NEW
Font size
WorksheetsREVIEW SA FILIPINO
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Panuto: Suriin kung anong elemento o bahagi ng banghay ng akdang tuluyan ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay.
Simula
Tagpuan
2. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
Wakas
Kasukdulan
3. Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga.
Saglit na kasiglahan
Kakalasan
4. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
Saglit na kasiglahan
Tunggalian
5. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan. Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga.
Kasukdulan
Simula
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari, isulat ang letrang a bilang unang pangyayari at e bilang huling pangyayari.
6. Isang araw, dumaan sa kuwartel ng militar si Juan. Kapag dumaraan ang isang tao sa kuwartel, inaasahang ito’y mag-aalis ng sumbrero at sumaludo sa bandila ngunit hindi sumunod si Juan, at dahil dito ay pinagbawalan siya ng sundalo na tumapak muli sa lupa ng kwartel.
A. Unang Pangyayari
B. Ikalawang Pangyayari
C. Ikatlong Pangyayari
D. Ikaapat na Pangyayari
E. Ikalimang Pangyayari
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari, isulat ang letrang a bilang unang pangyayari at e bilang huling pangyayari.
7. “Kung sadyang ikaw nga ay higante,” hamon ng mga magnanakaw,” ihulog mo nga ang isa sa iyong mga ngipin.” At inihulog ni Juan ang palakol, kaya kumaripas ng takbo ang mga magnanakaw. Naiwan ng mga ito ang kanilang nilulutong pagkain. Noon na lamang bumaba sina Juan at Pedro at kinain ang pagkain ng mga magnanakaw. Iniuwi rin nila ang sako ng mga gamit na naiwan ng mga ito.
A. Unang Pangyayari
B. Ikalawang Pangyayari
C. Ikatlong Pangyayari
D. Ikaapat na Pangyayari
E. Ikalimang Pangyayari
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari, isulat ang letrang a bilang unang pangyayari at e bilang huling pangyayari.
8. May utos ang alkalde na nagbabawal na maglakad sa kalsada pagsapit ng alas diyes ng gabi. Dahil nasa lansangan pa si Juan Osong ng alas diyes, pinasiya niyang gumapang upang makaligtas sa parusa dahil sa paglabag.
A. Unang Pangyayari
B. Ikalawang Pangyayari
C. Ikatlong Pangyayari
D. Ikaapat na Pangyayari
E. Ikalimang Pangyayari
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari, isulat ang letrang a bilang unang pangyayari at e bilang huling pangyayari.
9. Dahil kinailangang dumaan ni Juan sa munisipyo araw-araw para pumuntang palengke, ipasiya niyang humukay ng lupa sa kanyang bukid at inilagay sa kanyang kariton. Ipinahila sa kalabaw ang kariton habang nagdaraan sa munisipyo. Nakita siyang muli ng sundalong nagbawal sa kanyang dumaan sa lugar na iyon at nangatwiran na ang kaniyang lupang tinatapakan ay sarili niyang lupa. May nakakatandang kapatid si Juan na nagngangalang Pedro. Isang araw, nang paalis sila sa kanilang bahay; sinabi ni Pedro na ikandado ni Juan ang pinto. Pero sa halip nito, ang ginawa ni Juan ay dinala ang pinto. Nang tanungin ni Pedro kung bakit dinala ni Juan ang pinto, sinabi nitong mas mainam na huwag na itong iwan para wala talagang makapasok dito.
A. Unang Pangyayari
B. Ikalawang Pangyayari
C. Ikatlong Pangyayari
D. Ikaapat na Pangyayari
E. Ikalimang Pangyayari
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari, isulat ang letrang a bilang unang pangyayari at e bilang huling pangyayari.
10. Nagdala rin si Juan ng palakol, dahil magsisibak silang magkapatid ng kahoy sa gubat. Nang nasa gubat na sila, nakahanap sila ng malilim na puno at ipinasiya nilang akyatin ito upang doon makapagpahinga. Sa kanilang pagpapahinga ay dumating ang mga magnanakaw at doon sa ilalim naghatian ng mga ninakaw at nagluto ng pagkain, ngunit dahil sa matalinong pag-iisip ni Juan Osong ay nalinlang niya ang mga magnanakaw kaya naiwan sa kanila ang ninakaw ng mga ito pati na rin ang pagkaing kanilang niluto.
