Font size
WorksheetsVALUES EDUCATION 8 - Second Grading Periodical Test
Total questions: 44
Worksheet time: 25mins
Ang unang paaralan ng isang bata ay ang _______.
simbahan
paaralan
pamilya
komunidad
Ang pangunahing tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata ay _______.
magturo ng asal, kaalaman, at pagpapahalaga
magbigay ng kasiyahan at aliw
ipaubaya ang edukasyon sa guro
turuan lamang ng disiplina
Kapag tinutulungan ka ng magulang sa paggawa ng takdang-aralin, ito ay nagpapakita ng _______.
pakikialam
pagmamalasakit sa iyong pagkatuto
kakulangan ng tiwala
pag-aalala lamang
Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa edukasyon ng bata?
Dahil sila ang nagbibigay ng inspirasyon, gabay, at halimbawa
Dahil gusto lamang nilang makialam
Dahil sila ang nagbibigay ng parusa
Dahil ito ang utos ng Lipunan
Kung ikaw ay tinuturuan ng pamilya na maging responsable, paano mo ito maisasagawa sa paaralan?
Sa pagtupad ng tungkulin bilang mag-aaral
Sa pagliban sa klase
Sa panonood ng pelikula sa oras ng aralin
Sa pakikipaglaro sa halip na mag-aral
Nahihirapan si Liza sa kanyang research project dahil mahina ang internet. Ano ang dapat niyang gawin?
Magreklamo at huwag nang tapusin
Magtanong at humanap ng ibang paraan upang matapos ito
Hintayin na lamang ang tulong ng kaklase
Ipagpaliban nang paulit-ulit
7. Ang pamilya ni Arvin ay dumaan sa matinding krisis nang mawalan ng trabaho ang kanyang ama. Araw-araw ay nakikita niyang nagsisikap ang kanyang mga magulang 1. maitawid ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Bilang mag-aaral, paano niya dapat ipakita na nauunawaan niya ang tunay na halaga ng pagiging matatag?
Tumulong sa gawaing bahay at pag-aaral nang walang hinihintay na kapalit
Magreklamo upang ipahayag ang kanyang saloobin
Umiwas sa mga usaping pampamilya upang hindi madamay
Magpanggap na masaya kahit nahihirapan
Bilang mag-aaral, paano niya dapat ipakita na nauunawaan niya ang tunay na halaga ng pagiging matatag?
Tumulong sa gawaing bahay at pag-aaral nang walang hinihintay na kapalit
Magreklamo upang ipahayag ang kanyang saloobin
Umiwas sa mga usaping pampamilya upang hindi madamay
Magpanggap na masaya kahit nahihirapan
Kapag nakakaranas ng kabiguan sa isang bagay, sinasabi ni Ken sa sarili: “Hindi ito ang katapusan. Isa lamang itong bahagi ng paglalakbay.” Ano ang pinakapangunahing pagpapahalaga na ipinapakita niya?
Pagpapanggap na matatag
Pagiging matatag at positibo sa buhay
Pagiging mapagmataas sa sariling kakayahan
Pag-iwas sa katotohanan
Nakita ni Carla na palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang dahil sa pera. Sa halip na sisihin sila, inisip niyang baka may dahilan sa likod ng kanilang mga alitan at ipinanalangin na maging maayos ang lahat. Ano ang ipinapakita ng kilos ni Carla?
Pagpapanggap na walang problema sa pamilya
Pagpapakita ng positibong pananaw at pag-unawa sa sitwasyon
Pagpapauubaya sa iba na solusyunan ang lahat
Pag-iwas sa realidad ng kanilang problema
Si Dennis ay nakakaranas ng pangungutya dahil sa simpleng pamumuhay ng kanyang pamilya. Gayunman, hindi siya nagpapadapekto at patuloy siyang nagsisikap sa pag-aaral upang makamit ang magandang balang araw. Ano ang wastong paglalaraawan sa kanyang ugali?
Nakatuon lamang sa layuning gumanti sa mga nangungutya
Pinipili ang matatag na pananaw at ginagawang inspirasyon ang karanasan
Tinatanggap ang panlilibak bilang katotohanan ng buhay
Iniiwasan ang mga kaklaseg manlait
Si Enzo ay nawalan ng interes sa pag-aaral matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ipinayo ng kanyang guro na balikan niya ang mga taong nagmamahal sa kanya at unti-unting bumalik sa positibong pananaw. Ano ang pinakamainam na gawin ni Enzo?
