wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Periodic Test in Filipino 8

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Amerikano sa pagpapatatag ng pampublikong edukasyon sa Pilipinas?

a)

A. Maituro ang wikang Kastila sa lahat ng Pilipino

b)

B. Maituro ang panitikan ng mga katutubong Pilipino

c)

C. Maipakilala ang relihiyong protestante sa lahat ng Pilipino

d)

D. Maisulong ang demokrasya at wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo

2.

Alin sa sumusunod ang katangian ng panitikan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano?

a)

Pagsibol ng mga akdang nakasulat sa Ingles at Tagalog.

b)

Nakatuon lamang sa mga alamat at kuwentong-bayan.

c)

Pag-iral ng mga tula at awit sa wikang Kastila.

d)

Pag-iral ng mga epikong-bayan at bayani.

3.

Piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 3. Ang magasin na Liwayway ay naging tanyag sa panahon ng Amerikano. Ano ang pangunahing ambag sa panitikan?

a)

Nagbigay-diin sa mga akdang panrelihiyon

b)

Nagpakilala ng mga balita tungkol sa mga Kastila

c)

Naging tagapagtanguyod ng panitikang Ingles lamang

d)

Naglalathala ng mga nobela, tula at maiikling kuwento sa wikang Pilipino

4.

Piliin ang titik ng pinakawastong sagot. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalagayan ng panitikan sa panahon ng Amerikano?

a)

Lahat ng akda ay isinulat lamang sa Kastila

b)

Nawala ang lahat ng panitikang Pilipino sa panahong ito

c)

Hindi pinahintulutan ang mga Pilipino na magsulat ng kanilang sariling akda

d)

Nabuo ang mga akdang pampanitikan sa Ingles, ngunit patuloy ring isinulat ang mga akdang Tagalog

5.

Bakit mahalaga ang panitikan noong panahon ng Amerikano?

a)

sapagkat ito'y nagturo ng mga alamat ng Kastila

b)

sapagkat ito'y nagsilbing libangan lamang ng mga Pilipino

c)

sapagkat ito'y naging paraan upang maipalaganap ang kultura ng mga Amerikano lamang

d)

sapagkat ito'y nagbigay ng boses sa mga Pilipino upang ipahayag ang kanilang damdamin at mithiin

6.

Ano ang pagkakaiba ng panitikan sa panahon ng Amerikano kumpara sa panahon ng Kastila?

a)

Ingles ang ginamit na wika sa pagsulat at pagtuturo sa halip na Kastila.

b)

Tanging tula at awit lamang ang isinulat ng mga Pilipino.

c)

Mas pinahalagahan ang mga epikong-bayan kaysa nobela.

d)

Nawala ang lahat ng panitikang Tagalog.

7.

Bilang isang mag-aaral noong panahon ng Amerikano, paano maipapakita ang pagpapahalaga sa panitikan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang isinulat sa Ingles at Tagalog.

b)

Sa pamamagitan ng pagtanggi sa lahat ng banyagang impluwensya.

c)

Sa pamamagitan ng pagsulat lamang ng mga kuwentong Kastila.

d)

Sa pamamagitan ng paglimot sa mga akdang Pilipino.

8.

Sa kuwentong “Ang Ama” ni Mauro Avena, sino ang pangunahing tauhan na nagdulot ng tunggalian sa pamilya?

a)

ang mga anak

b)

ang lolo

c)

ang ama

d)

ang ina

9.

Ano ang tawag sa paraan ng pagbabalik sa mga nakaraang pangyayari upang ipaliwanag ang kasalukuyang sitwasyon ng tauhan?

a)

Pagbabalik-tanaw (flashback)

b)

Paglalahad ng kasalukuyan

c)

Foreshadowing

d)

Banghay

10.

Kapag ang isang tekstong persweysib ay nagsasabing “Bumoto para sa kandidatong may malinis na rekord upang masigurado ang maayos na pamumuno,” ano ang layunin ng teksto?

a)

Magbigay ng libangan

b)

Magkuwento ng karanasan

c)

Manghikayat o mangumbinsi

d)

Magbigay lamang ng impormasyon

11.