A. Unang Pangyayari
B. Ikalawang Pangyayari
C. Ikatlong Pangyayari
D. Ikaapat na Pangyayari
E. Ikalimang Pangyayari
Panuto: Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng panitikan sa panahon ng katutubo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
11. Alin sa sumusunod ang pinakamabisang dahilan kung bakit dapat pahalagahan ang panitikang tuluyan ng mga katutubo?
Ginamit ito ng mga mananakop upang turuan tayo ng relihiyon
Dahil bahagi ito ng kasaysayan at nagpapakita ng ating identidad bilang Pilipino
12. Bakit itinuturing na mahalagang sanggunian ang mga kuwentong-bayan sa pag-aaral ng sinaunang kultura ng mga Pilipino?
Dahil ito ay orihinal na naisulat sa wikang Espanyol
Dahil dito makikita ang paniniwala, kaugalian, at gawi ng mga sinaunang tao
13. Ano ang tawag sa anyong tuluyang na naglalahad ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari?
Alamat
Talumpati
14. Bakit mahalagang ituro sa mga kabataan ngayon ang mga panitikang katutubo?
Para magkaroon ng takot sa mga ninuno
Para maunawaan at mapanatili ang kultura at kasaysayang Pilipino
15. Bakit itinuturing na mahalaga ang epiko noong panahon ng katutubo?
Sapagkat ito ay may araling pang-agham
Sapagkat ito ay nagpapakita ng kasaysayan, kultura, at pagpapahalaga ng mga katutubo
16. Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa kadahilanang?
Hindi ito kailangan
Dahil pinaniniwalaang galing sa diyablo
17. Ano ang pagkakapareho ng alamat at mitolohiya bilang anyo ng panitikang tuluyan?
Parehong kathang isip lamang
Parehong naglalaman ng mga katotohanang pang-agham
18. Paanong patuloy na lumaganap ang panitikan sa kabila ng pagpapasunog dito ng mga Kastila?
Ipinadala na ng mga Pilipino ang ibang
kopya sa ibang bansa
Naipalaganap ang mga panitikang sa
pamamagitan pasalindila o pasalita
19. Bakit itinuturing na mahalagang sanggunian ang mga kuwentong-bayan sa pag-aaral ng sinaunang kultura ng mga Pilipino?
Dahil tinuro ito ng mga dayuhan upang matuto tayo ng relihiyon
Dahil dito makikita ang paniniwala, kaugalian, at gawi ng mga sinaunang tao
20. Ano ang pangunahing layunin ng mga tuluyang anyo ng panitikan sa panahon ng katutubo?
Magsilbing libangan para sa mga dayuhan.
Magpahayag ng kultura, paniniwala, at karunungan ng mga sinaunang Pilipino
Panuto: Suriin ang bahagi ng tekstong ekspositori batay sa estruktura nito.
21. "Ang laptop ay isang portable na computer. Mayroon itong keyboard, screen, at iba’t ibang uri ng port. Karaniwang ginagamit ito ng mga estudyante sa paggawa ng takdang aralin."
Deskripsyon
Sanhi at Bunga
22. Ang polusyon sa hangin ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit tulad ng hika, ubo, at sakit sa baga. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang usok mula sa mga sasakyan at pabrika.
Pagsusunod-sunod
Sanhi at bunga
23. "Ang global warming ay isang seryosong suliraning kinakaharap ng mundo. Dahil dito, tumataas ang temperatura ng kapaligiran, natutunaw ang mga yelo sa pole, at naaapektuhan ang klima. Isa sa mga solusyon dito ay ang pagtitipid sa kuryente at paggamit ng renewable energy."
Deskripsyon
Suliranin at Solusyon
24. Ang problema ay ang patuloy na pagtaas ng global temperature na nagdudulot ng panganib sa ekolohiya at kabuhayan ng mga tao. Isa sa mga solusyon dito ay ang paggamit ng renewable energy sources gaya ng solar at wind energy. Mahalaga ring itaguyod ang mga batas ukol sa climate action at hikayatin ang mga tao na magbawas ng carbon footprint.
Pagsusunod-sunod
Suliranin at Solusyon
25. Ang buhay ng isang working student ay puno ng sakripisyo, pagsisikap, at tiyaga. Sa araw ay nasa klase, habang sa gabi o sa hapon ay nagtatrabaho sa isang tindahan, fast food, o opisina. Madalas ay bitin sa tulog, kulang sa pahinga, ngunit puno ng pangarap sa puso. Sa kabila ng pagod, pinipilit pa rin niyang magsumite ng takdang-aralin at mag-aral para sa pagsusulit.
