Font size
WorksheetsFilipino 4 Q2
Total questions: 75
Worksheet time: 43mins
Ano ang kayarian ng pangngalan?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Ano ang mga tuntunin sa pagsulat ng talata?
May espasyo sa dalawang gilid
Nagsisimula sa maliit na titik
Nagtatapos sa tamang bantas
Isinusulat nang walang indention
Ano ang panghalip pamatlig?
Salitang humahalili sa pangngalan
Salitang naglalarawan sa pangngalan
Salitang ginagamit sa pagtuturo sa pangngalan
Salitang nag-uugnay sa mga pangungusap
Ano ang halimbawa ng pandiwa?
Maglakad
Bahay
Nanay
Lapis
Ano ang Pandiwa?
salitang nagsasaad ng kilos o galaw
salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan
salitang naglalarawan sa dami o bilang ng pangngalan
Ano ang mga aspekto ng Pandiwa?
Perpektibo, Imperpektibo, Kontemplatibo
Pang-uri, Pang-uring Panlarawan, Pang-uring Pamilang
Kategorya, Halimbawa
Ano ang halimbawa ng Perpektibo?
uminom, nagdasal, naglakad
umiinom, nagdarasal, naglalakad
iinom, magdarasal, maglalakad
Ano ang halimbawa ng Imperpektibo?
uminom, nagdasal, naglakad
umiinom, nagdarasal, naglalakad
iinom, magdarasal, maglalakad
Ano ang halimbawa ng Kontemplatibo?
uminom, nagdasal, naglakad
umiinom, nagdarasal, naglalakad
iinom, magdarasal, maglalakad
Ano ang Pang-uri?
salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan
salitang nagsasaad ng kilos o galaw
salitang naglalarawan sa dami o bilang ng pangngalan
Ano ang mga uri ng Pang-uri?
Panlarawan at Pamilang
Pandiwa
Kategorya
Ano ang halimbawa ng Pang-uring Panlarawan?
malawak, makulay
isa, dalawa
kalahati, sangkapat
Ano ang halimbawa ng Pang-uring Pamilang?
sampu, apatnapu’t lima
una, ikaanim
kalahati, sangkatlo
Anong kayarian ng pangngalan ang salitang laru-laruan?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Anong kayarian ng pangngalan ang salitang inuman?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Anong kayarian ng pangngalan ang salitang pulot-pukyutan?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Anong kayarian ng pangngalan ang salitang kwarto?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Ano ang ibig sabihin sa tambalang salita na dalagang-bukid?
Babaeng nakatira sa lungsod.
Babaeng nakatira sa bukid.
Babaeng naglalakad sa bukid.
Babaeng nagtatamin.
Alin ang tamang kahulugan ng tambalang salitang talahiban?
Lupaing tinubuan ng talahib.
Lugar na maraming puno.
Lugar na may tubig.
Lupaing pinagtataniman.
Anong kayarian ng pangngalan ang makikita sa salitang basa-basa?
Payak
Inuulit
Tambalan
Maylapi
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tambalang pangngalan?
Gabi-gabi
Bahay-kubo
Bukirin
Kaibigan
Anong kayarian ng pangngalan ang makikita sa salitang araw-araw?
Payak
Inuulit
Tambalan
Maylapi
Tukuyin ang kayarian ng pangngalang may salungguhit.
6. Laging tinatago ni Aling Paz ang mga tira-tirang pagkain para sa kanyang alagang aso.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian ng bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang.
5. Tanghali at tapat na nang makarating sa puwesto nila ang kaniyang mga magulang (tambalan)
(a)
Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian ng bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang.
4. Naging agaw at pansin sa mga namamalengke ang tinda nilang mangosteen. (tambalan)
(a)
Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian ng bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang.
3. Bitbit nila ang kumpol na mangosteen na kanilang ibebenta rin sa palengke. (inuulit)
(a)
Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian ng bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang.
2. Siya ay pawis nang husto habang papunta siya sa puwesto nila sa may palengke sa Agdao. (maylapi)
(a)
Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian ng bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang.
1. Binuhat ni Loloy ang patong na sako ng mga niyog. (inuulit)
(a)
Kalilinis ko lang sa aming bakuran.
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Niregaluhan siya ng sapatos.
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Si Ella ay naglilinis ng bahay.
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Kaaakyat ko lang sa bundok kasama ang aking mga kaibigan.
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Si Manuel ay umakyat sa puno ng mangga kanina.
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Panuto: Alamin ang Aspeto ng Pandiwa ng mga salitang nakasalungguhit.
Sasabihin ko sa aking mga kapamilya ang natutuhan ko sa kanya.
Naganap (Perpektibo)
Nagaganap (Imperpektibo)
Magaganap (Kontemplatibo)
Panuto: Alamin ang Aspeto ng Pandiwa ng mga salitang nakasalungguhit.
Nag-iingat na lagi si Yaya Maring para hindi na mabiktima ng masasamang loob.
