wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pinakmabuting hakbang sa pangangalaga ng mga yamang gubat sa bansa?

a)

Pagpuputol ng mga puno upang magamit bilang kahoy

b)

Pagtatanim ng mga bagong puno pagkatapos magputol

c)

Pagpapatayo ng mga pabrika malapit sa kagubatan

d)

Pagpapaunlad ng mga minahan sa loob ng kagubatan

2.

Ano ang tamang paraan ng paggamit ng yamang tubig upang masigurado ang patuloy na suplay nito para sa susunod na henerasyon?

a)

Labis na pangingisda upang makakuha ng mas maraming kita

b)

Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig upang makatipid sa paglilinis

c)

Pagpapatupad ng "closed fishing season" sa ilang bahagi ng bansa

d)

Paglabanag ng ilegal na pangingisda gamit ang dinamita

3.

Paano makakatulong ang mga mamamayan sa pangangalaga ng yamang lupa?

a)

Pagtatapon ng basura sa mga kanal at ilog

b)

Pagsasagawa ng mga programa sa reforestation o pagtatanim ng puno

c)

Pagtayo ng mga pabrika sa mga malalayong lugar

d)

Pag-abandona ng mga lupain pagkatapos gamitin para sa agrikultura

4.

Ano ang pinakmabuting paraan upang mapanatiling malinis ang mga yamang tubig sa isang komunidad?

a)

Pagtatapon ng mga patapong langis sa ilog

b)

Pagsasagawa ng regular na paglilinis sa mga ilog at lawa

c)

Pagpapatayo ng mga dam para sa agrikultura

d)

Pagkuha ng mga isda kahit sa mga lugar na ipinagbabawal

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng yamang tao ng isang bansa?

a)

Paggamit ng murang sahod upang makatipid ang mga negosyo

b)

Pagbibigay ng sapat na edukasyon at pagsasanay sa mga manggagawa

c)

Pagpapatupad ng mahabang oras ng trabaho nang walang pahinga

d)

Pagkuha ng mga manggagawa mula sa ibang bansa upang makatipid

6.

Ano ang epekto ng labis na paggamit sa yamang lupa ng bansa?

a)

Pagdami ng mga trabaho sa komunidad

b)

Pagkasira ng mga kalikasan at pagkawala ng mga likas na yaman

c)

Paglago ng ekonomiya ng bansa nang walang negatibong epekto

d)

Pag-unlad ng mga likas na yaman dahil sa makabagong teknolohiya

7.

Sa panahon ng El Niño, ano ang pinakamabisang hakbang upang mapanatili ang suplay ng yamang tubig sa mga komunidad?

a)

Magtayo ng mga bagong balon sa bawat barangay

b)

Magtanim ng mga pananim na nangangailangan ng maraming tubig

c)

Magpatupad ng tamang paggamit at pagtitipid ng tubig

d)

Pabayaan ang mga ilog at lawa na matuyo hanggang sa bumalik ang ulan

8.

Paano makakaapekto ang pagputol ng mga puno sa kagubatan sa kabuhayan ng mga Pilipino?

a)

Magdudulot ito ng mas murang kahoy para sa mga kabahayan

b)

Magreresulta ito sa pagbaba at pagkasira ng mga pananim

c)

Magpapataas ng produksyon ng mga lokal na produktong kahoy

d)

Magiging mas maganda ang lupa para sa agrikultura

9.

Paano nakatutulong ang likas na yamang tubig sa mga pangkabuhayang gawain ng mga Pilipino, lalo na sa mga komunidad na malapit sa dagat?

a)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga industriya ng pagkain tulad ng fast food.

b)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga transportasyong panghimpapawid.

c)

Sa pamamagitan ng pangingisda na nagbibigay ng hanapbuhay at pagkain.

d)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa para sa pagtatayo ng mga gusali.

