wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANIMULANG PAGSUSULIT KWARTER 3_PART 2

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang pangkapuluang Timog Silangang Asya ay humarap sa hamon ng pagkabansa matapos ang Kumperensiya ng Bandung. Isa sa hamon ay ang nangingibabaw ng puwersang militar na nagdulot ng awtoritaryang rehimen. Anong hamon ang tinutukoy sa pahayag?

a)

Pang-ekonomiya

b)

Demokrasya ng Elit

c)

Pangkapaligirang hamon

d)

Paglakas ng Impluwensiyang Militar

2.

Hindi din nakaligtas sa mga hamon sa pagkabansa ang pangkapuluang Timog Silangang Asya matapos ang Kumperensiya ng Bandung. May hamong pampolitika, pang-ekonomiya at iba pa. Alin sa sumusunod ang hamong kinaharap ng bansang Pilipinas matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Problema sa minoryang pangkat na Hmong na sumuporta sa Amerika.

b)

Alitan sa teritoryo dulot ng mapangahas na hakbang ng Tsina sa East Philippine Sea.

c)

Nahati ang Luzon, Visayas at Mindanao sa pagitan ng komunismo, kapitalismo at pasismo.

d)

Paglakas ng impluwensiya ng militar na nangangako ng pambansang pagkakaisa at modernisasyon.

3.

Ang Singapore ay nakaranas ng iba’t ibang hamon sa pagkabansa. Tulad ng hamong pang-ekonomiya na kawalan ng trabaho at limitadong likas na yaman. Alin sa sumusunod ang tugon ng Singapore sa hamong pang-ekonomiya na ito?

a)

Pagtao ng mga minahan upang maghanap ng mga bagong yaman

b)

Pagbabawal sa pag-import ng mga produkto mula sa ibang bansa

c)

Pagtutok sa agrikultura para mapunan ang kakulangan sa likas na yaman

d)

Pagpapaunlad ng pagmamanupaktura at paghikayat ng dayuhang namumuhunan

4.

Ang Indonesia ay naharap sa hamong etnikong tensyon pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung. Naging trahedya ang paglilinis laban sa Indonesian Communist Party. Aling pamamaraan kaya ang ginawa ng Indonesia?

a)

Pinalais sa Indonesia ang ICP.

b)

Sinupil sa marahas na paraan ang ICP.

c)

Tumakas ang ICP sa Indonesia at lumipat sa Tsina.

d)

Nagsulong ng kooperasyong pangrehiyon ang ICP sa US.

5.

Ang mga hamon sa pagkabansa ay nangangailangan ng solusyon mula sa pamahalaan at mamamayan nito. Ang mga hamong gaya ng pang-ekonomiya, pampulitika at seguridad ay kailangang malampasan ng bansa. Alin sa sumusunod na itutugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa hamong kinaharap nito matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Kumalas sa United Nations.

b)

Ibalik ang diktatoryang pamahalaan.

c)

Pagpapalakas ng kooperasyong pang-rehiyon sa pamamagitan ng ASEAN.

d)

Umanib sa komunistang bansa na makatutulong sa pagsugpi sa banta sa seguridad.

6.

Isa ang Pilipinas na nakapagtamo ng pagkabansa pagkatapos ng kolonyalismo. Mula sa pagtamo ng kalayaan sa mga mananakop hanggang sa pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan. Paano naipakikita ng isang bansa ang kanyang pagkabansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tao, may sariling pamahalaan at likas na yaman.

b)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasarinlan, may sariling bansang estado, at malawak na teritoryo.

c)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalayaan, may sariling pamahalaan at pambansang identidad.

d)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng soberanya, may pamahalaang diktadura at manliliit na ekonomiya.

7.

Sa pagkamit ng kasarinlan ng bansa, may mga tao o pangkat na nangunguna upang pag-alabin ang damdaming nasyonalismo. Tulad ng Young Men’s Buddhist Association sa Burma. Alin ang paraan na ginawa nila sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Burmese?

a)

Paggamit ng katawagang thakins na nangangahulugang panginoon.

b)

Pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan.

c)

Pagmamalaki sa pagkakaroon ng nagkakaisang mamamayan ang bansa.

d)

Pagkuha sa suporta ng magkakaibang pangkat etniko para pagbubuklod ng bansa laban sa mga mananakop na British

8.

