WorksheetsGMRC4 Reviewer 2nd Quarter — Piliin ang tamang sagot
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Paano makatutulong ang pakikilahok sa mga programa ng paaralan sa pag-unlad ng tiwala sa sarili ng isang mag-aaral?
Napapabayaan ang ibang gawain sa bahay at eskwela
Napapalawak ang kakayahan at talento ng mag-aaral
Nadadagdagan ang oras ng paglaro sa labas ng bahay
Nakakalimutan ang mga tungkulin sa tahanan
Kung ang isang bata ay may hilig sa musika at sumali sa mga programa ng eskwela tulad ng choir o band, ano ang kanyang matutunan na makapagpapalakas ng tiwala sa sarili?
Matututuhan niya kung paano mag-isa sa mga pagsubok
Makikilala niya ang kanyang kahinaan at hindi niya susubukan muli
Makikilala at maipapamalas niya ang kanyang talento sa harap ng iba
Mahihiya siyang ipakita ang kanyang kakayahan sa iba
Sa isang paligsahan sa eskwela, tinulungan ng mga magulang si Miguel na maghanda para sa patimpalak sa pagtula. Ano ang pinakamahalagang matutunan ni Miguel mula rito?
Na mas magaling siya kaysa sa iba kaya hindi na kailangan ang gabay ng pamilya
Na ang suporta ng pamilya ay mahalaga sa pagbuo ng tiwala sa sarili
Na hindi niya na kailangang makinig sa opinyon ng pamilya
Na ang gabay ng pamilya ay hadlang sa kanyang kalayaan
Bakit mahalaga ang pagbabag ng pamilya sa pagpaunlad ng kakayahan at talento ng isang bata?
Ang pamilya ang magbibigay ng kalakasan upang talunin ang mga kalaban
Ang pamilya ay makakatulong sa paghubog ng tiwala sa sarili at pagpapahalaga sa talento
Ang pamilya ay nagbibigay lamang ng limitasyon sa gustong gawin ng bata
Ang pamilya ay naglalagay ng pamantayan na hindi pwedeng lampasan ng bata
Paano makatutulong ang pagpapaunlad ng talento at kakayahan ng isang mag-aaral sa pagtulong sa komunidad?
Makagagawa siya ng mga proyekto para sa kanyang sariling kapakinabangan
Makakapagbigay siya ng mga bagong ideya at solusyon sa mga problema ng barangay
Mas mabibigyan niya ng pansin ang sarili niyang mga pangangailangan kaysa sa komunidad
Hindi na niya kailangang tumulong sa komunidad dahil sa kanyang sariling interes
Kung ikaw ay may kakayahan sa pagguhit at sumali ka sa isang art contest na sinuportahan ng iyong pamilya, ano ang dapat mong gawin pagkatapos ng contest?
Magpasalamat sa suporta ng pamilya at patuloy na paghusayin ang iyong kakayahan
Tanggalin ang anumang kaugnayan sa pamilya dahil mas magaling ka na sa kanila
Huwag nang subukan muli dahil hindi mo nakuha ang unang gantimpala
Humingi ng premyo mula sa pamilya kahit hindi ka nanalo
Bakit nakakatulong sa pagbuo ng tiwala sa sarili ang pagkakaroon ng mga aktibidad sa paaralan na may kaugnayan sa hilig ng isang bata?
Dahil natututo siyang hindi umasa sa iba, kahit sa pamilya
Dahil nakikilala ng ibang tao ang kanyang kakayahan at talent
Dahil mas nakakapon siya ng mga bagong gamit at materyal
Dahil naipapakita niya ang kanyang mga talento sa pamilya at mga kaibigan nang walang takot
Ang iyong pamilya ay may alituntunin na dapat maglinis ng bahay tuwing Sabado. Napansin mo na may mga gawain kang hindi naisasagawa nang maayos. Ano ang iyong gagawin upang maisakatuparan ito nang may kalidad?
