wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in Filipino

Total questions: 26

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.
  1. 1. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

Masayang ginunita ng mag-asawang sina Ginang Ailyn Santos at Attorney Boboy Santos ang Sergio Osmeña Day noong nakaraang Setyembre 09, 2025.

a)

bagay

b)

hayop

c)

lugar

d)

tao

2.
  1. 2. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pangyayari?

a)

A. Atty. Bobby Santos

b)

B. Dr. Ailyn Santos

c)

C. Sergio Osmeña Day

d)

D. Setyembre 09, 2025

3.
  1. 3. Alin ang tamang pagdaglat ng mga salitang Ginang at Attorney?

a)

A. G. at Att.

b)

B. Gin. at Atr.

c)

C. Gn. at At.

d)

D. Gng. at Atty.

4.
  1. 4. Kailangan nating aktibong makilahok para sa ikabubuti ng nakararami. Anong pang-abay ang makikita sa pangungusap?

a)

A. aktibong

b)

B. doon

c)

C. masaya

d)

D. matagal

5.
  1. 5. Sabi ni Gng. Loon, magkakaroon tayo ng pagsusulit sa asignaturang Filipino bukas. Anong salita ang nagsasaad ng pang-abay na pamanahon?

a)

A. bukas

b)

B. klase

c)

C. Filipino

d)

D. pagsusulit

6.
  1. 6. “Matiyagang nag-eensayo ang mga atleta sa kanilang paaralan.” Alin ang nagsasaad ng pang-abay na panlunan?

a)

A. mga atleta

b)

B. nag-eensayo

c)

C. paaralan

d)

D. Matiyagang

7.
  1. 7. “Nanay, mahal na mahal ko po kayo,” ang sabi ni Tina sa kanyang nanay pagkatapos niya itong abutan ng isang basong juice. Ano ang katangian ang pinakikita ng tauhan dito?

a)

A. mapagmahal

b)

B. masinop

c)

C. masunurin

d)

D. matapat

8.
  1. 8. Si Nessa ay nakadama ng matinding kaba nang siya ay tumayo sa harap ng klase upang sumagot sa tanong ng guro. Ano ang damdamin ni Liza sa sitwasyong ito?

a)

A. masaya

b)

B. nagagalit

c)

C. naiinggit

d)

D. natatakot

9.
  1. 9. Kahit nag-uumapaw ang palakpakan matapos ang kanyang pagtatanghal, si Rona ay nag-alinlangan kung sapat ba ang kanyang ginawa upang ikagalak ng kanyang guro. Ano ang damdamin ni Rona sa sitwasyong ito?

a)

A. galit

b)

B. kumpiyansa

c)

C. pag-aalinlangan

d)

D. tuwa

10.
  1. 10. Ano ang tawag sa mga kathang-isip na salaysay na naglalarawan ng kaugalian, paniniwala, at pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan, na karaniwang ipinapasa mula henerasyon hanggang henerasyon, at maaaring gawing batayan ng wastong paguugali at pagkukunan ng mga aral na magsisilbing gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

a)

A. alamat

b)

B. kwentong- bayan

c)

C. pabula

d)

D. parabula

11.
  1. 11. Mataas ang nakuhang marka ni Ana sa pagsusulit, _____________ nag-aral siya nang mabuti. Ano ang angkop na pangatnig na dapat ilagay sa patlang?

a)

A. at

b)

B. ngunit

c)

C. sapagkat

d)

D. subalit

12.
  1. 12. Sa pangungusap na, “Ang kalikasan, katulad ng yamang-tubig, ay bigay ng Diyos”, Ano ang pang-angkop na ginamit sa salitang “yamang-tubig”

a)

A. g

b)

B. na

c)

C. ng

d)

D. -ng

13.
  1. 13. Nag-eensayo ang mga mag-aaral ng isang dance presentation____________ darating na Teacher’s Day ngayong Oktubre 5, 2025. Ano ang tamang pang-ukol na kukumpleto sa pangugusap?

a)

A. kay

b)

B. hinggil sa

c)

C. para sa

d)

D. ukol sa

14.
  1. 14. Hinabol ng asong si Tagpi ang pusang si Mimi. Ano ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit?

a)

A. habol

b)

B. Hina

c)

C. habulin

d)

D. nabol

15.
  1. 15. May dungis ang suot niyang damit pagkatapos maglaro sa labas. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?

a)

A. luma

b)

B. malinis

c)

C. mantsa

d)

D. maputi

16.
  1. 16. Kahit malamig ang hangin sa umaga, mainit pa rin ang kape na iniinom ni Bb. Santos. Ano ang isa sa mga pares ng salitang magkasalungat sa pangungusap?

a)

A. umaga- mainit

b)

B. kape- iniinom

c)

C. malamig- umaga

d)

D. malamig- mainit

17.
  1. 17. Si Mang Tony ay nagmamaneho ng ______________ upang kumita ng pera. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may wastong baybay?

