WorksheetsReviewer Filipino 6 Midyear
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sa kuwentong nabasa, madalas gawin ni Kunyong Palaka na magyabang sa kaniyang kakayahan at anyo. Ano ang kaniyang ginawa upang patunayan sa lahat ng hayop lalo na kay Asyong Baka ang kakayahan nito?
Tumalon nang tumalon at umakyat sa mga puno.
Pinalaki ni Kunyong Palaka ang kaniyang katawan.
Nagsalita nang nagsalita tungkol sa kaniyang kakayahan.
Nakipagsuntukan sa mga hayop lalo na sa maliliit na kasamahan.
Ano ang dahilan ng patuloy na pagdami ng mga turistang bumibisita sa Pilipinas?
Sa magagandang tanawin at destinasyon sa bansa.
Sa ating wikang ginagamit sa pakikipag-usap sa dayuhan.
Sa mga tradisyonal na sayaw, musika at kasuotan ng mga Pilipino.
Sa mga produktong pang-export tulad ng saging, kape at hilaw na sangkap.
Batay sa usapan ng magkakapitbahay, ano ang maaaring makatulong sa kanila upang makaahon sa buhay?
Ang pagtitiwala sa sarili
Umasa sa tulong ng ating pamahalaan
Makatapos ng pag-aaral ang mga anak
Ang kanilang sariling kakayahan at talino
Bakit mahalaga ang ChatGPT sa larangan ng edukasyon at negosyo?
Dahil ito ay isang libangan lamang
Dahil kayang palitan ng ChatGPT ang lahat ng guro
Dahil hindi na kailangang mag-aral kapag may ChatGPT
Dahil ito ay tumutulong sa mabilis na komunikasyon at pagbibigay ng impormasyon
Alin sa sumusunod na pahayag ang may wastong gamit ng pangngalan tungkol sa insidente sa Scarborough Shoal?
Kinondena nito ang nangyaring insidente.
Bumangga ang Coast Guard sa sarili nitong warship.
Sa Scarborough Shoal naganap ang naturang insidente ng pagbangga.
Dalawang warship ang ipinadala ng bansang Amerikano para magpatrolya.
Sa pahayag tungkol sa scam gamit ang Facebook groups at GCash, alin ang may tamang gamit ng panghalip?
Maraming netizen ang nabiktima nito.
Ang naturang grupo ay kinasuhan ng lahat.
Naghain siya ng kaso sa ilang administrador.
Nabiktima roon ang maraming mamamayan.
Ano ang ipinakitang ugali ni Daga nang ngatngatin niya ang tali ng hawla upang iligtas si Haring Tamaraw?
Galit na galit siya kay Haring Tamaraw.
Siya ay nagpakita ng katapangan at pagkamatulungin.
Gutom na gutom ito kaya naisipang ngatngatin ang hawla.
Nais niyang humingi ng tulong sa Haring Tamaraw at makakain.
Ano ang ipinapahiwatig na kilos at pahayag ni Haring Tamaraw na labis siyang nagpasalamat at nakipagkaibigan kay Daga?
Marunong siyang lumaban sa mga kaaway.
Ayaw niyang makisalamuha sa ibang hayop.
Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.
Gusto niyang ipakita na siya ang pinakamalakas na hayop.
Ano ang kahulugan ng sawikaing "nagsusunog siya ng kilay gabi-gabi"?
Nanonood ng telebisyon
Masigasig na nag-aaral
Nagpapaturo sa kaklase
Namamasyal kasama ang mga kaibigan
Gamit ang mga pangyayaring nasa loob ng kahon, alin ang nagpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? a. Galing sa mahirap na pamilya si Shane. b. Nagsumikap sa pag-aaral ang dalaga at matagumpay naman niyang natapos ang kaniyang kurso. c. Nagtulungan ang mag-asawa na itaguyod ang kanilang mga anak sa pag-aaral. d. Naging maginhawa ang kanilang buhay nang makatapos at nakahanap ng trabaho ang kanilang mga anak. e. Salat man sa materyal na bagay ang kanilang mag-anak, punong-puno sila ng pagmamahalan.
a-b-c-d-e
a-e-c-b-d
c-b-d-e-a
a-e-b-c-d
Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga paghahandang ginawa ni Eala kaya siya nanalo?
