WorksheetsQ2 GMRC Review
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Naipakikita ang kalinisan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawain ng pangangalaga sa kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalinisan sa tahanan?
Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan
Pagpapabaya sa mga kalat
Pag-iwan ng maruruming pinggan
Pagsusunog ng basura sa bakuran
Ang kalinisan ay naipakikita sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawain ng pangangalaga sa kapaligiran tulad ng:
a. Paglalagay ng basura ayon sa uri nito
b. Pagwawalis
c. Pagliligpit ng pinagkainan
Ano ang tamang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran?
Paglalagay ng basura ayon sa uri nito
Pagtatapon ng basura kahit saan
Pagpapabaya sa paligid
Pag-iipon ng basura sa loob ng bahay
Ang pagiging masunurin ay naipakikita sa pamamagitan ng pagtali sa mga mabuting gawi ng pamilyang Pilipino. Ano ang naitutulong ng mga mabuting gawi ng pamilyang Pilipino?
Nakatutulong ito sa kaayusan ng pamilya.
Nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa pamilya.
Nagpapababa ito ng respeto sa pamilya.
Nagpapahirap ito sa mga miyembro ng pamilya.
Si Ana ay naglaro sa labas ng bahay at napansin niyang madumi ang kanyang mga kamay bago kumain. Ano ang dapat gawin ni Ana upang mapanatili ang kalinisan ng kanyang katawan?
Hugasan ang kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
Buhusan ng tubig ang mga kamay.
Magpunas ng kamay sa damit.
Magtanong kay Nanay kung puwedeng maghugas ng kamay.
Minsan ay nagkasakit ang iyong bunsong kapatid. Kailangan niyang uminom ng gamot, pero takot siya sa gamot. Ano ang iyong maipapayo sa iyong kapatid upang uminom na siya ng gamot?
Sasabihin ko na ibibili ko siya ng kendi kung iinom siya ng gamot.
Sasabihin ko na mabilis siyang gagaling sa sakit kung iinom siya ng gamot.
Sasabihin ko na mahal ang gamot kaya dapat siyang uminom ng gamot.
Sasabihin ko na makakapaglaro na siya kung iinom siya ng gamot.
Ano ang ginawa ni Mark matapos paalalahanan ng kanyang lola na magsipilyo ng ngipin bago matulog?
Nagsipilyo ng ngipin
Natulog agad
Naglaro pa ulit
Kumain ng kendi
Si Ana ay palaging pinapaalalahanan ng kanyang nanay na maligo araw-araw at magsipilyo ng ngipin bago pumasok sa paaralan. Paano makakatulong ang pagsunod ni Ana sa payo ng kanyang pamilya?
Magiging maganda siya at sikat sa paaralan.
Magiging malinis at malusog ang kanyang katawan.
Magiging marami ang kanyang mga kaibigan.
Maiiwasan niya ang pagkakaroon ng sakit ng ulo.
Si Jun ay may takdang-aralin pero nakita niyang abala ang kanyang tatay sa pagwawalis ng bakuran. Alin sa mga sumusunod na gawain ang maaari niyang gawin bago mag-aral?
Ipakita kay tatay ang wastong paglilinis ng bakuran gamit ang cellphone.
Maghanap ng tutulong kay tatay sa pagwawalis upang makagawa ng takdang-aralin.
Tumulong muna sa pagwawalis ng bakuran bago gumawa ng takdang-aralin.
Tumulong sa pagwawalis habang gumagawa ng takdang-aralin.
Sa paanong paraan mo matutulungan ang iyong nanay na naglalaba habang natutulog ang iyong bunsong kapatid?
Gagawa ako ng takdang-aralin.
Hindi ako mag-iingay upang hindi magising si bunso.
Matutulog din ako upang may katabi si bunso.
Panonoorin ko ng tahimik ang paglalaba si nanay.
May mga damit na hindi natitiklop sa inyong silid. Nakita mo na nagluluto pa ang iyong nanay. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin upang makapagpagaan sa gawain ni nanay?
