WorksheetsEDUKASYONS SA PAGPAPAKATAO 9
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Ayon kay Thomas Aquinas, ano ang tinutukoy na Likas na Batas Moral?
A. Batas na kailangang sundin ng lahat
B. Batay sa panukalang batas ng Pilipinas
C. Gumagarantiya sa paggalang sa dignidad ng tao
D. Batas na ang mga doktor ang gumawa
2. Bakit kailangang sundin ang batas moral?
A. Upang maging marahas ang lahat
B. Para sa kabila’t kanang karahasan
C. May kalayaan ang bawat taong gawin ang lahat
D. Upang mapangalagaan ang dignidad at makamit ang kabutihang panlahat
3. Ano ang layunin ng likas na batas moral sa pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa?
A. Upang mapabuti ang bawat indibidwal sa pakikitungo sa kapwa
B. Upang masunod ang kagustuhan ng nakararami
C. Upang maiwasan ang mga batas ng lipunan
D. Upang ipakita ang kapangyarihan ng pamahalaan
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi paraan upang matutuhan ang likas na batas moral?
A. Impluwensya ng barkada
B. Nabasa sa aklat o social media
C. Itinuro ng magulang o pamilya
D. Ibinubulong ng iyong konsensya
5. Ano ang pinakamahalagang sangkap ng lipunan na nagbibigay ng katahimikan at may kaakibat na parusa kapag nilabag?
A. Batas Militar
B. Batas Trapiko
C. Likas na Batas Moral
D. Mga Batas ng Lipunan
6. Ano ang nagsisilbing gabay at batayan ng kaayusan at pagkakaisa sa isang samahan?
A. Batas
B. Disiplinang Pansarili
C. Kabutihang Panlahat
D. Moralidad
7. Ano ang tumutukoy sa pagkilala ng tao sa tama at mali, na nagiging pamantayan ng pag-uugali at magandang asal?
A. Disiplinang Pansarili
B. Kabutihang Panlahat
C. Moralidad
D. Tiwala sa Sarili
8. Ang taong kumikilos ayon sa kabutihan ng sarili at kapwa ay nagpapakita ng alin sa mga sumusunod?
A. Disiplinang Pansarili
B. Kabutihang Panlahat
C. Moralidad
D. Tiwala sa Sarili
9. Ang kilos o pasiya na isinasaalang-alang ang kabutihan ng lahat, hindi lamang ng sarili, ay nagpapakita ng alin?
A. Batas
B. Disiplinang Pansarili
C. Kabutihang Panlahat
D. Moralidad
10. Paano mo masasabi na tama ang isang bagay o desisyon?
A. Kapag ito ay naglalayong mapabuti ka
B. Kapag naging masaya ka sa resulta
C. Kapag nasabi mo na ang iyong saloobin
D. Kapag ito ay depende sa sitwasyon o panahon
11. Bakit kailangang gamitin ang isip at puso sa pag-alam ng mabuti?
A. Upang mabalanse ang tama at mali
B. Upang maisagawa ang lahat ng nais
C. Upang magkaroon ng sariling desisyon
D. Upang maiwasan ang makasakit ng kapwa
12. Bakit mahalagang magkaroon ng karapatan ang bawat tao?
A. Upang maranasan ang mga bagay na tinataglay ng nakararami
B. Para sumunod ang lahat sa batas
C. Para sa pantay-pantay na karanasan
D. Upang maging kakaiba sa lahat
13. Paano makakamit ang kabutihang panlahat?
A. Kung ito ay nakabatay sa moralidad at likas na batas moral
B. Kung may kapayapaan sa lipunan
C. Kapag binubuo ng maraming mamamayan
D. Kapag may paggalang lamang sa piling tao
14. Nabasa mo sa social media ang masasamang komento ng dating kaklase mo na hindi totoo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipapaalam mo ito sa iyong magulang upang humingi ng mabuting payo
B. Magpapadala ka rin ng masasakit na salita laban sa kanila
C. Hahayaan mo na lamang sila
D. Isusumbong mo agad upang sugurin sila
15. Pinahiram mo ang iyong USB na naglalaman ng mga paborito mong pelikula, ngunit hindi ito ibinalik ng iyong kaibigan. Ano ang tamang gagawin?
A. Hindi ko na siya papansinin
B. Pababayaran ko ito sa kanya
C. Sasabihin kong ibalik niya dahil akin iyon
D. Paalalahanan ko siya na ibalik ito sapagkat naroon ang aking mga paboritong pelikula