Sa pagbasa ng isang tekstong impormasyonal tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal, alin ang pinakamainam na tanong upang masukat ang pagkilala sa banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

a)

Ano ang itsura ng Bulkang Taal?

b)

Saan matatagpuan ang Bulkang Taal?

c)

Kailan idineklara ang holiday sa Batangas?

d)

Ano ang unang hakbang ng mga residente bago ang paglikas?

12.

Kapag tinitingnan ang isang patalastas ng softdrinks na nagpapakita ng mga kabataan na masayang magbarkada, alin sa mga elemento ng tekstong biswal ang higit na nakikita?

a)

Gamit ng kulay at damdamin

b)

Eksaktong datos at numero

c)

Talambuhay ng may-akda

d)

Balangkas ng banghay

13.

Sa pagsusuri ng tekstong biswal, bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga simbolo o imahen na ginagamit?

a)

dahil nagbibigay sila ng kahulugan at pahiwatig sa mensahe

b)

dahil sila ang nagpapakita ng eksaktong lugar at petsa

c)

dahil nakakadagdag lang ng ganda sa disenyo

d)

dahil wala silang kinalaman sa layunin ng teksto

14.

Anong elemento ng akdang tuluyan ang pinapakita sa tanong na “Ano ang naging problema ng pangunahing tauhan at paano ito nalutas?”

a)

A. Tunggalian at resolusyon

b)

B. Tagpuan at lunan

c)

C. Tauhan at aktor

d)

D. Tema at paksa

15.

Sa sanaysay na tumatalakay sa pagmamahal sa kalikasan, ang detalyeng “Maraming kabataan ang namamahagi ng punla ng puno sa mga barangay” ay nagpapakita ng:

a)

Layunin ng may-akda

b)

Pahiwatig tungkol sa lipunan

c)

Konkretong halimbawa ng mensahe

d)

Karanasang personal ng manunulat

16.

Kapag ang may-akda ay nagsabi ng “Ang tunay na kalayaan ay nasa tamang paggamit ng ating mga karapatan,” ano ang pangunahing mensahe ng sanaysay?

a)

Kailangang ipaglaban ang sariling pananaw kahit mali.

b)

Laging mas mahalaga ang karapatan kaysa tungkulin.

c)

Ang kalayaan ay may kasamang pananagutan.

d)

Ang kalayaan ay nakukuha lamang sa politika.

17.

Kung binasa mo ang tuluyan tungkol sa kahirapan at iniuugnay ito sa iyong karanasan bilang estudyante na kailangang magtipid sa baon, anong kasanayan ang ipinapakita?

a)

pagkilala sa banghay

b)

pagsusuri ng layunin

c)

pagpapahalaga sa teksto

d)

pag-uugnay ng kaisipan sa sariling karanasan

18.

Sa tekstong persweysib tungkol sa pagtangkilik ng produktong lokal, alin ang malinaw na paksa?

a)

Ang dami ng pabrika sa ibang bansa

b)

Pagpapahalaga sa gawang Pilipino

c)

Pagtaas ng presyo ng imported na produkto

d)

Ang kasaysayan ng mga produktong dayuhan

19.

Kung ang layunin ng isang tekstong persweysib ay “Hikayatin ang mga kabataan na bumoto sa SK election,” alin ang pinakamaainam na ideya upang suportahan ang layuning ito?

a)

Paglalarawan ng mga tradisyon sa eleksiyon noong panahon ng mga Kastila

b)

Pagpapakita ng datos kung gaano kahalaga ang boto ng kabataan

c)

Pagpapaliwanag ng kahulugan ng demokrasya sa teorya lamang

d)

Pagkukuwento ng kasaysayan ng halalan sa Pilipinas

20.

