Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
WaygroundWorksheets

Pagsusulit sa Pang-uri at Tayutay

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng pang-uri na nagsasaad ng bilang ng mga inilalarawang pangngalan o panghalip.

a)

Pang-uring Pantangi

b)

Pang-uring Pamilang

c)

Pang-uring Pamahagi

d)

Pang-uring Panaklaw

2.

Ito ay nagsasaad ng halaga o katumbas na pera ng bagay o anumang binili, binibili, o bibilhin.

a)

Pamahagi

b)

Pantangi

c)

Palansak

d)

Pahalaga

3.

Basahin ang pangungusap sa ibaba at tukuyin ang uri ng nakasalungguhit na pang-uring pamilang. “Sa pagluluto ng pancake kailangan maghanda ng isang kilong harina, dalawang itlog, isang kutsarang pampaalsa, at kalahating asukal.”

a)

Pamahagi

b)

Patakaran o Kardinal

c)

Panunuran o Ordinal

d)

Pahalaga

4.

Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI halimbawa ng pang-uri?

a)

masipag

b)

mapagkakatiwalaan

c)

malinis

d)

bituin

5.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pang-uring pamilang: pahalaga?

a)

Ang aming grupo ang nagkamit ng unang karangalan sa paligsahan.

b)

Tinuruan ako ni Nanay na magtipid, sa kasalukuyan ako ay may ipong dalawang libo sa bangko.

c)

Kapag kumakain kami sa restaurant inaabot ng limang daan ang aming bayarin.

d)

Umabot sa isang milyong piso ang halaga ng pinatayung paaralan sa aming lungsod.

6.

Ito ay isang uri ng tayutay na ginagamit upang bigyang-buhay o pagtaglayin ng katangian o kilos pantao ang bagay o hayop na walang talino, kakayahan, o buhay.

a)

Simili o Pagtutulad

b)

Personipikasyon

c)

Metapora o Pagwawangis

d)

Pagmamalabis

7.

Alin sa mga sumusunod na parirala ang maaaring gamitin bilang personipikayon?

a)

tulad ng mangga

b)

ilaw ng bayan

c)

sumasayaw ang langit

d)

ibon sa ulap

8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng personipikasyon?

a)

Tulad ng ilaw ang kanyang ngiti.

b)

Singlambot ng mamon ang kanyang puso.

c)

Siya ang bituin ng aming tahanan.

d)

Sumasayaw ang mga bato sa hampas ng alon.

9.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay halimbawa ng personipikasyon MALIBAN sa ____.

a)

Naglakad ang aircon sa sobrang init ng silid-aralan.

b)

Ang buhay ay isang paglalakbay.

c)

Nagalit ang araw sa mga pumutol ng puno.

d)

Malakas na sumigaw ang tsokalate sa bata.

10.

Ito ay isang uri ng tayutay na naghahambing sa dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ng mga salitang “gaya, tulad, parang, sing, tila, atbp.

a)

Pagmamalabis

b)

Pagtutulad o simili

c)

Pagwawangis o metapora

d)

Personipikasyon

11.

Ito ay nagsasaad ng kondisyon para mangyari ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

a)

Pang-abay na Panang-ayon

b)

Pang-abay na Pananggi

c)

Pang-abay na Kondisyunal

d)

Pang-abay

12.

Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa pang-abay na kondisyunal?

a)

oo

b)

kung

c)

hindi

d)

tunay

13.

___________ matapat ang isang bata, magiging masaya ang kanyang pamumuhay.

a)

Kapag

b)

Oo

c)

Ayaw

d)

Hindi totoo

14.

Ano ang panlapi na ginagamit sa pokus ng tagatanggap?

a)

i-, ipang-

b)

um

c)

han-

d)

hin-

15.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pandiwa?

a)

basahan

b)

langoy

c)

pintuan

d)

kamatis