10.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang may pinakamalaking epekto sa yamang-gubat ng bansa na nagdudulot ng kahirapan sa mga lokal na komunidad?

a)

Pagbubukas ng mga bagong pabrika.

b)

Pagtatanim ng mga gulay sa gilid ng mga bundok.

c)

Pagkakaroon ng mga paligsahan sa palakasan sa kagubatan.

d)

Walang habas na pagputol ng mga puno o illegal logging.

11.

Paano makatutulong ang yamang tao sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga imported na produkto.

b)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga shopping mall sa bawat bayan.

c)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming pabrika na hindi sumusunod sa mga patakaran.

d)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang edukasyon at pagsasanay sa mga manggagawa.

12.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng paggamit sa yamang mineral ng bansa upang mapalago ang ekonomiya at hindi makapinsala sa kapaligiran?

a)

Walang kontrol na pagmimina kahit saan.

b)

Paggamit ng mga yamang mineral para sa mga dekorasyon lamang.

c)

Pag-iwas sa pagmimina upang mapanatili ang likas na yaman.

d)

Makatarungang pagmimina na sumusunod sa mga alituntunin sa kalikasan.

13.

Bakit mahalaga ang tamang paggamit at pangangalaga sa yamang lupa ng bansa, lalo na sa mga magsasaka?

a)

Upang magamit sa pagtatayo ng mga subdivision.

b)

Upang gawing parke at pasyalan ang mga taniman.

c)

Upang magkaroon ng mga lugar para sa palakasan.

d)

Upang matiyak ang patuloy na ani at pangmatagalang kabuhayan ng mga magsasaka.

14.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pakinabang ng yamang enerhiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Nagbibigay ito ng kuryente na ginagamit sa mga tahanan, paaralan, at negosyo.

b)

Ginagamit ito bilang palamuti sa mga okasyon.

c)

Ito ang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan sa kusina.

d)

Ginagamit ito para sa paggawa ng alahas at dekorasyon.

15.

Paano makaaapekto sa ekonomiya ng isang lalawigan ang walang habas na pang-aabuso sa yamang tubig tulad ng illegal fishing?

a)

Tataas ang kita ng mga mangingisda dahil mas maraming huli.

b)

Mauubos ang mga isda at magdudulot ito ng kahirapan sa mga komunidad na umaasa sa pangingisda.

c)

Magiging mas masaya ang mga turista dahil maraming isda sa dagat.

d)

Magkakaroon ng mas maraming negosyo tulad ng pag-aangkat ng isda mula sa ibang bansa.

16.

Ang pinakamabisang hakbang upang mapangalagaan ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa habang sinusuportahan ang mga gawaing pang-ekonomiko ay:

a)

Pagsasagawa ng tamang pangangalaga at konserbasyon ng likas na yaman

b)

Pagpapalawak ng industriyalisasyon nang walang regulasyon

c)

Pagwawalang-bahala sa mga batas pangkalikasan

d)

Pagputol ng mga puno para sa mabilis na pag-unlad

17.

Paano makakatulong ang paggamit ng renewable energy, tulad ng solar at wind power, sa pagtugon sa mga hamon ng kakulangan ng enerhiya sa bansa?

a)

Magbabawas ng gastos sa importasyon ng fossil fuel

b)

Magpapababa ng konsumo ng kuryente sa mga tahanan

c)

Magdadagdag ng tubig sa mga ilog at lawa

d)

Magpapataas ng bilang ng mga halaman sa kagubatan

18.

Anong hakbang ang maituturing na pinakainam upang matugunan ang problema ng deforestation sa Pilipinas?

a)

Pagpuputol ng mas maraming puno upang palitan ng mga bagong itatanim

b)

Pagtatayo ng mga mall at gusali sa kagubatan

c)

Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan na nakakalbo na

d)

Pag-import ng kahoy mula sa ibang bansa upang bawasan ang pagputol ng mga puno

19.

Paano naaapektuhan ng labis na pagmimina ng mineral tulad ng ginto at pilak ang kabuhayan ng mga tao sa isang komunidad?

a)

Nagbibigay ito ng malinis na tubig sa mga kabahayan

b)

Nagdadala ito ng mas maraming halaman at hayop sa lugar

c)

Nakakapagpalakas ito ng turismo sa lugar

d)

Nakakapagdulot ito ng polusyon sa mga ilog at hangin

20.