Magmadali upang matapos agad ang mga gawain
Hahayaan ang ibang miyembro ng pamilya na tapusin ang hindi mo nagawa
Humingi ng tulong at mungkahi sa iyong pamilya upang mapahusay ang paglilinis
Hihintayin na lang ang susunod na linggo upang magawa ito nang buo
Sa inyong tahanan, ikaw ang inatasang maghugas ng pinggan. Madalas ay kulang ang oras mo dahil sa iba pang gawain. Ano ang magandang hakbang upang magawa ito nang may tiyaga at kalidad?
Humiling na palitan ka ng ibang miyembro ng pamilya
Gawin ito ng mabilis kahit hindi malinis upang matapos agad
Pagplanuhan ang oras ng paggawa at tanggapin ang mga mungkahi ng pamilya upang mapadali ang gawain
Iwasan ang tungkulin at maghanap ng iba pang gawain
Nanghihingi ng mungkahi ang iyong nakababatang kapatid sa tamang paraan ng pagtutupi ng damit. Paano mo ipakikita ang pagtanggap sa mungkahi upang siya ay matuto?
Papagalitan siya kapag hindi niya agad natutunan
Ipapakita sa kanya ng isang beses lamang at hayaan siyang matuto mag-isa
Tuturuan siya nang paulit-ulit at tatanggap ng mungkahi mula sa kanya kung paano siya mas madaling matututo
Hayaan na lamang siya at gagawin mo na lang ang gawain para sa kanya
Bilang isang responsableng kasapi ng pamilya, paano mo maipapakita ang pagtanggap sa mungkahi ng iyong mga magulang tuwing kayo ay nagtutulungan sa pagluluto ng pagkain?
Gagawin ang mungkahi ngunit magmamadali upang matapos agad
Hindi papansinin ang mungkahi dahil alam mo ang tamang paraan
Tatanggapin ang mungkahi at isasagawa ito nang buong tiyaga kahit mahirap
Ipagpapaliban ang pagsunod sa mungkahi at gagawin ang gusto mo
May ipinapagawa ang iyong mga magulang na mahirap para sa iyo, ngunit sa tingin mo ay magtutulungan kayo bilang pamilya. Ano ang dapat mong gawin upang matapos ito nang may kalidad?
Humingi ng payo at mungkahi mula sa pamilya upang malaman ang pinakamadaling paraan
Gawin ang gusto mong paraan kahit may mas maginhawang mungkahi ang iba
Iwasan ang gawain dahil mahirap ito
Sabihin sa pamilya na hindi mo ito kayang gawin at hayaan silang tapusin ito
Paano mo ipapakita ang kahalagahan ng pakikinig sa mungkahi ng bawat miyembro ng pamilya upang mapadali ang mga gawain sa bahay?
Tanggapin ang mungkahi at suriin kung ito ay makakatulong sa iyo sa paggawa ng gawain nang maayos
Palaging tanggihan ang mungkahi dahil mas alam mo kung ano ang dapat gawin
Humingi ng mungkahi ngunit gawin pa rin ang gusto mong paraan
Pabayaan na lang ang iba na magbigay ng mungkahi kahit hindi mo ito isasagawa
Sa tuwing magkakaroon ng problema sa paghahati ng mga gawaing-bahay, paano mo gagamitin ang mungkahi ng pamilya upang mas maging epektibo ang inyong pagtutulungan?
Magmungkahi ng bagong paraan ng paggawa at tatanggap ng payo mula sa pamilya kung paano ito mapapabuti
Gawin ang mga gawain nang mag-isa at huwag nang humingi ng tulong o mungkahi
Ipagpaliban ang mga gawaing-bahay at hintayin na lang ang mungkahi ng iba
Hindi tatanggap ng mungkahi at gagawin ang trabaho ayon sa iyong sariling paraan
Kung may kaklase kang mabagal sumagot sa recitation at napapansin mong naiirita na ang iba, ano ang pinakmabuting paraan ng pagpapasensiya?
Sabihin sa kaklase na bilisan ang pagsagot
Iwasan ang klase para hindi na sumagot
Hayaan siyang sumagot sa sarili niyang oras at bigyan ng suporta
Huwag nang bigyan ng pagkakataon na sumagot ang kaklase
Sa tahanan, paano mo maipapakita na natutunan mong maayos na komunikasyon mula sa iyong pamilya kapag ikaw ay nakikipag-usap sa mga kaibigan?
