Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 7 QUIZ

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. Anong kaisipan ang ipinapahayag ng karunungang bayan?

a)

maging mabuti sa kapuwa

b)

maniwala sa sinasabi ng iba

c)

makinig sa sinasabi ng nakararami

d)

matutong suriin ang mga sinasabi ng iba bago maniwala

2.

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. Anong elemento ng karunungang bayan ang tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod at pagkakatulad ng mga dulong pantig ng mga hulihang salita nito?

a)

sukat at tugma

b)

persona at sukat

c)

estilo at talinghaga

d)

talinghaga at tugma

3.

Ano ang paliwanag sa pahiwatig ng linya ng awiting bayang, “Magtanim ay 'di biro, Maghapong nakayuko, Hindi man lang makaupo, Hindi man lang makatayo”?

a)

pagkakaroon ng pag-asa

b)

pag-asam sa pagbabago ng takbo ng buhay

c)

pagiging masigasig at matiyaga sa pagtatanim

d)

pangangamba na hindi na muling makapagtanim

4.

“Paruparong bukid na lilipad-lipad, Sa gitna ng daan papagapagaspas,” ano ang paliwanag sa larawang diwa o imahen ng awiting bayan?

a)

maliksing pumapasyal ang babae

b)

mahinhin at mayumi ang dalagang Pilipina

c)

malayang nakalalabas ang persona sa awit

d)

maligaya ang babaeng nakikipag-usap sa lahat

5.

Batay sa epikong Alim ng mga Ifugao, alin sa sumusunod na kaugnay na kaisipang moral ang kanilang nalabag?

a)

paninirahan sa bundok

b)

pangangahoy sa kabundukan

c)

nagpaningas ng apoy sa kabundukan

d)

pagkakaroon ng anak nilang magkapatid

6.

Kung ikaw ang tauhan sa epikong Alim, gagawin mo rin ba ang paglabag na moral na ginawa ng magkapatid?

a)

Oo, dahil mahal ko siya.

b)

Oo, dahil iyon ang kagustuhan nila.

c)

Hindi, dahil hindi ko naman siya gusto.

d)

Hindi, dahil naniniwala ako na mali ang pumatol sa aking kapatid.

7.

Batay sa larawan, saan naganap ang epiko?

a)

sa kabundukan

b)

sa gitna ng kagubatan

c)

sa malawak na hardin ng palasyo

d)

sa isang lugar na napaliligiran ng dagat

8.

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin. Ayon sa mahalagang pangyayari sa epikong Alim, kailan naganap ang epiko?

a)

panahon ng Hapon

b)

panahon ng Kastila

c)

panahon ng mga Amerikano

d)

panahong saganang-sagana pa ang mga lupain

9.

Ano ang pangunahing paksa ng awiting bayang, Magtanim ay ‘Di Biro?

a)

paghihirap sa buhay

b)

pagmamahal sa bayan

c)

pagmamahal sa pamilya at pagsasakripisyo sa buhay

d)

pagsasakripisyo sa gawaing pagtatanim para sa pagmamahal sa pamilya

10.

Ano ang layon ng awiting bayang, Magtanim ay ‘Di Biro?

a)

matutong magpakumbaba

b)

maging mapagmahal sa kapaligiran

c)

maging masikap at matiyaga sa araw-araw

d)

matutong tumanaw ng utang na loob sa kapuwa

11.

Anong mahahalagang impormasyon ang maaaring itala batay sa kahulugan ng awiting bayan?

a)

pag-ibig sa kapuwa

b)

pagmamahal sa bayan

c)

pagmamahal sa kalikasan

d)

kultura, kaugalian, pamumuhay, at tradisyon

12.

Batay sa kahulugan ng komiks, ano ang mahahalagang impormasyon ang maaaring itala?

a)

libangan ng mga katutubo

b)

makabagong anyo ng panoorin sa telebisyon

c)

makabagong anyo ng panitikan na naglalaman ng biswal at dayalogo ng mga tauhan

d)

kinikilalang makabagong libangan na kinagigiliwan ng mga kabataan sa makabagong panahon

13.