Iwasan ang pagbanggit ng mga magulang upang hindi masaktan
Magpanggap na wala siyang nararamdaman
Tanggapin ang nangyari at gawing motibasyon sa pagbabago
Sisihin ang magulang sa kanyang paghihirap
Kung ikaw ay anak na nakakaranas ng madalas na alitan sa pamilya, alin sa sumusunod ang pinakamabisang plano upang mapanatili ang positibong pananaw sa kabila ng sitwasyon?
Manatiling tahimik at maghintay na mawala ang problema
Mag-isip ng mga paraan upang maipakita ang pagmamahal, tulad ng paggawa ng simpleng sulat ng pasasalamat
Umiwas sa tahanan upang hindi maramdaman ang bigat ng sitwasyon
Magreklamo sa social media upang mailabas ang galit
Ano ang ipinapakita ng pag-alala ni Anna sa kanyang ina tuwing naaalala niyang tinuruan siya nito magdasal bago matulog?
Pagpapahalaga sa aral ng magulang
Pagkainis sa ina
Pagkakalimot sa aral ng ina
Pagwawalang-bahala sa dasal
Ipinakita niya ang pagtanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng alaala ng kabutihan ng pamilya
Ipinakita niya ang pagtanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng alaala ng kabutihan ng pamilya
Pinipigilan niya ang sarili na umiyak kaya tila matatag
Iniiwasan niya ang labis na emosyon upang makalimot sa nakaraan
Ginagamit niya ang karanasan upang kalimutan ang kanyang ina
Madalas tulungan ni Liza ang kanyang ama sa pag-aayos ng mga gamit sa bahay. Kapag pinupuri siya nito, sinasagot niya ng, “Wala po iyon, Papa. Natutunan ko po ito sa inyo.” Ano ang ipinapakita ng sagot ni Liza?
Pagpapakumbaba at pagkilala sa mabuting impluwensiya ng pamilya
Pagpapanggap na mabait upang mapuri ng ama
Pagpapakita ng pag-asa na mapansin ng ibang tao
Pagpuri sa sarili bilang mabuting anak
Tuwing nakakatanggap ng mataas na marka si Ron, ipinagluluto siya ng masarap na pagkain ng kanyang nanay. Sa halip na tanggapin lang ito, tinutulungan niya ang ina sa paghuhugas ng pinggan bilang pasasalamat. Anong pagpapahalaga ang kanyang isinasabuhay?
Pagpapakita ng kabaitan kapalit ng gantimpala
Pag-iwas na mapagalitan ng magulang
Pagpapanggap na masunurin upang mapuri
Pagiging magpapasalamat sa kabutihan ng pamilya sa pamamagitan ng konkretong gawa
Kapag tinutulungan ni Joyce ang kanyang nakababatang kapatid sa pag-aaral, madalas niyang sinasabi, “Tinutulungan din ako dati ni Mama, kaya gusto kong suklian iyon.” Bakit maituturing na makabuluhang pagpapakita ng pasasalamat ang ginawa ni Joyce?
Dahil umaasa siyang kapalit na papuri
Dahil gusto niyang magmukhang responsable
Dahil ginagamit niya ang kabutihan na naranasan upang ipasa ito sa iba
Dahil pinipilit niyang mapansin ng magulang ang kanyang kabaitan
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ipakita ang pasasalamat sa iyong pamilya sa tulong na ibinibigay nila sa iyong pag-aaral, alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan?
Pagpapanggap na masipag upang mapansin ng iba
Pagsusulat ng liham ng pasasalamat at pagbabahagi nito sa kanila
Pagpapadala ng mensahe sa social media nang walang paliwanag
Pagpapakita ng tahimik na pasasalamat nang hindi ipinapakita ang tunay na damdamin
Bilang isang mag-aaral, napansin mong maraming kaklase ang hindi nagpapasalamat sa kanilang magulang dahil iniisip nilang tungkulin lang ng magulang ang tumulong. Kung ikaw ay hihingan ng opinyon, alin sa mga pahayag ang pinakaangkop?
Hindi kailangang magpasalamat kung karapatan mo naman ang tulong
Ang pasasalamat ay nararapat lamang kapag may natanggap na bagay
Ang pasasalamat ay dapat ipahayag sa harap ng ibang tao upang mapansin
Ang tunay na pasasalamat ay nakikita sa araw-araw na pagsisikap at pagrespeto sa sakripisyo ng pamilya
Ang salitang magpakumbaba ay karaniwang kaugnay ng:
Bakit sinasabing ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa ay anyo ng pasasalamat sa Diyos?
