wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahang Pagsusulit

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Ilog Indus?

a)

Hindu Kush

b)

Himalayas

c)

Karakoram

d)

Khyber Pass

2.

Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang matatagpuan sa lambak ng ilog Indus?

a)

Kabihasnang Tsino

b)

Kabihasnang Mesopotamia

c)

Kabihasnang Mohenjo-Daro

d)

Kabihasnang Ehipto

3.

Ano ang tawag sa isang maunlad na kalagayang nilinang ng mga taong naninirahan nang permanente sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon?

a)

Kabihasnan

b)

Kultura

c)

Panahong Neolitiko

d)

Pamayanan

4.

Ang Pyramid of Giza ay patunay ng anong katangian ng kabihasnan?

a)

Maunlad na kasanayang teknikal

b)

Relihiyon

c)

Epektibong sistema ng komunikasyon

d)

Maunlad na agrikultura

5.

Anong rehiyon sa Asya ang madalas tawagin ng mga heograpo sa sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan?

a)

Hilagang Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog Asya

d)

Timog Silangang Asya

6.

Saang lagusan daan nakakapasok ang mga pagsalakay at pandarayuhan sa India?

a)

A. Himalayas

b)

B. Hindu Kush

c)

C. Khyber Pass

d)

D. Ganges

7.

Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng langit at lupa?

a)

Hari

b)

Pangulo

c)

Paraon

d)

Pari

8.

Ang kabihasnang Ehipto ay umusbong sa lambak ng ilog Nile na nagbibigay ng matabang lupa, tubig at proteksiyon mula sa mga mananakop. Ano ang dalawang pagkakahati ng Ehipto?

a)

Upper and Lower

b)

Maunlad at Di-maunlad

c)

Luma at Bago

d)

Bundok at Kapatagan

9.

Ano ang dalawang sinaunang kabihasnan sa Gresya?

a)

Minoan at Mycenaean

b)

Pelopponesia at Marathon

c)

Aegean at Ionian

d)

Sparta at Athens

10.

Pinunong pinagmulan ng pangalang Tenochtitlan

a)

Huitzilopochtli

b)

Itzcoatl

c)

Montezuma

d)

Tenoch

11.

Lawa kung saan itinayo ang kabisera ng Aztec

a)

Chapala

b)

Titicaca

c)

Texcoco

d)

Xochimilco

12.

Ito ay isang sinaunang lungsod sa kabundukan ng Andes na itinayo ng mga Inca.

a)

A. Machu Picchu

b)

B. Ayllu

c)

C. Tahuantinsuyu

d)

D. Quipu

13.

Mitolohikal na pinagmulan ng mga Aztec, na tinatawag na “puting lupain”.

a)

A. Anahuac

b)

B. Avalon

c)

C. Aztlan

d)

D. Chaac

14.

Lugar ng kabihasnan ng Maya

a)

Andes Mountains

b)

Amazon Basin

c)

Valley of Mexico

d)

Yucatán Peninsula

15.

Anong elemento ng kalikasan ang iniuugnay kay Chaac?

a)

A. Araw

b)

B. Apoy

c)

C. Ulan

d)

D. Hangin

16.

Ano ang naiiba sa heograpiya ng sinaunang Tsina kumpara sa Mesopotamia at Indus?

a)

Napapalibutan ito ng mga likas na hadlang.

b)

Mas mainit ang klima nito buong taon.

c)

Wala itong likas na yaman sa lambak.

d)

Mas marami itong karatig na lungsod.

17.

Bakit tinawag ng mga Tsino ang kanilang lupain na “Middle Kingdom”?

a)

Dahil malapit ito sa gitna ng Asya.

b)

Dahil may mga bundok sa paligid nito.

c)

Dahil naniniwala silang sila ang pinakasibilisado.

d)

Dahil nasa pagitan ito ng mga disyerto.

18.

Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus at China?

a)

Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.

b)

Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.

c)

Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.

d)

Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

19.

Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?

a)

Nilisan ng mga tao ang Mesopotamia

b)

Nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan

c)

Nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan

d)

Humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan

20.

Ang pagbahaing idinulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam. Ano ang pinakamahalagang naibahagi ng proyektong ito?

a)

Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.

b)

Naging sentro sa kalakalan ang Ehipto lalo na sa turismo.

c)

Makapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.

d)

Tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan ang ilog.

21.

Bakit karamihan sa mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak-ilog tulad ng Nile, Tigris-Euphrates, Indus at Huang He?

a)

Madaling maprotektahan ang kanilang teritoryo.

b)

Mayaman ang mga lupa para sa agrikultura at sagana sa tubig.

c)

Mataas ang kabundukan na pumapalibot sa lambak.

d)

Napapaligiran ng disyerto na nagsisilbing natural na depensa.

22.