Sa pagbasa ng sanaysay na “Bayanihan sa Panahon ng Bagyo”, ang may-akda ay nagnanais ipakita na ang pagtutulungan ay mahalaga sa oras ng sakuna. Ano ang layunin ng may-akda?

a)

Magbigay-aliw sa mambabasa

b)

Magpaliwanag ng kasaysayan ng bagyo

c)

Manghikayat na pairalin ang diwa ng bayanihan

d)

Magkwento ng sariling karanasan sa pagbaha

21.

Sa kuwentong “Sa Bagong Paaralan”, mababakas ang hirap ng isang batang lumilipat sa lungsod mula sa probinsya. Alin sa mga detalye ang dapat suriin upang magkaroon ng kritikal na pag-unawa?

a)

Reaksyon ng bata sa bagong kapaligiran

b)

Bilang ng tauhan sa kuwento

c)

Haba ng bawat kabanata

d)

Pamagat ng akda

22.

Ang nobelang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos ay isinulat noong panahon ng Amerikano. Anong pangyayari sa panahong iyon ang nakaimpluwensya sa tema ng akda?

a)

Pag-usbong ng mga kaisipang sosyalista at paggawa

b)

Pagbagsak ng pamahalaang sultanato

c)

Paglagnap ng mga epikong-bayan

d)

Pag-aalsa laban sa Kastila

23.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pahiwatig sa tuluyan?

a)

Lumabas ang araw matapos ang ulan.

b)

Umulan nang malakas kaya’t may baha.

c)

Si Ana ay pumasok sa paaralan nang maaga.

d)

Tahimik ang buong baryo—tila may mabigat na nangyari.

24.

Sa paggamit ng idyomatikong pahayag na “nagsunog ng kilay” sa isang kuwento, ano ang nais ipahiwatig ng may-akda?

a)

Nagsunog ng kilay si Marco dahil napaso siya habang nagluluto.

b)

Nagsunog ng kilay si Ana sa buong gabi para matapos ang kanyang proyekto.

c)

Nagsunog ng kilay si Lito habang naglalakad sa ilalim ng araw.

d)

Nagsunog ng kilay si Carla habang nanonood ng pelikula.

25.

Sa isang tuluyan, ginamit ng may-akda ang simbolo ng ilaw upang ipakita ang pag-asa ng isang pamilya. Alin ang elementong kultural na sinasalamin nito?

a)

Pagpapahalaga sa edukasyon at kinabukasan

b)

Norms o kaugalian ng mga Pilipino

c)

Bisa ng salita sa panitikan

d)

Arketipo ng kontrabida

26.

Kapag sinusuri ang kalagayan ng isang tuluyan batay sa lunan (setting), alin ang pinakamainam na tanong?

a)

Ilan ang tauhan sa akda?

b)

Ano ang suliranin ng bida?

c)

Ano ang pamagat ng akda?

d)

Saan naganap ang mga pangyayari?

27.

Ang pahayag na “Bumili ng gatas na ito upang tumangkad at maging malusog!” Anong elemento ito ng tekstong persweysib?

a)

Layon na manghikayat

b)

Paglalarawan ng tauhan

c)

Paglalahad ng kasaysayan

d)

Pagbibigay ng impormasyong lamang

28.

Kung ang paksa ng isang persweysib na teksto ay “pagtangkilik ng produktong lokal,” alin ang pinaka mainam na layon ng teksto?

a)

Hikayatin ang mga Pilipino na bumili ng sariling produkto

b)

Ipakilala ang mga produktong dayuhan sa merkado

c)

Magkuwento ng kasaysayan ng kalakalan

d)

Magbigay-aliw sa mga kabataan

29.

Ayon sa DOH, bumaba ang kaso ng polio matapos ang malawakang pagbabakuna, anong uri ng impormasyong ang ginagamit?

a)

Pahiwatig sa hinaharap

b)

Empirical o batay sa datos

c)

Kuwento ng isang magulang

d)

Personal na opinyon lamang

30.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang pagkakagamit sa mga kohesyong gramatikal?

a)

Pangungusap 1

b)

Pangungusap 2

c)

Pangungusap 3

d)

Pangungusap 4

31.

