Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer Arpan 5 Midyear

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan ng tao?

a)

Agham Panlipunan

b)

Heograpiya

c)

Kasaysayan

d)

Ekonomiks

2.

Kung lilikha ka ng isang diorama ng sinaunang pamayanan, alin sa mga elementong dapat mong isama upang maipakita ang kabuuan ng kanilang pamumuhay?

a)

Palengke, modernong gusali, at mga trak

b)

Bahay-kubo, bangka, sakahan, at palitan ng produkto

c)

Paaralan, paliparan, at telepono

d)

Simbahan, mall, at billboard

3.

Ano ang tawag sa teoryang nagsasaad na ang Pilipinas ay nabuo mula sa mga pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat?

a)

Volcanic Theory

b)

Plate Tectonic Theory

c)

Relihiyosong Teorya

d)

Alamat ng Bulkang Mayon

4.

Ano ang layunin ng mga alamat at kuwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?

a)

Upang turuan ang mga tao ng agham

b)

Upang bigyang-paliwanag ang mga kaganapan gamit ang paniniwala at imahinasyon ng mga ninuno

c)

Upang gumawa ng pelikula

d)

Upang ituro ang kasalukuyang mga batas

5.

Paghambingin ang Teoryang Austronesyano at Teorya ng Core Population. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng dalawang teoryang ito?

a)

Pareho silang naniniwala na ang mga sinaunang Pilipino ay mula sa isang relihiyon

b)

Ang Austronesyano ay nagsasabing may migrasyon, habang ang Core Population ay nagsasabing umusbong ang lahi sa mismong lugar

c)

Pareho silang nagmula sa mga alamat

d)

Wala silang pagkakaiba

6.

Kung ikaw ay nakatira sa Ilaya noong sinaunang panahon, anong uri ng pamumuhay ang malamang na iyong isasagawa?

a)

Pangingisda at paggawa ng bangka

b)

Pagbubukid at pangangaso sa kabundukan

c)

Pagtitinda sa pamilihan sa lungsod

d)

Pagsasayaw sa mga paligsahan

7.

Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang pamayanan sa Luzon, Visayas, at Mindanao?

a)

Lakambini

b)

Rajah

c)

Datu

d)

Sultan

8.

A1.    Paano nakatutulong ang primaryang sanggunian sa pag-unawa sa kasaysayan?

a)

Nagsasalaysay ito ng mga kathang-isip

b)

Nagbibigay ito ng direktang impormasyon mula sa mga nakasaksi o lumahok

c)

Inimbento lamang ito ng mga guro

d)

Ginagamit lamang ito sa mga alamat

9.

Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng kaalamang bayan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas?

a)

Plate Tectonic Theory

b)

Volcanic Theory

c)

Alamat ng Malakas at Maganda

d)

Aklat ng Agham

10.

Ano ang tawag sa paraang ginagamit ng mga historyador sa pagsuri ng mga tala at ebidensya mula sa nakaraan?

a)

Pagkukuwento

b)

Paglalakbay

c)

Pananaliksik

d)

Pagsulat ng Tula

11.

Paano mo mailalapat ang konsepto ng Ilawud at Ilaya upang maipaliwanag ang pagkakaiba ng kanilang kabuhayan?

a)

Pagsasabi na pareho silang nasa bundok

b)

Pagsusulat ng kwento kung paano sila nagtutulungan sa palitan ng produkto

c)

Pagpapakita ng larawan ng lungsod at baryo

d)

Paglilista ng pangalan ng mga ilog sa Pilipinas

12.

Bakit masasabing may limitasyon ang kaalamang bayan tulad ng alamat sa pagpapaliwanag ng pinagmulan ng sinaunang tao?

a)

Dahil wala itong sinusunod na estilo

b)

Dahil ito ay hindi kinagigiliwan ng mga bata

c)

Dahil mas mahaba ito kaysa sa mga teoryang agham

d)

Dahil mas mahaba ito kaysa sa mga teoryang agham

13.

Alin sa mga sumusunod na tanong ang makatutulong upang masuri ang bisa ng Teoryang Austronesyano bilang paliwanag sa pinagmulan ng sinaunang tao?

a)

Ano ang paboritong pagkain ng mga sinaunang Pilipino?

b)

Saan nagmula ang pangalan ng Pilipinas?

c)

Ano ang mga ebidensya ng pagdating ng Austronesyano mula sa ibang bahagi ng Asya?

d)

Anong alamat ang pinakapopular sa inyong lugar?

14.

Kung ikaw ay mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng sinaunang pamayanan, bakit mahalagang isaalang-alang ang kanilang lokasyon?

a)

Para malaman ang kasalukuyang populasyon

b)

Para matukoy kung anong alamat ang pinaniniwalaan nila

c)

Para maunawaan kung paano nakaapekto ang kapaligiran sa kanilang pamumuhay at

ugnayan sa isa’t isa

d)

Para malaman kung sino ang kanilang pinuno

15.

Ano ang tawag sa uri ng sistemang pangkalakalan na ginagawa sa loob ng bansa??

a)

Panlabas na Kalakalan

b)

Kalakalang Galyon

c)

Panloob na Kalakalan

d)

Sistemang Tributo

16.

Anong sitwasyon ang nagpapakita ng mas malalim na pagsusuri sa pagitan ng agham at kaalamang bayan bilang batayan ng pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas?

a)

Pagsulat ng tula tungkol sa alamat

b)

Pagkakabisado ng pangalan ng mga Austronesyano

c)

Pagsusuri ng ebidensyang arkeolohikal at paghahambing nito sa mga alamat

d)

Pagdrowing ng larawan ng sinaunang tao

17.