Pagsali sa internasyonal na torneo
Pagsasanay nang regular
Pagtutok sa nutrisyon at kalusugan
Pagkakaroon ng disiplina sa laro
Masiyahan sa ginagawang pag-eensayo
May isang matangkad na Kabayo at isang maliit na Pulang Tandang na nagtalakay kung alin ang mas mabuti, ang pagiging matangkad o maliit. Habang naglalakad, nakakita sila ng pader na may masaganang mga dahon. Madaling nakakain si Kabayo dahil abot niya ito sa pagtitingala. Pagkaraan ng ilang saglit, natagpuan nila ang isang napakataas na pader. Hindi makapasok si Kabayo dahil wala siyang madaanan ngunit nakakita naman si Pulang Tandang ng butas sa ibaba at nakapasok sa isang malawak na gulayan. Doon siya kumain nang masaya. Anong hinuha ang maaaring mabuo mula sa kwento?
Maghihiwalay sila ng landas dahil hindi sila nagkasundo.
Magiging malungkot sila dahil walang nakinabang sa kanilang laki o liit.
Magkakasundo sila na parehong may pakinabang ang pagiging matangkad at maliit.
Patuloy na mag-aaway ang dalawa dahil gusto nilang ipakitang isa sa kanila ang magaling.
Ayon sa balita, ang grupong Bantay Katiwalian ay naghain ng reklamong korapsiyon sa Office of the Ombudsman laban sa dalawampu (20) opisyal ng DPWH at apat (4) na kontraktor dahil sa maaanomalyang flood control project. Ano kaya ang kalabasan ng pangyayaring ito?
Tiyak na mapapawalang-sala ang lahat ng inirereklamo.
Maaaring mas lalo pang lumala ang baha dahil sa reklamo.
Maaaring hindi na muling magsagawa ng flood control project ang pamahalaan.
Maaaring masuspinde o makasuhan ang mga opisyal at kontraktor kung mapatunayanang sangkot sila sa anomalya.
Tumawag ng pulong ang punong barangay ng Barangay Masilong upang pag-usapan ang lumalalang kaso ng dengue sa kanilang lugar. Nais magpahayag si Mang Binoy ng kaniyang saloobin tungkol sa maaaring gawin upang maagang maagapan ang pagtaas ng bilang ng mga naaapektuhan. Anong magalang na pananalita ang maaari niyang sabihin sa gitna ng pulong?
Mali po yata ang mga iyan!
Sige po, gawin ang gusto ninyo.
Walang po kaming alam sa inyong mga binanggit.
Maaari po bang magbigay ng suhestiyon kagalang-galang na kapitan?
Si Gng. Lerma Santos ang punong-guro ng Paaralang Elementarya ng San Matias. Kinausap niya ang mga guro tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Pagbasa. Inilahad ni Gng Santos ang kaniyang mga plano ukol dito. Isa sa mga guro na si Bb. Santiago, ang nais magbigay ng reaksyon sa mga naging mungkahi ng punong-guro. Aling magalang na pananalita ang maaaring sabihin upang maibigay ang reaksyon ni Bb. Santiago?
Ma’am, ulitin nga po ninyo?
Ma’am mukhang hindi po malinaw ang sinabi ninyo?
Ma’am, parang hindi ko po maintindihan ang lahat?
Kung maaari po sana bubuo tayo ng komite upang mapadali ang mga gawain?
Kinausap ni Mang Rico ang kaniyang anak na si Buboy na maglinis sa bakuran. “Bigyan mo ng patuka ang mga manok at kumuha ng panggatong para may magamit ang iyong ina”. Aling pangungusap ang may wastong gamit ng panghalip na panao?
Naglinis siya ng bakuran.
Diyan ikaw maglinis sa sala.
Pakainin atin ang mga manok, Buboy.
Kumuha lahat ng panggatong pagkatapos niyang magwalis.
Alin ang wastong pangungusap na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pagkain ng gulay?
Anong gulay ang gusto mo?
Saan kayo kumain ng masarap na gulay?
Ano-ano ang dapat ninyong kainin araw-araw?
Paano nakatutulong ang gulay sa ating katawan?
Ano ang pangunahing layunin ng kwento ng Langgam at Tipaklong para sa isang batang katulad mo?
Magbigay-aliw lamang sa mga mambabasa.
Ipakita ang pagkakaibigan ng mga hayop sa kagubatan.
Ilarawan ang kasiyahang dulot ng pag-awit at pagtugtog.
Turuan ang mga bata na maging masipag at handa sa oras ng pangangailangan.
Anong pagpapahalagang nakapaloob sa pelikulang Pilipino na nagbibigay-diin sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino?
Pagpapahalaga sa materyal na bagay
Pagpapahalaga sa tagumpay sa trabaho
Pagpapahalaga sa pakikipagkaibigan lamang
Pagpapahalaga sa oras at relasyon sa pamilya
Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin sa suliraning pangkapaligiran kagaya ng basura?
