wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-aral sa Maikling Kuwento

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng masining na panitikan ang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan?

a)

maikling katha

b)

maikling tula

c)

maikling akda

d)

maikling talata

2.

Alin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga kasagutan sa suliranin ng akda?

a)

panimula

b)

wakas

c)

banghay

d)

pababang aksiyon

3.

“Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya Luo.” Alin sa sumusunod ay sumasalamin sa kulturang Tsino?

a)

pag-iwas sa responsibilidad 


b)

 pagpapahalaga sa pamilya 


c)

pakikipagkaibigan 


d)

pakikipagkapuwa


4.

Anong larangan ang sumasakop sa mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sine o bilang bahagi ng industriya ng libangan?

a)

dula

b)

role play

c)

pelikula

d)

maikling kuwento

5.

Alin sa mga pahayag sa ibaba ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mahusay na paglalarawan?

a)

may tiyak at kawili- wiling paksa

b)

may tiyak na layunin sa paglalarawan

c)

may malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita

d)

gumamit ng anumang salitang nakaaantig sa damdamin ng mambabasa

6.

“Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kaniya ng dapat gawin at hindi dapat gawin, sa pagtingin sa kaniya ng mababa umaangat ang kanilang sarili.” Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?

a)

may mga taong sunod-sunuran

b)

may mga taong mapagsamantala

c)

may mga taong api at mapagmataas

d)

may mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili

7.

Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging ito?

Natatanaw ko ang aking sarili sa isang masusukal at tahimik na kapaligiran. Tanging huni ng ibon lamang ang maririnig at paspas ng hangin. Isang maliit na bahay na giray na giray na yari sa kawayan ang makikita sa di-kalayuan.

a)

tagpuan

b)

banghay

c)

tauhan

d)

kasukdulan

8.

Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari sa kuwento?

a)

panimula

b)

kasukdulan

c)

suliranin

d)

wakas

9.

“Dapat lang na maging maayos ang buhay mo sa taong ito. Dapat may trabaho ka na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya.” Anong katangian ng mga lalaki ang ipinakikita rito?

a)

inaasahang mangalaga sa tahanan

b)

inaasahang mag-alaga sa mga anak

c)

inaasahang magtrabaho para sa asawa

d)

inaasahang magtrabaho para sa pamilya

10.

“Nakabilanggo pa rin ang kanyang isip at damdamin kahit siya ay nakalaya na mula sa ilang taong pagkabilanggo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?

a)

Naalala niya ang kanyang mga kasama sa bilangguan

b)

Hindi pa rin siya nakalabas mula sa bilangguan.

c)

Iniisip niya ang mga naiwan sa loob ng bilangguan.

d)

Lagi niyang naalala ang mga karanasan sa loob ng bilangguan.

11.
  1. Saang bahagi ng kuwento matatagpuan ang pinakapinakanakakapanabik na tagpo?

a)

Kasukdulan 

b)

Suliranin 


c)

Simula


d)

Pababang Aksyon


12.

Kapag ang isang kuwento ay nagtatapos na bukas sa interpretasyon ng mambabasa, ang ganitong uri ng wakas ay tinatawag na ________.

a)

Masayang wakas

b)

Malungkot na wakas

c)

Open-ended

d)
  1. Trahedya

13.
  1. Bakit sinasabing ang banghay ay kaluluwa ng kuwento?

a)

Dahil ito ang nagbibigay-buhay at direksyon sa lahat ng pangyayari sa kuwento.

b)

Dahil ito ang nagsasabi kung sino ang bida.


c)

Dahil ito ang pinakamahabang bahagi ng kuwento.


d)

 Dahil ito ang tumutukoy sa damdamin ng tauhan.


14.

Sa maikling kuwentong “Niyebeng Itim,” paano ipinakita ang bisa ng maayos na banghay?

a)

 Sa malinaw na paglalarawan ng taglamig sa Beijing.

b)

Sa maayos na pag-usad ng mga pangyayari mula sa kalayaan ni Li Huiquan hanggang sa kanyang pagharap sa bagong buhay.

c)

Sa pagtuon sa mga tauhang hindi mahalaga.


d)

Sa kawalan ng solusyon sa problema.


15.
  1. Anong katangian ni Li Huiquan ang maituturing na positibong halimbawa para sa mga mambabasa?

a)

Pagsuko sa problema


b)

Pagpapanggap na mabait


c)

Pagtitiyaga at pag-asa sa pagbabago

d)

Pag-iwas sa lipunan