Ano ang estilo ng paglalahad ang ginamit sa sipi?

a)

paglalahad

b)

paglalarawan

c)

pagtutulad at paghahambing

d)

pangangatwiran

14.

Paano nakatutulong ang kohesiyong gramatikal sa teksto?

a)

nagpapadali ng pagsusulat

b)

nagbibigay-saysay sa pagbasa

c)

nagbibigay-aliw sa mambabasa

d)

nag-uugnay ng ideya upang maging malinaw ang diwa

15.

Suriin ang komiks istrip, ano ang gamit ng elementong kuwadro ng salaysay?

a)

nagsasalaysay ng mga banghay sa komiks

b)

naglalarawan ito ng mga saloobin ng tauhan

c)

nagpapaliwanag ito ng mga aksyon ng tauhan

d)

naglalaman ito ng bahagi ng komiks na hindi maipaliwanag ng mga dayalogo

16.

Ayon sa komiks istrip, ano ang paliwanag sa nilalaman ng elemento ng pamagat ng komiks?

a)

nagpapakilala sa mga tauhan

b)

naglalaman ng pamagat ng komiks

c)

nagpapaliwanag sa mga pangyayari

d)

nagpapahayag ng usapan ng mga tauhan

17.

Batay sa tekstong biswal, ano ang kaugnay na kahulugan nito?

a)

Bawal ang babae at lalaki sa restroom.

b)

Babae lamang ang maaaring pumasok sa restroom.

c)

Lalaki lamang ang maaaring pumasok sa restroom.

d)

Maaaring gumamit ng restroom ang babae at lalaki.

18.

Ano ang kaugnay na kahulugan na ipinapahiwatig ng tesktong biswal?

a)

Ipinahihiwalay ang upuan ng mga person with disability.

b)

Ipinagbabawal ang pagdaan ng mga person with disability.

c)

Inirerekomendang manatili doon ang mga person with disability.

d)

Itinuturo ang partikular na daan na nakalaan para sa mga person with disability.

19.

Sino ang matapang at makapangyarihan pagdating sa pakikipaglaban mula sa epiko ng mga Ilocano?

a)

Alim

b)

Bugan

c)

Lam-ang

d)

Wigan

20.

Mula sa epikong Alim, sino ang lalaking naging asawa ang sariling kapatid at inalay ang anak dahil sa tagtuyot na kanilang pinagdaanan?

a)

Alim

b)

Bugan

c)

Lam-ang

d)

Wigan

21.

Nabihag si Lam-ang ng mga kalaban. Anong angkop na dayalogo ang dapat itala sa speech balloon na nagpapakita ng kaniyang katapangan?

a)

Maawa na kayo! Magbabago na ako!

b)

Pakawalan ninyo ‘ko dito! Maawa na kayo!

c)

Makawala lang ako rito! Hindi ko na kayo guguluhin!

d)

Makawala lang ako dito! Lagot kayo sakin! Uubusin ko kayong lahat !

22.

Laging nagpapaalala ang guro ni Jara na laging manalangin bago matulog. Anong angkop na dayalogo sa speech balloon ang itatala mo na nagpapakita ng pagiging magalang sa pananalita ng guro?

a)

Ikaw, magdasal ka lagi ah.

b)

Magdarasal ka kasi, hindi higa agad!

c)

Magdasal kayo, hindi puro cellphone.

d)

Mga anak, ugaliin ninyo ang manalangin bago matulog.

23.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na layout para sa pabalat?

a)

Imahe ng mga produkto ng bansa

b)

Iba’t ibang hayop na naglalaro sa bukirin

c)

Imahe ng kalikasan at bundok, walang teksto

d)

Larawan ni Bonifacio na nakataas ang bolo, may pamagat sa itaas

24.