Makipag-usap nang pasigaw upang marinig ka agad
Maging mapanuri at alamin ang damdamin ng kausap bago magbigay ng opinyon
Pagsalitaan ng masakit ang kaibigan kapag hindi ka sang-ayon
Iwasan ang pakikipag-usap kapag galit
Natutunan mo mula sa iyong mga magulang na mahalaga ang pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Paano mo ito ipapakita kapag nakarinig ka ng mga balitang hindi maganda tungkol sa kaklase mo?
Sabihin agad ang balita sa ibang mga kaibigan
Alamin muna kung totoo ang balita bago magbigay ng komento
Ipagkalat ang balita sa buong klase
Sabihin sa kaklase ang narinig mo upang hindi na siya magalit sa iyo
Kapag ang kapatid mo ay umiiyak dahil hindi natapos ang kaniyang takdang-aralin, paano ka makakapagsalita na nagpapakita ng pagpapasensiya at pag-unawa?
Sabihin na kasalanan niya dahil hindi siya nagplano
Tawanan ang kapatid para mawala ang lungkot
Alok ng tulong at ipaliwanag na hindi lahat ng bagay ay laging madali
Iwasan ang kapatid at hayaan siyang mag-isa
Kung ikaw ay pinagalitan ng iyong magulang dahil hindi ka sumunod sa utos, ano ang tamang paraan ng pagtugon?
Sumigaw at magalit pabalik sa kanila
Humingi ng tawad at subukang intindihin ang kanilang sinabi
Tumahimik at iwasan ang mga magulang buong araw
Pagdiskitahan ang ibang tao para mailabas ang sama ng loob
Habang ikaw ay nasa palengke, napansin mong may nag-away na dalawang tindera dahil sa hindi pagkakaintindihan. Ano ang nararapat mong gawin upang ipakita ang maayos na komunikasyon at pagpapasensiya?
Pakinggan ang away upang malaman kung sino ang mali
Makialam at magsabi ng kung sino ang tama
Manatiling kalmado at alok ng tulong para maayos ang kanilang pinag-aawayan
Umalis at hayaan na lang silang mag-away
Sa inyong klase, may kamag-aral kang madalas napapagalitan dahil hindi niya nagagawa ang takdang-aralin. Paano ka makakatulong gamit ang mga natutunan mo tungkol sa maayos na komunikasyon at pagpapasensiya?
Tulungan siyang unawain ang leksyon at alokan na gabayan siya
Isumbong siya sa guro para matuto siya ng leksyon
Sabihan siya ng masasakit na salita para magsabi siya sa katotohanan
Huwag siyang pansinin at hayaan siyang mag-isa
Sa isang sitwasyon kung saan nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magkakapatid, paano mo maipapakita ang pagiging masunurin at mapagkalinga bilang isang Kristiyanong miyembro ng pamilya?
Pipiliin mong huwag nang makialam upang hindi lumala ang sitwasyon
Magbibigay ka ng payo na huwag mag-away at yayayain sila na maglaro na lang
Aaayusin mo ang gulo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa kanila at pagpapatawag
Magsusumbong ka agad sa magulang upang may sumaway sa kanila
Sa araw ng linggo, hinihikayat kayo ng mga magulang mo na mag-simba bilang isang pamilya. Ngunit may inaasikaso ka pang ibang bagay. Ano ang pinakanaaangkop na gawin bilang pagsunod at pagpakita ng aral mula sa pagsamba?
Sasabihin mo sa magulang na hindi ka makakapunta dahil abala ka
Magpapanggap kang may sakit upang maiwasan ang pagsisimba
Ipaalam mong matatapos mo ang gawain pagkatapos ng misa at sasama ka sa kanila
Sasama ka ngunit palihim kang gumagawa ng iba habang nasa simbahan
Kung ang iyong kapatid ay nagagalit dahil hindi siya pinayagang maglaro sa labas ng bahay, paano mo siya matutulungan na maipakita ang tamang pakikitungo sa magulang at maiwasan ang galit?