Sapagkat ang kabutihan sa kapuwa ay nagpapakita ng pagkilala sa kabutihang loob ng Diyos sa atin
Dahil nakatutulong ito upang magustuhan tayo ng ibang tao
Sapagkat gusto nating mapuri sa kabutihan
Dahil ito ay utos lamang ng simbahan
Nakatanggap si Leah ng mataas na marka sa proyekto dahil tinulungan siya ng kanyang kapatid. Sa halip na ipagmalaki ito, tinulungan din niya ang kaklase niyang nahihirapan. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Leah?
Pagiging mapagkumbaba at mapagpasalamat
Pagpapakita ng kahusayan sa paaralan
Pagtitiwala sa sariling kakayahan
Pagpapasikat upang makilala
Si Marco ay laging ipinagmamalaki ang kanyang mabubuting gawa, samantalang si Paolo ay tahimik na tumutulong sa iba nang walang kapalit. Batay sa sitwasyon, alin sa mga pahayag ang pinakaangkop?
Si Marco ay higit na nagpapakita ng kababaang-loob dahil ipinapakita niya ang kanyang gawa
Pareho silang nagpapakita ng kabutihan kaya pareho ring mapagkumbaba
Si Paolo ay higit na nagpapakita ng mapagkumbabang pasasalamat sa Diyos
Walang sinuman sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pasasalamat
Kung ang isang tao ay gumagawa ng kabutihan ngunit may layuning makakuha ng papuri, masasabi bang tunay siyang nagpapasalamat sa Diyos?
Oo, dahil kabutihan pa rin ang kanyang ginagawa
Oo, dahil ang Diyos ay nalulugod sa kahit anong kabutihan
Hindi, sapagkat ang kabutihan ay walang saysay kung walang parangal
Hindi, sapagkat ang tunay na pasasalamat ay taos-puso at hindi naghahangad ng kapalit
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng personal na paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos na natutuhan mula sa pamilya at kapuwa?
Pagbibigay ng tulong sa nangangailangan nang tahimik at walang pagyayabang
Pagpo-post sa social media tungkol sa kabutihang natanggap
Pagpuri sa sarili sa tuwing may magandang nangyari
Pagsisi sa sarili kapag may pagkakamali
Alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na palatandaan ng presensya ng Diyos sa isang pamilya?
Madaling silang magtalo ngunit agad ding nagkakasundo sa huli
Laging may bagong kagamitan at mga biyayang materyal
May respeto, pagmamahalan, at pagkakaisa sa bawat miyembro
Nagdarasal lamang kapag may problema
Ang Diyos ay naroroon sa pamilyang nagmamahalan at nagtutulungan dahil:
ang pagmamahalan at pagtutulungan ay tanda ng Kanyang presensya.
lahat ng pamilya ay perpekto.
ang Diyos ay nakikita lamang sa simbahan.
ang pamilya ay laging masaya.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga ng pamilya sa presensya ng Diyos?
Sapagkat ang pag-ibig at pagtutulungan ay mga pagpapahalagang mula sa Diyos mismo
Dahil ito ang paraan upang mapagpala ang pamilya
Dahil ito ay senyales ng kanilang relihiyon
Dahil ito ang inaasahan ng Lipunan
27. Napansin ni Mia na madalas mag-away ang kanyang mga magulang. Sa halip na makisigaw, ipinagdarasal niya ang pagkakasundo ng pamilya at patuloy na nagpapakita ng paggalang. Ano ang ipinapakita ni Mia?
Pag-iwas sa tunggalian
Pagtitiis lamang sa problema
Pagtatago ng tunay na nararamdaman
Pananampalataya at pagkilala sa presensiya ng Diyos sa pamilya.
Ang pamilya ni Carlo ay dumaranas ng kahirapan ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa at laging nagdarasal bago kumain at matulog. Anong katangian ng presensiya ng Diyos ang malinaw na ipinapakita sa sitwasyong ito?
Kapayapaan sa kabila ng suliranin
Katatagan sa panahon ng pagsubok
Pagkamasunurin sa utos ng magulang
Pagmamahal sa kapitabahay
Sa iyong palagay, alin ang pinakamabisang paraan upang makilala ang presensiya ng Diyos sa pamilya?
Kapag laging may dasal bago kumain
Kapag walang nagkakagalit sa loob ng tahanan
Kapag palaging sumusunod sa lahat ng tradisyon ng simbahan
Kapag natututo ang bawat isa na magpatawad, magmahal, at magtulungan kahit may pagsubok.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magsagawa ng isang simpleng gawain upang maipadama ang presensiya ng Diyos sa iyong pamilya, alin sa mga sumusunod ang pinakamatotohanang paraan?