Sunugin ang lahat ng basura para mabilis itong mawala.
Itapon ang basura kahit saan basta't malayo sa inyong bahay.
Hayaan na lang ang mga dyanitor o basurero ang maglinis ng kalat.
Paghiwalay ng basura ayon sa uri at hikayatin ang kaklase na gawin din ito.
Dahil sa kanyang ginawa, ano ang pamagat ang angkop gamitin sa talatang binasa tungkol kay Melchora Aquino?
Ina ng Katipunan
Ina ng Rebolusyon
Ina ng Kalayaan
Ina ng mga Bayani
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga ambag ni Melchora Aquino sa kasaysayan ng Pilipinas?
Babaeng Matapang
Kuta ng mga Katipunero
Mga Ambag ni Melchora Aquino
Mga Ambag ng Melchora Aquino
Sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon sa mga flood control projects, nananatiling matatag ang gobyerno ng Pilipinas ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin. Ano ang iyong reaksyon sa pahayag na ito?
Walang kaugnayan ito sa buhay ko.
Hindi na dapat bigyan ng pansin ang mga alegasyon.
Sang-ayon ako dahil bahagi lamang ito ng normal na proseso ng politika.
Hindi ako sang-ayon dahil maaaring magpahina ng tiwala ng taumbayan ang mga alegasyon.
Ayon kay House Infrastructure Committee Chairman Terry Ridon, hindi kuwalipikado ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na maging state witness sa anomalya sa flood control projects. Para sa iyo, ano ang nararapat gawin ng Kagawaran ng Katarungan sa mag-asawang Discaya?
Ipaubaya na lamang sa iba ang desisyon
Huwag na silang kasuhan upang matapos na ang isyu.
Kasuhan sila ng plunder dahil inamin nilang sangkot sila sa anomalya.
Isama sila sa Witness Protection Program kahit sila ay may pagkakasala.
Si Khasandra ay nahihirapan sa paggawa ng talata dahil hindi niya nauunawaan ang ibang salita at tamang baybay ng mga ito sa Ingles. Anong angkop na sanggunian ang maaari niyang gamitin upang mapadali ang kaniyang ginagawa?
Atlas
Almanac
Diksiyonaryo
Ensayklopedyya
Alin sa sumusunod ang pinakamainam na panimulang pangungusap para sa isang kuwentong nagpapaliwanag tungkol sa kalinisan?
Ang pagkain ng kendi ay paborito ng mga bata.
Ang paglalaro sa labas ay masaya tuwing bakasyon.
Maraming bata ang gustong magpunta sa palaruan tuwing hapon.
Masipag maglinis si Ana ng kanilang bakuran araw-araw upang maging ligtas sa sakit.
Isang araw, habang naglalakad ako pauwi galing sa paaralan, nakita ko ang isang matandang lalaki na hirap buhatin ang kanyang mga pinamili. Agad ko siyang tinulungan kahit hindi ko siya kilala. Pagkatapos niya akong pasalamatan, sinabi niya, “Hindi nasusukat sa edad ang kabutihan ng loob.” Ano ang ipinahiwatig ng matandang lalaki sa kanyang sinabi?
Lahat ng matanda ay mababait
Hindi kailangan ng pera para tumulong.
Mas masipag ang mga bata kaysa matanda.
Kahit bata ay maaaring magpakita ng kabutihan.
Nahuli mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay nagsusulit. Ano ang pinakamainam mong gawin sa ganitong sitwasyon?
Tahimik na lumapit sa guro at ipaalam ang iyong nakita.
Kunan ng larawan ang kaklase at ipost ito sa social media.
Tawanan ang iyong kaklase at gayahin ang kanyang ginagawa.
Huwag pansinin ang nakita at ipagpatuloy lang ang pagsusulit.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na wakas ng kwento: Naiwan sina Manuel at Liza sa kalsada at hindi na sila nakauwi. Pinagalitan sila ng kanilang guro dahil nahuli sila sa klase kinabukasan. Hindi pinansin nina Manuel at Liza ang matanda at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dahil tinulungan ng magkapatid ang matanda, sila ay masayang umuwi at hindi pinansin ang pagod.
Naiwan sina Manuel at Liza sa kalsada at hindi na sila nakauwi.
Pinagalitan sila ng kanilang guro dahil nahuli sila sa klase kinabukasan.
Hindi pinansin nina Manuel at Liza ang matanda at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Dahil tinulungan ng magkapatid ang matanda, sila ay masayang umuwi at hindi pinansin ang pagod.