Sabihin sa kanya na lumabas nang hindi nagpapaalam sa magulang
Sabihan siya na magpahinga muna at maghintay hanggang sa payagan siya ng magulang
Ituro sa kanya ang tamang oras para makipag-usap nang maayos sa magulang
Sabayan mo siyang magalit upang marinig ang kanyang boses
Habang kumakain ng hapunan, inutusan mo na laging nauunang kumain ang mga nakatatanda. Ano ang dapat mong gawin bilang pagpapakita ng pagpapahalaga at pagsunod sa kultura ng pamilya?
Iwasan na lamang ang pagkain kasabay nila upang hindi na magulo ang hapagkainan
Sumunod sa kanila at kumain pagkatapos nilang magsimula
Uunahan mo na silang kumain dahil nauuna naman sila palagi
Hintayin mo silang matapos upang ikaw na lang ang magligpit ng mga plato
Kapag pinagsabihan ka ng magulang mo tungkol sa iyong gawain sa bahay, ano ang pinaka-mabuting tugon na nagpapakita ng paglalapat ng aral mula sa pananampalataya sa iyong pamilya?
Sasagutin mo sila upang ipagtanggol ang iyong sarili
Tahimik kang makikinig at susundin ang kanilang sinabi
Ipagpapaliban mo ang kanilang utos dahil sa tingin mo, hindi naman mahalaga
Maghahanap ka ng dahilan para hindi sumunod sa kanilang sinabi
Kung makakakita ka ng isang miyembro ng pamilya na nahihirapan sa kanyang gawain, paano mo maipapakita ang pagiging masunurin at mapagkalinga bilang isang mabuting Kristiyano?
Hahayaan mo siya para matuto siya sa kanyang sariling paraan.
Maghihintay ka na lang na hingiin niya ang tulong mo.
Kusang-loob kang tutulong kahit hindi siya humihingi ng tulong.
Ipagpapaliban mo ang pagtulong dahil may sarili ka ring gawain.
May nakitang hindi pagkakaunawaan ang iyong magulang at kapatid tungkol sa mga gawaing bahay. Paano mo ipapakita ang mapagkalingang pakikitungo at pagsunod sa inyong pamilya?
Magsusumbong ka sa ibang kapamilya upang masolusyunan ang problema.
Tutulungan mo silang makahanap ng mapayapang solusyon sa kanilang alitan.
Pipiliin mong manahimik at hayaan silang mag-usap ng walang pakialam.
Makikialam ka sa gulo at maninindigan sa kung sino ang tama.
Ang inyong pamilya ay nagkaroon ng proyekto para sa barangay upang maglinis ng isang lokal na ilog. Bilang bahagi ng proyektong ito, paano mo maipapakita ang pagiging mabuting katiwala ng kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?
Magkakalat ng basura sa tabi ng ilog matapos ang proyekto
Gumamit ng plastik na bote at itapon ito sa ilog
Ipapaliwanag sa mga kasama kung paano makakatulong ang tamang pagtatapon ng basura sa pagpapanatili ng malinis na tubig
Manonood lang habang nagtatrabaho ang iba
Sa inyong bahay, paano ka makakatulong sa pamilya upang mapanatili ang kalinisan ng tubig?
Itatapon ang mga tirang pagkain sa lababo
Tiyakin na hindi nasasayang ang tubig sa pamamagitan ng pagsara ng gripo kapag hindi ginagamit
Hahayaan ang tubig na tuluy-tuloy na dumaloy habang naglalaba
Maghuhugas ng sasakyan araw-araw gamit ang napakaraming tubig
Sa iyong barangay, may mga gawain para sa paglilinis ng mga kanal upang hindi magbara at magdulot ng baha. Ano ang pinakamainam na paraan ng pakikilahok mo at ng iyong pamilya upang mapanatili ang kalinisan ng tubig?