Pagbibigay ng mamahaling regalo sa bawat miyembro ng pamilya
Pagtitipon ng pamilya upang magpasalamat sa Diyos at magbahaginan ng mga kabutihang ginawa ng bawat isa
Pagpapakita ng mabuting gawa sa labas ng tahanan lamang
Pagpunta sa simbahan kahit hindi kasama ang pamilya
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na halimbawa ng tugon ng pamilya sa pangangailangang pisyolohikal?
Pagtatanim ng gulay sa bakuran upang may makain
Pagbili ng imported na pagkain sa supermarket
Pagpaplano ng bakasyon tuwing tag-init
Pagpunta sa mall tuwing weekend
32. Ang paggawa ng sariling tanim o pagbuburo sa bahay ay itinuturing na pagpapakita ng pagiging mapamaraan dahil ito ay:
nagpapakita ng kakayahang humanap ng paraan upang matugunan ang pangangailangan
nagpapakita ng pagwawaldas ng pagkain
nagpapakita ng kawalang-interes sa kalikasan
nagpapakita ng pag-asa lamang sa iba
Bakit mahalaga ang pagdadala ng sariling bag kapag namimili sa palengke?
Dahil nakatutulong ito upang makatipid at mapangalagaan ang kalikasan
Dahil ito ay ipinag-utos ng barangay
Dahil ito ay uso sa social media
Dahil mas mabilis itong gawin kaysa bumili
Ang pamilya ni Ramon ay nagtataglay ng maliit na bakuran. Sa halip na sayangin, ginamit nila ito bilang taniman ng gulay at halaman. Sa ganitong paraan, nababawasan ang kanilang gastos at natutulungan din ang kalikasan. Ano ang ipinapakita ng pamilya ni Ramon?
Pagiging matipid lamang
Pagsasakripisyo para sa kalikasan
Pag-iwas sa paggamit ng lupa
Pinag-isang pagpapahalaga ng pagiging mapamaraan at makakalikasan
Sa panahon ng kakulangan sa pagkain, alin sa mga sumusunod ang pinakamakatuwirang hakbang ng pamilya?
Umasa sa ayuda ng gobyerno
Bumili ng lahat ng pangangailangan kahit mahal
Gumamit ng sariling kakayahan upang makalikha ng pagkain tulad ng pagtatanim at pagbuburo
Umasa sa tulong ng kamag-anak
Kung ikaw ay hihingan ng ideya ng iyong pamilya upang makatipid at makatulong sa kalikasan, alin sa mga sumusunod ang pinakamaklikhaing mungkahi?
Gumamit ng plastic container sa pagtatanim ng gulay sa halip na itapon ito
Umasa na lamang sa grocery para sa pang-araw-araw na pangangailangan
Itapon ang natirang pagkain upang hindi makalat
Bumili ng imported na pataba para sa taniman
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makasaysayang pagdiriwang na nagpapakita ng nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Araw ng Kalayaan at Araw ng mga Bayani
B. Pasko at Bagong Taon
C. Valentine’s Day
D. Halloween
Bakit mahalagang ginugunita ng mga pamilya ang Araw ng Kalayaan o Araw ng mga Bayani?
Upang maalala ang mga sakripisyong ginawa ng mga bayani para sa kalayaan ng bansa
Dahil ito ay pagkakataon para magbakasyon at magpahinga
Dahil ito ay tradisyon lamang ng lipunan
Dahil ito ay utos ng gobyerno
Pagbisita sa mga lugar na may kasaysayang Pilipino. Ano ang ipinapakita ng parehong pamilya?
Magkaibang paraan ngunit isang layunin ng paggunita sa kabayanihan
Pagkakaiba ng paniniwala tungkol sa mga bayani
Kawalan ng interes sa nasyonalismo
Pagpapakita ng yaman at tradisyon
Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakambisang paraan ng pamilya upang mapalaganap ang diwa ng nasyonalismo sa mga kabataan?
Pagpapanood ng pelikulang makabayan at pagtalakay nito bilang pamilya
Pagpapagawa ng poster tuwing Araw ng mga Bayani lamang
Paglimot sa mga makasaysayang petsa dahil abala sa trabaho
Pagdiriwang ng mga banyagang tradisyon
Kung ikaw ay magmungkahi ng paraan ng paggunita ng pamilya sa makasaysayang pagdiriwang na makabago ngunit makabuluhan, alin ang pinakamatotohanan?
Gumawa ng social media post para lamang sa likes
Magbakasyon sa ibang bansa habang pista opisyal
Magpatugtog ng modernong kanta nang walang koneksyon sa nasyonalismo
Magdaos ng “Family Hero’s Day” kung saan magpapakita ang bawat miyembro ng sariling gawaing makabayan
