wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9 REVIEW QUIZ PART II

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Bashō

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

 

Ambong kaylamig

Maging matsing ay nais

Ng kapang damo

Ano ang matalinhagang kahulugan ng salitang “ambong kaylamig”?

a)

Panahon ng saya

b)

Panahon ng tag-init

c)

Malamig na panahon

d)

Panahon ng kalungkutan o pag-iisa

2.

Bashō

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

 

Ambong kaylamig

Maging matsing ay nais

Ng kapang damo

Ano ang ipinahihiwatig ng kapang damo?

a)

Mahinang nilalang na madaling lamigin

b)

Matibay na damo sa bukid

c)

Damo sa paligid ng ilog

d)

Damo sa bakuran

3.

Ano ang pagkakatulad ng tanka at haiku sa kanilang tema?

a)

Ang haiku ay nakapokus lamang sa kalikasan, samantalang ang tanka ay hindi.

b)

Parehong nakatuon sa pagpapahayag ng damdamin at karanasan.

c)

Ang tanka ay mas personal at emosyonal kaysa sa haiku.

d)

Ang tanka ay mas malalim ang tema kaysa sa haiku.

4.

        “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre, “dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano anong bagay. Kaya huwag mo akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”

                                                                                            - -Ang Hatol ng Kuneho

                                                                                                                                                 Pabula mula sa Korea

Kung susuriin mo ang pagiging epektibo ng argumento ng baka, alin ang pinakamainam na suhestiyon para gawing mas matibay ang kanyang pangangatwiran?

a)

Ulitin ang pahayag nang maraming beses

b)

I-insulto ang tao para lumakas ang argumento

c)

Magdagdag ng emosyonal na salita para mas maapektuhan ang tigre

d)

Magbigay ng konkretong halimbawa o patunay kung gaano kadalas sila pinagsasamantalahan

5.

Batay sa pahayag sa naunang tanon, ang hindi magandang pag-uugali ng mga tao ang binibigyang diin ng baka sa kanyang argumento?

a)

Pangangalaga sa kalikasan

b)

Pagmamahal sa mga hayop

c)

Hindi pagtanaw ng utang na loob

d)

Mabuti lang kapag may kailangan.

6.

Batay sa pabula masasabi na ang tigre at ang tao ay maituturimg na parehong _________________

a)

Makasarili

b)

Mabangis at ganid

c)

Walang utang na loob

d)

Lahat ay tama

7.

Ano'ng angkop na ekspresyon na maaaring gamitin ni Dino upang ipahayag ang kasiyahan sa pagkakaroon ng bagong sasakyan?

a)

"Grabe, napaka-swerte ko!"

b)

"Wala lang ito."

c)

"Nakakatakot naman!"

d)

"Ayoko na nito."

8.

Paano maipapakahulugan ang pahayag ng baka: “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin”?

a)

Isang direktang sambitla

b)

Pagbibigay ng paglalarawan

c)

Pagpapahayag ng pagmamakaawa

d)

Hindi tuwirang pagpapahayag ng damdamin

9.

Ano'ng damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na: “Nangatog ang katawan ng lalaki nang paikot na naglakad ang tigre para kainin siya”?

a)

Pangamba

b)

Takot

c)

Kaba

d)

Galit

10.

Pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at ang batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na rin na may mga babaeng namamahala.

                                                                                           - Halaw mula sa: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon.

Ano ang kaisipang dala ng binasang bahagi ng sanaysay?

a)

Ang kalagayan ng kababaihan noon at ngayon ay magkaibang magkaiba.

b)

Kung ano ang kaya ng mga lalaki ay kaya na rin gawin ng mga babae.

c)

Kaya na rin ng mga babae na makipagsabayan sa mga kalalakihan.

d)

Binibigyang halaga na ang mga kababaihan.

11.

Ano ang pangunahing pananaw ng may-akda tungkol sa kababaihan sa Taiwan?

a)

Lumalawak ang kanilang mga oportunidad at karapatan

b)

Hindi sila binibigyan ng pansin sa mga kompanya

c)

Nananatili silang walang boses sa Lipunan

d)

Patuloy silang naaapi sa lipunan

12.

Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “Nagbago na ang tungkulin ng mga babae at ito’y lalong naging komplikado?”

a)

mapagkumbaba

b)

mapang-akit

c)

mapanghamon

d)

malaya

13.

Paano ipinakita ng may-akda ang simula ng sanaysay sa pahayag na: “Babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa”?

a)

Sa paglalahad ng impormasyon tungkol sa kababaihan

b)

Sa paggamit ng isang tanong upang pukawin ang mambabasa

c)

Sa pamamagitan ng isang pahayag na tuwirang naglalalahad ng ideya

d)

Sa pagpapahayag ng pangangatwiran upang ipagtanggol ang pananaw

14.

