NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahan Araling Panlipunan 5 Reviewer 2
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Bakit maaaring sabihing magkaugnay ang tradisyong paggawa ng bangka at ugnayan sa pamilya sa sinaunang lipunan?
Parehong may kaugnayan sa ritwal ng kasal.
Ang bangka ay ginagamit bilang libingang pansamantala.
Kapwa ito kolektibong isinasagawa ng mga miyembro ng pamilya.
Ang paggawa ng bangka ay isinasagawa bilang palamuti sa bahay.
Sa iyong palagay, Alin sa mga sinaunang tradisyon ang dapat panatilihin sa kasalukuyan?
Panliligaw gamit ang social media.
Pag-iwas sa pag-aaral ng mga lumang gawi.
Pagpapakasal ng walang pahintulot ng magulang.
Pagdiriwang ng pista na may ritwal na alay sa kalikasan.
Ano ang pangunahing layunin ng pagsusuot ng tattoo (pusad o halop) ng mga sinaunang Pilipino?
pampaganda lamang
makilala ng dayuhan
maprotektahan laban sa sakit
palatandaan ng katayuan sa lipunan o tapang
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sinaunang sining ng pagpapalamuti ng katawan?
Pag-aani ng palay.
Pagtatayo ng kubo.
Paggawa ng palayok.
Paglalapat ng pusad o halop.
Ang mga sinaunang Pilipino na may mataas na katayuan sa lipunan ay gumagamit ng gintong palamuti sa kanilang ngipin. Ito ay tinatawag na:
alahas o perlas
ginto at pilak
kislap o kinang
pusad o halop
Bakit tinuturing na mahalagang bahagi ng sining ang tattoo ng mga sinaunang Pilipino? Dahil ito ay:
uso sa kabataan.
simbolo ng katapangan at paniniwala.
ginagawa gamit ang modernong kagamitan.
ginagawa gamit ang makalumang kagamitan.
Ikaw ay gumagawa ng mural para sa paaralan tungkol sa sinaunang sining ng Pilipino. Alin sa mga elementong ito ang angkop isama sa iyong disenyo?
Guhit ng mandirigmang may tattoo at ginto.
Imahe ng bahay kubo, mga gulay at prutas.
Logo ng mga sikat at paboritong K-pop group.
Mga modernong fashion model at sikat na mang-aawit.
Ano ang pagkakatulad ng tattoo (pusad), kasuotan, at alahas ng sinaunang Pilipino? Lahat ay:
gawa mula sa iba’t ibang uri ng kahoy.
ginagamit upang ipahayag ang sarili o paniniwala.
may kinalaman sa iba’t-ibang agrikultura at pagsasaka.
ipinapakita at isinusuot tuwing may kasal, binyag o okasyon.
Laganap ang paglalagay ng tatoo sa mga lalaki at babae sa Pilipinas noong sinaunang panahon. Ang tatoo ay markang inilalagay sa balat ng tao gamit ang tinta o iba pang pangkulay. Ano ang simbolo ng pagpapatatoo ng mga sinaunang Pilipino?
Pinaniniwalaan nagtataglay ng kapangyarihan at kayamanan.
Kapangyarihan sa pamumuno sa lipunan at pakikipaglaban sa dayuhan.
Nagpapakita ng pagkakakilanlan, tapang, kagandahan at may mataas na antas sa lipunan.
Nagtataglay ng simbolo ng mahika, kapangyarihan at proteksiyon ng mga sinaunang Pilipino.
Bakit maituturing na sining ang mga ginagawang alahas ng mga sinaunang Pilipino? Dahil ito ay:
ginagamit sa mga piyesta
ibinibenta sa ibang bansa
ginagawa ng mga kabataan
nagpapakita ng malikhaing pagpapahayag gamit ang lokal na materyales
Alin ang tamang pagkakasundo-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng bangka sa Pilipinas noong sinaunang panahon?
pagpili, pagtapyas at pag-ukit ng kahoy; paghuhugpong ng kahoy; pag-ukit ng disenyo; at paglalagay ng katig at layag.
pagtapyas at pag-ukit ng kahoy; pagpili at paghuhugpong ng mga kahoy; paglagay ng katig, layag, mga disenyo at palamuti.
paglalagay ng katig at layag; pagpili, pagtapyas, at pag-ukit ng kahoy; paghuhugpong ng kahoy; at pag-ukit ng mga disenyo.
pagpili at pagtapyas ng kahoy; pagkinis at pag-ukit ng kahoy; paglalagay ng katig at layag; paghuhugpong ng kahoy at pag-ukit ng mga disenyo.