Paano nakatulong ang division of labor sa pag-unlad ng kabihasnang Sumer, lalo na nang magkaroon ng sapat na pagkain at lumitaw ang iba’t ibang uri ng gawain sa lipunan?

a)

Pinatigil nito ang malawakang pagsasaka

b)

Nagbigay ito ng trabaho sa mga alipin

c)

Pinahintulutan nito ang pag-aangkin ng lupa

d)

Nagkaroon ng espesyalisasyon sa gawain

23.

Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga taga-Ehipto?

a)

Calligraphy

b)

Cuneiform

c)

Hieroglyphics

d)

Pictogram

24.

Alin sa sumusunod ang mga ambag sa kabihasnan ng Mesopotamia?

I. Code of Hammurabi                                   III. Pyramid

II. Hanging Gardens of Babylon                    IV. Ziggurat

 

a)

I, II at III

b)

II, III, IV

c)

II, III, IV

d)

I, II, IV

25.

Alin ang kabisera ng Dinastiyang Shang na kilala sa mga palasyo at oracle bones?

a)

Harappa, lungsod sa Indus Valley

b)

Anyang, lungsod ng mga ritwal at tala

26.

Siya ang pangunahing tagapayo at heneral ng Aztec na nagpalakas sa kapangyarihan ng imperyo?

a)

Kukulcan

b)

Itzamna

c)

Tlacaelel

d)

Montezuma II

27.

Sinaunang sistema ng pagsulat ng Mycenae

a)

Linear B

b)

Cuneiform

c)

Hieroglyphics

d)

Linear A

28.

29. Hari ng Mycenae na nakipagdigma sa Troy

a)

Menelaus

b)

Achilles

c)

Odysseus

d)

Agamemnon

29.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Kabihasnang Minoan sa Mesopotamia, Indus, Egypt at Shang?

a)

Nakasentro sa ilog ang Minoan, ang iba ay sa dagat

b)

Ang Minoan ay may pyramids, ang iba ay wala

c)

Mas relihiyoso ang Minoan kaysa sa Indus

d)

Ang Minoan ay nakabatay sa dagat, ang iba ay sa ilog

30.

Ano ang nagbibigay ng patunay sa kagalingan ng mga Minoan sa sining at disenyo?

a)

Pagsasakripisyo ng hayop sa mga ritwal

b)

Palasyo sa Knossos na may maze-like na disenyo

c)

Paggamit ng selyo sa pakikipagkalakalan

d)

Pagkakaroon ng templo sa bawat lungsod

31.

Alin sa mga sumusunod ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng mga Minoan?

a)

Pagsabog ng bulkan, lindol, tsunami

b)

Pagtaas ng buwis sa mamamayan

c)

Pananakop ng mga taga-Babylon

d)

Pagsasara ng mga rutang kalakalan

32.

Sa sinaunang Greece nakilala ang dalawang magkaribal na lungsod-estado, ang Athens at Sparta. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa Sparta?

a)

May mga kilalang pilosopo rin ang lungsod-estado.

b)

Nakadepende sa pakikipagkalakalan ang ekonomiya ng estado.

c)

Nagkaroon din ng pagawaan ng barko dahil malapit ito sa dagat.

d)

Nakasentro sa pagsasanay pangmilitar ang lungsod-estado ng Sparta.

33.

Ang Digmang Peloponnesian ay labanan sa pagitan ng dalawang kilalang lungsod-estado noong panahon ng sinaunang Greece, ang Athens at Sparta. Alin sa sumusunod ang naging pangunahing dahilan ng kanilang digmaan?

a)

Sinalakay ng Athens ang Sparta na siyang ikinatalo ng huli.

b)

Nagkaroon ng pag-aagawan ang dalawang lungsod-estado sa pamumuno sa rehiyon.

c)

Nais ng dalawang estado na makakm ang mga kayamanan ng kalabang estado.

d)

Nais ng Sparta na makontrol ang mga nakikipagkalakalan sa buong Dagat Mediterranean.

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsilang ng Demokrasya sa Athens noong 500 BCE?

a)

Nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

b)

Naisulong ang dayuhang kalakalan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap.

c)

Naipatapon nila ang mga mamamayang di-sumasang-ayon sa patakaran ng pamahalaan.

d)

Nagpamahagi ng malaking lupang sakahan sa walang lupang magsasaka.

35.

Bakit itinuturing na kahanga-hanga ang pagbuo ng colossal heads ng mga Olmec noong sinaunang panahon?

a)

Sapagkat ginamitan nila ito ng makabagong kagamitan at Teknolohiya

b)

Sapagkat ito ay nilikha ng isang pinunong may pambihirang lakas

c)

Sapagkat ang mga bato ay inukit sa mga lugar na malayo sa tirahan

d)

Sapagkat naisakatuparan ito kahit wala silang modernong kasangkapan

36.

