wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 1

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa kabuoang paraan ng pamumuhay ng isang lipunan o pangkat ng mga tao.

a)

Kaunlaran

b)

Kalinangan

c)

Kapayapaan

d)

Kasarinlan

2.

Sistema ng paniniwala na nagsasaad na ang mga bagay sa kalikasan ay may espiritu na dapat igalang.

a)

Babaylan

b)

Animismo

c)

Anituismo

d)

Kanyaw

3.

Paniniwala sa mga espiritu ng mga ninuno na tinatawag na "anito"na umano ay patuloy na nakabantay sa mga tao.

a)

Anituismo

b)

Animismo

c)

Pagdidiwata

d)

Babaylan

4.

Tradisyonal na lider o mangagamot na nagsisilbing tagapamagitan sa tao at mga espiritu.

a)

Datu

b)

Imam

c)

Babaylan

d)

Raja

5.

Ang sining ng paglikha ng mga disenyo sa tela sa pamamagitan ng pananahi.

a)

burda

b)

pagsusulsi

c)

Kanyaw

d)

malong

6.

ritwal na pag aalay na isinasagawa upang magpasalamat sa mga espiritu o anito, karaniwan sa panahon ng ani o matagumpay na pangangaso.

a)

Animismo

b)

Kanyaw

c)

Burda

d)

Antuismo

7.

Pagdiriwang na isinasagawa ng mga Tagbanua upang humingi ng proteksyon mula sa espiritu ng kalikasan.

a)

Pagdidiwata

b)

Pag-aalay

c)

Pagtatanim

d)

Pagdarasal

8.

Ito ay pamahalaan ng ating mga ninuno.

a)

Balangay

b)

Barangay

c)

Komunidad

d)

Gobyerno

9.

Ito ay kung saan agad inilibing ang bangkay matapos ang kamatayan.

a)

Primary burial

b)

Secondary burial

c)

mummification

10.

Ang mga buto ng namatay ay hinuhukay pagkatapos ng ilang taon, nilinis at inilagay sa mga banga o sarcophagus.

a)

Primary burial

b)

Secondary burial

c)

mummification

11.

ito ay kung saan ang katawan ay pinatuyo sa usok at binabalot ng tela bago ilagay sa mga kuweba o sa itaas ng mga bundok na karaniwang ginagawa ng mga taga-Ifugao.

a)

Primary burial

b)

Secondary burial

c)

mummification

12.

ito ang paniniwala sa iisang Diyos lamang na tinatawag na Allah sa Islam. Ito ang pangunahing prinsipyo ng Islam.

a)

Sharia

b)

Monoteismo

c)

Salah

d)

Shahada

13.

Ito ay ang batas ng Islam na sumasaklaw sa lahat ng aspekto ng buhay ng isang Muslim, mula sa pagsamba hanggang sa mga transaksiyon sa negosyo.

a)

Shahada

b)

Salah

c)

Sharia

d)

Sawm

14.

Ito ang mga pangunahing obligasyon ng bawat Muslim.

a)

Limang Haligi ng Islam

b)

Sawm

c)

Shahada

d)

Monoteismo

15.

Pagpapahayag ng pananampalataya na "Walang ibang diyos liban kay Allah at si Muhammad ay sugo ni Allah."

a)

Sharia

b)

Sawm

c)

Shahada

d)

Salah

16.

Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.

a)

Salah

b)

Sharia

c)

Sawm

d)

Shahada

17.

Pagbibigay ng isang bahagi ng kayamanan sa mga nangangailangan.

a)

Hajj

b)

Zakat

c)

Sawm

d)

Sharia

18.

Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

a)

Sawm

b)

Hajj

c)

Zakat

d)

Salah

19.

Paglalakbay sa Mecca upang magsagawa ng mga ritwal. Isang beses sa buhay para sa mga Muslim na may kakayahan.

a)

Zakat

b)

Salah

c)

Sawm

d)

Hajj

20.