Kung ikaw ay tatanungin, Alin sa mga sinaunang uri ng pagpapalamuti ang nararapat pang panatilihin at isulong sa kasalukuyan at makabagong panahon?
Kasuotan na gawa at disenyo ng mga dayuhan.
Tattoo, bilang pagpapahayag ng pagkakakilanlan at sining.
Alahas na gawa sa ginto at tanso na maaring ipagbili at pagkakitaan.
Pagpupusad/halop na may natatanging simbolo ng pagkakakilanlan.
Alin sa sumusunod na disenyo ang dapat gawin upang makita ang konsepto ng pagkakatulad sa bahay kubo?
Magdisenyo at gumawa gamit ng mga materyales ng bahay kubo na may makabagong mga kasangkapan.
Gumawa ng replika ng bahay kubo bilang dekorasyon at may magagarang palamuti na yari sa konkreto at makabagong kagamitan upang mas matibay.
Gumamit ng imported na materyales para mas magmukhang moderno na may replika sa bahay kubo at may natural na materyales gaya ng pawid o kawayan.
Gumamit ng disenyo ng bahay kubo tulad ng mataas na sahig, malalawak na bintana, at bubong na pawid ngunit isama ang mas matibay na materyales tulad ng kawayan treated wood at solar panels.
Alin sa mga sinaunang ugnayan ng Pilipinas sa Asya ang sa tingin mo ay pinakamahalagang ipagpatuloy?
Kalakalan sa ekonomiya
Pagpapalitan ng relihiyon
Pagpapalitan ng teknolohiya
Pakikipag-ugnayan sa larangan ng sining at panitikan
Alin sa mga bansang Asyano ang unang nakipag-ugnayan sa sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng kalakalan?
Arabia
Hapon
India
Tsina
Ano ang maaaring epekto nito kung walang ugnayan ang Pilipinas sa ibang bansa sa Asya?
Naging mas makabago ang teknolohiya.
Mas mabilis na natutunan ang Kristiyanismo.
Mas mabagal ang pag-unlad ng kultura at ekonomiya
Mas nauna tayong nakapagpatayo ng mga modernong gusali.
Ano ang salik ang nagbigay-daan sa mabilis na palitan ng kalakal at kaalaman sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia noong unang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon?
pagkakatulad ng kultura ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia
ang heograpikong lapit ng Pilipinas sa Malaysia at Indonesia
pagiging kasapi ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia sa ASEAN
ang Austronesyang pinagmulan ng mga Pilipino, Malay at Indones
Ano ang impluwensiyang Tsino na tinatawag na “feng shui?
Paniniwalang ang mga gawa ng isang tao ay direktang epekto sa kaniyang kinabukasan.
Ito ay isang bagay na ginagamit upang maunawaan at balansehin ang enerhiya sa isang espasyo o tahanan.
Isang paraan pamamaraan ng pag-aayos ng mga bagay sa kapaligiran upang magdulot ng kasaganaan.
Pulang sobre ns may lamang pera, na karaniwang ibinibigay ng mga Tsino Bilang regalo sa espesyal na okasyon.
Kung ikaw ay gagawa ng vlog tungkol sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asya noon at ngayon, alin ang pinakamahalagang tema na dapat mong bigyang-diin?
kasunduan sa malayang kalakalan
pagkakaiba ng mga produkto at kalakalan.
palitan ng ekonomiya, kultura, at relihiyon.
palitan at kalakalan ng mga iba’t-ibang produkto.
Ang sumusunod ay ang mga katuruan ng Islam na naging pangunahing haligi ng Islam na lumaganap sa Pilipinas, Alin ang tamang pagkasunod-sunod nito?
Salah, Shahada, Zakat, Hajj, Sawm
Shahada, Salah, Zakat, Sawm, Hajj
Zakat, Salah, Shahada, Hajj, Sawm
Hajj, Shahada, Sawm, Zakat, Salah
Sa kasaysayan ng Pilipinas, Ano ang mahalagang nangyari noong Ikasiyam na siglo sa panahon ng Dinastiyang Tang sa Tsina?
Naputol ang ugnayag pagkalakalan ng Pilipinas at Tsina
Humina ang ugnayang pagkalakalan ng Tsina at Pilipinas.
Nagsimula ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina.
Muling sumigla ang ugnayang pangkalalalan ng Tsina at Pilipinas.
