NEW
Font size
WorksheetsMakabansa 2 - Sample Test Kultura
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng kulturang materyal?
Bahay na bato
Barong Tagalog
Bayanihan
Palayok
Ano ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga lumang gamit tulad ng palayok at antigong kutsara’t tinidor sa ating tahanan?
Para maging palamuti lamang sa bahay
Upang maipakita ang pagmamahal sa kultura
Para ibenta kapag luma na
Dahil ito ang uso
Si Liza ay nakakita ng mga sirang laruan na gawa sa kahoy na ipinamana ng kanyang lolo. Ano ang pinakamainam niyang gawin?
Itapon upang hindi masira ang iba
Ibalik sa lolo niya
Ayusin at linisin nang maingat
Kulayan upang magmukhang moderno
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga lumang bagay sa paaralan tulad ng bandila o antigong bell?
Gamitin sa laro
Iwanan sa sulok
Ipinta ng iba’t ibang kulay
Linisn at ipakita ang kahalagahan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kulturang di-materyal?
Baro’t Saya
Panday na martilyo
Paniniwala sa pagmamano
Palayok
Bakit mahalaga ang mga awiting-bayan at kasabihan sa ating pamumuhay?
Dahil ito’y nakakatutuwa pakinggan
Dahil nakatutulong itong maunawaan ang pag-uugali ng mga Pilipino
Dahil ginagamit lang ito sa pista
Dahil ito ay para sa matatanda
Kung ikaw ay magtuturo ng awiting-bayan, ano ang pinakamainam mong gawin?
Baguhin ang tono
Ituro at ipaliwanag ang mensahe nito
Gamitin sa kasiyahan
Kalimutang dahil luma na
Kung gagawa ka ng sariling awiting-bayan tungkol sa iyong barangay, alin ang dapat mong isama?
Mga patakaran sa paaralan
Mga kwento ng bayanihan
Mga pangalan ng artista
Mga gamit sa bahay
Ano ang layunin ng mga alamat at kuwentong-bayan sa ating kultura?
Libangan lamang
Itinuturo nito ang pinagmulan ng mga bagay
Para sa matatanda lamang
Upang makalimot sa problema
Sa alamat ng Bahaghari, ano ang ipinahihiwatig ng pitong kulay pagkatapos ng ulan?
Pagkakaisa at pag-asa
Takot sa ulan
Galing ng langit sa lupa
Simula ng tagtuyot
Kung gagawa ka ng bagong alamat tungkol sa inyong barangay, alin ang pinakamakabuluhan?
Tungkol sa mahiwagang ilog
Tungkol sa paboritong pagkain
Tungkol sa laroan
Tungkol sa alagang hayop
Habang pista sa barangay, hiniyakay ng guro ang mga bata na maglaro ng tumbang preso. Ano ang layunin ng guro?
Para makalimot sa pag-aaral
Upang maipakita ang pagmamahal sa tradisyon
Dahil walang ibang laro
Upang mapagod ang mga bata
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabuting kaugalian ng mga Pilipino?
Pagmamano sa nakatatanda
Pagsigaw sa magulang
Pagtatapon ng basura
Pag-aaway
Kung gagawa ka ng poster tungkol sa kaugalian o pamahiin, alin ang pinakamainam na tema?
Paggalang sa Matatanda, Ugaling Pinoy
Maglaro nang magdamag
Pagtapon ng basura kahit saan
Pag-initan ang kaibigan
Ano ang ipinapakitang ugali ng mga lumalahok sa prusisyon tuwing pista?
Pagmamalaki sa sarili
Pagpapakita ng pananampalataya at pagkakaisa
Pagpunta dahil sa ingay
Pag-iwas sa trabaho
Bakit maituturing na bahagi ng kulturang di-materyal ang prusisyon?
Dahil may kasamang materyal na bagay
Dahil ito’y gawaing nagpapakita ng paniniwala
Dahil ito’y bahagi ng negosyo
Dahil ito’y paligsahan
Kung ang awiting-bayan ay may tema ng pagmamahal sa bayan, ano ang larawan na nagpapakita nito?
Mga mag-aaral na nagwawalis
Mga bata sa ulan
Mga taong nasa piyesta
Pamilyang naglalaro
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa awiting-bayan ng inyong lugar?
Makinig lang
Ituro sa mga kamag-aral
Baguhin ang salita
Iwasan ito
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tradisyonal na sayaw?
Tinikling
Hip-hop
Zumba
K-pop Dance
Kung sasayaw ka sa pista, paano mo maipapakita ang paggalang sa kultura?
Gamitin ang modernong sayaw
Pakinggan ang musika ng ibang bansa
Sundin ang tamang galaw
Tumawa sa gitna ng sayaw
TAMA o MALI: Ang paggawa ng puni mula sa dahon ng niyog ay nagpapakita ng malikhaing paggamit ng likas na yaman.
True
False
TAMA o MALI: Ang mga bantayog tulad ng monumento ni Jose Rizal ay itinatayo upang magsilbing palamuti lamang sa lungsod.
True
False
TAMA o MALI: Ang paggamit ng salitang lokal sa komunidad ay nakatutulong upang mapanatili ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
True
False
TAMA o MALI: Ang pagtatapon ng lumang kagamitan ng mga ninuno ay isang paraan ng pagpapahalaga sa ating kultura.
True
False
TAMA o MALI: Ang paglinis at maingat na pag-iingat ng mga antigong bagay ay paraan ng pangangalaga sa kulturang Pilipino.
True
False
