wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2ND QUARTER ESP REVIEWER S.Y. 25-26

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tatlong bahagi na bumubuo sa tao?

a)

Emosyon, Ispiritwal, at Rasyunal

b)

Kagustuhan, Materyal at Rasyunal

c)

Ispiritwal, Kagustuhan at Rasyunal

d)

Kaugalian Kagustuhan, at Rasyunal

2.

Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan ng pagkukusa sa makataong kilos?

a)

Nagdudulot ng matinding takot

 

b)

Ginagawa dahil iniutos ng magulang.

c)

Bunga ng malayang kalooban at pamamatnubay ng isip.

d)

Kasanayan mula sa nakararami at hindi na pinag-iisipan.

3.

Habang naglalakad si Carlo, nakita niyang nahulog ang pitaka ng isang matanda. Pinulot niya ito at agad na ibinalik. Ang ginawa ay may pagkukusa sapagkat…

a)

Nais niyang malamangan ang kapwa.

b)

Ginawa niya ito nang malaya at pagkukusa.

c)

Dulot ito ng natakot na baka makita siya ng iba.

d)

Ginawa niya ito dahil ito ay personal niyang kagustuhan.

4.

Alin sa mga kilos ang dapat panagutan ng isang tao?

a)

Ito ay ginawa dahil napilitan lamang.

b)

Nagmula ito sa malayang pagsang-ayon.

c)

Ginawa dahil sa matinding emosyon at takot.

d)

Hindi pinag-isipan at biglaan lamang nangyari.

5.

Nakita ni Althea ang kaniyang kaibigan na nangongodego habang nagkakaroon ng pagsusulit sa oras ng EsP. May pananagutan ba si Althea mula sa kaniyang nakita?

 

a)

Opo dahil natakot siya na pagalitan kaya itinago niya.

b)

Hindi, dahil napilitan siyang gawin at baka bumagsak ito.

c)

Opo sapagkat may malayang pasya at alam niyang mali ito.

d)

   Hindi, dahil wala siyang alam kaya hindi niya itong pananagutan.

6.

Kung ikaw ay nakagawa ng maling pasya na nakasakit ng kapuwa, alin sa sumusunod ang pinakamahusay na hakbang upang maipakita ang pananagutan?

a)

Isisi sa iba ang personal na pagkakamali.

b)

   Itanggi ang ginawa upang hindi mapagalitan.

c)

Humingi ng tawad at itama ang nagawang pagkakamali

d)

Iwasan ang taong nasaktan at huwag nang ipaliwanag ang sarili.

7.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit may pananagutan ang tao sa makataong kilos?

a)

Ang kilos ay nakasanayan na lamang.

b)

Sinadya at niloob na may paggamit ng katuwiran

c)

Ito ay sinadya at niloob na may paggamit ng katuwiran

d)

Napilitang gawin ito dahil iyon ang hinihinge ng sitwasyon.

8.

Si Mark ay naglaan ng oras upang magbantay sa kanilang tindahan sa palengke ngunit pinili pa rin niyang mag-aral sa abot ng kanyang makakaya. Sa araw ng pagsusulit, sinagutan niya ito nang tapat kahit mahirap. Bakit siya may ganap na pananagutan sa kanyang ginawa?

a)

Sinadya niya ito at may malakayng kalooban.

b)

Pilit niyang gawin ang tama kahit may sakripisyo.

c)

Dahil ito lamang ang nakasanayan niyang paraan.

d)

Sapagkat wala na siyang ibang opsiyon kundi sumunod.

9.

Binawasan ang baon ni Jhoanna ng kaniyang Nanay dahil nahuli itong nagtatago ng sobrang sukli. Si Jhoanna ay nakagawa ng pasyang sinadya ngunit nagresulta sa mali, ano ang pinakamabuting hakbang na magpapakita ng pagpanagutan sa  kaniyang kilos?

a)

Itanggi ang ginawa para hindi maparusahan.

b)

Iwasan ang usapan at magpanggap na walang nangyari.

c)

Aminin ang pagkakamali, humingi ng tawad, at gumawa ng paraan upang maitama ito.

d)

Humingi ng tawad at isisi sa ibang tao upang makaiwas sa kaparusahan at pananagutan.

10.