Ano ang epekto ng pagkakaroon ng kapuluan sa pagkakaiba-iba ng wika at kultura sa sinaunang Pilipinas?

a)

Lalong napadali ang pagkakaisa ng bansa

b)

Nagkaroon ng mas maraming paglalakbay sa kalawakan

c)

Lahat ay natutong magsalita ng iisang wika

d)

Nagkaroon ng sari-saring wika at kultura sa bawat pamayanan

18.

Alin sa mga sumusunod ang kabuhayan na karaniwang isinasagawa sa mga pamayanang malapit sa dagat?

a)

Pangangaso

b)

Pangingisda

c)

Pagsasaka

d)

Pagpapanday

19.

Ano ang papel ng kababaihan sa sinaunang lipunan sa Pilipinas?

a)

Tagapangalaga lamang ng tahanan

b)

Walang karapatang magmay-ari ng ari-arian

c)

Maaaring maging pinuno, tagapamagitan, at tagapangalaga ng kayamanan

d)

Hindi pinahihintulutang makilahok sa kalakalan

20.

Sa paggawa ng isang presentasyon tungkol sa pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas, anong paraan ang higit na angkop upang mailahad ang Teoryang Austronesyano?

a)

Pagsulat ng tula tungkol sa kasalukuyang kabataan

b)

Paggawa ng diorama na nagpapakita ng migrasyon ng mga Austronesyano

c)

Pag-awit ng isang kantang makabayan

d)

Paggamit ng mapa ng modernong Pilipinas

21.

Ano ang tawag sa kabuuan ng paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao?

a)

Kasaysayan

b)

Kalikasán

c)

Kalinangan

d)

Katutubo

22.

Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng di-materyal na kalinangan?

a)

Kagamitan

b)

Paniniwala

c)

Palayok

d)

Gusali

23.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng materyal na kalinangan?

a)

Pananampalataya

b)

Pilosopiya

c)

Bahay kubo

d)

Panitikan

24.

Bakit mahalaga ang pag-aaral ng sinaunang kalinangan?

a)

Para malaman ang relihiyon

b)

Para malaman ang mga produkto

c)

Para maunawaan ang pamumuhay noon

d)

Para hindi na balikan ang nakaraan

25.

Ang wika, paniniwala, at tradisyon ay bahagi ng anong uri ng kalinangan?

a)

Materyal

b)

Ekonomiya

c)

Di-materyal

d)

Agham

26.

Ang mga pamayanan noong sinaunang panahon ay kadalasang matatagpuan malapit sa:

a)

Paaralan

b)

Kabundukan

c)

Anyong-tubig

d)

Disyerto

27.

Ang pamumuhay ng mga tao ay naaayon sa alin sa mga sumusunod?

a)

Kapaligiran

b)

Ulam nila at mga kinakain

c)

Halalan at sistema ng pamahalaan

d)

Panahon at klima

28.

Alin sa mga sumusunod ang pagkakatulad ng mga sinaunang kalinangan?

a)

Pare-pareho ng wika

b)

May organisadong pamahalaan

c)

Pareho silang nasa disyerto at may iisang pinuno

d)

Lahat ay may hari at pareho ng relihiyon

29.

Ang pananamit, pagkain, at sining ay bahagi ng alin?

a)

Materyal na kalinangan

b)

Di-materyal na kalinangan

c)

Teknolohiya at agham

d)

Pamumuno at relihiyon

30.

Ang pagsusuri ng kultura ay tumutulong sa atin upang:

a)

Maunawaan ang ating pagkakakilanlan

b)

Makalimutan ang kasaysayan

c)

Lumipat sa ibang bansa

d)

Huwag tangkilikin ang dayuhan

31.

Ano ang layunin ng mga misyonerong Muslim sa Timog-Silangang Asya?

a)

Ipalaganap ang Islam

b)

Manakop ng lupa at magturo ng agrikultura

c)

Magbenta ng kalakal

d)

Magturo ng agrikultura at magbenta ng kalakal

32.

Isa sa epekto ng ugnayan sa ibang kalinangan ay:

a)

Pagbabago sa kultura

b)

Hindi na natuto ang mga tao

c)

Pag-aaway ng mga tribo

d)

Pagkalimot sa sariling wika

33.

Paano nakarating ang kalinangang Asyano sa Pilipinas?

a)

Dahil sa kalakalan

b)

Dahil sa lindol

c)

Dahil sa ulan

d)

Dahil sa digmaan

34.

Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa ibang bansa?

a)

Pagkakaroon ng relihiyon

b)

Pagbabago sa pagkain

c)

Pagbabago sa pananamit

d)

Pagkaubos ng hayop

35.

Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang nagpadala ng mga misyonerong Muslim sa Pilipinas?

a)

Malaysia

b)

Tsina

c)

India

d)

Japan

36.

Ang salitang 'sultan' ay nagpapahiwatig ng:

a)

Pinunong Muslim

b)

Lider ng pamahalaang Katoliko

c)

Alagad ng sining

d)

Guro

37.

Bakit naging bukas ang Pilipinas sa mga impluwensya ng ibang bansa?

a)

Dahil tayo ay nasa gitna ng rutang pangkalakalan

b)

Dahil gusto natin ng bago

c)

Dahil tayo ay nakahiwalay

d)

Dahil wala tayong sariling kultura

38.

Ano ang ibig sabihin ng 'ugnayan'?

a)

Pagkakaugnay

b)

Awayan

c)

Pagkakahiwalay

d)

Pagkakaroon ng digmaan

39.

Isa sa mga pamana ng mga Asyano sa ating kultura ay:

a)

Relihiyon

b)

Teleserye

c)

Makabagong teknolohiya

d)

Kolehiyo

40.

Ang pagpapalitan ng kalakal ay paraan ng:

a)

Ugnayan

b)

Digmaan

c)

Pamumuno

d)

Edukasyon