wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Filipino 10 Summative Test

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

a)

dagli

b)

epiko

c)

alamat

d)

mitolohiya

2.

Ang mga sumusunod MALIBAN SA ISA ay katangian ng mitolohiyang kanluranin na maiuugnay sa mitong Pilipino.

a)

Nagsasaad ng katotohanan

b)

Naglalahad ng mga aksiyong kapana-panabik

c)

Nagpapakilala sa mga tauhang may taglay na kapangyarihan

d)

Tumatalakay kaugnay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at pangyayari.

3.

Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng mga regalo sa tuwing kapaskuhan.

a)

mago

b)

pari

c)

pastol

d)

pastor

4.

Kinabukasan,habang natutulog pa ang higanti ay hihugot ni Thor ang maso sa ulo nito.Napatayo si Skrymir,kinamot ang kanyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno.Nang siya ay nagising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo.”Gising ka na ba Thor? wika niya Oras na upang bumangon at magbihis.Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro.Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kwentang higante.Kung makararating kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang malalaking tao roon.Bibigyan ko kayo ng mabuting payo huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki” sabi pa nito. Ang pangunahing ideya sa usapan nina Thor at Skrymir ay ____________.

a)

Paghahanda sa Paglalakbay

b)

Pakikipagtalo sa kung sino ang pumukpok sa maso

c)

Pagmamayabang sa kanyang angking kapangyarihan

d)

Pagnanais na makaharap at makalaban ang mga higanti

5.

Kung ikaw si Thor, muiuugnay mo ba sa iyong sarili ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor na nangangahulugan ng ____________.

a)

pagkabahala

b)

pagmamahal

c)

pagmamalaki

d)

pagmamalasakit

6.

Bago naghiwalay ng landas sina Thor at Utgaro Loki, nagpahayag ang huli, “May aaminin ako sa iyo Thor.Kaya kayo natalo sa ating mga paligsahan ay dahil sa ginagamitan ko kayo ng mahika.Kinakailangan kong gawin ang panlilinlang sapagkat ang iyong lakas ay maaaring magdulot ng matinding kapahamakan sa aming lupain.”

Anong mahalagang kaisipan ang makukuha sa naging pahayag ni Utgaro Loki?

a)

Kahusayan

b)

Katapatan

c)

Kayabangan

d)

Kababaang-loob

7.

Kung ikaw si Thor at ang kanyang kasamahan, ano ang iyong magiging damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan?

a)

Magalit

b)

Magsaya

c)

Mag-isip

d)

Magparaya

8.

Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya't uminit ang kanyang ulo at agad kinuha ang kanyang maso at pinukpok sa ulo ng higanti. Nagising si Skrymir at inakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sa usapang ito, anong katangian ang ipinakita ni Thor?

a)

malupit

b)

maginoo

c)

masayahin

d)

mapagmahal

9.

Tinapos ni Della ang kanyang pag-iyak at hinarap ang kanyang pising nawalan ng kulay. Ang mga salitang sinalungguhitan ay nagsasaad ng _____.

a)

mapulang pisngi

b)

matabang pisngi

c)

namutlang pisngi

d)

payat na pisngi

10.

Ito ay tumutukoy sa pook o lugar na pinagtatanghalan ng isang dula.

a)

aktor

b)

iskrip

c)

direktor

d)

entablado

11.

Ito ang pinakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinaalang-alang dito ay naaayon sa isang _____

a)

aktor

b)

iskrip

c)

direktor

d)

entablado

12.

Pamagat ng dula na patungkol sa pag-iibigan na dapat sanang makapaghilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang mga mag-anak, ngunit dahil nasa kanilang kabataan pa lamang sila, inisip nilang mapapamahak lamang sila mula sa kanilang mga magulang, kung kaya't nagpakasal sila nang palihim. Dahil sa kanilang lihim na pagpapakasal, isang magkakasunod na mga pangyayari ang naganap na humantong sa maraming pagkamatay.

a)

Walang Sugat

b)

Sina Thor at Loki

c)

Sintahang Romeo at Juliet

d)

Ang Matanda at ang Dagat

13.