Kung ikaw ay lider ng isang bayan na apektado ng pagbaha, ano ang pinakamainam na proyekto upang maiwasan ang patuloy na pagbaha dulot ng mga kalbo nang kagubatan?

a)

Pagpapaganda ng mga parke at plaza

b)

Pagpapalalim ng mga kanal at estero para sa tubig-baha

c)

Pagtayo ng mga bagong tulay sa mga bayan

d)

Pagtatanim ng mga puno at pagkakaroon ng reforestation program

21.

Sa iyong opinyon, ano ang pinakambisang paraan upang mapangalagaan ang yamang tubig ng bansa tulad ng mga dagat at ilog?

a)

Pagbibigay ng libreng tubig sa mga kabahayan

b)

Pagbawal sa pangingisda kahit anong panahon

c)

Pagtatanggal ng mga batas laban sa illegal fishing at polusyon

d)

Pagpapataas ng presyo ng isda sa mga pamilihan

22.

Paano nakakatulong ang mga yamang tao, tulad ng mga manggagawa at propesyonal, sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Sa pamamagitan ng pagtuturo lamang ng mga banyagang wika

b)

Sa pamamagitan ng kanilang kasanayan at kontribusyon sa mga industriya

c)

Sa pamamagitan ng kanilang paglilibang sa ibang bansa

d)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming bilang ng anak

23.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng isang lokal na pamahalaan upang maibsan ang epekto ng kakulangan ng likas na yaman sa isang komunidad?

a)

Pagpapahintulot sa walang limitasyong pagmimina

b)

Pagpapatupad ng mga programang nagtuturo ng alternatibong kabuhayan tulad ng agrikultura

c)

Pagdadala ng lahat ng produkto mula sa ibang bansa

d)

Pagtatayo ng mga pabrika sa mga protektadong lugar ng kalikasan

24.

Anong uri ng programa ang maaaring ipatupad ng pamahalaan upang masigurong hindi mauubos ang yamang mineral ng bansa?

a)

Pagtutok lamang sa pag-export ng mineral

b)

Pagtaas ng mining zones sa lahat ng kagubatan

c)

Paglimita ng pagmimina at pagpapatupad ng regulasyon sa tamang paggamit ng yamang mineral

25.

Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga puno sa mga pamayanan upang makamit ang likas-kayang pag-unlad sa Pilipinas?

a)

Para magkaroon ng mas maraming produkto na ibebenta

b)

Para mapigil ang pagbaha at pagguho ng lupa

c)

Para magamit bilang uling sa pagluluto

d)

Para gawing mas malaki ang mga kalsada

26.

Ang isang barangay ay nagpapatupad ng proyekto upang linisin ang ilog. Paano nito nakatutulong sa pagkamit ng likas-kayang pag-unlad?

a)

Magiging mas mabilis ang daloy ng tubig para sa mga bangka

b)

Mas makakatipid sa kuryente ang mga kabahayan

c)

Mapipigilan ang pagkalat ng polusyon at mga sakit

d)

Magiging mas madali ang pagtapon ng basura sa ilog

27.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang upang maiwasan ang sobrang pagkasira ng kagubatan sa Pilipinas?

a)

Paggamit ng mga makinarya sa pagpuputol ng puno upang mapabilis ang gawain

b)

Pag-utos sa mga tao na itapon ang basura sa mga gubat

c)

Pagsasagawa ng reforestation o muling pagtatanim ng puno

d)

Pagpapahintulot sa walang kontrol na pagmimina

28.

Paano makatutulong ang paggamit ng mga alternatibong enerhiya tulad ng solar at wind energy sa likas-kayang pag-unlad ng Pilipinas?

a)

Makapagbibigay ito ng trabaho para sa lahat ng Pilipino

b)

Makakatipid ang bansa sa paggamit ng langis at coal

c)

Makakabawas ito sa kalusugan ng mga tao

d)

Mas maganda ito sa mga malalaking lungsod kaysa sa mga probinsya

29.