Naiwan ni Carla ang kaniyang proyekto sa bahay. Alam niyang kailangan niya itong ipasa ngayon. Ano ang dapat niyang gawin upang maging mapanagutan sa kilos?

a)

Gayahin ang proyekto ng kaklase.

b)

Lumiban sa klase para hindi makapagpasa.

c)

Sabihin ang totoo at mangakong ipapasa bukas.

d)

   Mangakong mas magiging responsable sa susunod.

11.

Habang nanonood ng teleserye sa youtube si Carlo nang may biglang sumingit na patalastas. Hindi sadya na makita ni Carlo ang malaswang panooring yon. Hindi niya ito inintindi at bagkus tinakpan pa niya ang kaniyang mata para hindi niya ito lubos makita. Paano ipinakita ang mapanagutang kilos ni Carlo?


a)

Ang pagtakip sa kaniyang mata ay pag-iwas sa masamang impluwensya.

b)

Pagpigil na panoorin nang palihim kahit alam niyang hindi ito nararapat.

c)

Pagpatuloy sa panonood ng malaswang palabas upang makakuha ng bagong karanasan.

d)

Pagbahagi niya ang malaswang video sa kaniyang mga kaibigan upang gawing katatawanan.

12.

Hindi nagbigay ng ambag si Mark sa gastos ng kanilang group project kahit may kasunduan sila ni Carlo. Ano ang pinakamainam na hakbang ni Mark upang maipakita ang pananagutan?

 

a)

Sabihin na wala siyang pera at hindi siya mananagot.

b)

Mangakong tutulong sa ibang paraan upang makabawi.

c)

Humingi ng tawad at bayaran ang kaniyang parte sa gastos.

d)

Ipaunawa na walang siyang kakayahan at kaya naman ito ni Carlo.

13.

Si Maria ay sanay nang mag-aral tuwing gabi bago matulog kaya’t nagagawa niyang makapasa sa pagsusulit. Anong salik ang nakaaapekto sa kaniyang pananagutan?

a)

Takot                                    

b)

    Kamangmangan

c)

Gawi 

d)

 Masidhing damdamin

14.

Napilitang magsinungaling si Peter dahil pinagbantaan siya ng kaklase na ipapahiya kapag hindi niya tinulungan sa exam. Anong salik ang nakaaapekto sa kaniyang pananagutan?

a)

Gawi

b)

Karahasan

c)

Masidhing Damdamin

d)

Pagninilay

15.

Ayon kay David Kolb, natututo ang tao sa pamamagitan ng pagmamasid at karanasan. Paano ito nakaaapekto sa pananagutan ng tao?

a)

Pinapakita ang kahalagahan ng gawi.

b)

Ipinapaliwanag ang epekto ng karahasan.

c)

Nagbibigay-daan sa pagninilay at pagkatuto.

d)

Nagdudulot ng masidhing damdamin sa kapuwa at sarili.

16.

Alin sa sumusunod ang sitwasyong pinakamalinaw na nagpapakita ng kaalaman bilang salik na nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos ng isang mag-aaral?

a)

Dahil alam ni Jay ang aralin, nakasagot siya ng tama sa recitation.

b)

Natakot si Ema na matawag ng guro kaya hindi siya nagsumikap na sumagot.

c)

Batid ni Rosa na mahalaga ang oras kaya nagsikap siyang magpasa ng proyekto nang maaga.

d)

Hindi alam ni Lea na bawal gumamit ng cellphone habang nag-eexam kaya’t ginamit niya ito upang maghanap ng sagot.

17.

Habang naglalaro ng basketball si Marco, nagkamali ang kaniyang kakampi at na-block ang tira niya. Dahil sa sobrang galit, nasigawan niya at halos suntukin ang kakampi kahit hindi naman ito sinasadya. Anong salik ang nakaapekto sa kilos ni Marco?

a)

Gawi

b)

Karahasan

c)

Kamangmangan

d)

Masidhing Damdamin

18.

