isang sultan, isang marunong na lalaki, o kaya ay isang hangal na babae.

a)

pabula

b)

alamat

c)

kuwentong-bayan

d)

dula

40.

Panitikang naglalayong mang-aliw at magbigay ng aral. Madalas ang mga tauhan ng kwentong ito ay pawang mga hayop.

a)

kuwentong-bayan

b)

pabula

c)

dula

d)

alamat

41.

Ang kuwentong ito ay tinatawag ding Kuwentong Posong.

a)

kuwentong-bayan

b)

pabula

c)

dula

d)

alamat

42.

Ang _______ ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

a)

simula

b)

tauhan

c)

banghay

d)

tagpuan

43.

Iskrip ang pasulat na bersiyon na kung saan makikita ang mga diyalogo ng mga aktor sa gagawing pagtatanghal. Ang iskrip ay isa sa mga elemento na napapabilang sa anong uring panitikan?

a)

dula

b)

pabula

c)

kuwentong-bayan

d)

alamat

44.

Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap... Anong elemento ng alamat ang ipinahihiwatig ng pahayag?

a)

tauhan

b)

banghay

c)

tagpuan

d)

kasukdulan

45.

Alin sa mga sumusunod na elemento ng alamat ang hindi kabilang?

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

tanghalan

d)

kasukdulan

46.

Ang mga sumusunod na pahayag ay mga pangyayari sa akdang 'Pinagmulan ng Bohol'. Alin sa mga ito ang magpapatunay na ang alamat ay pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?

a)

Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap...

b)

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari bumuka ang lupa at nahulog ang anak ng Datu.

c)

Nagkaroon ng pagtatalo ang masama at mabuting anak, naglakbay ang masamang anak sa kanluran at doon na rin siya namatay.

d)

Nakapagdala ang palaka ng ilang butil ng buhangin, isinabog ito sa paligid ng pulo at naging pulo ng Bohol.

47.

Sa kasalukuyan, maraming mga kagaya ni Pilandok na ginagamit ang pandaraya upang mairaos ang sarili sa gutom o sa kahirapan habang marami rin namang kagaya ni Sumuson na patuloy na hindi nagiging maingat sa dahilang napapabula sa kayamanan. Anong uring suliranin ang ibig ipahiwatig ng pahayag?

a)

suliraning pantahanan

b)

suliraning pangmoral

c)

suliraning pangkaisipan

d)

suliraning panlipunan

48.

'Sunod-sunod ang pagkatala nina Bonifacio sa Maynila______sunod naman ang pagwawagi nina Aguinaldo sa Cavite'. Alin ang dapat gamitin pangatnig sa loob ng pahayag?

a)

habang

b)

sa

c)

nina

d)

sunod-sunod

49.

Ano ang pagkakatulad ng tekstong biswal at tekstong ekspositori?

a)

Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon.

b)

Nagsisilbing libangan ng mga mambabasa.

c)

Parehong gumagamit ng larawan bilang pangunahing paraan ng pagpapahayag.

d)

Nagtatampok ng kathang-isip sa mga inilalahad na pangyayari.

50.

Isa sa mga halimbawa ng tekstong multimodal ay ang Comic Book Brochure. Alin ang sa mga sumusunod ang pinakawastong paglalarawan ng tekstong multimodal?

a)

Walang imahen ang tekstong multimodal

b)

Maaaring tunog lamang ang tekstong multimodal

c)

Di maaaring aktuwal o live ang tekstong multimodal

d)

Maaaring teksto at imahen ang tekstong multimodal