Isang paaralan sa komunidad ang nagpakilala ng "zero waste program." Ano ang pangunahing epekto nito sa likas-kayang pag-unlad ng pamayanan?

a)

Mawawala ang basura sa kalye at kalsada

b)

Matututo ang mga mag-aaral na huwag nang magtapon ng basura

c)

Magiging mas malinis at ligtas ang kapaligiran mula sa mga kemikal at polusyon

d)

Matututo ang mga mag-aaral na laging gumamit ng plastic

30.

Ano ang pinakmabuting paraan upang mapangalagaan ang yamang-dagat ng Pilipinas laban sa overfishing?

a)

Pagbibigay ng libreng kagamitan sa pangingisda

b)

Paggawa ng mga artipisyal na isla para sa mga mangingisda

c)

Pagpapatupad ng mga batas na naglilimita sa dami ng huli at pagtatag ng mga marine sanctuary

d)

Pagsali sa mga paligsahan ng pangingisda upang madagdagan ang kita ng mga lokal na mangingisda

31.

Ang isang malaking pabrika ay nagtatapon ng mga kemikal sa ilog malapit sa isang komunidad. Ano ang pinaka-angkop na aksyon ng pamahalaan upang masiguro ang likas-kayang pag-unlad sa lugar na ito?

a)

Hayaan ang pabrika na magbayad ng multa at ipagpatuloy ang operasyon

b)

Iutos sa komunidad na linisin ang ilog

c)

Ipahinto ang operasyon ng pabrika at patawan ng mabigat na parusa

d)

Payagan ang pabrika basta’t lilipat sila sa ibang lugar

32.

Aling estratehiya ang mas makakatulong sa pagbabawas ng polusyon sa mga lungsod tulad ng Maynila?

a)

Pagdagdag ng mga sasakyan upang mapabilis ang biyahe ng mga tao

b)

Paggamit ng mas malalaking pabrika upang makalikha ng mas maraming produkto

c)

Pagpapatupad ng carpooling at paggamit ng public transportation

d)

Pagbibigay ng dagdag na espasyo para sa mga parking lot

33.

Paano makatutulong ang isang pamilya sa likas-kayang pag-unlad sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang bakuran?

a)

Gumamit ng mga kemikal na pataba

b)

Patuloy na magtanim ng mga gulay gamit ang organikong pamamaraan

c)

Hayaan matuyo ang mga tanim kung walang ulan

d)

Magtanim ng mga puno na mabilis lang mamatay

34.

Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa pangangalaga ng kagubatan sa Pilipinas?

a)

Upang makapagtayo ng mas maraming gusali

b)

Upang mapanatiling malinis ang lugar para sa mga turista

c)

Upang maiwasan ang labis na pagputol ng puno at pagbaha

d)

Upang makapagparami ng mga puno para sa paggawa ng kahoy

35.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nakakatulong sa pagsulong ng likas-kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng bansa?

a)

Walang habas na pagmimina sa mga kabundukan

b)

Pagpapatupad ng mga batas laban sa ilegal na pagputol ng mga puno

c)

Pagtapon ng basura sa mga ilog upang hindi ito maging tambak sa kalsada

d)

Pagputol ng mga puno para sa karagdagang sakahan nang walang planong pagtatanim muli

36.

Sa iyong lugar, paano ka makatutulong upang masigurong likas-kaya ang pag-unlad ng mga yamang tubig sa komunidad?

a)

Pagtapon ng mga plastik na basura sa karagatan

b)

Pag-iwas sa pagtatapon ng kemikal sa mga ilog at dagat

c)

Paggamit ng dinamita sa pangingisda

d)

Pagtatayo ng mga pabrika malapit sa mga anyong tubig

37.

