WorksheetsSecond Periodical Test in EPP 4
Total questions: 40
Worksheet time: 31mins
I. Multiple Choice: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng agrikultura?
A. Paggawa ng gusali sa bayan
B. Paggawa ng kasangkapan sa bahay
C. Pagtitinda ng produkto sa palengke
D. Pagtatanim ng halaman at pag-aalaga ng hayop para sa pagkain
2. Alin sa mga sumusunod ang sangay ng agrikultura na may kaugnayan sa paghahalaman?
A. Pangingisda
B. Hortikultura
C. Paggugubat
D. Pag-aalaga ng hayop
3. Paano mo maipapakita sa inyong bahay ang iyong natutunan tungkol sa agrikultura?
A. Maglaro ng video games
B. Magtago ng buto sa lalagyan
C. Manood ng telebisyon buong araw
D. Magtanim ng gulay o prutas sa bakuran
4. Ano ang unang hakbang sa pagtatanim ng halaman?
A. Pag-aani ng binhi
B. Pag-aani ng bunga
C. Pagdidilig araw-araw
D. Paghahanda ng lupang tataniman
5. Bakit kailangang linisin at bungkalin ang lupa bago magtanim?
A. Para hindi tumubo ang halaman
B. Para magamit muli ang mga damo
C. Para mas madali itong makita ng mga insekto
D. Upang maging maganda ang taniman at makahinga ang ugat ng
halaman
6. Kung gusto mong magtanim ng gulay sa bakuran, ano ang dapat mong gawin?
A. Ihalo ang basura sa lupa
B. Magtanim nang walang paghahanda
C. Hayaang matuyo ang lupa bago magtanim
D. Gumamit ng pataba at linisin ang paligid bago magtanim
7. Kung wala kang bakanteng lupang mapagtataniman, anong alternatibong paraan ng paghahalaman ang maaari mong gamitin?
A. Urban Gardening
B. Pagtatanim sa ilog
C. Pagtatanim sa palayan
D. Pagtatanim sa kagubatan
8. Bakit mahalagang matutunan ang iba’t ibang alternatibong paraan ng paghahalaman tulad ng container gardening at vertical gardening?
A. Dahil mas maganda itong tingnan sa bahay
B. Dahil hindi na kailangan ang araw sa mga halaman
C. Dahil mas madali itong itapon kapag hindi tumubo
D. Dahil nakatutulong ito upang makapagtanim kahit maliit ang espasyo
9. Bakit mahalaga ang paghahalaman sa tao at sa kalikasan?
A. Dahil nakasasama ito sa lupa
B. Dahil nakakapagod ang pagtatanim
C. Dahil nagiging dahilan ito ng polusyon
D. Dahil nagbibigay ito ng pagkain, hangin, at kagandahan sa paligid
10. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng paghahalaman sa inyong tahanan?
A. Iwasang diligan ang mga halaman
B. Itapon ang mga tuyong dahon sa kalsada
C. Putulin ang mga halaman para luminis ang paligid
D. Magtanim ng halaman sa paso o bakuran upang makatulong sa
kalikasan.
11. Alin sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kalikasan at likas na yaman ng bansa?
A. DA (Department of Agriculture)
B. DTI (Department of Trade and Industry)
C. DOLE (Department of Labor and Employment)
D. DENR (Department of Environment and Natural Resources)
12. Kung ikaw ay kasapi ng inyong barangay youth group, paano mo maipapakita ang pagsuporta sa mga batas at programa ng gobyerno tungkol sa pangangalaga ng kalikasan?
A. Manatili na lamang sa bahay
B. Magtapon ng basura kahit saan
C. Makilahok sa tree planting sa komunidad
D. Pumutol ng puno para sa proyekto sa paaralan
13. Si Edith Dacuycuy ay kilalang “Dragon Fruit Lady” ng Ilocos Norte. Ano ang ipinapakita niyang katangian bilang isang matagumpay na maghahalaman?
A. Pag-asa sa tulong ng iba
B. Pagtatapon ng mga sirang halaman
C. Katamaran at pagsuko sa pagsubok
D. Kasipagan, tiyaga, at inobasyon sa pagtatanim
14. Kung gusto mong maging matagumpay tulad ni Edith Dacuycuy, ano ang dapat mong gawin?
A. Umasa sa iba para magtanim
B. Maging masipag sa pagtatanim
C. Hayaang mamatay ang mga tanim
D. Maghintay lang ng ani kahit walang ginawa
15. Ano ang ibig sabihin ng compost?
A. Basura na hindi nabubulok
B. Kemikal na ginagamit sa halaman
C. Insekto na tumutulong sa pagtubo ng halaman
D. Pataba na gawa sa mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, balat ng
gulay, at prutas
16. Kung gusto mong makatulong sa kalikasan habang inaalagaan ang mga halaman, ano ang pinakamainam mong gamitin?
A. Plastik na pataba
B. Kemikal na pestisidyo
C. Tubig lang araw-araw
D. Organikong pataba at natural na pestisidyo
17. Ano ang pinakamagandang dahilan kung bakit mas mainam gamitin ang organikong pataba kaysa sa kemikal na pataba?
A. Mas maganda ang kulay nito
B. Mas mabango ito kaysa sa kemikal
C. Mas madali itong mabili sa palengke
D. Mas mura ito at hindi nakasasama sa lupa at kalikasan
18. Kung ikaw ay pipili sa pagitan ng paggamit ng kemikal na pestisidyo at paggawa ng sariling natural na pestisidyo, alin ang pipiliin mo at bakit?