Ang kasarinlan ay mahalaga sa pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng isang bansa. Tulad na lamang noong idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Bakit mahalaga ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong 1898?

a)

Dahil nag-organisa sila ng mga rebolusyonaryong grupo.

b)

Dahil ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

c)

Dahil ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng isang bagong pamahalaan.

d)

Dahil ito ang nagpapakita sa mundo na ang Pilipinas ay isang malayang bansa.

9.

Ang nasyonalismo ay masidhing pagmamahal sa bansa. Ito rin ang nagsilbing pangunahing pwersa ng Cambodia at Vietnam sa paglaban sa mga banyagang mananakop. Bakit mahalaga sa bansa ang pagpapamalas ng kanilang nasyonalismo?

a)

Dahil ito ang nagpapabuti ng pagkakaisa ng mamamayan

b)

Dahil ito ang nagpapaundlad sa ekonomiya at pamahalaan ng bansa

c)

Dahil ito tulong sa mga hamon ng pagkabansa sa Cambodia at Vietnam

d)

Dahil nagagamit ito ng mga sundalo upang manalo sila mga labanan o digmaan

10.

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naghahangad ng kalayaan mula sa mga mananakop. Tulad na lamang ng Burma at Indonesia na gumawa ng paraan upang makalaya sa mga British. Aling magkatulad na pamamaraan ang ginawa ng dalawang bansa sa pagtamo ng kanilang kasarinlan?

a)

Bumuo ng mga samahang makabayan.

b)

Pagkakaroon ng labanan sa Pugad Lawin.

c)

Sabay na nagpahayag ng kanilang kalayaan noong Disyembre 27, 1949.

d)

Kumampi sa Amerika na malaki ang naitulong sa pagpapatalsik sa mga British.

11.

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay gumawa ng iba’t ibang hakbang upang matamo ang kasarinlan. Tulad ng Vietnam na matapang at nakipagmatigasan sa mga Pranses matapos magkaroon ng pagkakataong gawin ito. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng pagtamo ng kasarinlan ng Vietnam? I. Nagsagawa ng riot ang mga Vietnamese laban sa mga Pranses. II. Nakipag-usap sa mga Pranses ang mga makabayang pangkat ng Vietnam. III. Sumiklab ang labanan, Vietnam laban sa US at Pransya at nanalo ang Vietnam. IV. Idineklara ni Ho Chi Minh ang kasarinlan ng Vietnam ngunit di kinilala ng Pransya.

a)

I, III

b)

B. III, IV

c)

C. II, III

d)

D. II, IV

12.

Malalim ang naging karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa na rito ang Bataan Death March. Bakit nakaapekto ang Bataan Death March sa mga Pilipino?

a)

Nagdulot ito ng malaking takot at pagkatalo sa mga Pilipino, kaya’t humina ang kanilang diwa ng paglaban.

b)

Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga Pilipino na magsanib-puwersa sa mga Hapon upang tapusin ang digmaan.

c)

Nagreresulta ito sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas matapos ang digmaan.

d)

Pinatibay nito ang pagkakaisa at nasyonalismo ng mga Pilipino, at nagbigay inspirasyon sa kanilang laban para sa Kalayaan.

13.

Ang digmaan sa Pasipiko sa pagitan ng Amerika at Hapon ay bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nasangkot ang Pilipinas sa digmaang ito. Bakit nasangkot ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Dahil ang Pilipinas ay kolonya at kaalyado ng Estados Unidos kaya inatake ng Hapon ang bansa.

b)

Dahil kumampi ang Pilipinas sa Great Britain.

c)

Dahil ang Pilipinas ay neutral at hindi nakialam sa anumang alyansa sa digmaan.

d)

Dahil ang Pilipinas ay may sariling kapangyarihang nukleyar na naging banta sa Hapon.

14.