Deskripsyon
Suliranin at Solusyon
26. "Ang cellphone at tablet ay parehong ginagamit para sa komunikasyon at pag-access ng impormasyon. Subalit, ang cellphone ay mas maliit at mas magaan kaysa sa tablet. Ang tablet naman ay mas angkop sa panonood ng video o pagbabasa ng e-book."
Paghahambing
Pagsusunod-sunod
27. "Narito ang mga hakbang sa wastong paghuhugas ng kamay: Una, basain ang mga kamay ng malinis na tubig. Pangalawa, maglagay ng sabon at ikuskos ito ng 20 segundo. Pangatlo, banlawan at patuyuin gamit ang malinis na tuwalya o tissue."
Paghahambing
Pagsusunod-sunod
28. Isa sa mga pangunahing sanhi ng pag-init ng daigdig ay ang labis na paggamit ng fossil fuels tulad ng uling, langis, at gas. Dahil dito, lumalakas ang greenhouse effect na siyang nagpapataas ng temperatura sa mundo. Bunga nito, natutunaw ang mga yelo sa mga polar region, tumataas ang antas ng tubig sa dagat, at nagiging mas madalas ang matitinding kalamidad gaya ng bagyo at tagtuyot.
Sanhi at bunga
Suliranin at Solusyon
29. Ang pag-init ng daigdig o global warming ay ang unti-unting pagtaas ng temperatura ng mundo bunga ng labis na konsentrasyon ng greenhouse gases sa atmospera.
Pagsusunod-sunod
Sanhi at Bunga
30. Noong mga nakaraang dekada, maraming kababaihan ang limitado sa mga gawaing bahay at bihira sa mga posisyon ng pamumuno. Ngayon, mas bukas na ang lipunan sa pagkilala sa karapatan ng kababaihan. Mas maraming babae ang matagumpay sa iba’t ibang propesyon—mula sa agham hanggang politika.
Paghahambing
Pagsusunod-sunod
31. Sa estrukturang sanhi at bunga, ano ang pangunahing layunin nito?
Ipaliwanag ang mga katangian ng paksa
Ilarawan kung paano nangyari ang isang bagay at ang epekto nito
32. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang gumagamit ng estrukturang "suliranin at solusyon"?
Marami sa mga mag-aaral ang nahihirapang magbasa kaya’t ipinatupad ang pagbasa sa bawat klase.
Masarap ang pagkaing lutong bahay kaysa fast food.
33. Bakit mahalagang malaman ang iba't ibang estruktura ng tekstong ekspositori sa pagbabasa at pagsusuri ng mga akda?
Para mas maunawaan ang layunin ng may-akda at nilalaman ng teksto
Para makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit
34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang gumagamit ng estrukturang "pagkakasunod-sunod"?
Pagbibigay ng kaibahan ng online at tradisyunal na klase
Paglilista ng mga hakbang sa pagluluto ng adobo
35. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng estrukturang "pagkakaiba at pagkakatulad"?
"Kapag nagkulang ka sa tulog, bababa ang iyong konsentrasyon."
"Parehong nagbibigay kaalaman ang aklat at internet, ngunit mas mabilis hanapin ang impormasyon sa internet."
Panuto: Suriin ang mga elemento ng tekstong biswal sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
36. Sa isang patalastas, anong elemento ng tekstong biswal ang madalas gamitin upang manghikayat?
Walang kulay na disenyo
Mapang-akit na imahe at teksto
Panuto: Suriin ang mga elemento ng tekstong biswal sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng tekstong biswal?
Imahen
Tunog
Panuto: Suriin ang mga elemento ng tekstong biswal sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
38. Ang tekstong biswal ay maaaring makita sa mga sumusunod maliban sa:
Komiks
Radyo
Panuto: Suriin ang mga elemento ng tekstong biswal sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
39. Paano nakatutulong ang kulay sa isang tekstong biswal?
Pamparami ng nakalagay sa teksto
Pang-akit sa mata at pagpapahiwatig ng damdamin
Panuto: Suriin ang mga elemento ng tekstong biswal sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
40. Alin sa mga sumusunod na poster ang mas epektibo?
Poster na may iba’t ibang font sa bawat linya
Poster na may malinaw na larawan at iilang salita lamang
