NEW
Font size
WorksheetsAP 9 2nd Quarter Mock Examination
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kalakal na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t
ibang presyo
A. Demand Schedule
B. Demand Curve
C. Demand Function
D. Demand Elasticity
Kung tumaas ang PRESYO ng Coke, ano ang maaring mangyari sa DEMAND ng Pepsi?
.
A. Tataas
B. Bababa
C. Walang Pagbabago
D. Pabago-bago
Maliban sa MERALCO wala nang ibang kompanya ang nagsusupply ng kuryente sa Maynila at karatig na probinsiya. Anong uri ng kompetisyon ang umiiral sa MERALCO?
A. Oligopolyo
B. Monopolostikong Kompetisyon
C. Malayang Kompetisyon
D. Monopolyo
Tumaas ang presyo ng baboy kaya ang mga mamimili ay naghanap ng pamalit na produkto para rito na nagdahilan sa pagbaba ng demand ng baboy. Anong konsepto ang nagpapatunay rito ayon sa Batas ng Demand?
A. Ceteris Paribus
B. Substitute Effects
C. Income Effect
D. Equilibrium
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang tumutukoy sa disekwilibriyong SHORTAGE?
A. Wala halos bumibili ng bangus sa palengke dahil masyadong mataas ang presyo nito.
B. Sumosobra at nasisira na lamang ang ilang panindang gulay sa pamilihan dahil sa higit na supply nito
C. Dumarami ang mamimili ng karneng baboy ngunit kapos naman ang dami ng itininda sa palengke
D. Napilitang magbaba ng presyo ang mga nagtitinda sa pamilihan dahil sa kakaunting mamimili sa palengke dahil panahon ng bagyo.
Paano tutugon ang presyo kapag nasa disekwilibriyong surplus ang isang pamilihan?
A. Ang presyo ay dapat ibaba upang tumaas ang demand kasabay ng pagpantay nito sa supply
B. Ang presyo ay dapat ibaba upang bumaba naman ang demand at tumaas naman ang supply
C. Ang presyo ay dapat itaas upang maa maraming produkto ang maprodyus at bumaba naman ang demamd
D. Ang presyo ay dapat itaas upang tumaas ang demand at bumaba ang supply
Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pamilihan?
A.. Aktor at Aktresses
B. Demand at Supply
C. Mangangalakal at Pamahalaam
D. Konsyumer at Prodyuser
Kung ang presyo ng baboy ay ₱215 kada kilo sa demand na 1 tonelada, at may pagbabagong ₱15 kada kalahating toneladang nadaragdag sa demand. Ano ang magiging presyo ng baboy kada kilo kung sakaling nasa dalawang tonelada ang demand ng baboy?
A. ₱200
B. ₱245
C. ₱185
D. 230
Nakita ng mga prodyuser na dumarami sa mga nagtitinda ang nakakaranas ng bandwagon effect at marami naring nagnanais magtinda, ano ang maaaring maging pagkilos ng prodyuser
A. Ibaba ang supply ng produkto
B. Magpoprodyus ng mas maraming produkto
C. Titigilan ang poprodyus hanggang sa maubos ang supply
D.. Walang gagawin ang prodyuser dahil wala naman silang kinalamman dito.
Ito ay ang inirerekomendang presyo ng isang produkto ng pamahalaan.
A. Suggested Retail Price
B. Price Ceiling
C. Price Flooring
D. Price Freeze
Kapg mataas ang presyo ng bigas, ano ang magiging tugon ng mgs mamimili at prodyuser?
A. Bababa ang nais bumili ng bigas at bababa rin ang supply dahil mas ikalulugi nila kapag walang bumili
B. Tataas ang dami ng mamimili at bababa ang supply
C. Baba ang nais bumili ng produkto at tataas namang ang supply
D. Walang magiging tugon
Ang presyo ng tinapay sa demand na 50 piraso ay ₱20 ngunit ang supply sa kaparehong presyo ay 30 piraso lamang. Isiping sa bawat ₱1 ay may 2 pirasong pagbabago sa parehong demand at supply. Anong presyo magkakasundo ang demand at supply ng tinapay?
₱20
₱35
₱30
₱25
Ang presyo ng produktong petrolyo ay inanunsyong tataas sa martes, ano ang maaaring mangyari sa demand ayon sa iba lang salik nito?
A. Bababa ang demand dahil tumaas ang presyo
B. Tataas ang demand sa mismong araw ng Martes
C. Tataas ang demand bago pa mamgyari ang taas presyo
D. Bababa ang demand dahil wala ng bibili nito
Sa presyong ₱21 ang mga prodyuser ay nagpoprodyus ng 126 pirasong tsokolate, at 162 piraso naman kapag ang presyo ay ₱27. Ilan ang pagbabago sa supply sa bawat pisong dumaragdag sa presyo?
2
4
6
8
Ano ang tawag sa ugnayan ng demand at supply?
A. Disekwilibriyo
B. Ceteris Paribus
C. Ekwilibriyo
D. Bandwagon effect
Sa isang probinsiya, sa isang tao lamang ipinagbibili ng mga magsasaka ang kanilang aning tabako. Ang taong ito ang nagdidikta ng presyo. Anong uri ng pamilihan ang umiiral sa ganitong sitwasyon?
A. Monopolyo
B. Oligopolyo
C. Ganap na Kompetisyon
D. Monopolostikong Kompetisyon
Mang Elmo mula nang siya ay nagkaroon na ng permanenteng trabaho at mataas ang sahod na kanyang tinatanggap hindi na nahihirapan ang kaniyang pamilya, dahil mabibili at matutugunan na ang lahat ng kanilang pangangailangan. Sa iyong palagay, anong salik na nakaaapekto sa demand ang ipinapahiwatig nito?
A. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
B. Kita
C. Panlasa
D. Ekspektasyon sa presyo
Ang demand kapag ang kandila ay walang halaga o libre ay 156 piraso at ang pagbabago naman sa demand kada ₱1 ay 13 piraso. Sa anong presyo inaasahang magiging 13 piraso na lamang ang demand?
₱1
₱13
₱12
₱11
Kung ikaw ang mamimili, nakita mong mataas ang presyo ng baboy at mababa naman ang presyo ng baka ngunit walang kasiguraduhing makakabili ka nito dahil sa dami ng nais bumili, ano ang mas pipiliin mong bilhin?
A. Ang karneng baboy dahil kahit mas mahal ito kakaunti naman ang pila kaya't hindi ako mauubusan at hindi ako maghihintay nang matagal
B. Ang karneng baka dahil kahit maraming mamimili rito, mas makakatipid naman akl
C. Hindi na lamang ako bibili
D. Pareho kong bibilhin
Kung ikaw ang prodyuser, nakita mong may paparating na bagyo sa susunod na linggo at posibleng magtaas ng presyo, ano ngayon ang iyomg gagawin?
A. Ilalabas ko na lahat ng produkto bago pa dumating ang bagyo dahil baka malugi ako kapag ibinenta ko ito pagkatapos
B. Wala akomg gagawin daahil hindi naman ito makaapekto sa produksyon
C. Itatago ko ang mga produkto hanggang sa magtaas na ang presyo sa merkado pagkatapos ng bagyo
D. Gagawa ako ng mas maraming produkto at ibebenta sa mababang presyo pagkatapos ng bagyo
