NEW
Font size
WorksheetsReviewer sa Filipino
Total questions: 20
Worksheet time: 19mins
1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang tumutukoy sa bukod sa dahas ay edukasyon ang ginamit
ng mga Amerikano sa pananakop sa Pilipinas?
Sakay ng barko ang mga guro na tinatawag na Thomasites ay dumating para magturo.
Maliban sa relihiyon ginamit din ang dahas sa pananakop ng ating ninuno.
Tinanggal si Asedillo sa kanyang pagiging guro at nag-armas upang lumaban.
Relihiyon ang ginamit upang kontrolin ang ating mga ninuno.
Mula sa mga pahayag sa ibaba, anong ideya ang sumusuporta sa pagkabuo ng "colonial
mentality" sa mga Pilipino?
Mas pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga bagay na Amerikano o banyaga.
Ang mga Pilipino ay mas tinatangkilik ang sariling produkto ng ating bansa.
Hindi na nag-aral ang mga Pilipino dahil walang paraan makamit ito.
Ang mga Pilipino ay natutong magtayo ng sariling industriya.
"Ang layunin ng mga Amerikano ay hindi benevolent assimilation kundi ang pangmatagalang dominasyon sa ekonomiya at politika."
Paano inilalarawan ng sipi/pahayag ang totoong hangarin ng mga Amerikano?
Nais nilang maging ganap na malaya ang Pilipinas agad-agad.
Ang layunin ay kontrolin ang bansa sa mahabang panahon.
Ang intensiyon ay maging mabait at kaibigan.
Wala silang pakialam sa Pilipinas.
"Ang mga Pilipino ay natuto na higit na pahalagahan ang mga produkto at estilo ng pamumuhay ng Amerikano."
Ano ang inilalarawan ng sipi/pahayag tungkol sa kultura ng Pilipino?
Pinahahalagahan ang sariling kultura.
Walang epekto ang Amerika sa kultura.
Naging masigasig sa pagbili ng sariling produkto.
Mas gusto ang mga bagay na banyaga kaysa lokal.
Sa pahayag ni Constantino na "Ang edukasyon ang pinakamabisang sandata ng
kolonyalismo," ano ang dahilan sa paggamit ng salitang "sandata"?
Ilarawan ang edukasyon bilang kagamitan sa paggawa.
Bigyang-diin ginamit ang edukasyon sa paraang mapanganib.
Purihin ang sistema ng edukasyon na ipinalaganap ng Amerika.
Makita ang edukasyon bilang isang kagamitang dahilan ng pagkakasundo.
Ayon sa talata, tinawag ni Jorge Bocobo ang maling edukasyon na "malaking krimen."
Angkop ba ang salitang ito sa konteksto ng teksto?
Hindi po, dahil krimen lang ito kung may nagawa silang masama at kung may nakulong.
Opo, ginamit niya ito para bigyang-diin ang kaseryosohan sa kanyang kritisismo.
Hindi po, madali lang kalimutan ang mga ginawa ng Amerikano sa bansa.
Opo, dahil napakaraming libro ang sinunog noong panahon na iyon.
Kinakailangan ang pormal na pagkilala at paglinang ng isang Wikang Pambansa upang
maging ganap ang kasarinlan ng bansa. Alin ang naging ebidensya ni Quezon para maging
legal ang aksyon na ito?
pagtatayo ng mga parke at kalsada
pag-aaral ng wikang Ingles
pagpapatibay ng Batas Komonwelt Blg. 184
pagpili sa pinakamagandang rehiyon
Ang Tagalog ay pinili bilang batayan ng wikang pambansa dahil ito ang pinakamalawak na
ginagamit at nauunawaan sa sentro ng Pilipinas. Ano ang analisis sa ebidensiyang ito?
Ang wika ay kailangan lamang sa edukasyon kaya mas pinili kung ano ang ginagamit at nauunawaan ng karamihan.