A. Huwag gumamit ng kahit ano
B. Parehong gamitin upang mas sigurado
C. Natural na pestisidyo, dahil ligtas ito sa tao at kalikasan
D. Kemikal na pestisidyo, dahil mas mabilis pumatay ng insekto
19. Alin sa mga sumusunod ang salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar na pagtataniman?
A. Madilim at mabato ang lugar
B. Mababa at palaging binabaha
C. Malayo sa pinagkukunan ng tubig
D. May sapat na sikat ng araw, tubig, at maayos na lupa
20. Paano mo maipapakita na isinasaalang-alang mo ang tamang salik sa pagtatanim?
A. Magtanim ng anumang halaman kahit saan
B. Hayaang mabasa ng ulan nang labis ang lupa
C. Magtanim ng halaman sa may lilim upang hindi uminit
D. Gumamit ng tamang uri ng lupa at diligan ang mga halaman
21. Bakit hindi mabuti ang magtanim sa lugar na palaging binabaha?
A. Dahil mas malamig sa ganitong lugar
B. Dahil mas maraming insekto ang dumarating
C. Dahil nagiging mas maganda ang dahon ng halaman
D. Dahil natatanggal ang sustansya sa lupa at nabubulok ang ugat
22. Kung pipili ka ng lugar para magtanim ng gulay, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam, at bakit?
A. Lugar na madilim at tuyo
B. Lugar na mabato upang madaling maalis ang tubig
C. Lugar na matarik upang madaling dumaloy ang ulan
D. Lugar na may araw, malusog na lupa, at sapat na patubig
23. Ano ang ibig sabihin ng natural na pamamaraan ng pagtatanim?
A. Pagtatanim sa paso lamang
B. Paggamit ng kemikal na pataba at pestisidyo
C. Pagtatanim gamit ang mga makinang pang-agrikultura
D. Paggamit ng organikong pataba at likas na paraan ng pangangalaga
24. Kung ikaw ay nagtatanim ng kamatis, paano mo maisasagawa ang natural na paraan ng pagtatanim?
A. Gumamit ng kemikal upang mabilis tumubo
B. Itago sa loob ng bahay upang hindi maarawan
C. Gumamit ng organikong pataba at natural na pestisidyo
D. Hayaan na lang ang halaman na lumaki nang walang diligan
25. Bakit kailangang isagawa ang pagtatanim nang may pag-iingat?
A. Upang hindi ito masyadong lumaki
B. Upang mas mabilis itong mamatay
C. Upang hindi ka mapagod sa pagtatanim
D. Upang maiwasang masira ang mga ugat ng halaman at masiguro ang maayos na paglaki nito
26. Kung pipili ka sa pagitan ng paggamit ng kemikal o natural na pamamaraan ng
pagtatanim, alin ang pipiliin mo at bakit?
A. Wala, dahil pareho lang ang epekto
B. Parehong gamitin upang makatiyak ng ani
C. Kemikal, dahil mas madali at mabilis ang resulta
D. Natural, dahil nakatutulong ito sa kalikasan at ligtas sa tao
27. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pre-care activity bago magtanim?
A. Pag-aani ng bunga
B. Pagpapatuyo ng mga binhi
C. Paghahanda lupang tataniman
D. Paglalagay ng pataba pagkatapos magtanim
28. Paano mo maipapakita ang pag-aalaga sa mga pananim habang ito ay lumalaki (during-care)?
A. Pagtatago ng paso sa madilim na lugar
B. Hayaang lumaki nang walang dilig o pataba
C. Pagpuputol ng mga dahon kahit bata pa ang halaman
D. Regular na pagdidilig at pagtanggal ng damo sa paligid ng halaman
29. Ano ang paraan ng sekswal na pagpaparami ng halaman?
A. Paggamit ng tangkay o sanga
B. Pagpapatubo ng ugat sa tubig
C. Paggamit ng buto bilang pananim
D. Paghihiwa ng dahon at pagtatanim nito
30. Kung nais mong magparami ng halaman sa paraang asekswal, alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin?
A. Pagtatanim ng buto ng kamatis
B. Pagtanim gamit ang binhi ng palay
C. Pagpuputol ng sanga at pagtatanim nito sa paso
D. Paghahasik ng mga buto sa malawak na taniman
II. Matching type: Itapat ang palatandaan at paraan ng pag-aani sa Hanay B batay sa ipinapakita mga indikasyon na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