Si Andrea ay hindi nagtaas ng kamay upang sumagot sa klase kahit alam niya ang tamang sagot dahil natatakot siyang pagtawanan ng kaniyang mga kaklase. Kung ikaw si Andrea, ano ang pinakamainam na gawin upang mapaglabanan ang takot at maisagawa ang tamang kilos?
       


a)

Huwag pumasok sa klase sa tuwing may recitation.

b)

Patuloy na manahimik para hindi pagtawanan ng mga kaklase.

c)

Subukan pa ring magtaas ng kamay at sumagot upang masanay at magkaroon ng tiwala sa sarili.

d)

Magtaas ng kamay at maghintay ng pagkakataon na makapagsalita kapag tinawag ng guro sa recitation.

19.

Si Ana ay nag-share agad ng fake news tungkol sa eleksyon sa social media nang hindi binabasa at sinisiyasat ang pinagmulan. Paano naapektuhan ng kamangmangan ang kaniyang pananagutan?

a)

Walang epekto ang kaniyang ginawa dahil normal na lang ang mag-share ng post sa social media.

b)

Wala siyang pananagutan sapagkat inosente lamang siyang nagbahagi ng post na nakita niya online.

c)

Nabawasan ang kaniyang pananagutan dahil hindi niya alam na mali ang impormasyon ngunit dapat pa ring magsuri bago magbahagi.

d)

Buong pananagutan pa rin niya ang kaniyang ginawa sapagkat may oras siya para mag-check ng source ngunit pinili niyang huwag gawin.

20.

Natakot si Liza na baka bumagsak ang bahay nila dahil sa bagyo. Hindi siya sumama sa evacuation kahit pinayuhan ng mga opisyal. Ano ang epekto ng takot sa kaniyang naging desisyon?

 

a)

Walang epekto ang kaniyang ginawa dahil karapatan niyang piliin kung saan siya mananatili.

b)

Nabawasan ang pagkukusa niya dahil pinairal niya ang takot kaysa makinig sa payo para sa kaniyang kaligtasan.

c)

Buong pananagutan pa rin niya dahil pinili niyang manatili  kahit may panganib upang masiguro na hindi masisira ang kanilang bahay.

d)

Wala siyang pananagutan sapagkat likas lamang sa tao ang makaramdam ng takot lalo na sa panahon ng sakuna at ang emosyon na ito ay maaaring makaapekto sa kaniyang kakayahang magpasya nang malaya at mahinahon.

21.

Pinilit ng ilang kabataan ang isang estudyante na gumawa ng masamang content at i-post ito online kapalit ng baon niya. Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ano ang tamang hakbang upang mapakita ang pananagutan at wastong pagpapasiya?

a)

Gumawa ng masamang content kahit alam na mali, dahil sa takot na mawalan ng baon.

b)

Sumunod na lamang sa kanilang utos para matapos na ang problema at hindi na siya guluhin.

c)

Ipaliwanag nang maayos na mali ang ipinapagawa at tumangging gumawa ng content na makasasama.

d)

Sabihin agad sa guro o magulang ang sitwasyon upang matulungan at mapigilan ang masamang ginagawa ng mga kaklase.

22.

Natatakot si Joshua na mag-volunteer sa school activity dahil baka siya magkamali at pagtawanan. Ano ang pinakamainam na hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa tamang pagpapasiya?

a)

Lumahok sa maliliit na gawain hanggang unti-unti siyang magkaroon ng tiwala sa sarili.

b)

Humingi ng tulong o payo sa guro at kaibigan upang mas mapalakas ang kaniyang loob at tiwala sa sarili.

c)

Iwasan ang mga kaklase at huwag makisalamuha para hindi na makaranas ng pangungutya o pagkahiya.

d)

Manatiling tahimik at hindi na magpahayag ng opinyon kahit alam niyang may kakayahan siyang makatulong.

23.

Si Karla ay madalas kutyain online ng ilang kaklase dahil sa kaniyang pisikal na itsura. Naisip niyang gumanti at gumawa rin ng fake account para makapinsala sa kanila. Ano ang tamang hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa tamang pagpapasiya?

a)

Manahimik at tiisin ang paninira upang hindi na lumaki pa ang isyu kahit siya ay patuloy na nasasaktan.

b)

Manatiling matatag, iwasan ang mga taong nananakit at ituon ang atensyon sa mga taong sumusuporta sa kaniya.

c)

Sabihin sa guro o magulang ang situwasyon, humingi ng payo, at umiwas sa paggawa ng maling hakbang na magpapalala sa problema.

d)

Gumanti rin ng paninira gamit ang social media upang maiparamdam sa kanila ang sakit na naranasan niya at mapatunayan na kaya rin niyang manira.