Ito ay ang lugar kung saan nagsasamba ang mga Muslim.

a)

Simbahan

b)

kapilya

c)

moske

21.

Ito ay kilala bilang sinaunang sasakyan pandagat na ginamit sa pakikipagkalakalan at paglalakbay sa karagatan.

a)

balangay

b)

barangay

c)

balsa

d)

barko

22.

Ito naman ay karaniwan makikita sa Mindanao at ginagamit sa pangingisda at paglalayag sa malalawak na katubigan.

a)

Vinta

b)

Balangay

c)

Barko

d)

Kanyaw

23.

Ito ay sinasabayan ng ritwal na ginaganap bilang pasasalamat bago magsimula ang pagtatanim.

a)

Pagdidiwata

b)

Ritwal ng pagtatanim

c)

Ritwal na kaingin

d)

Tubong

24.

Ito ay ang pagdiriwang at pagpaparangal sa mga espiritu ng mga yumaong ninuno.

a)

Kanyaw

b)

Pagdidwata

c)

Ritwal na kaingin

d)

Tubong

25.

Pag-awit sa labas ng bahay ay isa sa mga kilalang paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal.

a)

kasal

b)

harana

c)

panliligaw

26.

Ito ay isang uri ng pang-itaas na damit na karaniwang may maikling manggas at simpleng disenyo.

a)

bahag

b)

baro

c)

saya

d)

kangan

27.

Ito ay isang piraso ng tela na itinataling paikot sa baywang at ginagamit bilang pang-ibaba ng kalalakihan.

a)

baro

b)

kangan

c)

bahag

d)

saya

28.

Ito ay isang uri ng pang itaas na damit na kadalasan gawa sa mga magaan at manipis na tela para sa kababaihan.

a)

saya

b)

baro

c)

kangan

d)

bahag

29.

Ito ay isang mahabang palda na isinusuot mula baywang pababa para sa kababaihan.

a)

saya

b)

baro

c)

bahag

d)

kangan

30.

Ito ang tawag sa lider ng pamayanan.

a)

raja

b)

datu

c)

presidente

d)

kapitan

31.

Ito ay isang mahabang piraso ng tela na maaaring isuot sa iba't ibang paraan.

a)

panika

b)

kalumbiga

c)

malong

d)

batuk

32.

Isang katawagan para sa mga braso o armlets na gawa sa ginto, tanso, o iba pang metal. Ito ay simbolo ng kayamanan at kapangyarihan.

a)

panika

b)

malong

c)

kalumbiga

d)

batuk

33.

ito ay mga hikaw na isinusuot ng mga sinaunang Pilipino.

a)

panika

b)

kalumbiga

c)

malong

d)

batuk

34.

Ito ay mga kuwintas na gawa sa ginto at iba pang materyales.

a)

kalumbiga

b)

kalikasan

c)

kayamanan

d)

panika

35.

Isang tradisyonal na pamamaraan ng pagbuburda kung saan ang makukulay na sinulid ay ginagamit upang palamutian ang mga tela.

a)

halop

b)

pusad

c)

okir

36.

ito ay tumutukoy sa pag-ukit ng mga disenyo sa kahoy.

a)

halop

b)

okir

c)

pusad

37.

estilo ng pag-uukit na nagtatampok ng mga disenyo mula sa kalikasan, tulad ng mga halaman at hayop.

a)

Pusad

b)

okir

c)

halop

38.

ito ay simbolo ng tradisyonal na arkitekturang Pilipino at nagsisilbing batayan ng kulturang arkitektural sa bansa.

a)

bahay kubo

b)

munispyo

c)

parke

d)

gusali

39.

ito ay tumutukoy sa pisikal na bagay na ginagamit ng mga tao tulad ng kasuotan, kagamitan, at arkitektura.

a)

Kalinangang materyal

b)

Kalinangang di-materyal

40.

Ito ay tumutukoy sa mga paniniwala, kaugalian, at tradisyon.

a)

kalinangang materyal

b)

kalinangang di-materyal