Ang wika ay madaling kalimutan kaya kung ano ang ginagamit ng pangulo ay iyon ang kanyang napili.
Ang pagpili ay isang praktikal na solusyon upang mas madaling magamit ang wika bilang 'tulay' ng komunikasyon.
Ang ibang rehiyon ay hindi mahalaga mahalaga kaya hindi Napili ang ginagamit nilang wika.
Ano ang simbolikong kahulugan ng pamagat na “Walang Sugat” batay sa kabuoan ng akda?
Walang nasaktan sa kuwento.
Walang digmaan sa kuwento.
Walang pisikal na sugat kung hindi emosyonal na sugat ang tinutukoy.
Pagpapahiwatig na ang sugat ng bayan ay hindi laging nakikita sa katawan o pisikal na kaanyuan kundi sa damdamin, dangal at kalayaan
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng norms o pamantayang panlipunan ayon
sa dulang Walang Sugat?
Pag -aaral ng mga bata sa paaralan
Paglaban ni Tenyong sa pamahalaan
Pagtanggap sa utos ng magulang at paggalang sa nakakantanda
Pagpapakasal ni Julia sa lalaking hindi naman niya mahal at paghihintay kay Tenyong.
Ano ang bisa ng salitang “kakaibang lamig” sa simula ng talata?
literal na malamig ang panahon
masamang elemento sa paligid
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan sa pangakong kalayaan
naghuhudyat na masayang damdamin ng mga tao sa tektong binasa
Ano ang idyomatikong pahayag sa teksto na nagpapahiwatig ng babala?
“Hindi lahat ng kumikislap ay ginto.”
“Ang edukasyon ang susi sa pag-unlad.”
“Tila isang bagong umaga ang sumisikat.”
“May dalang kakaibang lamig ang simoy ng hangin”.
Paano pinakita ng may-akda ang bisa ng salita sa paghubog ng damdamin ng mga mambabasa?
paggamit ng mga salitang puno ng damdamin, pahiwatig at hindi literal na pagpapakahulugan.
paggamit ng mga teknikal na salita
paggamit ng mga malalalim na salita
pagbanggit sa mga bayani
Ano ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa dula?
Pananakop – Pag-aalsa – Kalayaan
Rebolusyon – Pananakop – Kalayaan
Kalayaan – Pananakop – Paghihimagsik
Pananakop – Paghihimagsik – Pagbagsak ng bayan
Sa pahayag na ”Naalala ko pa ng sapilitang agawin nila ang ating lupa at dangal”,ano
ipinahihiwatig nitong flashback?
Panibagong pakikisama na naman sa mga mananakop.
Nakikita niya sa hinaharap bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan.
Pagpapahiwatig na ang mga dayuhan ay mabuti ang intensyon sa ating bayan.
Paggunita sa puwersahang pagsakop at pagpapahirap ng mga dayuhan sa mga Pilipino
Ano ang ipinahihiwatig ng foreshadowing sa pahayag na ”muling itinaas ng mga pilipino ang
bandila ng Pilipinas”.
Panibagong digmaan
Pagkatalo ng mga Pilipino
Tagumpay at muling pagkabuhay ng bayan
Pag-alis ng mga rebolusyonaryo
Anong elemento ng tuluyan ang pahayag na “bumalik si Tenyong na sugatan at malapit ng
mamatay”?
Suliranin
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Saang ang bahai ng dula na makikita ang tagpong “naloko ang lahat dahil walang sugat si
Tenyong kaya nagwagi ang pag-iibigan nila ni Julia”?
Kalutasan
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Batay sa pangyayaring, “nilabanan ni Tenyong ang mga mananakop”, anong uri ng tunggalian
ang ipinahahayag?
Tao laban sa Tao
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa Sarili
Tao laban sa Kalikasan
Anong pangyayari ang tumutukoy sa naging paraan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
dahas at relihiyon
dahas at kalayaan
dahas at edukasyon
dahas at pakikipagkasundo