Hayaan ang iba na maglinis at hindi makialam
Itapon ang basura sa mga kanal kahit nalinis na
Mag-volunteer na tumulong sa paglilinis at ipaliwanag sa iba ang kahalagahan nito
Maghintay na lamang sa utos ng kapitan ng barangay bago kumilos
Kung napansin mo na ang iyong pamilya ay madalas magtapon ng mga kemikal, tulad ng labis na sabon at detergent, sa mga kanal, ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang pagiging mabuting katiwala ng kalikasan?
Hikayatin silang gumamit ng natural at eco-friendly na produkto upang mabawasan ang kontaminasyon ng tubig
Hayaan sila dahil bahagi na iyon ng pang-araw-araw na gawain
Gumamit ng mas maraming sabon para mas maging mabula ang tubig
Magtapon ng mga hindi nagamit na kemikal sa likod ng bahay
Paano mo maipapaliwanag sa iyong mga kaibigan ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig tulad ng ilog at lawa?
Sasabihin mo na wala namang masamang epekto ang pagtatapon ng basura sa mga ilog
Ibahagi mo na ang pagtatapon ng basura sa tubig ay nagdudulot ng polusyon at nagpapahira p sa ibang tao at hayop
Hahayaan mo na lang sila dahil hindi mo sila responsibilidad
Magtapon din ng basura kasama nila upang hindi ka mapahiya
Ang inyong pamilya ay nagdesisyong magpatayo ng rainwater collector upang magamit ang tubig-ulan. Paano ito makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig at sa pagiging mabuting katiwala ng likas na yaman?
Magagamit ang tubig-ulan para sa iba’t ibang gawain nang hindi nasasayang ang tubig mula sa gripo
Magiging sanhi ito ng mas maraming basura sa inyong tahanan
Magiging mas madumi ang tubig dahil sa ulan
Mas gugustuhin ninyong magbayad na lamang ng mas mataas na bayarin sa tubig
Paano ipinapakita ng isang pamilya ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga kaugalian Pilipino?
Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga hayop sa kanilang bakuran
Sa pagtuturo ng mga anak na igalang ang watawat ng Pilipinas at sumunod sa pambansang awit
Sa pagbibigay ng regalo tuwing pista
Sa pagpapalago ng negosyo sa labas ng bansa
Ano ang pinakamahalagang paraan upang mapalakas ang damdaming makabayan sa mga kabataan sa loob ng pamilya?
Pagtuturo ng mga kaugalian tulad ng pagmamano at paggalang sa nakatatanda
Pagsusuot ng damit na may mga simbolo ng Pilipinas
Pagpunta sa mga sikat na lugar para makilala ng iba
Pagbili ng mga imported na produkto para maging maunlad
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga kaugalian Pilipino, tulad ng pagtutulungan sa tahanan, sa pagpapatatag ng pamilya?
Dahil nagiging mas maligaya ang bawat miyembro
Dahil ito ay isang paraan upang matulungan ang pamahalaan
Dahil nagpapakita ito ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa isa’t isa
Dahil nagiging mas kilala ang kanilang pamilya sa komunidad
Ano ang isang halimbawa ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan sa tahanan gamit ang mga kaugalian Pilipino?
Pagpapakita ng disiplina sa paggawa ng mga gawaing-bahay
Pagsusuot ng mga tradisyonal na kasuotan tuwing piyesta
Pagtuturo ng wikang banyaga sa mga anak
Pag-iimbak ng mga produktong banyaga sa bahay
Paano nakakatulong ang mga gawaing bayanihan sa pagpapatatag ng pamilya at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata ng pagtutulungan at paggalang sa kapwa
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa komunidad
Sa pag-imbita ng mga kaibigan sa bahay para magdiwang
Sa paggawa ng mga proyekto nang walang pakikipagtulungan sa iba
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kaugalian Pilipino kahit wala ka sa loob ng inyong tahanan?
Sa pamamagitan ng pagbili ng mga imported na gamit sa eskwelahan
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaugalian tulad ng paggalang sa guro at pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan
Sa pagkuha ng litrato ng mga paborito mong lugar sa Pilipinas at pag-post nito sa social media
Sa pagpapakita ng pagiging mabait sa mga turista na bumibisita sa inyong bayan