Maraming hamon sa pagkabansa ang hinarap ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa na dito ang hamon sa aspektong pampolitika kung saan umiiral ang demokrasya ng elit. Bakit nagdudulot ng hindi pantay na representasyon sa politika ng Pilipinas ang demokrasya ng elit?

a)

dahil sa malawakang katiwalian.

b)

dahil sa pagkakaroon ng maraming partido.

c)

dahil sa kakulangan ng boto ng mamamayan.

d)

dahil sa political dynasty at mayayaman lamang ang nasa posisyon ng pamahalaan.

15.

Ang naranasang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya ay nagdulot ng maraming hamon pang-ekonomiya. Gaya sa Pilipinas, nasira ang mga imprastruktura tulad ng kalsada, tulay, gusali at mga paaralan. Bakit nakaapekto ang mga pagkasira ng imprastruktura sa ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Nakatulong ito sa pag-unlad ng mga bagong teknolohiya sa mga pabrika.

b)

Nagresulta ito sa mas mabilis na pag-unlad ng mga paaralan at ospital sa bansa.

c)

Nagdulot ito ng pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho, at maraming negosyo ang nagsara.

d)

Nagbigay ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga tao na makahanap ng trabaho sa ibang bansa.

16.

Ang mga hamon sa pagkabansa ang sumubok sa pagtutol sa kolonyalismo ng pangkontinenteng TSA. Bilang tugon sa hamon ay nabuo ang NAM o Non-Alignment Movement. Bakit ito ang kanilang naging tugon sa hamon ng pagkabansa matapos ang Kumperensiyang Bandung?

a)

dahil ito ang magpapalakas sa Amerika.

b)

dahil ito ang magpapahina sa kooperasyong Asyano-Aprikano.

c)

dahil ito makakapapabago sa ideolohikal na hidwaan ng Cold war.

d)

dahil ito ang maninindigan para sa di pakikipag-alyansa sa US at USSR at pagkakapantay-pantay.

17.

Sa pagtatapos ng Kumperensiya ng Bandung ay humarap sa mga hamon ng pagkabansa ang pangkontinenteng TSA. Magkakatulad sila ng hamon na kinaharap sa larangan ng seguridad at ekonomiya. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang makatutulong upang matugunan ang hamon sa pagkabansa ng pangkontinenteng TSA matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Pagpapalakas ng mga alyansa at kasunduan sa kalakalan.

b)

Pagtutok sa pagpapaalaganap ng mga ideolohiyang kolonyal.

c)

Pagbuo ng mga kilusang laban sa kolonyalismo at imperyalismo.

d)

Tutularan ang mga kanluranang sistema ng pamahalaan at edukasyon.

18.

Naging hamong pampolitika sa Indonesia ang pagkakaiba ng relihiyon, etniko at pagiging archipelago nito. Ipinatupad ni Sukarno ang guided democracy, kung saan ang mga matatanda sa bawat komunidad ay nagsisilbing gabay sa paggawa ng mga desisyon. Bakit naging tugon ni Sukarno ang pagtaguyod ng guided democracy?

a)

dahil nais niya na magtatag ng pamahalaan na puro matatanda.

b)

dahil nais niyang magbigay ng kapangyarihan ang mga kabataan ng bansa.

c)

Dahil nais niyang magtatag ng bansa nang hindi na panghihimasukan ng mga banyaga.

d)

Dahil nais niyang panatilihin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.

19.

Nakaranas ng mga hamong pampolitika ang mga tao ng Timor-Leste. Kabilang na ang panggigipit ng Indonesia upang gawing probinsiya ang bansa. Alin sa sumusunod ang naging tugon ng lider ng Timor-Leste?

a)

Nagtatag ng isang kilusang panrelihiyon para magkaisa ang mga tao ng Timor-Leste.

b)

Itinatag ang Falintil, isang armadong grupo na lumaban sa pamahalaan ng Indonesia para sa kalayaan.

c)

Naglunsad ng mga kampanya para sa edukasyon para mapataas ang kaalaman ng mga mamamayan.

d)

Lumahok sa mga negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Indonesia at mga bansa ng Timor-Leste.

20.

Ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mamamayan ay mahalaga para sa pag-unlad ng bansa. Paggawa ng batas at pagkakaloob ng serbisyo ay ilan lamang sa pagtugon na ng pamahalaan. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mamamayan?

a)

magpost sa social media na nagpapasalamat sa pamahalaan.

b)

pasalaman sa pamahalaan sa pamamagitan ng pamimigay ng flyers.

c)

sumunod sa patakaran ng pamahalaan at maging mapanagutang mamamayan.

d)

magsagawa ng street party para pasalamatan ang pamahalaan sa pagtugon nila sa pangangailangan ng mamamayan.

21.

Ipagpalagay na ikaw ay nasyonalista ng Indonesia sa panahong nais muling sakupin ng mga Dutch ang bansa. Nakibaka ang mga nasyonalista para makamit nang tuluyan ang kalayaan. Paano mo masuusuportahan ang iyong kapwa nasyonalista nang hindi sumasali sa digmaan?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sariling kultura at pagsuporta sa produktong Dutch

b)

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga peace talks at negosasyon sa mga Dutch ukol sa kalayaan ng bansa.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ideya ng kalayaan sa pamamagitan ng mga posters, flyers at pahayagan.

d)

Sa pamamagitan ng pagtulong sa pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan dulot sa digmaan.

22.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pilipinas ay dumanas ng iba’t ibang hamong pang-ekonomiya. Tulad ng lumalaking agwat ng mayaman sa mahirap. Paanong naging hamong pang-ekonomiya ang lumalaking agwat ng mayaman sa mahirap?

a)

Dahil marami sa mga Pilipino ang ayaw sa blue collar job.

b)

Dahil ang mga Pilipino ay mas nais na magtrabaho sa ibang bansa.

c)

Dahil sa kakulangan ng programa ng pamahalaan para sa mga mahihirap na Pilipino.

d)

Dahil sa kabila ng pagtaas ng Gross Domestic Product ay nananatili pa rin ang pagkakaroon ng maraming mahihirap sa bansa dahil sa hindi patas na distribusyon ng kita.

23.

Ipagpalagay na ikaw ay isang lider ng Pilipinas. Nahaharap ang iyong bansa sa problema ng neokolonyalismo, kung saan malaki ang kontrol ng dayuhang kumpanya sa iyong ekonomiya. Paano mo bibigyan ng tugon ang hamon ito upang mapalakas ang ekonomiya ng iyong bansa?

a)

sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kontrol ng dayuhan sa ekonomiya.

b)

sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

c)

sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa lokal na negosyo at industriya.

d)

sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mas mataas na buwis sa mga dayuhang kumpanya.

24.

Bilang Mayor ng Makati, kailangan mong tugunan ang hamong panlipunan kaugnay ng pagkakaiba-iba sa antas ng pamumuhay, wika, at relihiyon. Maaari itong magdulot ng hindi pagkakaintindihan at magpahina sa pagkakaisa. Paano mo haharapin ang hamong ito upang mapanatili ang pagkakaisa at pag-unlad?

a)

Magkaroon ng isang buwan na pagpaplano upang pag-usapan ang mga isyu tungkol sa pagkakaisa at pag-unlad.

b)

Mag-organisa ng mga programa na nagpapakita ng kahalagahan ng respeto at pagkakaintindihan sa bawat tao.

c)

Magbigay ng mga espesyal na benepisyo sa mga hindi kumikita ng higit sa isangdaang libong piso kada buwan.

d)

Magpatupad ng mga batas na sumasang-ayon sa lahat ng mga opinyon ng mga tao upang makaiwas sa kaguluhan.

25.

Sa balita at social media, madalas napapanood mo ang mga kababayan natin na humihingi ng tulong medikal kundi man ay nagrereklamo tungkol sa pagtrato sa kanila sa mga pagamutan. Kung ikaw ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, paano mo tutugunan ang Health Care System ng ating bansa?

a)

ipapasara ko ang mga pagamutan tatanggi sa mga pasyente.

b)

magreseta ng mga generic brand na gamot sa mga pasyente.

c)

gamutin ng libre ang lahat ng pasyente at bigyan ng cash assistance hanggang sa gumaling.

d)

pagpapalakas sa mga pasilidad, serbisyong pangkalusugan at paghusayin ang public health infrastructure.