Hihingi ng tulong sa kapatid upang matiklop ang mga damit.
Kukunin ang gamit sa paaralan at gagawa ng takdang-aralin upang matuwa si nanay.
Lalapit kay nanay upang tulungan siya sa pagluluto.
Tatawagin si ate upang siya ang magtiklop ng mga damit.
Tumutulong si Lito sa kanyang nanay sa paghuhugas ng pinggan matapos kumain. Ano ang mabuting epekto ng ginawa niya?
Hindi mapapagalitan si Lito ng kaniyang nanay.
Lalabas agad si nanay upang makapaglaba.
Mas mapapabilis ang gawain at makakapaglaro si Lito.
Mas mapapabilis ang gawain at makakapagpahinga si nanay.
Nakita ni Ramona ang isang matandang nahihirapan sa paglakad sa kalsada. Alin sa mga sumusunod na kilos ang maaaring gawin ni Ramona bilang pagtulong sa nakatatanda?
Sasabayan niya ang matanda sa paglalakad.
Tatanungin ang matanda kung mayroon siyang kasama.
Tutulungan sa paglakad ang matanda.
Yayayain na umupo ang matanda dahil nahihirapan siyang maglakad.
Ano ang dapat gawin ng mga bata kapag nakita nilang nagbubura ng pisara ang kanilang guro sa silid-aralan?
Tulungan ang guro sa pagbubura ng pisara.
Maglaro sa loob ng silid-aralan.
Lumabas ng silid-aralan nang walang paalam.
Magpatuloy lang sa pagbabasa at huwag pansinin ang guro.
Sa silid-aralan, paano ninyo matutulungan ang inyong guro?
Tutulungan namin na magbuhat ng aklat ang aming guro.
Tutulungan namin na magwalis ang aming guro.
Tutulungan namin na magbura ng pisara ang aming guro.
Tutulungan namin na magsulat sa pisara ang aming guro.
Si Jenny ay batang nasa unang baitang. Isang araw, inabutan ni Jenny ang kaniyang nanay na naghahanda ng kanilang hapunan. Bilang bata na nasa unang baitang, ano ang maaaring maitulong ni Jenny sa kaniyang nanay sa pagluluto?
Maaari siyang mag-abot ng mga bagay na gagamitin ni nanay sa pagluluto.
Maaari siyang maggayat ng mga gulay na gagamitin sa pagluluto.
Maaari siyang magbukas ng kalan na gagamitin sa pagluluto.
Maaari siyang magbuhat ng mainit na kaldero na gagamitin sa pagluluto.
Humingi ng tulong si Lolo Ambo sa kanyang apo na si Danilo na ikuha siya ng isang basong tubig. Agad naman itong isinagawa ni Danilo. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Danilo? Bakit?
Opo, dahil pagpapakita ito ng pagiging madasalin.
Opo, dahil pagpapakita ito ng pagiging masayahin.
Opo, dahil pagpapakita ito ng pagiging magalang.
Opo, dahil pagpapakita ito ng pagiging magiliw.
Nais mong tulungan ang iyong tatay na nag-aayos ng sirang salpakan ng kuryente sa inyong tahanan. Alin sa mga sumusunod ang ligtas na paraan ng pagtulong sa iyong tatay?
Tutulungan kong hawakan ang salpakan ng kuryente.
Tutulungan kong iabot ang kuldon ng kuryente.
Tutulungan kong umakyat sa kisame si Tatay.
Tutulungan kong iabot kay tatay ang mga maliit na bagay sa paggawa ng kuryente.
Si Lolo ay nagpuputol ng mahahabang damo sa bakuran kahit mahina na ang katawan. Ano ang maaaring maitulong ng isang batang tulad mo sa ligtas na paraan?
Ang pagwawalis ng mga pinutol na damo.
Ang pag-akay kay lolo sa paglalakad.
Ang pagputol sa mahahabang damo.