Anong elemento ng tekstong biswal ang dapat bigyang-diin upang makita agad ng mambabasa ang tema ng comic book?

a)

Sukat ng papel

b)

Dami ng pahina

c)

Kulay at simbolo

d)

Halaga ng teksto

25.

Paano masisiguro na kaakit-akit ang pabalat?

a)

Gumamit ng mahahabang talata sa harap

b)

Lagyan ng mas maraming teksto sa pabalat

c)

Gamitin ang maraming kulay nang walang pag-uugnay

d)

Gumamit ng maayos na kombinasyon ng kulay, malinaw na pamagat, at angkop na imahe

26.

Sa alamat na “Ang Pinagmulan ng Bohol”, alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo ng pulo?

a)

Pagkuha ng maliit na pagong ng kidlat sa ulap.

b)

Pagkahulog ng anak ng Datu sa daluyan ng tubig

c)

Pagdala ng palaka ng buhangin upang maging pulo

d)

Pag-akyat ng mga ibon sa bundok upang maghanap ng pagkain

27.

Kung ilalarawan mo ang pulo ng Bohol batay sa alamat, alin sa sumusunod ang pinakamalapit na tatlong salita upang mas mailarawan ito?

a)

mabunga, maliit, malungkot

b)

malamig, madilim, malungkot

c)

mabato, mababa, mapanganib

d)

mapayapa, masagana, maliwanag

28.

Batay sa sanaysay hinggil sa Austronesian, paano nakaugnay ang pamumuhay ng mga Austronesian sa pag-usbong ng panitikang tuluyan ng mga Pilipino?

a)

Sa kanilang pakikidigma, kaya’t ang lahat ng akda ay umiikot sa labanan.

b)

Sa kanilang pagpapanday at pagpapalayok, kaya’t naging tanyag ang mga kuwentong bayan.

c)

Sa kanilang pag-aalaga ng hayop, kaya’t nakapaloob sa panitikan ang kasaysayan ng mga baboy at kambing.

d)

Sa kanilang pagiging mahusay na mandaragat, kaya’t nakatampok sa mga akda ang pangingisda at paggamit ng bangka.

29.

Batay sa pabula na “Ang Uod at ang Alitaptap”, alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng tamang pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari sa kuwento?

Mga Pangyayari:

                             I.        Naging makulay na paruparo ang uod.

                            II.        Nanatili lamang ang uod sa isang dahon at ayaw gumalaw.

                          III.        Dumating ang alitaptap at inalok ang uod na magbasa ng aklat.

IV. Natutong magbasa ang uod at nadiskubre ang mas malaking mundo

a)

II – III – IV – I

b)

I – II – IV – III

c)

II – I – IV – III

d)

IV – II – I – III

30.

Kung iuugnay mo ang pabula sa iyong sariling karanasan, alin sa sumusunod ang pinakamalapit na aral na maaari mong makuha?

a)

Ang pagbabasa ay nagbibigay ng aliw sa tao.

b)

Ang pagbabasa ay walang kinalaman sa tagumpay.

c)

Ang pagbabasa ay ginagawa lamang kung may libreng oras.

d)

Ang pagbabasa ay nagbubukas ng bagong kaalaman at pagkakataon para sa pagbabago.

31.

Sa pabula, ginamit ang mga salitang “lumipad,” “liwanag,” at “pagbabago.” Ano ang masasabing bisa ng mga salitang ito sa mambabasa?

a)

Nagpapakita ito ng pagod at panghihina.

b)

Wala itong ipinahihiwatig na damdamin.

c)

Nakapagdudulot ito ng takot sa mga hayop.

d)

Nagdudulot ito ng saya at inspirasyon para magsikap.

32.

Ano ang kultural na pagpapahalaga ang binibigyang-diin ng pabula?

a)

Pagpapahalaga sa kayamanan

b)

Pagpapahalaga sa lakas at bilis

c)

Pagpapahalaga sa sipag at tiyaga

d)

Pagpapahalaga sa kapangyarihan

33.