Ang isang patalastas ng softdrinks ay nagpapakita ng mga kabataan na masayang naglalaro ng basketball at may nakalagay na “Para sa samahang walang katulad!” Ano ang pangunahing elemento ng tekstong biswal na ginamit?

a)

A. Kulay, imahen, at mensahe ng pagkakaibigan

b)

B. Pagpapaliwanag ng kasaysayan ng produkto

c)

C. Paglalarawan ng lugar at panahon

d)

D. Paggamit ng datos at istatistika

32.

Kapag pinag-ugnay ang nakikita sa patalastas (mga larawan ng kabataan) at nakasulat na pahayag (“Para sa samahang walang katulad!”), anong kasanayan ang ipinapakita?

a)

Pagkilala sa tauhan at tagpuan

b)

Pagsusuri ng banghay ng akda

c)

Pagkilala sa anekdota ng may-akda

d)

Pag-uugnay ng tekstong biswal at tekstong persweysib

33.

Sa paggawa ng rebyu ng sanaysay gamit ang video, bakit mahalaga ang paggamit ng multimodal na elemento tulad ng larawan at musika?

a)

Upang gawing mas kawili-wili at malinaw ang mensahe

b)

Upang mas madali ang paggawa ng iskrip

c)

Upang hindi na kailanganin ang dayalog

d)

Upang mapahaba ang oras ng video

34.

Kung magsusulat ng iskrip para sa video rebyu, alin ang pinakamainam na paraan upang masunod ang haba at frame ng video?

a)

Gumawa ng mahabang talata nang walang pagsasaalang-alang sa oras

b)

Itala ang bawat eksena at tantyahin ang haba ng dayalog

c)

Isulat ang sanaysay nang walang putol

d)

Gumamit ng mga idyoma lang

35.

Ano ang pionakamainam na ilagay sa caption ng isang video rebyu ng sanaysay?

a)

Pangunahing ideya o mensahe ng binasang sanaysay

b)

Random na salita upang mapuno ang screen

c)

Mga biro na walang kaugnayan sa sa teksto

d)

Listahan ng mga pangalan ng kaklase

36.

Sa pagpaplano ng visual presentation, bakit mahalaga ang maingat na pagpili ng mga kulay at simbolo?

a)

dahil sila'y nakakatulong upang mapalalim ang kahulugan at damdamin ng video

b)

dahil sila'y nagbibigay ng lamang ng dekorasyon

c)

dahil sila'y nakakapagpaikli ng ng haba ng iskrip

d)

dahil sila'y makikita kahit walang ilaw

37.

Kung ang sanaysay ay tungkol sa pagmamahal sa bayan , alin ang pinakamainam na soundtrack na gagamitin sa rebyu?

a)

musikang makabayan na nagbibigay ng damdamin ng pagkakaisa

b)

mabilis na tugtuging rock n walang kaugnayan sa paksa

c)

malungkot na musika tungkol sa personal na pag-ibig

d)

katahimikan lamang sa buong video

38.

kapag pinagsama ang biswal (mga larawan ng watawat at kabataan) at dayalogo na nagsasabing 'Kabataan ang pag-asa ng bayan, anong kasanayan ang ipinapakita ?

a)

pagkilala sa tauhan ng sanaysay

b)

pag-unawa sa banghay ng isang dula

c)

pagpapaliwanag ng anekdota ng may-akda

d)

pag-uugnay ng tekstong biswal sa panitikang perswaysib

39.

Alin sa mga sumusunod ang ang HINDI kabilang sa pangunahing elemento ng tekstong biswal?

a)

kulay

b)

simbolo

c)

tauhan ng nobela

d)

Layout o ayos ng disenyo

40.

