Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2ND QUARTER EXAM AP 6

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang uri ng pamahalaan na itinatag ng mga Amerikano na kung saan pinayagan na ang mga Pilipino na manungkulan sa pamahalaan.

a)

Asamblea ng Pilipinas

b)

Makataong Asimilasyon

c)

Pamahalaang Militar

d)

Pamahalaang Sibil

2.

Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng mga Pilipino.

a)

Asamblea ng Pilipinas

b)

Makataong Asimilasyon

c)

Pamahalaang Militar

d)

Pamahalaang Sibil

3.

Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang ______________.

a)

Makataong Asimilasyon

b)

Pilipino Muna

c)

Pilipinas ay para sa mga Pilipino

d)

Pilipinisasyon ng Pilipinas

4.

Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?

a)

Jacob Schurman

b)

Wesley Merritt

c)

William Mckinley

d)

William H. Taft

5.

Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar ay ang _______________.

a)

Pamahalaang Militar

b)

Pamahalaang Taft

c)

Pamahalaang Schurman

d)

Pamahalaang Sibil

6.

Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?

a)

Gobernador Militar

b)

Gobernador Sibil

c)

Pangulo

d)

Pangalawang Pangulo

7.

Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng Pamahalang Sibil sa pamumuno ni Gobernador Taft?

a)
b)

Pagpaparami ng magsasaka

c)

Pagpapadami ng sundalong Pilipino Pagbibigay ng libreng pabahay

d)

Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang pamamahala sa sarili.

8.

Ang unang naging pangulo ng Komonwelt ay si ________________.

a)

Ferdinand Marcos

b)

Jose P. Laurel

c)

Manuel L. Quezon

d)

Sergio Osmeña

9.

Bakit mahalagang magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino?

a)

Mahalagang magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino upang matuto rin silang mamuno sa sariling bansa.

b)

Mahalagang magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino upang ang kapwa Pilipino ang magpahirap sa sariling bansa.

c)

Mahalagang magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino upang walang ibang sisisihin kung ang kapwa Pilipino.

d)

Lahat ay tama.

10.

Bakit nilalagay ang mga larawan ng mga bayani sa perang ginagamit ng ating bansa?

a)

Dahil sila ay mayayaman

b)

Dahil sila ay nagpamalas ng kabayanihan

c)

Dahil sila ay mga artista sa pelikula at telebisyon

d)

Dahil sila ay miyembro ng matataas na uri o ilustrado

11.

Sumiklab sa Asya ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong ___________.

a)

1521

b)

1914

c)

1939

d)

1945

12.

Nagkaroon ng sariling republika ang Pilipinas ngunit Hapones pa rin ang nagkontrol sa bansa. Ano ang itinawag sa republikang ito?

a)

Homma Republic

b)

Philippine-Japanese Republic

c)

Puppet Republic

d)

Yakuza Republic

13.

Alinsunod sa kampaniyang Greater East ___________ Co-Prosperity Sphere, itinuro ang kulturang Filipino at ang wikang Hapon.

a)

America

b)

Asia

c)

India

d)

Pacific

14.

Ang Japan ay tinuguriang _________ dahil sa husay nito sa pakikipagdigma.

a)

Pearl of the Orient

b)

Energetic Dwarf

c)

Land of the Morning Calm

d)

Sleeping Giant

15.

Ilan sa karahasang dinanas ng mga kababaihan noong digmaan sa panahon ng Hapon ay pagsasamantala ay tinawag na __________.

a)

comfort women

b)

holocaust

c)

salvage

d)

torture

16.

Sino-sino ang mga biktima ng Death March?

a)

mga mag-aaral

b)

mga mahihirap na Pilipino

c)

mga negosyante

d)

sumukong sundalong Pilipino at Amerikano

17.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naidulot ng mga Hapones sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop?

a)

takot at hirap sa pamumuhay

b)

minahal ng mga Pilipino ang mga Hapon

c)

maayos na pagtrato ng mga Hapon sa mga Pilipino

d)

naging malaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon

18.