Sino ang pangunahing tauhan sa eksena?

a)

Ama ni Juan

b)

Guro

c)

Proyekto

d)

Juan

34.

Ano ang pangunahing tunggalian sa eksena?

a)

tao laban sa tao

b)

tao laban sa sarili

c)

tao laban sa kalikasan

d)

tao laban sa suliranin sa buhay

35.

Ano ang ipinapahiwatig ng dula tungkol sa pananaw ng may-akda sa edukasyon at lipunan?

a)

Hindi mahalaga ang proyekto kaya’t pinapaliban ito ng guro

b)

Mahigpit at walang konsiderasyon ang mga guro noong panahong iyon

c)

Mas mahalaga ang pagsunod sa patakaran kaysa sa kalagayan ng mag-aaral

d)

Pinapahalagahan ng lipunan ang pag-unawa at malasakit sa kalagayan ng mag-aaral

36.

Batay sa balitang “Reporma sa edukasyon masasayang kung walang sapat na silid-aralan”, alin sa sumusunod ang malinaw na sanhi ng problema sa sistema ng edukasyon ayon kay Usec. Epimaco Densing III?

a)

Pagdami ng mga guro sa bansa

b)

Pagbabago sa kurikulum ng DepEd

c)

Paglipat ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan

d)

Kakulangan ng pondo ng pamahalaan para sa silid-aralan

37.

Ayon sa teksto, alin ang naiibang sitwasyon ng mga mataong lugar tulad ng Cebu at Metro Manila kumpara sa mga rural na lugar?

a)

may sapat na pondo

b)

kakaunti ang mag-aaral

c)

nangangailangan ng dagdag na silid-aralan

d)

nangangailangan ng mas maraming guro ang mga paaralan

38.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng bunga ng kakulangan sa silid-aralan at suliranin at solusyon sa sistemang pang-edukasyon?

a)

Ang pagbabago sa wika ng sulating teknikal ay nagbigay ng bagong silid-aralan para sa mga mag-aaral.

b)

Ang mga reporma sa edukasyon ay naging dahilan ng paglipat ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan.

c)

Ang ebolusyon ng panulat mula sa panitikan patungo sa teknikal ay nagdulot ng mas maraming guro sa bansa.

d)

Ang kakulangan ng silid-aralan ay nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng pagtuturo, kaya’t iminungkahi ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor at dayuhang pamahalaan.

39.

Ano ang paksa ng teksto?

a)

Husay sa pagbigkas ng tula

b)

Galing sa paggawa ng poster

c)

Patimpalak tuwing Buwan ng Wika

d)

Karunungan sa pagsulat ng sanaysay

40.

Ano ang ipinapahiwatig ng teksto tungkol sa pagbabasa ng e-book at nakaimprentang aklat?

a)

Dapat ipagbawal ang paggamit ng e-book sa paaralan.

b)

Mas mabagal ang pagbabasa ng e-book kaysa sa aklat.

c)

Mas nakakaaliw ang e-book kaya hindi na kailangan ng aklat.

d)

Ang e-book at nakaimprentang aklat ay may kani-kaniyang benepisyo.

41.

Ano ang papel ng tekstong ekspositori sa paglalahad ng isyu?

a)

Nililibang lamang nito ang mga mambabasa.

b)

Nagpapahayag ito ng damdamin ng may-akda.

c)

Nagpapakita ng problema at nagbibigay ng mungkahi para sa solusyon.

d)

Paglalahad at pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga halaman.

42.

Batay sa binasang sipi, paano ipinakita ng tekstong ekspositori ang ugnayan ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Ipinakita lamang nito ang personal na karanasan ni Emilio Aguinaldo

b)

Ipinakita lamang nito ang damdamin ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyon.

c)

Ipinakita nito ang sunod-sunod na pangyayari mula kalayaan hanggang sa panibagong pananakop.

d)

Ipinakita nito ang malaking pagkakaiba ng antas ng pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino noon at ngayon.

43.