Sa isang poster tungkol sa kalinisan gumamit ng ng kulay berde at asul bilang pangunahing kulay. Ano ang ang ibig ipahiwatig ng kombinasyong ito?

a)

kalusugan at kapaligiran

b)

kasaysayan at kultura

c)

takot at pangamba

d)

kaguluhan at giyera

41.

kapag ang isang patalastas ay nagpapakita ng larawan ng pamilyang masaya habang umiinom ng gatas, anong elemnto ng tekstong biswal ang ginagamit upang manghikayat?

a)

Imahe ng kalusugan

b)

Transisyunal na salita

c)

banghay ng kuwento

d)

kohesyong gramatikal

42.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paliwanag kung bakit mahalaga ang elemento ng layout sa isang infographics?

a)

dahil nakadaragdag lamang ito ng kulay

b)

dahil ito'y bahagi ng tradisyon ng panitikan

c)

dahil ito'y nagpapakita ng tauhan at tagpuan

d)

dahil nakatutulong ito sa malinaw na pagkakaayos ng impormasyon

43.

Kung ang isang nobela ay gagawan ng book cover na may imahe ng isang nakasinding lampara, paano ito nakatutulong sa pang-unawa sa akda?

a)

Sumasalamin ito sa simbolo ng liwanag at pag-asa na tema ng nobela

b)

Walang kinalaman ang simbolo sa akdang pampanitikan

c)

Ipinapakita nito ang mga tauhan ng nobela nang buo

d)

Nagbibigay lamang ito ng dekorasyon sa pabalat

44.

Sa isang tekstong persweysib tungkol sa pagtitipid ng kuryente, ginamit ang larawan ng isang pamilya na nagsasalo sa ilalim ng ilaw ng lampara at may nakalagay na slogan: “Maliit na tipid, malaking ambag!” Ano ang ipinapakita rito?

a)

Kohesyong gramatikal ng sanaysay

b)

Paglalarawan ng tagpuan sa isang dula

c)

Pagtalakay sa kasaysayan ng kuryente

d)

Ugnayan ng biswal na simbolo at pahayag upang makahikayat

45.

Kung nais mong ibahagi ang isang bidyo rebyu ng aklat sa mas maraming mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang pinaka mainam na plataporma?

a)

personal na diary

b)

Facebook group ng klase

c)

sariling notebook lamang

d)

chat sa isa o dalawang kaibigan

46.

Habang nag-uulat tungkol sa proseso ng paggawa ng animasyon, ano ang dapat isaalang-alang upang maging malinaw ang komunikasyon?

a)

Gumamit ng simpleng wika, malinaw na boses, at organisadong presentasyon

b)

Gumamit ng teknikal na jargon na mahirap intindihin

c)

Magpatawa lamang upang di mainip ang tagapakinig

d)

Magbasa ng buong iskrip nang mabilis

47.

Kung gagawa ng rebyu ng aklat at gagamit ng YouTube, ano ang pinakamahalagang etikal na kasanayan?

a)

Ibigay ang kredito sa orihinal na awtor ng aklat at gumamit ng wastong sanggunian

b)

Kopyahin ang buong aklat at basahin nang walang permiso

c)

Gumamit ng background music kahit walang pahintulot

d)

Mag-upload ng video kahit walang kaugnayan sa aklat

48.

Sa pagbabahagi ng proseso ng paggawa ng animasyon, anong kasanayan ang ipinapakita kapag ang ulat ay malinaw, may visual aid, at madaling sundan?

a)

Etikal na kasanayan

b)

Etika ng sanggunian

c)

Kasanayang komunikatibo

d)

Plataporma ng teknolohiya

49.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananagutan sa pagbabahagi ng multimodal na rebyu?

a)

Paglalagay ng maling impormasyon upang gawing mas kapanipaniwala

b)

Pagbanggit sa mga kasamahang tumulong sa paggawa ng proyekto

c)

Pag-upload ng bidyona may mapanirang nilalaman

d)

Pag-alis ng pangalan ng orihinal na may-akda

50.

Kung pipili ng plataporma para sa isang pormal na rebyu ng aklat, alin ang pinakaangkop?

a)

TikTok dance video

b)

Meme page sa social media

c)

Private message sa kaibigan

d)

Academic blog site o Google Classroom

Similar Resources on Wayground