Anong damdamin ang ipinahiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinaglibing,” wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”

a)

pag-aalala

b)

pagtataka

c)

pagkainis

d)

pagtatampo

14.

Ang teorya o pananaw na nagbibigay tuon sa mga pangyayari sa nobela na may kaugnayan sa katotohanan ay ____________.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Humanismo

c)

Naturalismo

d)

Realismo

15.

Isa sa mga akdang pampanitikan na may maikling salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.

a)

alamat

b)

maikling kwento

c)

sanaysay

d)

tula

16.

Ito'y mga bahagi sa pagbubuo ng isang maikling salaysay. Maliban sa isa.

a)

tauhan

b)

simula

c)

gitna

d)

wakas

17.

Ang mga sumusunod ay elemento ng nobela MALIBAN SA ISA:

a)

banghay

b)

tauhan

c)

kariktan

d)

tagpuan

18.

“Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan, malakas at matalino.” Sa mga pahayag ni Santiago, kalalapatan ito ng teorya o pananaw na ____________.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Humanismo

c)

Naturalismo

d)

Realismo

19.

Sila ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.

a)

mago

b)

pari

c)

pastol

d)

pastor

20.

Ang lihim na pagkikita ni Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng ____________.

a)

pagtaksil ni Juliet kay Paris

b)

pagsaway sa kanilang angkan

c)

marubdob na pag-ibig para sa isa't isa

d)

lahat ng nabanggit

21.

Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalampak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw. Ang sinalunguhitang salita ay nangangahulugang.

a)

nabinat

b)

nakatulog

c)

nahulog

d)

napaupo

22.

Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining. Ito'y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao, ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag ugnayan sa kaniyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan.

a)

suring basa

b)

paglalagom

c)

pagbubuod

d)

pagbabanghay

23.

Sa pahayag na “Umiwas ka sa mabatong daan”, ang salitang may salungghit ay nangangahulugang __________.

a)

malubak na daan

b)

may taglay na bato

c)

may maraming bato

d)

maalikabok na daan

24.

Ang mga sumusunod ay mga katangiang taglay ng nobela MALIBAN SA ISA:

a)

Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin.

b)

Malikhain at dapat may maguni-guning paglalahad.

c)

Tumatalakay sa mga diyos at diyosa at sa kanilang kabayanihan.

d)

Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon

25.

Uri ng tula na puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay at iba pa.

a)

tulang padula

b)

tulang patnigan

c)

tulang pasalaysay

d)

tulang liriko o tulang pandamdamin

26.

Anyo ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita at matatalinghagang pahayag na may sukat at tugma.

a)

Tula

b)

Dula

c)

Nobela

d)

Maikling kwento

27.

Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Saknong

d)

Taludtod

28.

Ito ay matalinghagang pahayag na tumutukoy sa sadyang pag-iwas sa paggamit ng ordinaryo o karaniwang mga salita upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o ng may-akda.

a)

Kariktan

b)

Tayutay

c)

Simbolo

d)

Talinghaga

29.

Uri ng tayutay na tumutukoy sa tuwiran o deretsahang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.

a)

Simile

b)

Metapora

c)

Pagmamalabis

d)

Personipikasyon

30.

Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman o tumutukoy sa natatagong kahulugan ng tula

a)

Kariktan

b)

Tayutay

c)

Simbolo

d)

Talinghaga

31.

1. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

2. Laging nakahandang pag-utus-utusan Maging sa liwanag, maging sa karimlan

Alin sa mga pagpipilian ang pinakamalapit na kahulugan sa tayutay blg.1?

a)

Ang kanyang pag-ibig ay katumbas ng kanyang buhay

b)

Ang kanyang pag-ibig ay kasinghalaga ng kanyang sarili

c)

Ang pag-ibig niya ang hindi mapapantayan ng kayamanan

d)

Ang kanyang pag-ibig ay ang kanyang kaligayahan, kanyang kalungkutan at kanyang buhay

32.

1. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

2. Laging nakahandang pag-utus-utusan Maging sa liwanag, maging sa karimlan

Sa halimbawang tayutay blg. 2, ano ang katangiang ipinakita ng nagsasalita?

a)

A. pagmamahal

b)

B. pagkamaranagal

c)

C. pagkamatiyaga

d)

D. kababaang-loob

33.

“Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,” Bilang o pagpapangkat ng mga taludtod na binubuo ng dalawang saknong

a)

Couplet

b)

Tercet

c)

Quatrain

d)

Quintet

34.

Anong damdamin ang umiiral batay sa taludturan sa itaas?

a)

tuwa

b)

galit

c)

lungkot

d)

pag-asa

35.

“Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,”

Ano ang sukat ng halimbawang taludturan sa itaas?

a)

12

b)

14

c)

16

d)

18

36.

Ang mga sumusunod ay katangian ng tulang Liriko o tulang pandamdamin maliban sa_______

a)

Nagpapahayag ng masidhing damdamin

b)

Naglalarawan sa buhay ng pangunahing tauhan

c)

Maikli at payak ang uring ito ng tula

d)

Masasalamin ang karanasan saloobin ng may-akda

37.

“Abot langit ang pagmamahal niya sa kasintahan.” Anong uri ng tayutay ang pahayag?

a)

A. Simile

b)

B. Metaphor

c)

C. Hyperbole

d)

D. Personification

38.

Ang malamig na hangin ay nagbabalita na darating na ang paskong dakila.

a)

C. Hyperbole

b)

A. Metaphor

c)

B. Simile

d)

D. Personification

39.

Ang paalala ng magulang ay maliwanag na sulong tumatanglaw sa madilim na pamumuhay.

a)

B. Metaphor

b)

A. Simile

c)

C. Personification

d)

D. Hyperbole

40.

Ang mga pangungusap mo’y tinik na tumino sa aking madamdaming puso.

a)

B. Metaphor

b)

A. Simile

c)

C. Hyperbole

d)

D. Personification

41.

Ang mga sumusunod ay elemento ng nobela MALIBAN SA ISA:

a)

banghay

b)

tauhan

c)

kariktan

d)

tagpuan

42.

Ang pinakamadulang bahagi ng nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay _______________.

a)

Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isiniksik ang timon.

b)

Maayos na naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang kamay sa tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip.

c)

Gumiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at binitawan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula sa ilalim

d)

Mabilis na nakalipat sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang ang isda, Nakita ng matanda ang pagbuka ng bunga nga at kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot.

43.

Ang mga sumusunod maliban sa isa ay mga suliraning kinakaharap ng bansa.

a)

kriminalidad sa lansangan

b)

paggálang sa batas at kaayusan

c)

korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan

d)

laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino.

44.

Isang akdang maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.

a)

editorial

b)

talumpati

c)

sanaysay

d)

talambuhay

45.

Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa na mababasa sa bahagi ng pahayagan.

a)

editorial

b)

talumpati

c)

sanaysay

d)

talambuhay

46.

Sa pangungusap na, “Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo,” anong bahagi ng pangungusap ang pinalawak?

a)

Simuno

b)

Panaguri

c)

Ingklitik

d)

wala sa nabanggit

47.

Kung ang iyong ideya o saloobin tungkol sa isang paksa ay bibigkasin sa harap ng manonood, ito ay tinatawag na __________?

a)

editoryal

b)

talumpati

c)

sanaysay

d)

talambuhay

48.

TIsa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa na mababasa sa bahagi ng pahayagan.

a)

F. Ganapan

b)

A. Tagaganap

c)

B. Layon

d)

C. Tagatanggap

49.

Nagbasa ng kanyang piyesa ang mananalumpati.

a)

A. Tagaganap

b)

B. Layon

c)

C. Ganapan

d)

D. Tagatanggap

50.

Ang mga hinandang balot ng pagkain ay para sa mamamayan.

a)

D. Tagatanggap

b)

A. Ganapan

c)

B. Layon

d)

C. Gamit