Upang maging mabisa at maayos ang pagkakabuo ng sanaysay, alin sa mga sumusunod ang hindi dapat isaalang-alang ng manunulat?

a)

Ang pagkakaroon ng kawiliwiling panimula

b)

Ang maayos na ugnayan ng mga kaisipan

c)

Ang malinaw at wastong paggamit ng wika

d)

Ang pagdami ng mga salitang ginamit sa bawat talata

15.

Alin sa mga katangian ng sanaysay ang ipinapakita kapag layunin nitong magbigay-kaalaman at mamulat ang kababaihan sa kanilang mga karapatang dapat ipaglaban?

a)

Paksa

b)

Layunin

c)

Kaisipan

d)

Kongklusyon

16.

“Babae pasakop ka sa iyong asawa”, isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng pangungusap?

a)

Ang babae ay tagasunod lamang ng kanyang asawa.

b)

Ang babae ay utusan ng kanyang asawa.

c)

Ang babae ay alipin ng kanyang asawa.

d)

Ang babae ay walang gawa sa bahay.

17.

Ano ang nais iparating ng pangungusap na ito: “Sa bawat paglangoy sa malalim na karagatan, iniisa-isa ang mga sandaling nagdadala ng kasiyahan at pag-asa.”

a)

Ang malalim na karagatan ay mapanganib.

b)

Ang paglangoy ay tiyak na nagbibigay pag-asa.

c)

Ang kasiyahan at pag-asa ang nagbibigay kulay sa paglangoy.

d)

Ang pagharap sa hamon sa buhay ay nagbibigay lakas ng loob at kaligayahan.

18.

“Sa palagay ko’y matutuwa ang ina mo. Kung buhay siya, ipangangalandakan niya na negosyante na ang anak ko”. Ano ang mahihinuha mong kulturang Asyano sa pahayag?

a)

Pagbubuklod ng pamilya.

b)

Positibong pananaw sa buhay

c)

Pagpapahalaga sa tagumpay ng pamilya.

d)

Pagbibigay ng higit na pabor sa pamilya.

19.

Alin sa mga sumusunod ang mungkahi na maaaring makatulong sa flood control?

a)

Hindi ko alam kung may magagawa pa tayo.

b)

Ang problema sa bansa ay paulit-ulit na lang.

c)

Masyadong malakas ang ulan, kaya bumabaha.

d)

Mas mabuting magtanim ng mga puno sa mga kabundukan.

20.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng matibay na paninindigan?

a)

Siguro dapat maglinis tayo.

b)

Parang kulang ang pondo para dito.

c)

Naniniwala ako na walang solusyon sa pagbaha.

d)

Dapat managot ang mga opisyal na hindi nagpapatupad ng flood control projects.

 

21.

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “Kailangang tugunan ng pamahalaan at ng mamamayan ang suliranin sa basura upang mabawasan ang pagbaha”?

a)

Pagpapahayag ng paninindigan na may solusyon

b)

Pagbibigay ng ordinaryong obserbasyon

c)

Paglalarawan ng sitwasyon

d)

Paghahain ng opinyon

22.

Ano’ng elemento ng dula ang ipinakikita sa pahayag na: “Kawangis ng madilim na kalangitan na nadarama ng magiting na mandirigmang naninindim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungkod sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan”?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Diyalogo

d)

Kasaysayan ng balangkas

23.

Ano'ng elemento ng dula ang kinakatawan ng pahayag ni Borte: "Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala."

a)

Tunggalian

b)

Tema

c)

Pag-unlad ng karakter

d)

Diyalogo

24.

Pumili ng tamang pang-ugnay upang kumonekta sa ideya sa dula: "Si Ana ay naghintay ng matagal. ____ dumating si Carlo, nag-umpisa silang mag-usap."

a)

A. Kung

b)

B. Nang

c)

C. Kaya

d)

D. Ngunit

25.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng baka at puno ng pino sa pabula ng "Ang Hatol ng Kuneho", ganoon pa din ba ang iyong hatol sa lalaki?

a)

Oo, sapagkat ang tao ay walang konsiderasyon.

b)

Oo, sapagkat ang tao ay mapang-abuso sa ating kalikasan at sa mga hayop.

c)

Hindi, sapagkat ang tao ay mapagmahal sa mga hayop at kalikasan.

d)

Hindi, sapagkat hindi naman lahat ng tao ay malupit sa mga hayop at kalikasan.