NEW
Font size
WorksheetsESP 10 Review Quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang pinakatumpak na halimbawa ng kilos na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos?
Si Anna ay agad tumulong sa kaklase na nahirapan, kahit hindi na siya nag-isip kung ano ang dapat unahin.
Si Marco ay inisip muna ang epekto ng kanyang desisyon, ninais na makatulong, at kusang-loob na tumulong sa proyekto.
Si Lea ay gumawa ng desisyon matapos siyang kausapin ng kanyang guro tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa patakaran.
Si John ay tinulungan ang kaibigan dahil may kapalit siyang hinihintay, kahit alam niyang mabuti ang pagtulong.
Si Rina ay naharap sa isang mabigat na pasya: tutulong ba siya sa kapatid sa gawain sa bahay o maglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan? Inisip muna niya ang maaaring kalabasan ng bawat pagpipilian, pinili ang mas makabubuti sa kanyang pamilya, at tumulong sa kapatid. Batay sa kwento, alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na pagkakasunod-sunod ng yugto ng makataong kilos na isinagawa ni Rina?
Kaalaman sa sitwasyon → Pagnanais tumulong → Pagpapasya → Kilos
Pagpapasya → Pagnanais tumulong → Pagsasagawa ng kilos
Pag-iwas sa kaibigan → Pagkilala sa problema → Pagkilos
Pagnanais → Kilos → Pagpapasya pagkatapos
Napansin ni Alyssa na palagi siyang nagpapasya nang pabigla-bigla lalo na kapag siya ay galit. Nais niyang baguhin ito upang maging responsable sa kanyang mga kilos. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang hakbang para maipakita ni Alyssa ang paglalapat ng makataong kilos sa sarili?
Maglaan ng oras para magpahinga tuwing nakakaramdam ng galit.
Mag-reflect muna bago gumawa ng desisyon.
Humingi ng tulong sa kaibigan o magulang kapag may mabigat na pasya.
Paalalahanan ang sarili na siya ay may pananagutan sa bawat desisyon.
Napagalitan si Leo ng kanyang guro dahil hindi niya naipasa ang proyekto sa tamang araw. Napagtanto niyang sinadya niyang ipagpaliban ang paggawa nito para lang makalaro. Gusto niyang maitama ang kanyang naging pasya. Ano ang pinakamainam na plano ni Leo upang maitama ang kanyang kilos batay sa yugto ng makataong kilos?
Mag-sorry siya sa guro at mangako na hindi na mauulit.
Gumawa siya ng iskedyul para mas ma-manage ang oras sa susunod.
Alamin niya kung bakit niya pinili ang paglalaro kaysa tungkulin.
Lahat ng nabanggit ay makatutulong sa pagsasaayos ng kanyang kilos.
Paano nagkakaroon ng halaga ang kilos-loob sa proseso ng makataong kilos?
Ito ang nagbibigay ng lakas sa tao upang isakatuparan ang mabuting pasya.
Ito ang humuhubog ng damdamin upang hindi makasama sa iba.
Ito ang tagapagpasiya kapag ang isip ay naguguluhan.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating sundin ang utos ng iba.
Bakit mahalaga ang masusing pag-iisip o pagninilay sa bawat yugto ng makataong kilos?
Dahil ito ang tumutulong upang mapag-isipan kung alin ang makakabuti o makasasama.
Dahil ito ang nagpapasya kung susundin ang damdamin o hindi.
Dahil ito ang unang hakbang bago gumawa ng aksyon.
Dahil ito ay awtomatikong bahagi ng lahat ng ginagawa ng tao.
Si Carlo ay humarap sa isang desisyong dapat piliin kung magsisinungaling siya upang mailigtas ang sarili o aaminin ang pagkakamali at tanggapin ang parusa. Aling pahayag ang nagpapakita ng masusing pagsusuri batay sa makataong kilos?
Pinili niyang magsabi ng totoo dahil alam niyang ito ang tama.
Nais niyang magsinungaling pero naisip niyang mas mabuting umamin.
Alam niyang mahirap ang katotohanan pero nanaig ang kanyang konsensya.
Alam niyang mahirap ang katotohanan pero nanaig ang kanyang konsensya.
Nais tumulong ni Andrea sa kanyang kamag-anak na may sakit. Inisip niya kung paano siya makakatulong, pinili ang pagbebenta ng pre-loved items online, at isinakatuparan ito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kompletong yugto ng makataong kilos sa ginawa ni Andrea?
Inisip niya ang problema at agad siyang gumawa ng kilos.
Ninais niyang tumulong, kaya gumawa siya ng paraan.
Inisip niya ang dapat gawin, pinili ang tamang kilos, at isinagawa ito.
Nais niyang tumulong at agad siyang nagbenta ng gamit.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng huling yugto ng makataong kilos?
Pagpapasya batay sa konsensiya
Pagnanais na makamit ang layunin
Pagpili ng pinakamabuting paraan
Pagsasakatuparan ng layunin (kilos na aktwal)
Alin sa mga sumusunod ang unang yugto ng makataong kilos?
Pagnanais (intensiyon) ng layunin
Pag-isip o pag-alam sa layunin
Pagsang-ayon ng kalooban sa layunin
Pagpili ng paraan upang makamit ang layunin