31. Malalago at may tamang laki na ang bunga ng halaman.
Hanay B
Palatandaan / Paraan
A. Manwal na pag-aani
B. Mekanikal na pag-aani
C. Katamtamang gulang at kulay ng bunga bilang palatandaan
D. Wastong oras ng pag-aani upang mapanatili ang kalidad ng ani
II. Matching type: Itapat ang palatandaan at paraan ng pag-aani sa Hanay B batay sa ipinapakita mga indikasyon na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
32. Pinipili ng magsasaka kung kailan ang tamang oras ng pag-aani upang mapanatili ang kalidad.
Hanay B
Palatandaan / Paraan
A. Manwal na pag-aani
B. Mekanikal na pag-aani
C. Katamtamang gulang at kulay ng bunga bilang palatandaan
D. Wastong oras ng pag-aani upang mapanatili ang kalidad ng ani
II. Matching type: Itapat ang palatandaan at paraan ng pag-aani sa Hanay B batay sa ipinapakita mga indikasyon na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
33. Paggamit ng kamay sa pag-aani ng mga halamang may malambot na tangkay.
Hanay B
Palatandaan / Paraan
A. Manwal na pag-aani
B. Mekanikal na pag-aani
C. Katamtamang gulang at kulay ng bunga bilang palatandaan
D. Wastong oras ng pag-aani upang mapanatili ang kalidad ng ani
II. Matching type: Itapat ang palatandaan at paraan ng pag-aani sa Hanay B batay sa ipinapakita mga indikasyon na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
34. Pag-aani gamit ang karit o itak para sa mga halamang palay at tubo.
Hanay B
Palatandaan / Paraan
A. Manwal na pag-aani
B. Mekanikal na pag-aani
C. Katamtamang gulang at kulay ng bunga bilang palatandaan
D. Wastong oras ng pag-aani upang mapanatili ang kalidad ng ani
III. Identification: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
35. Bakit kailangang linisin at ayusin muna ang mga ani bago itago o ibenta?
A. Pag-iimbak o storage
B. Upang maiwasan ang pagkabulok, mapanatiling sariwa, at maging kaaya-
aya sa mamimili.
C. Paggawa ng maayos na display o stall, paggamit ng mga karatula at
presyong malinaw.
D. Magbebenta ako sa tamang presyo, magiging magalang sa mamimili, at
gagamit ng organikong produkto para sa kalusugan ng lahat.
III. Identification: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
36. Pagkatapos ng pag-aani, ano ang tawag sa paraang ginagawa upang
mapanatiling sariwa at hindi madaling masira ang mga ani?
A. Pag-iimbak o storage
B. Upang maiwasan ang pagkabulok, mapanatiling sariwa, at maging kaaya-
aya sa mamimili.
C. Paggawa ng maayos na display o stall, paggamit ng mga karatula at
presyong malinaw.
D. Magbebenta ako sa tamang presyo, magiging magalang sa mamimili, at
gagamit ng organikong produkto para sa kalusugan ng lahat.
III. Identification: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
37. Ano ang isang malikhaing paraan ng pagbebenta ng mga ani upang
makahikayat ng mamimili?
A. Pag-iimbak o storage
B. Upang maiwasan ang pagkabulok, mapanatiling sariwa, at maging kaaya-
aya sa mamimili.
C. Paggawa ng maayos na display o stall, paggamit ng mga karatula at
presyong malinaw.
D. Magbebenta ako sa tamang presyo, magiging magalang sa mamimili, at
gagamit ng organikong produkto para sa kalusugan ng lahat.
III. Identification: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
38. Kung ikaw ay may sariling ani, paano mo bubuuin ang iyong paraan ng
pagbebenta upang makatulong sa pamilya at komunidad?
A. Pag-iimbak o storage
B. Upang maiwasan ang pagkabulok, mapanatiling sariwa, at maging kaaya-
aya sa mamimili.
C. Paggawa ng maayos na display o stall, paggamit ng mga karatula at
presyong malinaw.
D. Magbebenta ako sa tamang presyo, magiging magalang sa mamimili, at
gagamit ng organikong produkto para sa kalusugan ng lahat.
IV. Computation: Basahin at sagutin nang tama ang bawat sitwasyon. Gamitin ang mga pormula sa ibaba.
Mga Pormula (Formulas):
Kabuuang Kita = Dami ng Produkto × Presyo bawat Isa
Tubo = Kabuuang Kita – Kabuuang Gastos
39. Si Ana ay nagbenta ng 10 kilo ng kamatis sa halagang ₱40 bawat kilo.
Gumastos siya ng ₱250 para sa pataba at transportasyon. Magkano ang tubo ni Ana?
(a)
IV. Computation: Basahin at sagutin nang tama ang bawat sitwasyon. Gamitin ang mga pormula sa ibaba.
Mga Pormula (Formulas):
Kabuuang Kita = Dami ng Produkto × Presyo bawat Isa
Tubo = Kabuuang Kita – Kabuuang Gastos
40. Si Ben ay nagbenta ng mga tanim na okra. Ang kanyang Kabuuang Kita ay ₱850 at Kabuuang Gastos ay ₱500. Magkano ang tubo ni Ben?
(a)