24.

Nakikita ni Eric na madalas saktan ng kaniyang kuya ang nakababatang kapatid kapag sila lang ang nasa bahay. Ano ang tamang hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa tamang pagpapasiya?

a)

Sabihin sa kanilang magulang ang nangyayari upang magkaroon ng tamang solusyon at hindi na maulit ang pananakit.

b)

Huwag makialam dahil nakasanayan na ng kaniyang kapatid ang pananakit at baka siya rin ang masaktan kung magsumbong.

c)

Hayaan na lamang ang kaniyang kapatid na gawin ang gusto nito dahil hindi naman siya ang direktang naapektuhan ng sitwasyon.

d)

Itigil agad ang pananakit sa pamamagitan ng pagprotekta sa kapatid at kausapin nang seryoso ang kuya tungkol sa masamang epekto ng kaniyang ginagawa.

25.

Habang papauwi si Marco, nakita niya na may wallet na nahulog sa kalsada. Nang silipin niya, may malaking halaga ng pera at ID ng may-ari. Ano ang pinaka-makataong kilos na dapat niyang gawin?

a)

Huwag pansinin at magpatuloy sa paglalakad.

b)

Dalhin sa bahay at gamitin ang pera kung kinakailangan.

c)

Ibalik agad sa may-ari gamit ang nakasaad na impormasyon sa ID.

d)

Itago muna at magdesisyon kung ano ang dapat gawin pagkauwi ng bahay.

26.

May pinsan si Ana na nahuli sa pandaraya sa klase at siya lang ang nakakaalam. Nais ni Ana na maging tapat, ngunit natatakot siyang masira ang relasyon sa pamilya. Ano ang pinakamakataong kilos?

a)

Itago ang nalaman para mapanatili ang relasyon.

b)

  Iwasan ito na pag-usapan para hindi masangkot.

c)

Kausapin ang pinsan at hikayatin siyang umamin sa guro.

d)

Tulungan ang pinsan na huwag mandaya at gumawa ng tama sa susunod

27.

Habang walang guro sa klase ni Mark ay may kaklase siyang nagva-vandal sa mesa. Kung ikaw si Mark, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Isumbong sa guro ang nakitang ginawa ng kaklase.

b)

Kausapin ang kaklase at hikayatin na tumigil at burahin ito.

c)

Hindi papansinin upang hindi na masangkot sa isyu ng kaklase.

d)

Magpakita ng mabuting halimbawa sa pamamagitan ng pag-iwas sa maling gawain.

28.

Nakita ni Aiza ang matandang babae na nahihirapang magbuhat ng mabigat na bag. Naalala niya ang itinuro sa klase tungkol sa makataong kilos. Ano ang unang yugto na dapat isaalang-alang ni Liza bago siya kumilos?

a)

Pagpili (desisyon)

b)

Intensyon (layunin)

c)

Pananagutan (responsibilidad)

d)

Pagninilay (pagtimbang ng mabuti)

29.

Habang nagtuturo ang guro, nahuli ni Kevin ang kaniyang kaklase na nagtatangkang gumamit ng cellphone. Kung ikaw si Kevin, paano ka kikilos nang naaayon sa makataong kilos?

a)

Iwasan na lang dahil hindi naman siya kasali.

b)

Makisali na rin sa paggamit ng cellphone para hindi mapansin.

c)

Kausapin at paalalahanan na huwag itong ituloy at makinig sa guro.

d)

Ialok ang tulong sa kaklase pagkatapos ng klase upang mas maintindihan niya ang aralin at hindi na siya maengganyong gumamit ng cellphone.

30.

May kaibigan si Carlo na madalas manghiram ng gamit pero hindi naibabalik. Ano ang makataong kilos na dapat niyang gawin?

a)

Magalit at hindi na siya kausapin.

b)

Huwag na lang pansinin at bumili ng bagong gamit.

c)

Kausapin nang maayos upang malaman ang dahilan ng kaibigan.

d)

Magpaalala nang maayos sa kaibigan tungkol sa hiniram niyang gamit.