Ang paghahakot sa mga damo na pinutol.
Oras na ng uwian. Nasalubong mo ang nars ng paaralan na may dalang mabigat na kahon ng mga gamot. Paano mo maipakikita ang ligtas na paraan ng pagtulong?
Kukunin ang kahon at bubuhatin itong mag-isa.
Bubuhatin ang kahon ng mga gamot kasama ang nars.
Tatawagin ang dyanitor upang siya ang bumuhat ng kahon.
Sasabayan sa paglakad ang nars upang hindi siya mahirapan.
Tuwing araw ng Linggo ay sumasama ang mga anak nina Ginoo at Ginang Reyes sa pagsisimba. Alin sa mga sumusunod ang sariling paraan ng pakikilahok sa pananalangin ng pamilya ang naibabahagi ng kanilang mga anak?
Ang pagsama sa pagsimba tuwing araw ng Linggo.
Ang pananalangin kasama ang buong pamilya.
Ang pagsunod sa magulang sa pagsisimba.
Nagkaroon ng sakit ang iyong bunsong kapatid. Sinabi ni Nanay na ipagdasal ninyo sa Panginoong Diyos ang mabilis na paggaling ng iyong kapatid. Ano ang kahalagahan ng panalangin ng isang pamilya sa nabanggit na sitwasyon?
Ang panalangin ay nakapagpapasaya sa pamilya kahit may problema.
Ang panalangin ay nakapagpapatahimik sa pamilya kahit may problema.
Ang panalangin ay nakapagpapayaman sa pamilya kahit may problema.
Ang panalangin ay nakapagpapatibay sa pamilya kahit may problema.
Nakaluto na ng hapunan si Nanay at tinawag na kayong lahat para kumain. Sinabihan ka ng iyong nanay na mamuno sa pananalangin bago kumain. Ano ang iyong sariling paraan ng pakikilahok sa pananalangin ng pamilya?
Sabihin sa pamilya na lumuhod at manalangin.
Sabihin sa pamilya na pumikit at manalangin.
Sabihin sa pamilya na tumayo at umawit ng papuri.
Sabihin sa pamilya na manalangin sa pook dalanginan.
Dumating ang isang malakas na bagyo sa inyong lugar. Sinabi ng iyong nanay na manalangin ang buong pamilya para sa inyong kaligtasan. Ano ang iyong gagawin?
Sasabihin sa nanay na hindi ako marunong magdasal dahil bata pa ako.
Lalabas ako at tatawagin ang mga kapitbahay upang manalangin.
Sasama ako sa pagdarasal ng aking pamilya upang maging ligtas kami.
Maraming tanim na puno sa inyong bakuran. Napansin mo na may mga nalaglag na tuyong dahon sa paligid. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin upang mapanatili ang kalinisan sa inyong bakuran?
Pagwawalis ng sahig sa sala ng tahanan.
Paghuhugas ng pinagkainan sa kusina.
Pagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran.
Pagpupunas ng sahig sa loob ng silid.
Ang mga bata sa Barangay Sala ay nagtatapon ng kanilang kalat sa tamang basurahan. Iniiwasan nilang magtapon ng kalat sa kanal. Ano ang maaaring mangyari sa kapaligiran kung iiwasan natin ang pagtatapon ng basura sa mga kanal?
Ang mga kanal ay magiging mabango.
Ang mga kanal ay magiging malinis at hindi barado.
Ang mga kanal ay maaaring paglaruan ng mga bata.
Ang mga kanal ay magiging maganda.
Sinabihan ka ng iyong tatay na gamitin ang tatlong basurahan sa inyong tahanan upang mapagbukod-bukod ang mga basura ayon sa uri nito. Paano po susundin ang iyong tatay?
Itatapon ko ang basura kahit saan dahil hindi pa ako marunong magbasa.
Magpapaturo ako sa aking tatay nang wastong pagtatapon ng basura.
Itatapon ko ang basura sa labas ng bahay upang makuha ng basurero.
