WorksheetsSA2- BONIFACIO AT AGUINALDO
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Siya ang nagtatag ng Katipunan at tinaguriang "Supremo" noong bisperas ng Rebolusyon.
Jose Rizal
Emilio Aguinaldo
Andres Bonifacio
Deodato Arellano
Ang aklat na ito, na isinulat ni Emilio Jacinto, ay naglalaman ng aral at prinsipyo ng Katipunan.
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
El Amor Patrio
Kartilya ng Katipunan
Kalayaan
Sa anong lalawigan naging sentro ng matagumpay na pag-aalsa ang rebolusyon matapos ang pagkatalo ni Bonifacio sa San Juan?
(a)
Binaril ang magkapatid na Bonifacio (Andres at Procopio) noong Mayo 10, 1897, sa Bundok Hulog dahil sa kasong pagkakanulo (treason) laban sa rebolusyonaryong pamahalaan.
TAMA
Ang Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan, ay itinatag at inedit ni Marcelo H. Del Pilar.
TAMA
Ang Katipun ang pinakamababang antas ng kasapi sa Katipunan at ang kanilang password ay Rizal.
TAMA
Bakit tumanggi si Dr. Jose Rizal na suportahan ang iminumungkahing rebolusyon ni Bonifacio noong 1896?
Dahil gusto niyang siya ang maging lider ng himagsikan.
Dahil naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan at kulang sa armas
Dahil tutol siya sa Katipunan at pabor siya sa mga Kastila.
Dahil nais niyang maghintay muna ng suporta mula sa ibang bansa.
Ano ang pangunahing implikasyon ng paghina ng rebolusyonaryong kilusan matapos ang pagdating ni Bonifacio sa Cavite?
Napatunayan na hindi kayang manalo ng mga Pilipino sa digmaan.
Mas malakas ang Magdalo kaysa sa Magdiwang.
Hindi epektibo ang pamumuno ni Bonifacio sa labas ng Maynila.
Ang panloob na pag-aaway at kawalan ng pagkakaisa ay mas mapanganib kaysa sa panlabas na kalaban.
Punitin ang mga sedula (simbolo ng pagkaalipin) sa Sigaw sa Pugadlawin. Ano ang ipinahayag ng mga Katipunero sa kilos na ito?
Pormal na sinimulan ang militanteng rebolusyon at pagtalikod sa mapayapang reporma.
Humihingi sila ng pabor at amnestiya mula sa pamahalaang Kastila.
Nagpakita sila ng paggalang sa mga awtoridad ng Espanya.
Pormal na binuo ang Acta de Tejeros.
Ano ang simbolikong ritwal sa bagong sistema ng rekrutment?
Pag-awit ng pambansang awit
Blood compact gamit ang sariling dugo
Pagpunit ng sedula
Paglagda sa lihim na kasunduan
Alin sa mga sumusunod ang TAMA ayon sa konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato na itinatag noong Nobyembre 1, 1897?
Ang konstitusyon ay epektibo nang walang takdang panahon at layunin ang reporma sa ilalim ng Espanya.
May bisa lamang ang konstitusyon sa loob ng dalawang taon at layunin ang ganap na paghihiwalay mula sa Espanya at pagtatatag ng malayang estado.
Itinatag ang konstitusyon noong 1895 at hango sa Konstitusyon ng Estados Unidos.
Layunin ng konstitusyon ang pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol.
Sino ang pinuno ng puwersang pandagat ng Amerika na sumalakay sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898, at ano ang naging kinalabasan para sa Espanya?
Admiral Patricio Montojo; nanalo ang Espanya at lumubog ang mga barkong Amerikano.
Commodore George Dewey; nilubog ang buong puwersa ng Espanya nang walang barkong Amerikano ang nawala.
General Francisco Makabulos; nagwagi ang Espanya at napanatili ang kapangyarihan nito.
Pedro Paterno; naputol ang labanan at nagkasundo sa tigil-putukan.
Alin sa mga sumusunod ang tamang kronolohiya ng mga pangyayaring naganap noong 1898 na nagpakita ng ugnayan sa pagitan ng rebolusyong Pilipino at mga Amerikano?
Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24)
Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24) → Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12)
Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24) → Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12)
Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12) → Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24)
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga probisyon ng Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898?
Isinuko ng Espanya sa U.S. ang Pilipinas, Guam, at Puerto Rico
Nagbayad ang U.S. ng $20 milyon sa Espanya
Umalis ang Espanya sa Cuba
Itinakda ng Kongreso ng Pilipinas ang katayuang sibil at pampolitika ng mamamayan
Sa anong bayan at petsa pormal na idineklara ni Heneral Aguinaldo ang Kasarinlan ng Pilipinas?
Malolos, Enero 23, 1899
Biak-na-Bato, Disyembre 14, 1897
Kawit, Cavite, Hunyo 12, 1898
Silang, Cavite, Hunyo 12, 1899
Pagpirma sa Pacto de Biak-na-Bato noong Disyembre 1897. Ano ang direktang naging bunga nito?
Agad na sumuko ang lahat ng mga Kastila sa Pilipinas.
Ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong kasama ang iba pang opisyal.
Nagkaroon ng pangkalahatang eleksyon para sa bagong pamahalaan.
Agad na idineklara ang soberanya ng Pilipinas.
Ano ang pinakamahalagang aral na matututunan sa naging pakikipagsabwatan ni Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1898?
Ang Amerika ay mapagkakatiwalaang kaibigan at kaalyado.
Ang kapalaran ng bansa ay hindi dapat ipaubaya sa desisyon ng ibang ban
Ang pakikipaglaban sa dalawang bansa nang sabay ay posibleng magtagumpay.
Hindi na kailangang maging handa ang Pilipinas sa sarili nitong kasarinlan.
Ang Kasunduan sa Paris ay nilagdaan ng mga kinatawan ng Espanya at Pilipinas na nagtatapos sa Spanish-American War.
TAMA
MALI
Ang salaping ito ang ibinigay ng pamahalaang Espanyol kay Heneral Aguinaldo at iba pang opisyal kapalit ng kanilang pagpapatapon sa Hong Kong.
₱1,100,000
₱800,000
₱600,000
₱400,000
Siya ang ilustrado at negosyador na naging pangunahing tagapamagitan sa pagitan nina Gobernador-Heneral Primo de Rivera at Heneral Emilio Aguinaldo para sa kasunduang pangkapayapaan noong 1897.
Antonio Luna
Felipe Calderon
Apolinario Mabini
Pedro Paterno