Bakit madaling tinanggap ng ilang pamayanang Pilipino ang relihiyong Islam noong una itong ipinakilala?
ipinag-utos ito ng mga Espanyol
may sapilitang pagpapatupad sa lahat ng lugar
kakaiba sa lahat ng paniniwalang alam ng mga katutubo
sa mga kaugalian ng Islam na kahalintulad ng mga umiiral na paniniwala
Kung ikaw ay nakatira sa isang lugar na may makasaysayang ugnayan sa Islam (halimbawa: Sulu o Lanao), Paano mo maipakikita ang paggalang sa kasaysayan at kultura ng mga Muslim sa inyong Komunidad?
Pagsusuot ng katutubong kasuotan ng ibang relihiyon.
Pagpapalaganap ng ibang pananampalataya sa mga Muslim.
Pag-iwas sa mga aktibidad at gawain ng mga tagasunod ng Islam.
Pakikibahagi at paggalang sa mga panrelihiyong pagdiriwang ng mga Muslim.
Paghambingin ang paglaganap ng Islam at Kristiyanismo sa Pilipinas. Ano ang isang mahalagang pagkakaiba sa kanilang paraan ng paglaganap?
Ang Kristiyanismo ay lumaganap sa pamamagitan ng kalakalan at kasal samantalang ang Islam ay sapilitang ipinatupad.
Parehong lumaganap ang Islam at Kristiyanismo sa pamamagitan ng Edukasyong itinaguyod ng pamahalaang Amerikano.
Ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng digmaan, habang ang
Kristiyanismo ay sa pamamagitan ng tahimik na pamumuhay
Ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng kalakalan at kasal
samantalang ang Kristiyanismo ay lumaganap sa pananakop ng mga
Espanyol.
Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na batayang katuruan ng Islam?
Pagtanggap sa mga batas ng Kastila
Pagkilala sa pamumuno ng mga Datu.
Paniniwala sa maraming Diyos ng kalikasan.
Pagtanggap sa limang haligi ng pananampalataya.
Paano nakaapekto ang mga turo ng Islam sa pamahalaang Sultanato sa Mindanao?
Pinagtibay ng sultanato ang pagkakahiwalay ng relihiyon at pamahalaan
Ang Sultanato ay pinamunuan gamit ang batas na Sharia, na nakabatay sa Islam.
Naitatag ang pamahalaang sultanato na gumamit ng mga batas na batay sa Kristiyanismo.
Ang pamahalaang sultanato ay nagpataw ng mga batas mula sa pamahalaang Amerikano.
Bilang isang mag-aaral sa isang pamayanang may kasaysayang Islam, Paano mo magagamit ang isa sa mga katuruan ng Islam upang makatulong sa iyong Komunidad?
Iwasan ang pakikipagkaibigan sa mga hindi Muslim.
Ipagpilitan sa iba ang iyong relihiyong paniniwala at kaugalian.
Tanggihan ang pakikilahok sa mga aktibidad ng ibang pangkat o grupo.
Magbigay ng tulong sa kapwa anuman ang kanilang paniniwala, tulad ng Zakat.
Paghambingin ang pamahalaang sultanato sa pamahalaang barangay bago dumating ang Islam. Ano ang pangunahing pagkakaiba nila?
Ang pamahalaang barangay ay may sariling relihiyong Islamiko.
Ang barangay ay pinamumunuan ng sultan, samantalang ang sultanato ay pinamumunuan ng datu.
Ang barangay ay gumagamit ng batas ng Islam, samantalang ang sultanato ay gumagamit ng batas ng Kastila.
Sa sultanato, may sistemang relihiyoso na batayan ng pamumuno, samantalang ang barangay ay nakabatay sa kaugalian ng mga ninuno.
Paano nakatulong ang ugnayan ng sinaunang bayang Pilipino sa mga bansang Asyano sa pag-unlad ng ating kultura?
Nawala ang orihinal na kultura ng mga Pilipino.
Napalitan ng banyagang wika ang wikang Pilipino.
Naging sakop tayo ng ibang Asyano bago pa man dumating ang Espanyol.
Naidagdag ang iba’t ibang impluwensiyang Asyano sa ating pananamit, pagkain, at paniniwala.
Kung ikaw ay gagawa ng exhibit tungkol sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansang Asyano, Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na isama?
Halimbawa ng mga produktong Europeo sa Pilipinas.
Replika ng kagamitang Tsino at alahas mula sa India.
Listahan ng mga panibagong batas mula sa Amerikano.
Mga larawan ng pamumuno ni Haring Felipe II ng Espanya at ang mga naiambag nito.