Bakit sinasabing mataas ang antas ng kaalaman sa agham ng mga Maya?

a)

Dahil sila ay may mga makabagong kagamitan noon

b)

Dahil gusto nilang kilalanin bilang matatalino

c)

Dahil naiugnay nila ang astronomiya sa kalendaryo

d)

Dahil umaasa lang sila sa sabi ng mga pari

37.

Bakit mahalaga ang paggamit ng chinampas sa agrikultura ng Aztec?

a)

Nagbibigay ito ng masaganang ani sa tuyong lupa

b)

Nakapagpapalawak ito ng lupang maaaring tamnan

c)

Nagpapalalim ito sa ilog na ginagamit sa irigasyon

d)

Nagpapalakas ito ng ulan sa panahon ng pagtatanim

38.

Paano nakatulong ang kalendaryo ng mga Olmec sa kanilang pamumuhay?

a)

Upang matukoy kung kailan ipapatupad ang mga batas ng hari

b)

Bilang batayan sa disenyo ng kanilang mga dambuhalang estruktura

c)

Bilang gabay sa pagtukoy ng tamang panahon ng pagtatanim

d)

Upang maitala ang mahahalagang araw ng kanilang mga kapistahan

39.

Ano ang pangunahing kahulugan ng estrukturang panlipunan?

a)

Pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon na makikita sa loob ng isang bansa

b)

Pagkakaayos ng mga tao sa lipunan batay sa kanilang mga tungkulin at relasyon

c)

Pag-unlad at pagbabago ng teknolohiya at agham na nakakaapekto sa buhay ng tao

d)

Pagsunod ng mga tao sa mga batas at regulasyon na ipinapatupad ng kanilang pamahalaan

40.

Batay sa antas ng lipunan ng Sumerian, sino ang sapilitang nagtatrabaho sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabihag sa digmaan?

a)

Alipin

b)

Upper Class

c)

Lower Class

d)

Middle Class

41.

Sino ang itinuturing na pinakamababa sa lipunang Caste/Varna dahil sila ay itinuturing na mga outcast?

a)

Alipin

b)

Brahmin

c)

Dalits

d)

Sudra

42.

Bakit naging makapangyarihan ang mga patesi sa lipunang Sumerian?

a)

Dahil sila ang namamahala sa paggawa ng mga palayok

b)

Dahil sila ang nagmamay-ari ng ilang lupain sa lungsod

c)

Dahil sila ang tagapamagitan ng tao at mga diyos

d)

Dahil sila ang nagtatala ng kalakalan sa lungsod

43.

Kung gagawa ka ng patakaran para sa lipunang Sumerian upang bigyan ng pagkakataon ang lahat na umangat, ano ang iyong ipapanukala?

a)

Pagbabawal sa kalakalan upang pantay-pantay ang lahat

b)

Pag-alis ng relihiyon sa pamahalaan ng lungsod

c)

Pagbibigay ng mas maraming lupa sa mga maharlika

d)

Libreng edukasyon para sa lahat ng bata sa lungsod

44.

Paano nakaapekto ang estrukturang panlipunan sa buhay ng isang tao noon at ngayon?

a)

Nagtutulungan ang bawat isa upang maging malinaw at maayos ang tungkulin at gampanin sa Lipunan.

b)

Nagbibigay ito ng pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat na umasesno at magkaroon ng magandang buhay.

c)

Nagiging sanhi ito ng paghihirap at kawalan ng pag-asa sa mga taong gustong umasenso sa buhay.

d)

Pinapawi nito ang mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga antas at uri ng tao sa lipunan.

45.

Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?

a)

Etniko

b)

Etnisidad

c)

Lahi

d)

Relihiyon

46.

Anong relihiyon ang sinasamba ng karamihan sa mga Arabo sa Kanlurang Asya?

a)

Budismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

47.

Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing relihiyon sa bansang India?

a)

Budismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

48.

Ano ang iyong mahihinuha batay sa datos na nasa pie chart?

a)

Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa kristiyanismo.

b)

Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.

c)

Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.

d)

Halos magkakatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.

49.

Ang tamang paraan upang mapangalagaan ang sarili mong relihiyon ay:

a)

Paggalang at pagsunod sa mga aral ng relihiyon

b)

Pagwawalang-bahala sa mga tradisyon

c)

Paglabag sa mga paniniwala ng relihiyon

d)

Pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa relihiyon

50.

Which of the following is the best way to show respect for all religions?

a)

Bigyan ng respeto ang ibang tao kahit ano pa ang relihiyon.

b)

Maging mapagkumbaba, tumulong sa nangangailangan, at palaging magdasal.

c)

Makinig sa mga aral ng iyong relihiyon at isabuhay ito buong puso.

d)

Lahat ng pahayag.