Ano ang pinakamalaking suliranin na dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones?

a)

kawalan ng disiplina

b)

kawalan ng trabaho

c)

kakulangan sa pagkain

d)

kawalan ng mga karapatan

19.

Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, aanib ka ba sa mga gerilya? Bakit?

a)

Hindi po, dahil maari pong mapahamak ang aking buhay.

b)

Hindi po, dahil mas mabuting manahimik na lang at magtago

c)

Opo, dahil nais kong ipaglaban ang kalayaan ng aking bansang Pilipinas.

d)

Opo, upang sumikat at makilala sa buong mundo at kilalanin bilang bayani.

20.

Ano ang naging resulta ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino?

a)

Naging maunlad ang kanilang pamumuhay.

b)

Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga Pilipino at Hapones.

c)

Lumaganap ang mga kilusang gerilya o lumalaban sa mga Hapones.

d)

Naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa mga bansang nasakop ng mga Hapones.

21.

Ang sumusunod ay mga masasamang epekto ng pananakop ng mga Hapones sa bansa, MALIBAN sa isa.

a)

Paggamit ng wikang Tagalog.

b)

Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon

c)

Nagdulot ng takot at paghihirap sa maraming Pilipino.

d)

Nawalan ng kalayaan na makapagsalita at makapagpahayag ng damdamin.

22.

Paano pinigilan ng mga Hapones ang pagkanasyonalismo ng mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop?

a)

Pinapagamit ang wikang Ingles kahit saan.

b)

Binibigyan ang mga Pilipino ng mga pagkain.

c)

Pinakulong ang mga kumakalaban na Pilipino sa mga batas.

d)

Pinahihintulutan ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng pambansang awit ng Pilipinas.

23.

Paano nilutas ni Pangulong Laurel ang paghihirap ng mga Pilipino sa kanyang panahon ng pamamahala?

a)

Gumawa ng mga pagkakakitaan

b)

Gumawa ng mga pagkakakitaan

c)

Nagpatulong siya sa mga Hapones.

d)

Gumawa siya ng mga programang pangkabuhayan.

24.

Bakit nanatili si Pangulong Laurel sa pamamahala ng mga Hapones?

a)

Upang hindi siya mapatay

b)

Upang purihin siya ng mga Hapones

c)

Upang may isang Pilipino na mangangasiwa pa rin sa karapatan ng mga Pilipino

d)

Upang magkaroon ng mabuting pamumuhay sa kabila ng pananakop ng mga Hapon

25.

Bakit hindi pa rin naging payapa ang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagbabagong inilunsad ng pamahalaang Hapones?

a)

Dahil magugulo ang mga Pilipino

b)

Ang mga Pilipino ay laging nagwewelga

c)

Maraming Pilipino ang nanahimik na lang

d)

Dahil tumaas pa rin ang bilang ng mga pagdakip at pagparusa

26.

Sa iyong palagay, bakit nasangkot ang ating bansa sa digmaang Amerika at Japan?

a)

Dahil ang ating bansa ay sakop at hawak ng America.

b)

Nais lamang isali ng Japan ang ating bansa sa digmaan.

c)

Dahil nadamay lamang tayo ng America sa kanilang digmaan.

d)

Gusto lang ng mga Hapon na sakupin ang ating bansa dahil sa maganda ito.

27.

Ang sumusunod ay mga patakaran na inilunsad ng mga Hapones, MALIBAN sa isa.

a)

Pagpaparangal sa mga Pilipino

b)

Pag-alis ng kalayaang makapagsalita at makapagpahayag.

c)

Pagpaparusa sa mga taong kumakalaban sa mga Hapones.

d)

Pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos.

28.

Kung ikaw si Jose P. Laurel, tatanggapin mo ba ang alok ng mga Hapon na gawin kang pangulo ng isang Pamahalaang Puppet? Bakit?

a)

Opo, para maiwasan ang digmaan.

b)

Opo, dahil magandang maging sunod sunuran sa mga Hapones.

c)

Hindi po, dahil mas magiging maayos kung mga Hapon na lang po ang mamahala sa ating bansa.

d)

Hindi po, dahil ang mga Hapones pa rin ang masusunod pagdating sa mga ipapatupad na batas sa bansa na makabubuti lang sa kanila.