Batay sa iyong dating kaalaman at pag-unawa sa kwento, alin sa sumusunod ang maaaring maging wakas ng kwento?
Pinagalitan si Anna ng kanyang guro dahil tahimik siya.
Tumigil sa pag-aaral si Anna dahil sa dami ng gawaing bahay.
Pinauwi ng maaga si Anna upang hindi siya makahawa ng sakit.
Naging inspirasyon si Anna sa kanyang mga kaklase matapos malaman ng guro ang kanyang pinagdaraanan.
Maraming Pilipino ang naniniwalang ang mga paniki ay bulag at umaasa lamang sa kanilang pandinig upang makalipad sa gabi. Subalit, ayon sa mga siyentipiko, nakakakita rin ang mga paniki gamit ang kanilang mga mata. Ginagamit lamang nila ang echolocation o paglalabas ng tunog upang matukoy ang lokasyon ng kanilang pagkain o hadlang sa paligid. Anong bagong kaalaman ang natutunan mo sa teksto?
Ang mga paniki ay hindi talaga lumilipad sa gabi.
Ang mga paniki ay umaasa lamang sa echolocation at bulag.
Ang mga paniki ay may kakayahang makakita gamit ang echolocation.
Ang mga paniki ay hindi nakakakita at hindi marunong gumamit ng pandinig.
Ang tsokolate ay isang paboritong pagkain ng marami. Noong una, inakala ng mga tao na ito ay simpleng matamis na pagkain lamang. Ngunit ayon sa mga bagong pag-aaral, ang tsokolate – lalo na ang dark chocolate – ay may mga antioxidant na makatutulong sa pagpapababa ng posibilidad ng sakit sa puso kapag kinain sa tamang dami. Maliban sa isa, alin kaya sa sumusunod ang hindi bago sa iyong kaalaman?
May taglay itong antioxidant na mabuti sa puso.
Ang tsokolate ay isang simpleng matamis na pagkain na paborito ng marami.
Ang tsokolate pala, lalo na ang dark chocolate ay may benepisyong pangkalusugan.
Ayon sa binasang talata, tuwing tag-ulan ay laging nagdadala si Marco ng kapote at payong sa paaralan upang hindi siya mabasa kapag biglang bumuhos ang ulan habang pauwi. Isang araw, napansin niyang makulimlim ang langit sa hapon. Ano ang maaaring gawin ni Marco bago siya umuwi?
Hindi siya uuwi at maglalakad sa ulan.
Maglaro muna siya sa labas ng paaralan.
Magpaiwan sa paaralan hanggang tumila ang ulan.
Agad siyang uuwi at gagamitin ang kanyang kapote o payong.
Madalas na umiiyak si Shaina dahil sa mga puna ng hurado tungkol sa kanyang pag-awit, ngunit pinatatag niya ang kanyang loob at ipinangako sa sarili na pagbubutihan pa sa susunod na paghaharap ng limang finalists sa timpalak. Nagsanay siya nang nagsanay hanggang sumapit ang gabi ng pagpili ng tatanghalin na The Voice Teens Champion. Ano ang maaaring mangyari kay Shaina pagsapit ng gabi ng patimpalak?
Nagtanghal siya sa plasa.
Mahusay ang ginawang pagtatanghal ni Shaina.
Sinuspinde siya sa patimpalak dahil nandaya siya sa ensayo.
Hindi siya sumipot sa patimpalak dahil nawalan siya ng gana.
Nagkaroon ng Clean-Up Drive sa barangay. Nakiisa ang mga mag-aaral na nasa ika-anim na baitang kasama ang kanilang gurong tagapayo. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may tamang kayarian ng payak na pang-uri?
Si Vince ay kumakain ng hinog na mangga.
Ang mga bulaklak sa hardin ng mag-asawang Ramon at Leona.
Tumulong ang mga guro, magulang at mag-aaral sa pag-aayos ng gusali.
Ang mga estudyante ay may maliit-liit na kontribusyon ngunit malaki ang naging epekto.
Nag-uusap ang magkakaibigan tungkol sa kanilang mga paboritong pagkain na binibili nila sa tindahan. Nagbigay sila ng mga madalas nilang bilhin na may paglalarawan sa mga ito. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may tambalang pang-uri?
Mahilig si Anna sa matamis na kendi.
Gustong-gusto ni Liza ang ube-aleha na kakanin.
Bumili si Mark ng mainit-init na pandesal sa panaderya.
Si Carlo ay bumili ng malalaking mansanas sa tindahan.