a)

A. traisikel

b)

B. traycykel

c)

C. traysikel

d)

D. traysikol

18.
  1. 18. Alin sa mga sumusunod ang tambalang pangungusap?

a)

A. Mataas ang puno ng niyog.

b)

B. Si Tessay ay nagbabasa ng aklat.

c)

C. Si Mang Pepe ay kumakain ng almusal.

d)

D. Naglalaro si Caleb ng bola at nanonood ng TV si Jenny.

19.
  1. 19. Ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagkulang sa maayos na pagpaplano at pamamahala ng mga flood control projects. Ano ang posibleng bunga ng pangyayaring ito?

a)

A. Malinis ang mga kalsada at parke.

b)

B. Maayos na kapaligiran

c)

C. Nagtayo ng bagong paaralan at ospital.

d)

D. Nagkaroon ng pagbaha sa mga kalsada at naapektuhan ang maraming kabahayan.

20.
  1. 20. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod mula una hanggang huli.

I. Naglinis ng mesa si Carlo matapos kumain.

II. Kumain ng almusal si Carlo.

III. Gumising si Carlo nang maaga.

IV. Nag-toothbrush siya pagkatapos mag-almusal.

V. Nagdasal muna siya bago kumain.

VI. Naligo siya bago mag-almusal.

a)

A. III – VI – V – II – I – IV

b)

B. VI – III – V – II – I – IV

c)

C. III – V – VI – II – IV – I

d)

D. V – III – VI – II – I – IV

21.
  1. 21. Si Beth ay natutong magtipid ng kanyang baon araw-araw para makabili ng laruan na matagal na niyang gusto. Sa huli, nabili rin niya ang laruan na kanyang inaasam-asam at masaya siya dahil sa pagtitiyaga niya. Ano ang maaari mong maiugnay sa ginawa ni Beth sa iyong sariling karanasan?

a)

A. Huwag pansinin ang gusto mo.

b)

B. Agad bumili ng laruan kahit wala pang pera.

c)

C. Ibigay ang pera sa kaibigan para siya ang bumili.

d)

D. Magtipid o mag-ipon para sa laruan na gusto mo.

22.
  1. 22. “Araw-araw akong nagtatrabaho sa bukid. Hinahatak ko ang araro at tumutulong sa mga tao. Masaya ako kapag nakikita kong umaani sila ng maraming palay.” Sino ang nagsasalaysay sa teksto?

a)

A. ang bukid

b)

B. ang kalabaw

c)

C. ang palay

d)

D. ang magsasaka

23.
  1. 23. Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning) upang matulungan ang mga mag-aaral na nahirapan sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang. Layunin ng programa na mabigyan sila ng dagdag na oras sa pag-aaral at suporta mula sa mga guro. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging handa ang mga bata sa susunod na baitang at mas madali nilang mauunawaan ang mga aralin.

Ano ang pangunahing paksa ng pahayag?

a)

A. Pagpapataas ng sahod ng mga guro

b)

B. Pagpapagawa ng mga bagong silid-aralan

c)

C. Pagpapalakas ng sports program ng DepEd

d)

D. Pagbibigay ng dagdag na suporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng ARAL Program

24.
  1. 24. Ano ang pinakamahalagang mensaheng nais iparating ng pahayag tungkol sa ARAL Program?

a)

A. Ang ARAL Program ay naglalayong bawasan ang oras ng pag-aaral ng mga bata

b)

B. Ang ARAL Program ay ginawa upang magbigay ng masayang gawain para sa mga bata.

c)

C. Ang ARAL Program ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na mahusay sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang.

d)

D. Ang ARAL Program ay nagbibigay ng dagdag na tulong upang mas handa ang mga mag-aaral sa susunod na baitang.

25.
  1. 25. Ano ang suliraning tinutugunan ng ARAL Program at ang inihandang solusyon?

a)

A. Kulang ang silid-aralan; nagpatayo ng bagong paaralan ang DepEd

b)

B. Nahihirapan ang mga bata sa sports; naglunsad ng palaro ang DepEd

c)

C. Mataas ang bilang ng mga guro; nagbawas ng empleyado ang DepEd

d)

D. Nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang; binibigyan sila ng dagdag na oras at suporta mula sa guro

26.
  1. 26. Ano ang maaaring maging kongklusyon batay sa pahayag tungkol sa ARAL Program?

a)

A. Ang ARAL Program ay hindi kailangan ng mga mag-aaral.

b)

B. Ang ARAL Program ay nagtatanggal ng mahahalagang aralin sa paaralan.

c)

C. Ang ARAL Program ay naglalayong gawing mas handa ang mga bata sa susunod na baitang.

d)

D. Ang ARAL Program ay para lamang sa mga mag-aaral na mahusay na sa pagbasa at pagbilang.