Ano ang pinakama­husay na solusyon upang maiwasan ang sobrang pagputol ng puno sa kagubatan?

a)

Magpatupad ng mahigpit na batas laban sa ilegal na pagputol ng puno at magtanim ng mga bagong puno.

b)

Hayaang putulin ang mga puno nang walang regulasyon.

c)

Sunugin ang mga natitirang kagubatan upang magamit ang lupa.

d)

Gawing palaruan ang kagubatan para sa mga bata.

38.

Alin sa mga sumusunod ang makakatulong upang mapanatili ang likas-yaman ng kagubatan?

a)

Hikayatin ang paggamit ng papel nang madalas

b)

Patuloy na magtanim ng mga puno upang mapalitan ang mga pinutol

c)

Itigil ang anumang uri ng pagmimina sa kabundukan

d)

Magputol ng mga puno para sa mga produktong kahoy na may mataas na kita

39.

Ano ang maaaring maging epekto ng labis na pagmimina sa likas-yaman ng bansa kung hindi ito maayos na pamamahalaan?

a)

Pagdami ng trabaho sa mga minahan

b)

Pagkasira ng kalikasan at pagguho ng lupa

c)

Mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya

d)

Pagdami ng mga turistang bumibisita sa mga minahan

40.

Paano makatutulong ang pagsasanay ng mga magsasaka tungkol sa organikong pagsasaka sa likas-kayang pag-unlad ng agrikultura?

a)

Makapagbibigay ito ng mas mabilis na kita mula sa mga kemikal na pataba

b)

Mapapabuti nito ang ani habang iniiwasan ang paggamit ng mga kemikal na nakasisira sa kalikasan

c)

Mababawasan ang kanilang kita dahil hindi gaanong produktibo ang organikong pagsasaka

d)

Mas makakalat ng kemikal sa lupa at tubig ang organikong pagsasaka

41.

Sa paanong paraan makatutulong ang mga lokal na produkto sa pagsulong ng likas-kayang pag-unlad ng bansa?

a)

Mas mapapababa nito ang kalidad ng mga produktong ini-export

b)

Matutulungan nitong mabawasan ang pangangailangan sa mga inangkat na produkto

c)

Mas mapapataas nito ang presyo ng mga produktong Pilipino sa ibang bansa

d)

Mas magiging dependent ang Pilipinas sa mga dayuhang kalakal

42.

Ano ang mga pinagkukunang-yamang matatagpuan sa bansa?

a)

Mga likas na yaman tulad ng yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat, at yamang mineral.

b)

Mga imported na produkto mula sa ibang bansa.

c)

Mga teknolohiyang gawa sa ibang bansa lamang.

d)

Mga pagkain na tanging sa lungsod lamang matatagpuan.

43.

Ipaliwanag ang iba't ibang pakinabang pang-ekonomiko ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

a)

Nagbibigay ng hanapbuhay, pinagkukunan ng pagkain, hilaw na materyales, at kita ng bansa.

b)

Nagpapababa ng presyo ng mga imported na produkto.

c)

Nagpapalawak ng teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng kalakalan.

d)

Nagpapalakas ng ugnayan ng bansa sa mga dayuhang mamumuhunan.

44.

Talakayin ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.

a)

Kakulangan sa pondo, polusyon, maling paggamit ng likas na yaman, at mga programang pangkaunlaran bilang tugon.

b)

Pagdami ng mga turista at pagtaas ng presyo ng langis lamang.

c)

Pagkakaroon ng maraming bakanteng lupa at kakulangan sa manggagawa.

d)

Pagtaas ng antas ng edukasyon at pagdami ng mga paaralan.

45.

Tukuyin ang mga hamon sa pagkamit ng likas-kayang pag-unlad.

a)

Pagkasira ng kalikasan, labis na paggamit ng likas na yaman, at kakulangan sa edukasyon ukol sa likas-kayang pag-unlad.

b)

Pagdami ng mga parke at likas na yaman.

c)

Pagtaas ng antas ng edukasyon sa lahat ng lugar.

d)

Pagkakaroon ng sapat na suplay ng malinis na tubig sa lahat ng komunidad.