Sa kuwento ng pagbisita sa Baguio, anong damdamin ang naramdaman ng may-akda sa kanyang karanasan?
Naiirita siya dahil sa pagod na kanyang inabot.
Nabigla siya sa dami ng mga puno ng pino na kanyang nakita.
Siya ay nasisiyahan at namangha sa mga tanawin na kanyang nakikita.
Pagod na pagod siya dahil sa pag-akyat nila sa Grotto ng Lourdes.
Sa naging karanasan ng may-akda sa Baguio, alin ang nagpapakita na siya ay maka-Diyos?
Humingi siya ng pag-akyat sa Grotto.
Nagpunta siya sa Grotto at nanalangin sa kabila ng paghingal sa pag-akyat.
Pinagmasdan niya ang mga puno ng pino sa lugar na kanilang pinuntahan.
Masaya niyang tiningnan ang buong Baguio habang sila ay nasa tuktok ng Grotto.
Ayon sa talata tungkol kay Hidilyn Diaz, ano ang paksang isinasaad nito?
Tagumpay sa kabila ng kawalan ng kumpiyansa
Si Hidilyn Diaz at ang kanyang pagkapanalo sa Olympic
Isang makasaysayang pagbabalik sa Pinas ni Hidilyn Diaz
Ang pagbabahagi ni Dr. Trinidad sa walang humpay na pag-eensayo ni Hidilyn.
Bakit mahalaga ang pagkain ng masusustansyang pagkain ayon sa talata?
Nagkakaroon tayo ng lakas para sa pang-araw-araw na gawain at nakakaiwas sa sakit.
Nagkakaroon tayo ng masarap na pagkain sa hapag-kainan araw-araw.
Nagkakaroon tayo ng maraming protina at bitamina sa katawan.
Nagkakaroon tayo ng tamang diyeta para sa mas mabilis na paglaki.
Anong uri ng talata ang isinasaad ng pahayag na: 'nakatutulong upang maging masigla ang ating pag-iisip at maging aktibo sa pag-aaral at trabaho.'?
Naglalahad
Nagsasalaysay
Nagkukuwento
Nagpapaliwanag
Pinagluto ni Aling Nena ng pansit ang mga bisita sa kanilang bahay. Ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit ang ginamit sa pangungusap?
Aktor
Ganapan
Layon
Tagatanggap
Pinagluto ng adobo ni Maria ang kanyang kapatid. Aling pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
Tagatanggap
Ganapan
Gamit
Sanhi
Ikinaluwa ng guro ang mataas na marka ni Ella. Anong pokus ng pandiwa ang isinasaad sa pangungusap?
Sanhi
Tagatanggap
Aktor
Ganapan
Basahin ang pahayag: “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pahayag na ito?
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Pamilang
Naglalaro ng Roblox buong gabi si Carlo kaya hindi siya nakagawa ng takdang-aralin. Ang nakasalungguhit ay ang ng pangyayari.
Sanhi
Bunga
Paksa
Pamagat
Hindi nag-aral si Ana para sa pagsusulit kaya mababa ang kanyang nakuhang marka. Alin ang sanhi ng pangyayari sa pangungusap?
A. Hindi nag-aral ng liksiyon
A. Kaya mababa ang marka
A. Nag-aral si Ana
A. Ang nakuhang marka
Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pang-uri at pang-abay upang maipahayag ang sariling ideya?
A. Magluluto ako ng sinigang na manok sa Sabado.
A. Masayang naglakad ang bata papunta sa malinis na parke.
A. Ang lalaki ay bumili ng tinapay sa panaderya ni Mang Goryo.
A. Tumakbo papunta sa silid-aralan dahil ilang minuto na lang at magkaklase na sila.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa Matematika noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre. Ang marka niya sa Hulyo, 85; Agosto, 87; Setyembre, 90; Oktubre, 90; Nobyembre, 92; at Disyembre, 95. Sa anong buwan nakakuha ng pinakamataas na marka si Liza?
Disyembre
Hulyo
Agosto
Setyembre
1Ang sulatin ay mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, at karanasan ng tao. Layunin nito na magpabatid ng impormasyon upang makapagbahagi ng kaalaman, magpahayag ng saloobin upang maipakita ang damdamin ng manunulat, manghikayat upang mahimok ang iba na sumang-ayon o kumilos, at magbigay-aliw upang maghatid ng kasiyahan sa mambabasa. Alin sa mga sulatin ang sulating pormal?
Edukasyon: Susi sa Kaunlaran
Karanasang Hindi Ko Malilimutan
Ginoo Dela Cruz
Paggawa ng Prutas na Salad