Itatapon ko ang basura sa tamang basurahan upang mapagbukod-bukod ang mga basura ayon sa uri nito.
Pagkatapos kumain ng inyong pamilya ay inutusan ka ni nanay na tulungan ang iyong ate sa paghuhugas ng mga pinggan. Ano ang iyong mabuting gawin?
Tutulungan ko si ate upang maging malinis ang kusina.
Tutulungan ko si ate upang matuwa ang nanay.
Tutulungan ko si ate upang makahiling sa nanay.
Tutulungan ko si ate upang hindi siya mapagod.
Dumating sa inyong tahanan ang iyong Lolo at Lola mula sa probinsiya. Anong mabuting gawi ng isang pamilyang Pilipino ang iyong susunding gawin?
Lalapit kina Lolo at Lola upang kumustahin sila.
Lalapit kina Lolo at Lola upang buhatin lahat ang dala nila.
Lalapit kina Lolo at Lola upang magmano sa kanila.
Lalapit kina Lolo at Lola upang ngitian sila.
Tinatanong ka ng iyong tatay kung tapos ka ng mag-aral ng iyong mga aralin. Ano ang mabuting gawi ng pamilyang Pilipino kung kinakausap ng mas nakatatanda sa iyo?
Sasagot sa mga nakatatanda nang mabilis.
Sasagot nang malakas upang marinig ako.
Sasagot agad-agad sa nakatatanda.
Sasagot sa nakatatanda gamit ang salitang Po at Opo.
Binigyan ka ng kuya mo ng tinapay. Ano ang sasabihin mo upang maging maayos ang samahan ninyo ng iyong kapatid?
“Salamat, sa susunod ako naman ang magbibigay.”
“Salamat po, Kuya sa tinapay na iyong bigay.”
“Salamat sa tinapay.”
Nag-uusap ang iyong nanay at kapitbahay ngunit may kailangan kang itanong kay nanay. Sa paanong paraan ka makakatulong sa pagkakaroon ng kaayusan sa inyong pamilya?
Makikinig ako nang tahimik sa usapan nila.
Kikilalanin ko ang aming kapitbahay.
Tatahimik muna at maghihintay na makapagtanong.
Lalabas ng bahay at sa iba na lang magtatanong.
Napagalitan ka ng iyong nanay dahil sa mali mong ginawa. Ano ang iyong isasagot upang maipakita mo ang mabuting gawi ng pamilyang Pilipino?
“Pasensya, hindi na ako magsasalita.”
“Patawad po. Hindi na po ako uulit.”
“Paalam po, nanay.”
“Salamat po, nanay.”
Pinuntahan ka ng iyong pinsan sa inyong tahanan upang makipaglaro. Paano mo maipakikita sa iyong pinsan ang mabuting gawi ng pamilyang Pilipino?
Lalapit at magmamano sa aking pinsan.
Patutuluyin ko siya sa aming bahay at tuturuan siyang maging magalang.
Pauupuin ko siya sa aming bagong sofa.
Magiliw ko siyang tatanggapin sa aming tahanan at makikipaglaro.
Ano ang dapat gawin nina Ken at Karol kung sinabihan silang huwag mag-iingay dahil natutulog ang kanilang tatay?
Maglaro ng tahimik o maghintay na magising ang tatay bago maglaro.
Maglaro ng bola sa loob ng bahay kahit natutulog ang tatay.
Sumigaw at mag-ingay habang naglalaro.
Gisingin ang tatay para makalaro sila.
Ano ang mabuti ninyong gawin upang makasunod sa mga gawi ng pamilyang Pilipino?
Susunod kami sa utos ni Nanay upang makapagpahinga si Tatay.
Susunod kami sa utos ni Nanay upang makahiling kay Tatay.
Susunod kami sa utos ni Nanay upang pasalubungan kami ni Tatay sa susunod na araw.
Susunod kami sa utos ni Nanay upang matuwa si Tatay.
