NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 4 — Worksheet Questions
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ano ang maaaring epekto ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian?
Polusyon
Pagbaha at pagguho ng lupa
Pagkakaingin
Chloroflourocarbons
Ano ang tawag sa pagtaas ng temperatura ng mundo sanhi ng mga chloroflourocarbons na nanggagaling sa mga industriya at mga kabahayan?
Global Warming
Bio-intensive gardening
Climate Change
Pagbaha at pagguho
Ang isyung pangkapaligiran na ginawa ng tao para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali _______.
Polusyon
Pagkakaingin o pagsusunog
Climate Change
Global Warming
Ito naman ay maaaring gawin sa mga bagay na pagtapon na ngunit maaaring pang magamit, kumpunihin, ibigay sa mga nangangailangan o ipagbili.
Reduce
Reuse
Recycle
Reforestation
Isang matalinong pangangasiwa naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay ay tinatawag na _______.
Reuse
Recycle
Reduce
Rotation
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
Pagsusunog ng basura
Bio-intensive gardening
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Pagtatayo ng pabrika sa malapit sa ilog at dagat.
Ito ay nagsisilbing isa sa mga hamon para sa mga magsasaka.
Makabagong teknolohiya
Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto
Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda at pagsasaka ang pagbabago ng klima at iba pang likas na pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño Phenomenon. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
Maraming hamon at oportunidad na hinaharap ang iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa.
Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oportunidad lamang ang isipin ng mga magsasaka at mangingisda.
Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami pang ibang hamon ang darating sa kanila.
Ang ibig sabihin na ang bansang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na bansa.
Mayaman ang nakatira dito.
Marami ang nagtitinda dito.
Malawak ang taniman dito.
Malaki ang mga pabrika dito.
Pangunahing pangkabuhayan ng ating bansang Pilipinas dahil sa napalibutan ito ng kalupaan at katubigan.
Turismo at Kalakal
Pagsasaka at Pangingisda
Magnegosyo at OFW
Pagmimina at Pagtotroso
Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy: Bulkan Mayon.
Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya
Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy: ginto, pilak at tanso.
Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya
Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy: Bangui Windmill.
Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya
Aling rehiyon ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon at industriya?
NCR
Rehiyon IV
Rehiyon II
Rehiyon XII
Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
Dahil makabago ang kanilang pamamalakad.
Dahil nasa sentro ito ng bansa.
Dahil maraming magagandang gusali rito.
Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at kumita.
Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na malapit sa dagat ang kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang posibleng maging hanapbuhay ng mag-anak doon?
magsasaka
maghahabi
mangingisda
tubero
Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?
paghahabi ng tela
pilak at ginto
palay, mais at gulay
perlas at kabibe
Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na ________.
pangingisda
pagkaingin
pangangaso
paglililok
Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?
Polusyon
Industriyalisasyon
Global Warming
Climate Change
Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya, saan inilalaan ang pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto o ito ay muling pagtatanim?
Pagkakaingin
Climate Change
Reforestation
Global Warming
Saan nabuo ang World Summit on Sustainable Development na naglalayon sa patuloy na pagsasakatuparan ng sustainable consumption?
Tokyo
Manila
Spain
Johannesburg
Ito ang nagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mga layunin ng likas kayang pag-unlad sa Pilipinas.
United Nations Millennium Development
Philippine Strategy for Sustainable Development
Department of Environment and Natural Resources
United Nations Conference on Human Development
Ano ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinion ng buong lipunan na batay sa kanilang karanasan at kinagawian?
Kultura
Kabuhayan
Lokasyon
Heograpiya
Ang iyong kamag-aaral na sina Anna at Marie ay nagyaya na maglaro kayo ng tumbang preso at patintero, samantala si Pia at Christine ay nagyaya na maglaro ng computer games na ang gumawa ay mga dayuhan. Sino ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan?
si Pia
sina Anna at Marie
si Anna Marie
sina Pia at Christine
Paano maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura?
Ipagmalaki na palagi kang nanonood ng K Drama.
Ipagmalaki na galing sa ibang bansa ang iyong mga damit.
Ipagmalaki na tumatangkilik ka sa mga larong video games na ginagawa ng mga dayuhan.
Ipagmalaki ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino gaya ng pakikisama, bayanihan, at pakikipagkapwa.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino maliban sa isa.
Pagtangkilik sa larong Pinoy.
Pagkalimot sa ating tradisyon.
Paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.
Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad?
Ipagwalang-bahala na lamang.
Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad.
Magtulungan sa pagpaunlad ng kanilang komunidad.
Makipaglaban sa isa't isa upang magkaroon ng iisang nangungunang kultura lamang.
Ang kultura ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang isang mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang kulturang Pilipino?
Panonood ng mga cultural dance
Pagbili ng mga Produkto ng iba’t ibang bansa
Panonood ng mga pelikulang Pilipino at banyaga
Pamamasyal sa ibang bansa kay sa mga pamanang pook o lalawigan ng bansa.
Paano ka higit na maging mabuting tao?
Hindi ako sasama sa kahit anong kultural na grupo.
Pag-aaralan na matutunan ang kultura ng ibang mga grupo.
Sasama sa pinakamagaling na grupong kultural sa sariling bayan
Nirerespekto ko ang paniniwala, kaugalian, at pagpapahalaga ng ibang tao.
Paano ipinapakita na may ugnayan ang kultura sa pagkakakilanlang Pilipino?
Dahil mayaman at makulay ang kulturang Pilipino
Dahil ang ating kultura ay simbolo ng ating bansa kaya nakikilala ito sa iba’t ibang bansa.
Dahil sa ating mga kinagawian at tradisyon kaya ang ating kultura ay iniugnay sa ating pagkakakilanlan.
Dahil pinupuntahan, ipinagmamalaki at ipinapamahagi sa iba ang mga magagandang tanawin at pamanang pook ng bansa.
Tawag sa mahabang panahon ng tag-init.
windmill
Reforestation
Climate Change
El Niño Phenomenon
Ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na pangyayari tulad ng kalamidad.
Lokasyon
Climate Change
Direksiyon
Pagkakaingin
Ito ay mahalaga at nagmumula ang mga produkto na pangunahin pangangailangan ng tao para sa patuloy na pamumuhay.
Sa pagsusugal at pagbibisyo
Sa kanyang malalaking bahay
Sa kanyang magagandang sasakyan
Sa kanyang kabuhayan o pagtatrabaho
Paano makatutulong ang isang guro sa pagpapaunlad ng likas kayang pag-unlad o sustainable development?
Pagbabawas sa paglaki ng mga rural na lugar
Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
Pagkakaroon ng Property Rights Reform
Kailan natukoy ng United Nations Conference on Human Development ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran?
1972
1973
1974
1975
Sa taong ito binuo ng United Nations ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunlaran.
1978
1987
1979
1988
Makalipas ang isang dekada, nabuo sa taong ito ang World Summit on Sustainable Development.
2000
2002
2001
2004
Ito ay tumutukoy sa pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit ang kanilang pangangailangan.
Agenda 21
sustainable consumption
United Nations
sustainable development
Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang istratehiya para matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Rio Earth Summit
United Nations Millennium Development
Philippine Strategy for Sustainable Development
United Nations Conference on Human Environment
Binuo ito ng Nagkakaisang mga Bansa upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
Philippine Strategy for Sustainable Development
Department of Environment and Natural Resources
United Nations Conference on Human Development
World Commission on Environment and Development