Naganap (Perpektibo)
Nagaganap (Imperpektibo)
Magaganap (Kontemplatibo)
Panuto: Alamin ang Aspeto ng Pandiwa ng mga salitang nakasalungguhit.
Natuwa ang magulang ni Bea sa katalinuhang ipinakita niya.
Naganap (Perpektibo)
Nagaganap (Imperpektibo)
Magaganap (Kontemplatibo)
Nasa iyo daw ang bag ni Ate. Kailangan na niya iyon kaya ipinakukuha.
(a)
A, langka ang prutas na hawak ni Tina. Kumakain ka ba noon?
(a)
Si Doro ba ang hinahanap mo? E, hayun at nagdidilig ng mga halaman.
(a)
Tingnan mo ang mga damit sa eskaparate. Ganoon ang ipagagawa ko kay nanay.
(a)
Ang bukid ng aking lolo ay may mga tanim. Doon kami kumukuha ng mga gulay.
(a)
Bumili ng bigas si Aling Maring. dali-dali niya isinaing iyon.
(a)
Isang uri ng talata na naglalayong magpaliwanag, magbigay ng mga kaalaman ( katotohanan) sa isang sitwasyon o pangyayari.
Nagsasalaysay
Naglalahad
Nangangatuwiran
Naglalarawan
Isang uri ng pagsulat ng talata na nagkukwento ng kailan,saan at paano ito nangyari.
Nagsasalaysay
Naglalahad
Nangangatuwiran
Naglalarawan
Isang uri ng pagsulat ng talata na nagpapakita ng anyo,hugis,kulay at katangian ng isang tao, bagay o pangyayari.
Nagsasalaysay
Naglalahad
Nangangatuwiran
Naglalarawan
Ito ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay ang diwa.
Pangatnig
Sugnay
Talata
Parirala
Ilang paksa mayroon ang isang talata?
1
2
3
4
Ito ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Tandang pananong (?)
Tandang padamdam (!)
tuldok (.)
Ito ay ginagamit sa pangungusap na patanong.
Tandang pananong (?)
Tandang padamdam (!)
tuldok (.)
Ito ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na paturol at pautos.
Tandang pananong (?)
Tandang padamdam (!)
tuldok (.)
Gumagamit ng wastong bantas katulad ng tuldok at kuwit sa pagsulat ng talata.
Tama
Mali
Hindi na kailangan lagyan ng palugit (margin) ang papel sa kanan at kaliwa kapag magsusulat ng talata.
Tama
Mali
Magsimula sa malaking letra sa pagsulat ng simula ng talata.
Tama
Mali
Sa pagsulat ng talata dapat ang pamagat ay isinusulat sa gitna.
Tama
Mali
Ano ang pamagat ng talata sa larawan?
Ang Mabuting Bata
Ang Mabuting Anak
Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
1. Maraming paraan para makatulong ang anak sa kanyang magulang.
Panlarawan
Pamilang
Alin sa mga parirala ang gumagamit ng
pamilang na PANUNURAN?
buong pamilya
apat na magkapatid
ikatlong anak
Alin sa mga parirala ang gumagamit ng
pamilang na PATAKARAN?
sangkapat ng pinya
sampung piraso ng pinya
daan-daang pinya
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng
pang-uring pamilang?
Naubos ko ang kalahating baso ng tubig.
Sila ay pagod mula sa paglilinis ng paligid.
Ang mga mahahabang kahoy ay gagamitin sa muling pagpapatayo ng bahay.
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng
pang-uring panlarawan?
Saku-sakong basura ang nakolekta pagkatapos ng bagyo.
Naibalik ang kuryente namin sa ikalimang linggo.
Natakot ako sa lakas ng hangin.
"Lagi niyang dala ang dalawang alkohol sa bag."
Ano ang pang-uri sa pangungusap na ito?
dala
dalawa
alkohol
"Hindi siya humahawak ng maruruming bagay."
Ano ang pang-uri sa pangungusap na ito?
Siya
humawak
marurumi
"Malinis ang mga kamay ni Juan."
Ano ang pang-uri sa pangungusap na ito?
Malinis
kamay
Juan
Isang daan ang kilo ng karneng baka.
One hundred kilos of beef.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Maasim ang mangga na dala ni tatay.
The mango that father brought is sour.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Isang basket ang kanyang tindang gulay.
He sells one basket of vegetables.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Paborito ko ang lumpiang Shanghai.
Shanghai spring rolls are my favorite.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Ang tatlong babae ay sumayaw.
The three girls danced.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Maganda na bata si Janah.
Janah is a beautiful child.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Kinuha niya ang anim na baso sa mesa.
He took the six glasses from the table.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Natikman mo na ba ang pansit Malabon?
Have you ever tasted Malabon noodles?
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Malaki ang bahay na binili namin.
The house we bought is big.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
Sampung mag-aaral ang tumanggap ng premyo.
Ten students received the prize.
panlarawan/descriptive
pamilang/number
pantangi/proper