29.

Sa iyong palagay, bakit ninais ng Amerika na sakupin ang ating bansa?

a)

Dahil gusto ng America na maging alipin ang mga Pilipino.

b)

Dahil gusto ng America na maging parte ng kanilang bansa ang Pilipinas.

c)

Dahil hinahanap ng Amerika ang pampalasa at ito ay nahanap nila sa ating bansa.

d)

Dahil sa likas na yaman ng ating bansa upang matugunan ang kaniyang pangangailangan pang ekonomiya.

30.

Paano pinanatili ng mga gerilya sa Pilipinas ang nasyonalismong Pilipino?

a)

Naging masunurin sa mga dayuhan.

b)

Agad na isinuko ang Kalayaan sa mga dayuhan.

c)

Hindi sumuko at patuloy na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

d)

Nagtago sila sa mga kabundukan upang umiwas sa mga dayuhan.

31.

Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagkamit ng mga Pilipino ng ganap na kalayaan sa mga Amerikano?

a)

Dahil sa digmaan ay hindi pinalaya ng mga Amerikano ang bansang Pilipinas.

b)

Dahil sa digmaan, pumayag ang mga Amerikano na magtayo ng Pamahalang Commonwealth.

c)

Dahil sa digmaan, ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapones kaya hindi nakamit ng bansa ang Kalayaan.

d)

Nagbago ang isip ng mga Pilipino dahil sa digmaan kaya nanatili ang pamumuno sa ilalim ng mga Amerikano.

32.

Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan tulad ng mga bayani noong digmaan?

a)

Manatiling tahimik sa mga isyu ng bansa

b)

Mag-aral nang mabuti at tumulong sa kapwa Pilipino

c)

Umiwas sa mga gawaing pambayan

d)

Kalimutan ang mga sakripisyo ng mga bayani

33.

Bakit patuloy na inaalala ng mga Pilipino ang kabayanihan ng mga lumaban sa digmaan?

a)

Dahil gusto lang magdiwang taun-taon

b)

Upang matutong pahalagahan ang kalayaan at kapayapaan

c)

Dahil ito ay utos ng gobyerno

d)

Para makakuha ng pahinga sa klase

34.

Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng digmaan, ano ang maaari mong gawin upang ipakita ang pagmamahal sa bayan?

a)

Magtago upang hindi mapahamak

b)

Sumama sa mga lumalaban kahit walang layunin

c)

Tumulong sa mga sugatang sundalo at magpakatatag

d)

Umiwas sa anumang may kinalaman sa digmaan

35.

Ano ang pagkakatulad ng kabayanihan ni Josefa Llanes Escoda at ni Andres Bonifacio sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

a)

Pareho silang sumuko sa mga kalaban

b)

Pareho silang nagpakasaya habang may digmaan

c)

Pareho silang nagsakripisyo para sa kalayaan ng bansa

d)

Pareho silang iniwasan ang tungkulin

36.

Kung gagawa ka ng proyekto upang hikayatin ang kabataan na magmahal sa bayan tulad ng mga bayani, alin ang pinakamainam?

a)

Paglikha ng mural o video tungkol sa kabayanihan ng mga Pilipino

b)

Pagtatago ng mga impormasyon tungkol sa digmaan

c)

Pagpapakita ng mga larawan ng kalaban

d)

Pagpapabaya sa mga gawaing pampaaralan

37.

Idineklara na “open city” ang Maynila

a)

January 2, 1942

b)

April 9, 1942

c)

May 6, 1942

d)

December 26, 1941

38.

Kailan bumagsak ang Corregidor sa kamay ng mga Hapon?

a)

January 2, 1942

b)

April 9, 1942

c)

May 6, 1942

d)

December 26, 1941

39.

Kailan tuluyang napasok at napasailalim ng Hapon ang Maynila?

a)

January 2, 1942

b)

April 9, 1942

c)

May 6, 1942

d)

December 26, 1941

40.

Sumuko ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa kamay ng hapon sa Bataan.

a)

January 2, 1942

b)

April 9, 1942

c)

May 6, 1942

d)

December 26, 1941