Anong katangian ng tekstong pang-instruksyon ang makikita sa resipe?

a)

Nagbibigay ito ng datos at estadistika upang manghikayat.

b)

Gumagamit ito ng sunod-sunod na hakbang sa pagtupad ng layunin.

c)

Gumagamit ito ng tauhan at banghay upang aliwin at libangin ang mambabasa.

d)

Naglalahad ito ng mga damdamin at opinyon ng may-akda na nakaapekto sa mambabasa.

44.

Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng ekspositori?

a)

Ang pakikipaglaro ng video games ay mas mahalaga kaysa sa pag-aaral.

b)

Napakalungkot na makita ang mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan.

c)

Suportahan ang proyekto ng pamahalaan at pribadong sektor para sa pantay na oportunidad ng lahat ng kabataan sa pag-aaral.

d)

Kung ako ang may kasalanan, hihingi ako ng tawad at magpaparusa sa sarili dahil alam kongi sang malaking pagkakamali ang aking nagawa.

45.

Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng elementong ginamit sa poster?

a)

Ginamit ang talinghaga at tugma upang gawing tula ang teksto.

b)

Ginamit ang berde at larawan ng puno upang ipakita ang kahalagahan ng kalikasan.

c)

Ipinakita ang mga tauhan, tagpuan at banghay upang aliwin at libangin ang mambabasa.

d)

Nilalarawan ang damdamin at emosyon ng may-akda sa isang malungkot na pangyayari.

46.

Paano nakatutulong ang paggamit ng kulay at simbolo upang maiparating ang mensahe ng poster?

a)

Wala itong kinalaman sa paksang tinatalakay sa poster.

b)

Nagpapalakas ito sa mensahe tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

c)

Nagpapakita ito ng emosyon ng may-akda tungkol sa kalungkutan at kapighatian.

d)

Nakalilito ito sa mambabasa dahil masyadong matingkad ang mga ginamit na kulay.

47.

Paano nakatutulong ang mga elementong biswal ng poster (kulay berde, larawan ng puno, batang nagtatanim) sa pag-unawa sa mensahe nito?

a)

A.   Ipinapakita nitong ang kalikasan ay hindi mahalaga sa lipunan.

b)

A.   Ginagamit lamang ang mga elemento bilang palamuti at walang kinalaman sa mensahe.

c)

A.   Ipinapakita nitong ang pagtatanim ay isang masayang gawain na may positibong epekto sa kinabukasan.

d)

A.   Ipinapakita nitong ang poster ay para lamang sa mga bata at hindi angkop sa mas matatandang mamamayan.

48.

Alin sa sumusunod ang pinakamainam na tipo ng brochure na maaaring gamitin sa paggawa ng bayograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda?

a)

Travel brochure na nagtatampok ng iba’t ibang lugar

b)

Resipe brochure na nagpapakita ng iba’t ibang lutuin

c)

Medical brochure na naglalaman ng mga sakit at gamot

d)

Comic book brochure na naglalarawan ng buhay ng tauhan

49.

Habang binabalangkas ang comic book brochure, napansin mong kulang ang dayalogo upang mailarawan ang isang mahalagang tagpo sa buhay ng tauhan. Ano ang dapat mong idagdag?

a)

Pamagat at pangalan ng akda lamang

b)

Listahan ng mga petsa ng mahahalagang pangyayari

c)

Caption at dayalogo na malinaw na naglalarawan ng tauhan

d)

Makukulay na disenyo at dekorasyon gamit ang matitingkad na kulay

50.

Kung ikaw ang gagawa ng comic book brochure tungkol sa isang tauhan, paano mo maipakikita ang pagiging malikhain at maayos na presentasyon ng burador?

a)

Gamitin ang tamang tipo, sulat, tupi, at kulay

b)

Gumamit ng maraming salita nang walang larawan

c)

Kopyahin nang buo ang teksto mula sa binasang akda

d)

Ipakita lamang ang mga larawan nang walang paliwanag