wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Worksheet on Konsensiya (Conscience)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya?

a)

Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.

b)

Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.

c)

Makakamit ng tao ang kapayapaan at katarungan.

d)

Lahat ng nabanggit.

2.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.

b)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinakalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

3.

Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?

a)

Mapalalaganap ang magandáng buhay.

b)

Makakamit ng tao ang tagumpay.

c)

Maaabot ng tao ang kaniyang kaganapan.

d)

Mabubuhay ang tao nang walang hanggan.

4.

Ang sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa:

a)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

b)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat pagdadalawang-isip pa.

c)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

d)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

5.

Paano nakatutulong ang konsensiya ng isang tao sa paggabay sa kaniya na pumili ng makatarungan at etikal na desisyon sa gitna ng mapaghamong buhay?

a)

Nagbibigay ito ng patnubay sa pag-unawa ng tamang kilos na dapat gawin.

b)

Nakikiramdam ito sa mali na dapat iwasan.

c)

Nagpapasya ito ayon sa subhetibong pang-unawa ng tao.

d)

Hindi ito nagbibigay ng anumang epekto sa desisyon.

6.

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance) o Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance) 6. Isang estudyante na hindi nag-aaral ng mabuti at hindi nag-aattend ng klase, kaya hindi siya nakakakuha ng sapat na kaalaman.

a)

Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance)

b)

Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

c)

Kamangmangan sa Batas (Ignorance of the Law)

d)

Kamangmangan sa Katotohanan (Ignorance of the Fact)

7.

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance) o Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance) 7. Isang tao na alam ang mga panganib ng paninigarilyo ngunit hindi pinipiling itigil ang paninigarilyo o tuluyang umaalis ito.

a)

Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance)

b)

Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

c)

Kamangmangan sa Batas (Ignorance of the Law)

d)

Kamangmangan sa Katotohanan (Ignorance of the Fact)

8.

Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance) o Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

a)

Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

b)

Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance)

c)

Kamangmangang Pansamantala (Temporary Ignorance)

d)

Kamangmangang Kusang-loob (Voluntary Ignorance)

9.

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance) o Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance) 9. Isang tao na nakakaalam na may mga pagkakaiba-iba sa mga pananaw tungkol sa isang isyu ngunit pinipili lamang makinig sa mga impormasyon na umaayon sa kanilang paniniwala.

a)

Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance)

b)

Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

c)

Kamalayan sa Katotohanan (Awareness of Truth)

d)

Pagwawalang-bahala (Indifference)

10.

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan ng Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance) o Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance) 10. Isang tao na lumaki sa isang komunidad na may partikular na relihiyon at hindi kailanman nailantad sa ibang pananaw o ideya.

a)

Kamangmangang Di-Madaraig (Invincible Ignorance)

b)

Kamangmangang Madaraig (Vincible Ignorance)

c)

Kamangmangan sa Batas (Ignorance of the Law)

d)

Kamangmangan sa Pananampalataya (Ignorance of Faith)